You are on page 1of 63

Kabanata II

METODOLOHIYA
•Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang detalye
kung paano isasagawa ang pag-aaral tulad
ng paglalarawan sa disenyo at paraang
gagamitin sa pananaliksik, mga kalahok,
lugar na pagdarausan ng pananaliksik,
instrumentong gagamitin at kung paano ito
gagamitan ng istatistikal na paglalapat
Metodolohiya
I. Metodolohiya at Pamamaraan ng Pag-aaral
1. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
2. Paraan ng Pangangalap ng Datos
3. Pagsusuri ng Datos
4. Konsiderasyong Etikal
II. Mga Kalahok at Sampol ng Pag-aaral
III. Instrumento ng Pag-aaral
• Ang disensyo ng pananaliksik ay ang
pangkalahatang estratehiya na pinipili ng
mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng
bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at
lohikal na paraan.

• Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan


mangangalap ng datos ang mananaliksik, ano at
paano.
• Ang suliranin ng pananaliksik ang magtatakda sa uri
ng disenyong gagamitin ng mananaliksik.
1.1 DISENYO NG PANANALIKSIK
1.1.1 Kuwantitatibo
1.1.2 Kuwalitatibo
1.1.3 Mix Method
1.1.1 Kuwantitatibo

Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na


imbestigasyon ng iba’t ibang paksa

Gumagamit ng matematikal, estadistikal


1.1.2 Kuwalitatibo

Layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at


ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.

Obserbasyon, pakikipanayam, at pagsusuri sa nilalaman

Nag-uusisa at ekspositori
1.1.3 Mix Method

Pinaghalong Kwalitatibo at Kwantitatibo


1.1.a.Deskriptibo
Pinag-aaralan ang kasalukuyang ginagawa, pamantayan at
kalagayan

Tumutugon sa tanong na sino, ano, kailan, at paano na may


kinalaman sa paksa ng pag-aaral

Halimbawa:
“Persepsyon ng mga mag-aaral sa Divorce Bill”
“Antas ng Pagagamit ng Core Values ng Holy Angel University ng
mga Mag-aaral sa Senior High”
1.1.b. Action Research

Inilalarawan ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan,


pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas
epektibong pamamaraan

Kailangan ang mga serye ng ebalwasyon kung nakamit o hindi

Halimbawa:
“Epektibo ng Online Class sa Pag-aaral ng Senior High sa Holy Angel
University”
“Anong Estratehiya sa Pagtuturo ang Pinakaepektibo”
1.1.c. Historikal

Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos


upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan

Pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung paano at bakit


nangyari ang mga bagay-bagay

Halimbawa:
“Pag-unlad ng K-12 Kurikulum sa Senior High School”
“Pag-unlad ng Wikang Kapampangan”
1.1.d. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)

Unawain ang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t


ibang paksa ng pag-aaral 

Ginagamit upang paliitin, maging mas ispesipiko

Maaaring maging pokus ang mga komunidad, institusyon at organisasyon

Madalas na paksa ang mga institusyon: simbahan, paaralan at iba’t ibang uri ng instutusyon

Halimbawa:
“Kahirapan sa Pagkatuto ng Mag-aaral na may Problemang Pampamilya”
“Kaso ng Isang Mag-aaral na Piniling Hindi Mag-aral sa Taong 2020”
1.1.e.Komparatibo

Naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura, bagay,


pangyayari atbp.

Madalas gamitin sa cross – national na pag-aaral

Halimbawa:  
”Komparatibong Pagsusuri ng mga Panitikang Pambata ng mga
Tagalog at Kapampangan”
“Komparatibong Pagsusuri ng Modular at Online Class”
1.1.f. Normative (Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan)

Hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito

Nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-


aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan

Halimbawa:
“Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga Mag- aaral ng Holy Angel
University Senior High School Batay sa Itinakdang Kompetensi ng DepEd”
“Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Ortograpiyang Filipino 2013”
1.1.g. Etnograpikal

Uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian,


pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng
pakikisalamuha rito

Pakikisalamuha ng mananaliksik sa mga respondente

Binibigyang-diin sa obserbasyon ang lunan o lugar, mga gawain at kilos ng


populasyon

Halimbawa: “Pamumuhay ng mga Aeta sa Sitio Pidpid”


1.1.h. Eksploratori

Isinasagawa kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa


isang paksa o suliranin.

Magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa

Layunin makapaglatag ng mga bagong impormasyon sa paksa

Halimbawa:
“Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay ng Usapang
Pangkapayapaan sa Mindanao”
1.1.i. Eksperimental

Madalas ginagamit sa mga makaagham na pananaliksik

Gumagamit ng laboratoryo upang pag-aralan ang mga


bagay, tao, hayop, at halaman

Halimbawa: “Dahon ng Malunggay Bilang Lunas sa


Covid19”
1.2. PARAAN NG PANANALIKSIK
Ipaliliwanag sa bahaging ito ang pamaraang
ginagamit sa pangangalap ng mga datos, at
ang pagsasagawa ng mga instrumentong
ginamit sa pagtatamo nito. Tatalakayin din
kung paano binuo ang instrument o kaninong
instrument ang gagamitin.

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
1.2 PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

A. Sarbey
B. Pakikipanayam o Interbyu
I. Structured Interview
II. Semi-structured Interview
III. Unstructured Interview
C. Dokumentasyong Pagsusuri/Analitiko
D. Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang
Obserbasyon
A. Sarbey
Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa
sistematikong pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o
sampol ng pananaliksik

Gumagamit ng talatanungan na sasagutan ng mga


respondente

Marketing research, sikolohiya, kalusugan at medisina at


sosyolohiya
B. Pakikipanayam o Interbyu

Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may


awtoridad o may personal na pagkaunawa sa paksa
ng pananaliksik

Naglalayon na kumuha ng malalim at malawak na


impormasyon
B. Pakikipanayam o Interbyu
I. Structured Interview - halos eksakto o tiyak ang
pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na
ginagamit sa sarbey.
- pasalita ang pamamaraan nito at binabasa ng
mananaliksik ang mga tanong
B. Pakikipanayam o Interbyu
II. Semi-structured Interview - mas nagbibigay ng
kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging
daloy ng panayam
- ginagamitan ng mga gabay na tanong upang
maging maayos at sistematiko ang daloy ng
panayam
- mahalaga ang pagbuo ng follow-up question
B. Pakikipanayam o Interbyu
III. Unstructured Interview - layunin na galugarin
ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng
panayam
- impormal ang paraan ng pagtatanong
- madalas na ginagamit sa kuwalitatibong
pananaliksik
C. Dokumentasyong Pagsusuri/Analitiko

Ginagamit upang kumalap ng impormasyon na


susuporta at magpapatibay sa mga datos ng
pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na
pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga
dokumento upang malutas ang mga suliranin
C. Dokumentasyong Pagsusuri

Mga dokumentong maaaring pagmulan ng pagsusuri:


Pampublikong tala
Iba’t ibang uri ng media
Biyograpiya
Katitikan ng mga pulong o tala ng mga pangyayari sa isang
kumperensya o kongreso
Mga ulat at plano
Iba’t ibang uri o genre ng panitikan
D. Nakabalangkas na Obserbasyon at
Pakikisalamuhang Obserbasyon

Ginagamit sa mga uri ng pananaliksik na


nangangailangan ng field study gaya ng Etnograpikal
na Pananaliksik
I. Nakabalangkas na Obserbasyon
Pagmamasid ng mananaliksik sa mga kalahok na
pokus ng pag-aaral habang sistematikong itinatala
ang kanilang pagkilos.

II. Pakikisalamuhang Obserbasyon


Pag-aaral sa kilos, pag- uugali at interaksyon ng mga
kalahok sa isang likas na kapaligiran
2. PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha


ng datos

Maaaring gumawa ng dayagram


3. PAGSUSURI NG DATOS

Paano susuriin ang datos? May instrument/tools ka bang


gagamitin sa pagsusuri ng mga datos?
Hal: “Frequency and Percentage Distribution” “Wilcoxon Signed-
Rank Test” atbp.

Ilahad sa bahaging ito kung sino ang gumawa ng instrumento na


gagamitin mo sa pagsusuri ng iyong datos. Pati rin kung ano at
paano ito gagamitin. At bakit akma itong gamitin sa pagsusuri ng
iyong makukuhang datos.
4. Konsiderasyong Etikal

Malaki ang responsibilidad ng isang mananaliksik. Dapat siyang maging maingat sa


bawat hakbang ng pananaliksik, sapagkat mayroon itong etika na dapat niyang isaalang-
alang. Ang etika ng pananaliksik ay gabay sa tamang pagsasagawa ng pag-aaral. 
Ayon kina Constantino at Zafra, ang mga panuntunan sapananaliksik ay ang sumusunod:
•Kilalanin ang ginamit na mga ideya.
•Huwag kumuha ng datos kung hindi pinayagan o walang permiso.
•Iwasang gumawa ng mga personal na obserbasyon.
•Huwag mag-short-cut.
•Huwag mandaya.
4. Konsiderasyong Etikal

