You are on page 1of 35

PAMANAHONG

PAPEL
Pamanahong Papel

Ito ay Isang uri ng papel-pampananaliksik na


karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa
kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa
isang larangang akademiko.

Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na


gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa
isang kurso o asignatura sa loob ng isang panahon
o term.
Pamanahong Papel

Ang sulating pananaliksik ay isang


paglalahad ng kinalabasan ng isang
pagtuklas at pagtatalakay ng mga
bagay-bagay hango sa mga nakalap
na impormasyon mula sa mga inilathala
ng mga taong nagsaliksik at nag-aral
tungkol sa iba’t ibang paksa.
Bahagi ng Pamanahong papel

Mga Pahinang Preliminari o Front Matters


Kabanata 1: Ang Suliranin at kaligiran Nito

Kabanata II: Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Kabanata V: Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Mga Panghuling Pahina


1. Mga Pahinang
Preliminari o Front
Matters
FLY LEAF 1

Ito ang pinakaunang pahina ng


pamanahong papel. Walang nakasulat
na kahit na ano sa pahinang ito
Pamagitang Pahina

Ito ang pahinang nagpapakilala sa


pamagat ng pamanahong-papel
Dahon ng Pagpapatibay

Ito ang pahinang kumukumpirma sa


pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng
pamanahong papel.
Pasasalamat at Pagpapakilala

Sa pahinang ito tinutukoy ng


mananaliksik ang mga indibidwal,
pangkat, tanggapan o institusyong
maaaring nakatulong sa pagsulat ng
pamanahong papel at kung gayo’y
nararapat pasalamatan o kilalanin.
Talaan ng Nilalaman

Dito nakaayos ang pagbabalangkas


ng mga bahagi at nilalaman ng
pamanahong papel at nakatala ang
kaukulang bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.
Talaan ng Talahanayan at Grap

Dito nakatala ang bawat pamagat ng


bawat talahanayan at/o grap na nasa
loob ng pamanahong papel at ang
bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.
Fly Leaf 2

Ito ay isa na namang blangkong pahina


bago ang katawan ng pamanahong
papel.
2. Kabanata I:
Ang Suliranin at Kaligiran
Nito
PANIMULA O INTRODUKSYON

Ito ay isang maikling talataang


kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng pananaliksik
LAYUNIN SA PAG–AARAL

Dito nilalahad ang layunin o dahilan


kung bakit isinasagawa ang
pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na
suliranin na nasa anyong patanong.
KAHALAGAHAN NG PAG–AARAL

Dito inilalahad ang signipikans na


pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa
ng pag-aaral.
SAKLAW AT LIMITASYON

Tinutukoy dito ang simula at hangganan


ng pananaliksik.
DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA

Dito itinatala ang mga katawagang


makailang ginamit sa pananaliksik at
ang bawat isa’y binibigyang kahulugan.
3. Kabanata II:
Mga Kaugnay na Pag-aaral
at Literatura
Kabanata II:
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Tinutukoy rito ang kaugnay na literatura o babasahing may


kaugnayan sa pananaliksik
Dito tinutukoy kung sino-sino ang mga may-akda ng naunang
pag-aaral o literature, desinyo ng pananaliksik na ginamit,
mga layunin at mga resulta ng pag-aaral

Dito ipinaaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado


ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.

Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon.

Piliting gumamit ng local at dayuhan

Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o


relevant sa pag-aaral; at sapat ang dami o hindi
napakakaunti o napakarami.
4. Kabanata III:
Disenyo at Paraan ng
Pananaliksik
DISENYO NG PANANALIKSIK

Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik


ang kasalukuyang pag-aaral.
Halimbawa Deskriptib-Analitik - isang
disenyo ng pangangalap ng mga
datos at impormasyon hinggil sa mga
salik o factors na kaugnay ng paksang
pananaliksik.
RESPONDENTE NGSARBEY

Kung ilan sila at paano at bakit sila ang


napili.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Inilalarawan ang paraang ginamit ng


pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon. Sa bahaging ito, maaaring
mabanggit ang interbyu o pakikipanayam,
pagko-conduct ng sarbey at pagpapasagot ng
sarvey-kwestyuneyr sa mga respodente bilang
pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang
aplikable sa isang deskriptib-analitik na disenyo.
TRITMENT NG MGA DATOS

Inilalarawan kung anong istatestikal na paraan


ang ginamit upang ang mga numerical na datos
ay mailarawan. Sa pamanahong papel, sapat na
ang pagkuha ng porsyento o bahagdan
matapos mai-tally ang mga kasagutan sa
kwestyuner ng mga respondente.
5. Kabanata IV:
Presentasyon at
Interpretasyon ng mga
Datos
PAGLALAHAD NG MGA DATOS NANAKALAP

Ito’y paglalahad at presentasyon ng


mga datos na nakalap sa
pamamagitan ng paggamit ng
tekstwal, tabular, grapikal, bar,
pictograp, pie o bilog na grap, at
talangguhit na presentasyon. Makikita
rin dito ang gabay sa paggawa ng
presentasyong nakalap.
6. Kabanata V:
Lagom, Kongklusyon, at
Rekomendasyon
LAGOM

Binubuod ang mga datos at


impormasyong nakalap ng
mananaliksik na komprehensibong
tinatalakay sa kabanata III.
KONGKLUSYON

Mga inferences, abstraksyon,


implikasyon, interpretasyon, at
impormasyong nakalap ng
mananalikisik.
REKOMENDASYON

Mga mungkahing solusyon para sa mga


suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.
7. Mga Panghuling pahina
LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Isang kompletong tala ng lahat ng mga


hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng
pamanahong papel.
APENDIKS/DAHONG–DAGDAG

Maaaring ilagay o ipaloob dito ang


liham, pormularyo ng ebalwasyon,
transkripsiyon ng interbyu, sampul ng
sarbey-kwestyuneyr, bio-data ng
mananaliksik, mga larawan, kliping at
kung anu-ano pa.
PAG-ISIPAN
BAKIT
HINDI
SAPAT
ANG
SAPAT
LANG???

You might also like