You are on page 1of 10

1

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

Dito nakapaloob ang talakay patungkol sa mga resultang nakalap sa

ginawang sarbey. Sa pamamagitan ng mga talahanayan at grapikong pantulong,

higit na napadali ang organisasyon ng mga impormasyon patungkol sa Mga

Dahilan Ng Maagang Pakikipagrelasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Ika-11

Baitang ng Bauan Technical High School.

Sarbey

1. DEMOGRAPIKONG PROPAYL

TALAHANAYAN BILANG 1

Propayl ng mga respondente batay sa edad

Edad Prekwensi (f) Bahagdan (%)

16 37 35%

17 62 59%

18 6 6%

Kabuuan 105 100%

Base sa unang talahanayan na pinalolooban ng propayl ng mga

respondente batay sa edad, ang pag-aaral na ito ay binubuo ng mga mag-aaral

na may edad 16 taong gulang na may tatlumpu’t pitong (37) bilang, 17 taong
2

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
gulang na may animnapu’t dalawang (62) bilang at 18 taong gulang na may anim

(6) na bilang.

TALAHANAYAN BILANG 2

Propayl ng mga respondente batay sa kasarian

Kasarian Prekwensi (f) Bahagdan (%)

Lalaki 40 38%

Babae 65 62%

Kabuan 105 100%

Base sa talahanayan ng propayl ng mga respondente batay sa kasarian,

binubuo ng apatnapung (40) lalaki at animnapu’t limang (65) na babae na may

kabuuang Isandaan at limang (105) respondente ang pag-aaral ukol sa Mga

Dahilan ng Maagang Pakikipagrelasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Ika-11

Baitang ng Bauan Technical High School.

2. MGA DAHILAN NG MAAGANG PAKIKIPAGRELASYON

TALAHANAYAN BILANG 3

MGA DAHILAN NG MAAGANG PAKIKIPAGRELASYON


3

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
Mga Dahilan ng Maagang Hanay Hanay d² Pangkalahatang
Pakikipagrelasyon Ranggo
(Babae) (Lalaki)

1. Kuryosidad na malaman kung ano 1 1 0 1.5


ang pakiramdam ng may ka-relasyon.

2. Naiimpluwensiyahan ng mga taong 4 4 0 4


nakakasalamuha sa araw-araw.

3. Uhaw sa atensyon at kalinga. 2.5 9.5 49 3

4. Di sapat na pagmamahal ang 9.5


nararamdaman sa pamilya at ang
pakikipagrelasyon ang naisip na 9.5 5 20.25
paraan upang punan ito.

5. Sariling kagustuhan o maaaring “trip” 7 6 1 7


lang.

6. Ayaw mapag-iwanan kaya 8 7 1 8


nakikisabay sa uso sa pagkakaroon ng
karelasyon.

7. Mas nagiging bukas ang kaisipan 5 2 9 5


nan a gumawa ng mga bagong
karanasan.

8. Ginagawang inspirasyon sa pag- 2.5 3 0.25 1.5


aaral at sa paggawa ng mabuting
bagay.

9. Maaaring nadala ng bugso ng 6 8 4 6


damdamin kaya napapasok ang mundo
ng pakikipagrelasyon.

10. Nagiging mapusok at napapaniwala 9.5 9.5 0 9.5


sa mga matatamis na salita.
∑ 𝒅² =84.5

6 ∑ 𝑑² 6(84.5)
𝑝=1− 𝑝 =1− 𝑝 = 0.49
𝑛(𝑛²−1) 10(102 −1)

Ang unang talaan ay nagpapakita ng resulta sa pinagsama-samang sagot

sa ginawang pagsasarbey sa mga mag-aaral buhat sa STEM I, ABM I at HUMSS

IV. Lumabas sa pananaliksik na ang nasa ranggo 1.5 na dahilan ng maagang


4

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
pakikipagrelasyon ay ang “Kuryosidad na malaman kung ano ang pakiramdam ng

may ka-relasyon” na mayroong 28% at kabahagi nito sa ranggo ang “Ginagawang

inspirasyon sa pag-aaral at sa paggawa ng mabuting bagay” sa 20% ang mga

respondente ang nagsabi na ito ang mga maaaring maging unang dahilan.