Ilagay sa bahaging ito ang mga hakbang na gagawin


mo para masunod ang Etika ng Pananaliksik.
II. Mga Kalahok at Sampol ng Pag-aaral
Bago simulan ang pangangalap ng mga
datos, dapat na tiyakin ang proposyon ng
populasyong gagamitin: dapat na natatapos
na rin ang kompyutasyon ng sampol.
Ipaliliwanag sa bahaging ito ang buong
paraan o mga hakbang na ginamit sa
pagpapasiya ng sampol.
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
Kasama rito ang mga sumusunod:
a. Laki ng populasyon
b. Ang populasyong pag-aaralan
c. Ang palugit ng mali at ang proposyon ng
populasyong pag-aaralan
d. Ang uri o teknik ng sampling na ginamit, kung
purong random sampling, klaster sampling o
pagsasama ng dalawa o higit pang teknik
e. Ang aktwal na kompyutasyon ng sampol
f. Ang mismong sampol
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
Dapat na maipaliwanag nang malinaw kung
paano pinili ang sampol. Dapat na maipakita
ang sampol ay tunay na kumakatawan sa
populasyon sa pamamagitan ng angkop na
teknik. Mahalaga ito upang mapatunayan na
ang mga natuklasan at konklusyon ay balido
at maaasahan.

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
•Ipaliwanag sa bahaging ito kung bakit iyon
ang teknik ng sampling na gagamitin.
•Respondente
•Panahon/Oras/Araw
•Lugar

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
II. Mga Kalahok at Sampol ng Pag-aaral
Teknik ng Sampling

1. Probability Sampling Techniques

2. Non-Probability Sampling Techniques

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
1. Probability Sampling Techniques
- Tawag kapag may pare-parehong tiyansang
mapili.
a. Simple Random Sampling
b. Systematic Random Sampling
c. Stratified Sampling
d. Clustered Sampling
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
a. Simple Random Sampling
Ito ay isang teknik kung saan merong pare-
parehong tiyansa ang bawat miyembro ng
populasyong mapipili bilang respondents

1. Lottery Method (bibigyan ng number)


2. Computerized Pick (malaking
populasyon)
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
b. Systematic Random Sampling
- Ito ay metodo kung saan mamimili ng isang
random na numero na magiging starting
number. Ang miyembrong nasa numerong
iyon ang unang kukunin tapos pipili ang
mananaliksik ng isang interval at lahat ng
napili na kabilang sa interval ay pipiliin

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
c. Stratified Sampling
- Sa teknik na ito, hinahati ng mga
mananaliksik ang populasyon sa mga
subgroups na tinatawag na strata, isang grupo
na binubuo ng mga miyembrong
magkakarango sa lipunan, at pinipili ang mga
respondente sa mga grupong ito.

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
c. Stratified Sampling

1. Proportionate Stratified Random Sampling


(propotional ang laki ng stratum sa laki ng
populasyon)

2. Disproportionate Stratified Random Sampling


(magkaiba ang sampling fraction ng bawat
strata)
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
d. Clustered Sampling
- Sa teknik na ito, ang mga mananaliksik ay
nangangailangan ng ilang hakbang para makakuha ng
sampol.
- Hahatiin ang buong populasyon sa mga clusters
- Pipili ang mananaliksik kung ilang cluster ang
kukunin depende sa pananaliksik
- Sa mga napiling cluster, pipili ang mananaliksik kung
anong grupo sa populasyon ang gagawing respondent
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
d. Clustered Sampling
1. One-stage Cluster Sample (lahat ng kasali
sa napiling grupo ay ginagawang
respondent)
2. Two-stage Cluster Sample (pumipili ng
respondent sa lahat ng cluster na kasali sa
napiling grupo sa pamamagitan ng simple
o systematic random sampling)
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
2. Non-Probability Sampling Techniques
- Hindi pantay-pantay ang tiyansa ng lahat ng
parte ng populasyon
a. Convenience Sampling
b. Qouta Sampling
c. Purposive Sampling
d. Snowball Sampling
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
a. Convenience Sampling
-Ang teknik na ito ay ang pagkuha ng mga
respondents base sa pagkalapit nila sa mga
mananaliksik
-Madalas ito ang ginagamit ng mga
mananaliksik dahil hindi na sila mahihirapan
pang maghanap ng mga respondente.

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
b. Qouta Sampling
-Ito ang metodo kung saan ang mga
respondente ay may pagkakatulad sa buong
populasyon batay sa pananaliksik. Isa itong
step by step na proseso.

