You are on page 1of 12

PAMANAHONG PAPEL

Paggawa ng Thesis

·
Irish Dhesyrie Gagante Jhevelyn Pagtalunan
PAMANAHONG PAPEL

Ang pamanahong papel o sulating pananliksik


ay isang paglalahad ng kinalabasan ng isang
pagtuklas at pagtatalakay ng mga bagay-bagay
ayon sa mga nakalap na impormasyon mula sa
mga inilathala ng mga taong nagsaliksik at nag-
aral tungkol sa iba’t-ibang paksa.
1 MGA PAHINANG PRELIMINARI O
FRONT MATTERS

2 KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT


KALIGIRAN NITO

3 KABANATA II: MGA KAUGNAY NA


PAG-AARAL AT LITERATURA

4 KABANATA III: DISENYO AT PARAAN


NG PANANALIKSIK

5 KABANATA IV: PRESENTASYON AT


INTERPRETASYON NG MGA DATOS
MGA BAHAGI NG
PAMANAHONG PAPEL
6 KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON
at REKOMENDASYON

7 MGA PANGHULING PAHINA


THESIS MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS

Fly Leaf 1
ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang
ito sa madaling salita blangkong papel ito.

Pamagating Pahina
ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung
kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito
pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted
pyramid ang pagkakaayos nito.

Dahong Pagpapatibay
ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.

Pasasalamat o Pagkilala
tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa
pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.
THESIS MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS

Talaan ng Nilalaman
nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng
pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung
saan matatagpuan ang bawat isa.

Talaan ng Talahanayan o graf


nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob
ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan
ang bawat isa.

Fly Leaf 2
isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong
papel.
THESIS KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang Panimula o Introduksyon


>ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik.

Layunin ng Pag-aaral
> inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.
>Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

Kahalagahan ng Pag-aaral
> inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon
>tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik

Definisyon ng mga Terminolohiya


>ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng
kahulugan. Maaaring itong:
Operational na Kahulugan - kung paano ito ginamit sa pananaliksik
Conceptual na Kahulugan - istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.
THESIS KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA

tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o


literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik

tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung


taon.

gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.


THESIS KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG
PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong
pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang
disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors
na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

Respondente
tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.

Instrumento ng Pananaliksik
inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung
paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.

Tritment ng mga Datos


inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal
na datos ay mailalarawan.Dahil ito’y isang pamanahong papel lamang, hindi
kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha
ng porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga
respondente.
THESIS KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON
NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap


ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at
Tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad
ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.
THESIS KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at
REKOMENDASYON
Lagom
Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng
mananaliksik na komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.

Konklusyon
Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon,
interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay
sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.

Rekomendasyon
Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning
natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.
THESIS MGA PANGHULING PAHINA

Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng


lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.

Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring


ilagay o ipaloob dito ang mga liham, formularyo ng
evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng
sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga
larawan, kliping, at kung anu-ano pa.
THANKS

You might also like