Sumunod ang nasa ranggo 3 na ang dahilan ay “Uhaw sa atensyon at kalinga” na

mayroong 17%. “Naiimpluwensyahan ng mga taong nakakasalamuha sa araw-

araw” na 23% ng mga respondente ang nagsabing pumapatak ito sa ranggo 4. Sa

ranggo 5 naman nakasaad na "Mas nagiging bukas ang kaisipan na gumawa ng

mga bagong karanasan" na mayroong 18%. Ang dahilang "Maaaring nadala ng

bugso ng damdamin kaya napapasok ang mundo ng pakikipagrelasyon" na 15%

ng mga respondente ang nagsabing ito ay maaari sa ranggo 6. Sinundan ito ng

"Sariling kagustuhan o “trip” lamang" na 19% ng kabuuang respondente ang

nagsabing maari ito sa ranggo 7. Ang tumapat naman sa ranggo 8 ay ang dahilang

"Ayaw mapag-iwanan kaya nakikisabay sa uso sa pagkakaroon ng karelasyon" na

mayroong 19%. At ang huli naman na parehong nasa ranggo 9.5 ay ang “Di sapat

na pagmamahal ang nararamdaman sa pamilya at ang pakikipagrelasyon ang

naisip na paraan upang punan ito” na mayroong 14% at “Nagiging mapusok at

napapaniwala sa mga matatamis na salita" na mayroong 22%. Mahihinuha mula

sa talahanayan na magkaiba ang persepsyon ng babae at lalaki kung bakit

maagang napapasok sa relasyon ang bawat tao. Sa pamamagitan ng sarbey na


5

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
ito mas nalaman natin kung ano nga ba ang mga dahilan kung bakit napapasok

sa maagang pakikipagrelasyon ang mga kabataan.

3. MGA MAAARING MAGING EPEKTO NG MAAGANG PAKIKIPAG-

RELASYON

TALAHANAYAN BILANG 4

MGA MAAARING MAGING EPEKTO NG MAAGANG

PAKIKIPAGRELASYON

Mga Maaaring maging Epekto ng Hanay Hanay 𝒅𝟐 Ranggo


Maagang Pakikipagrelasyon
(Babae) (Lalaki) (Pangkalahatan)
1. Maiimproba ang paraan ng kanilang 3.5 3 0.25 3
pagkakatuto sapagkat mayroong
inspirasyon.

2. Madidistrak at mababawasan ang 1.5 1 0.25 1.5


oras sa pag-aaral.

3. Maaaring humantong sa maagang 1.5 2 0.25 1.5


pagbubuntis.

4. Maaaring lumayo ang loob sa 5 4 1 4


magulang at mas pagtuonan ng pansin
ang ka-relasyon.

5. Ilalaan ang buong oras sa ka-relasyon 3.5 5 2.25 5


at maging sanhi ng pagkalimot sa mga
bagay na dapat unahing gawin.

∑ 𝒅² = 𝟒

6 ∑ 𝑑² 6(4)
𝑝=1− 𝑝 =1− 𝑝 = 0.80
𝑛(𝑛²−1) 5(52 −1)

Pinapakita ng pangalawang talaan ang Mga Maaaring maging Epekto ng

Maagang pakikipagrelasyon. Nangunguna dito ang “Madidistrak at mababawasan

ang oras sap ag-aaral” na sa kabuuan ay nakakuha ng 32.38% kabahagi nito sa


6

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
Ranggo 1.5 ang dahilang “Maaaring humantong sa maagang pagbubuntis” na

26.67% sa mga respondent ay nagsabing maaring ang dalawang ito ang

mangunang epekto ng maagang pakikipagrelasyon. Sumunod dito ang

“Maiimproba ang paraan ng kanilang pagkatuto sapagkat mayroong inspirasyon”

23.81% ng mga respondente ang nagsasabing nararapat ito sa Ranggo 3.

Pumatak naman sa Ranggo 4 na may 44,76% ang “Maaaring lumayo ang loob sa

magulang at mas pagtuonan ng pansin ang ka-relasyon”. At ang lumabas na

huling maaaring epekto mula sa mga respondent ay “Ilalaan ang iyong oras sa ka-

relasyon at maging sanhi ng pagkalimot sa mga bagay na dapat unahing gawin”

na mayroong 29.52%.

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito nakatala ang mga paglalagom, natuklasan, kongklusyon at

rekomendasyon ng mga mananaliksik batay sa kinalabasan na bahagdan ng mga

kasagutan sa Ikaapat na kabanata.

Lagom

Ang pananaliksik na ito na may paksang Mga Dahilan ng Maagang

Pakikipagrelasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Ika-11 Baitang ng Bauan Technical

High School ay naglalayon na malaman kung ano ang Mga Dahilan ng Maagang
7

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
Pakikipagrelasyon upang mabatid ang Mga Maaaring Epekto nito sa mga

kabataang napapasok sa maagang pakikipagrelasyon.

Sinaklaw ng pananaliksik na ito ang isandaa’t limang (105) mag-aaral mula

sa STEM I, ABM I at HUMSS IV ng Baitang 11 sa Bauan Technical High School.

Pinili ang mga respondente sa pamamagitan ng sampling. Ginamit sa pag-aaral

na ito ang pamamaraang deskriptibo-analitik at sarbey kwestyuneyr bilang

instrumento sa pangangalap ng datos.

Natuklasan

1. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pinakaunang dahilan kung bakit

maagang napapasok sa pakikipagrelasyon ang mga kabataan ay dahil sa

kuryosidad na malaman kung ano ang pakiramdam ng may karelasyon at isa pa

ay ang ginagawa itong inspirasyon sa pag-aaral at upang makagawa ng mabuting

bagay.

