You are on page 1of 11

BALANGKAS, KONSEPTWAL/PARADIMA NG PANANALIKSIK

Sa paghahanda, nakalahad dito ang mga paghahanda o


pagbabatayan ng gagamitin sa pag-aaral. Kung paano gagawin o
mga dapat gawing hakbang sa pag-aaral ay nasa bahagi naman ng
proseso. Ang kinalabasan o resulta ay ang kabuuang dapat
malaman at mapatunayan sa pag-aaral.
BALANGKAS, KONSEPTWAL/PARADIMA NG PANANALIKSIK

Qualitative ang research, walang diagram (Narration)


Theoretical Framework.

Quantitative gumamagamit ng Conceptual Framework


Ang pinakasikat na ginagamit dito ay ang IPO (Input, Process,
Output)
May iba’t ibang uri ng diagram sa IPO
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

 Ito ang bahaging nagsisiwalat ng suliraning target na matagpuan ang


solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik

 Dapat magkaroon ng panlahat (general) na pagpapahayag ng suliranin


kasunod ng mga tiyak (specific) na tanong o subproblem na siyang hahati
sa panlahat na suliranin

 Ito ang magsisilbing gabay sa paggawa ng survey questions.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Isinasaad ng bahaging ito ang mahalagang kontribusyon


ng pananaliksik sa mga target na mambabasa sa
maaaring makinabang sa resulta o kinalabasan ng pag-
aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa bahaging ito:
1. Ipinaliliwanag ang kaugnayan ng pag-aaral sa mga umiiral na kondisyon;
2. Ibinibigay ang posibleng solusyon sa mga kondisyong ito
3. Binabanggit ang mga tao, grupo, pamayanang makikinabang sa resulta ng pag-aaral;
4. Tinutukoy ang mga posibleng kontribusyon ng pag-aaral sa balon ng kaalaman; at
5. Ipinaliliwanag dito ang magiging implikasyon ng resulta ng pag-aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral ay mauuri sa dalawa; una, ang


kahalagahan ng mga inaasahang mapatutunayan sa pag-aaral para
sa isang tiyak na disiplina kung saan nararapat ang pag-aaral na
ginaganap; at ikalawa, ang kabutihang maidudulot at maitutulong
nito sa lipunan at mag-aaral na kasangkot, sa pangkalahatan at/o
sangkatauhan.
SAKLAW AT DELIMITASYON

Dalawang termino ito. Ang saklaw ay tumutukoy sa kung ano


ang isyu na tatalakayin ng isang saliksik. Ang limitasyon naman
ay ang hangganan ng pananaliksik dahil hind naman lahat ay
pwedeng aralin.
SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang saklaw o lawak ng pag-aaral ang nagtatakda kung saan at


kailan isasagawa ang pag-aaral, at kung sino ang mga kalahok
na pag-aaralan tinutukoy rin dito kung bakit sila ang napiling
respondente. Tumutukoy rin ito sa lawak na nasasakupan ng
pag-aaral kaugnay ng kanyang paksa, layunin, panahon ng
pagsasagawa, respondente o mga kalahok at lokasyon.
SAKLAW AT DELIMITASYON

 Paano natutukoy ang saklaw? - Isa ito sa mga matatagal na proseso dahil sa dami
ng mga pag-aaral na meron at kadalasan nakakalito kung ano ang pwedeng isama at
hindi. Minsan naman gusto natin isama ang lahat kahit na dapat ay iisang anggulo
lamang dapat ang titingnan. sa pag-eeksamin kung ano ang dapat maging saklaw,
isipin na may limitadong oras ka lamang.
Halimbawa, ang nais mong aralin ay ang epekto ng Social Media sa pagbabasa ng
mga bata - mas maigi kung lilimitahan lamang ang saklaw sa isang uri ng social
media at kung anong edad ng mga bata ang sakop.
SAKLAW AT DELIMITASYON

 Ang delimitasyon o limitasyon naman ay isang bahagi o


aspekto ng imbestigasyon na maaring makaapekto nang
masama sa resulta subalit walang kontrol ng mananaliksik.
Tinutukoy nito ang mga kahinaan o mga bagay na hindi na
sinasaklawan ng pag-aaral sapagkat wala ito sa kontrol ng
mananaliksik.
SAKLAW AT DELIMITASYON

 Sa dahilang hindi naman pwede maisama lahat ng datos sa isang pagsasaliksik


kailangan na sabihin ng mananaliksik ang mga bagay na hindi nya aaralin sa
kanyang pananaliksik. Sa halimbawa sa taas, hindi natin sasakupin ang mga
social media na Instagram o di kaya ay Twitter at Facebook lamang ang
isasama. Sa edad naman ng mga bata, mga batang sampung taon lamang ang
kasama at hindi ang iba pang mga edad. Maari ring tukuying sa limitatasyon
ang mga limitasyong ukol sa metodolohiya ng pagsasaliksik. Kung kulang din
ang mga pag-aaral sa isang bagong paksa, kailangan din itong sabihin sa
seksyon ng "Saklaw at Limitatsyon".

You might also like