You are on page 1of 3

Ang Pamanahong Papel

Pamanahong Papel –isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa


sa mgaestudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang
akademiko. Ito aykadalasang kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-
aaral ng isang paksa.Tinatawag din itong term paper.

BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL


MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS
a) Fly Leaf 1 – ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa
pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.

b) Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel.


Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito
pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid
ang pagkakaayos nito.

c) Dahong Pagpapatibay – ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng


mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.

d) Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik


sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.

e) Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman


ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.

f) Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o


graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.

g) Fly Leaf 2 – isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong
papel.
KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

a) Ang Panimula o Introduksyon

-ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa


ng pananaliksik.

b) Layunin ng Pag-aaral - inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit


isinasagawa ang pag-aaral.

-Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

c) Kahalagahan ng Pag-aaral - inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng


pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa
nasabing pag-aaral.

d) Saklaw at Limitasyon -tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik

e) Definisyon ng mga Terminolohiya -ang mga katawagang makailang ginamit sa


pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan.

Maaaring itong:

Operational na Kahulugan – kung paano ito ginamit sa pananaliksik .

Conceptual na Kahulugan – istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

 tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa


ng pananaliksik
 tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
 gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

a. Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang


kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang
pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at
imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

b. Respondente – tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.
c. Instrumento ng Pananaliksik – inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik
sa pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na
kanyang ginawa at kung maari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.

d. Tritment ng mga Datos – inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit
upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong-
papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat
na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang mga kasagutan sa
kwestyoneyr ng mga respondente.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

• Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa


pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng
mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON

a) Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na


komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.

b) Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,


pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap
ng mananaliksik.

c) Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning


natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.

MGA PANGHULING PAHINA

• Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o


sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.

• Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang
mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-
kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano p

You might also like