You are on page 1of 3

ANG PAMANAHONG PAPEL

Ang pamanahong papel ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang


ipinapagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang
larangang akademiko. Ito ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay sa
isang paksa. Tinatawag din itong term paper.

Bahagi ng Pamanahong Papel

Mga Pahinang Preliminari o Front Matters

a) Fly Leaf 1– ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang
ito sa madaling salita blangkong papel ito.

b) Pamagating Pahina– ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad


din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito
pangangailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid
ang pagkakaayos nito.

c) Dahong Pagpapatibay- ang tawag sa pahinang kumukumpira sapagkakapsa


ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong- papel.

d) Pasasalamat o Pagkilala– tinutukoy nito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa


pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.

e) Talaan ng Nilalaman– nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng


pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang
bawat isa.

f) Talaan ng mga Talahanayan o Graf– nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan o graf
na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang
bawat isa.

g) Fly Loaf 2– isang blankong papel o pahina bago ang katwan ng pamanahong papel.

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

a) Ang Panimula o Introduksyon


>>> ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtatalakay ng paksa
ng pananaliksik.

b) Layunin ng Pag-aaral
>>> inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.
>>> tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

c) Kahalagahan ng Pag-aaral
>>> inilalahad dito ang sigifikans ng pagsasagawang pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Inilalahad dito kung sino ng makikinabang.

d) Saklaw at Limitasyon
>>>tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.

e) Depinisyon ng mga Terminolohiya


>>> ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng
kahulugan. Maaari itong:

Operational na Kahulugan– kung paano ginamit sa pananaliksik


Conceptual na Kahulugan– istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


• Tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.
• Tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
• Gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

a) Disenyo ng Pananaliksik
>>> nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong
pamanahong papel, iminumungkahi ang pinasimple na deskriptiv- analitik na isang disenyo
ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors kaugnay ng
paksa ng pananaliksik.

b) Respondente
>>> tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili.

c) Instrumentong Pananaliksik
>>> inilalarawan ang paraanng ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon. Iniisa- isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung
paano at bakit nya ginawa ang bawat hakbang.

d) Tritment ng mga Datos


>>> inilalarawan kung ano ang istatiskal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal
na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong- papel lamang, hindi kailangang
gumamit ng kompleks na istatistikal na tritment. Sapt na ang pagkuha ng porsyento o
bahagdan matapos mai- tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
• Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa
pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik sa presentasyon. Sa teksto, inilalahad
ng mananaliksik ang kanyang mga analisis o pagsusuri.

Kabanata V: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

a)Lagom– dito binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik sa


komprehensibong tinatalakay sa kabanata III.

b)Konklusyon– ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon,


interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at
impormasyong nakalap ng mananaliksik.

c)Rekomendasyon– Ito ang mga mungkahing solusyon para sa mga


suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

Mga Panghuling Pahina


• Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o
sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
• Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag, Maaaring ilagay o ipaloob dito ang
mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng
sarvey- kwestyoneyr, bio- data ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-
ano pa.

You might also like