2. Isa rin sa mga dahilan na nakuha ng mataas na bilang ay ang dahilang uhaw

sa atensyon at kalinga na sa tingin ng mga kabataan ay ang pakikipagrelasyon

ang sagot sa kakulangang ito.

3. Natuklasan din na ang mga taong nakaksalamuha sa araw-araw ay isa sa mga

nakakaimpluwensiya na nagtutulak sa mga kabataan na pumasok sa isang

relasyon.

4. Isa sa mga bagay na maaaring mahinuha mula sa pananaliksik na ito ay may

malaking epekto rin ang kakulangan ng atensyon at kalinga mula sa pamilya ng


8

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
isang indibidwal kaya nagtutulak ang dahilang ito upang pumasok sa isang

relasyon.

5. Ang pagiging mapusok at pagpapadala sa bugso ng damdamin ay isa rin sa

mga dahilan kung bakit napapasok sa isang relasyon ang isang indibidwal.

6. Natuklasan din sa pnanaliksik na ito na ang pagpasok sa isang relasyon ng mga

kabataan ay kung minsan ay “trip” lamang at sariling kagustuhan lamang.

7. Ang tumapat naman sa ranggo 8 ay ang dahilang ayaw mapag-iwanan kaya

nakikisabay sa uso sa pagkakaroon ng karelasyon.

8. At ang dalawang pinakahuli naman sa ranggo batay sa sagot ng mga

respondente na nasa ranggo 9.5 ay ang di sapat na pagmamahal ang

nararamdaman sa pamilya at ang pakikipagrelasyon ang naisip na paraan upang

punan ito at nagiging mapusok at napapaniwala sa mga matatamis na salita.

9. Kung epekto naman ang pag uusapan, natuklasan ng mga mananaliksik na ang

unang unang bagay na maidudulot ng maagang pakikipagrelasyon ay maaaring

madisrak sa pag-aaral at maaaring humantong sa maagang pagbubuntis.

10. Natuklasan na hindi porket nasa isang relasyon ang isang mag-aaral ay dito

na lang niya ilalaan lahat ng oras matapos pumahuli ang epektong ito sa ranggong

isinagawa ng mga respondente.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na kongklusyon:


9

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
1. Napatunayan na ang nangungunang dahilan kung bakit nakikipagrelasyon ay

ang kuryosidad at ang paggamit nito bilang inspirasyon para sa paggawa ng

mabuting bagay.

2. Lumabas na ang kalimitang dahilan kung bakit napapapasok sa isang relasyon

ay dahil ng bugso ng damdamin at emosyon.

3. Ang pokus ng isang estudyante ay nahahati sa mga bagay na may kinalaman

sa relasyon.

4. Ang maagang pakikipagrelasyon ay maaaring makaapekto sa relasyon ng

pamilya, kaibigan at kung papaano ang perpormans ng isang mag-aaral sa

paaralan.

5. Pagiging inspirado sa pag aaral ang magandang epekto ng maagang

pakikipagrelasyon.

6. May masamang epekto ang dulot ng maagang pakikipagrelasyon tulad ng

distraksyon at maagang pagbubuntis.

Rekomendasyon

Batay sa mga inilahad na resulta ng pananaliksik, ang mga mananaliksik

ay humantong sa mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Ang mga estudyante buhat sa ika 11 baitang ay dapat magkaroon ng disiplina

sa sarili, kung saan ito ang pinaka magandang katangian upang magkaroon ng

mabuting pananaw sa buhay at sa paggawa ng mabuti sa loob ng paaralan.


10

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL


Senior High School
2. Ang mga mag-aaral at guro ay dapat magkaroon ng isang matatag na relasyon

sa bawat isa upang maging mas bukas at upang maunawaan ang hinaing ng

bawat isa.

3. Dapat pinagtitibay ng mga guro ang pagkakaroon ng iba't ibang mga paraan

upang mailipat ang pansin ng mag-aaral sa pag-aaral.

4. Pagsasagawa ng iba't ibang aktibidades upang mas mahasa ang kakayahan ng

mga estudyante at upang mabago ang pananaw nila sa pakikipagrelasyon.

5. Bawat estudyante ay kinakailangang maglaan ng mas malaking atensyon upang

ang konsentrasyon sa pag aaral at sa gawaing pampaaralan ay mapaunlad at

ipagpasantabi ang epektong dala ng maagang pakikipagrelasyon.

6. Ang pamamahala ng oras ay tiyak na tutulong sa mga estudyante na gawin ang

kanilang mahahalagang gawain. Ang mga mag-aaral ay dapat tumuon sa mga

bagay na dapat nilang gawin at hindi lamang sa mga bagay na kanilang nais o

pangarap gawin.

7. Dapat malaman ng estudyante kung paano mag balanse ng lahat ng bagay

upang makayanan ang pagpasok sa isang relasyon. Dapat nilang malaman kung

paano balansehin ang kanilang mga emosyon. Ang mga distraksyon ay kinukuha

ang kanilang pansin sa pag-aaral.

You might also like