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
b. Qouta Sampling
-Hahatiin ng mananaliksik ang populasyon sa mga
subgroups.
-Aalamin ng mananaliksik ang proportion sa
subgroup at sa buong populasyon batay sa hinahanap
sa kanilang pananaliksik, at sisiguraduhing pareho ito.
-Pipili ang mananaliksik ng mga respondente sa
subgroups habang kinokonsedera ang proportion na
nalaman sa itaas na hakbang
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
c. Purposive Sampling
-Ginagamit ito kung saan ang awtoridad ay pipili ng
maraming respondente para makakuha ng mas
eksaktong resulta
-Ginagamit lamang ito kapag limitado ang mga
indibidwal na may katangiang kailangan sa
pananaliksik.
-Ito ang teknik na bagay sa paghahanap ng
impormasyon sa mga partikular na grupo ng mga
indibidwal
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
d. Snowball Sampling
- Isang teknik na ginagamit ng mga
mananaliksik para makakita ng mga
respondente sa pananaliksik na mahirap
makahanap ng sample.

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
d. Snowball Sampling
- Tatanungin ng mananaliksik ang
respondente na magbibigay ng tao na
merong pagkakatulad na katangian
- Hahanapin ng mananaliksik ang taong iyon
at oobserbahan.
- Uulitin ang prosesong ito hanggang sa
makuha ng mananaliksik ang gustong bilang
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
d. Snowball Sampling
1. Linear (Ang mga unang respondent sa
isang sarbey ay magtatawag pa ng iba
pang respondents)
2. Exponential Non-discriminative
(Pyramiding)
3. Exponential Discriminative (Isa, Dalawa,
isa, dalawa)
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
Grade 7

n = ___N___
1 + Ne2
n = __ 917 _
1 + 917(0.05)2
n = __ 917 _
3.2925
n = 278.57
n = 279
22
= 12.68 = 13/class
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-
AARAL
III. Instrumento ng Pag-aaral
- Ilalagay sa bahaging ito ang mga gagamitin sa
pangongolekta ng datos
- Kung Quantitative survey, interview, obserbasyon atbp na
gagamitin mo sa pangongolekta mo ng datos.
- Kung Qualitative naman ang pananaliksik, anong
instrument/tools ang gagamitin mo para makakalap ka ng
datos mo. May gagamitin bang Theoretical Framework?
Kanino ito galing? Paano ito ginagamit? Ano ang dahilan
bakit ito ang gagamitin.

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-


AARAL
Sarbey (talatanungan) – Ito ay
isang pag-aaral na ginagamit para
sukatin ang umiiral na pangyayari
nang hindi direktang nagtatanong
kung bakit ganun at ganito ang
isang bagay, paksa, o pangyayari.
Layunin ng Sarbey
•Makatuklas ng mga bagong
impormasyon, ideya, at konsepto.
•Mabigyang-linaw ang isang
mahalagang isyu o paksa.
•Makapagbigay ng mungkahing
solusyon sa problema.
Paano gumawa ng sarbey?
1. Ano ang layunin ng inyong
pagsisiyasat o pag-aaral? Dapat lang
na malaman ang iyong sasaliksikin o
pag-aaralan. Mula rito, bubuo kayo
ng inyong mga layunin sa inyong
gagawing sarbey.
2. Bumuo ng mga tanong batay sa
pangunahing layunin ng pag-aaral.
Ang mga katanungan ng sarbey ay
nakabatay lamang sa pangunahing
layunin ng pagsisiyasat upang
magkaroon ng direksyon ang
gagawing sarbey.
3. Alamin ang iyong istratehiya ng
pagtatanong sa sarbey. Bumuo ng
disenyo ng sarbey o maging format
ng pagtatanong para sa iyong
sarbey form. Ito ay nababatay sa
paraan ng pagsagot ng sarbey.
Holy Angel University
Lungsod ng Angeles
Kagawaran ng Mataas na Paaralan (JHS)

Mahal naming respondente,


Maalab po na pagbati!

Kami po ay ang mga mag-aaral ng ikasampung baitang ng sekyon St. Martin de Porres na
kasalukuyang nanlilikom ng datos na kailangan po sa aming pananaliksik ukol sa “Epekto
ng Pagkakaroon ng Karelasyon ng mga Mag-aaral ng Holy Angel University” sa taong
pampag-aaral na 2020-2021. Maaari lamang pong sagutan nang buong katapatan ang
mga sumusunod na katanungan. Ang inyo pong mga sagot ay mananatiling kompidensyal.

Maraming salamat po.


Link
• Metodolohiya part 1 – YouTube
• Metodolohiya Part 2 – YouTube
• Metodolohiya Part 3 – YouTube
• Metodolohiya part 4 – YouTube

You might also like