You are on page 1of 5

Ikatlong Linggo- Pagpili at Paglilimita ng Paksa at Pagbuo ng

Layunin ng Pananaliksik
PAGPILI NG PAKSA
Mga Gabay sa Pagpili ng Paksa

1. Interes at kakayahan - mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang


paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong
matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin.

2. Napapanahong paksa - magiging makabuluhan ang anumang magiging


resulta ng iyong pananaliksik sapagkat magagamit ito ng kararami

3. Kabuluhan ng paksa - kailangang pumili ng paksang hindi lamang


napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng iba sa lipunan

4. Limitasyon ng panahon - mahalagang isaalang-alang din ang guguguling


oras para sa pananaliksik. Nararapat lamang bilang isang mananaliksik na
malaman ang haba ng panahon na nakalaan sa kabuuan ng gawain at
saka hati-hatiin sa bawat bahagi upang matagumpay na matapos. Ang
paksa ay angkop sa kakayahan mo bilang mananaliksik.

5. Kakayahang pinansyal - pag-alam sa mga detalye ng mga posibleng


magagastos sa  napiling paksa para sa  pananaliksik bago ito isagawa

6. Pagkakaroon ng mga materyal na sanggunian - higit na makabubuting


matiyak na ang mga sanggunian o paghahanguan ay nariyan at maaaring
magamit sa oras o panahong kakailanganin para sa pananaliksik. Pag-
isipan muna kung saan saan o sino-sino ang panggagalingan ng mga
impormasyon.
PAGLILIMITA NG PAKSA
Pagkatapos makapamili ng paksa, kailangang ilimita ito upang
maiwasan ang masaklaw na pag-aaral. Sa pamamagitan ng paglilimita
ng paksa, mabibigyan ng direksyon at pokus ang pananaliksik na gagawain
at maiiwasan ang padampot-dampot o sabog na pagtalakay sa paksa.
Maaaring gamiting batayan sa paglilimita ng paksa ang mga sumusunod.
  Huwag sobrang limitado dahil maaaring magkulang ang mga resources para rito.
Halimbawa ng Paksa
Paksa: Teknolohiya
     Panahon
   -  Ang epekto ng Internet at smartphone sa paggamit ng social media
ngayong bagong normal
      Uri o Kategorya
    -  Epekto ng pagsasalarawan ng lipunan at media sa kagandahan ng
bagong normal
  Edad
     -  Ang persepsyon ng mga kabataan mula edad 16 hanggang 18 sa
impluwensiya ng tiktok
  Kasarian
      -  Ang epekto ng paglaganap ng online selling sa sector ng kababaihan
  Lugar o Espasyo
       -  Ang epekto ng paggamit ng NEO LMS sa mga mag-aaral ng USL
  Pangkat o sektor na kinasasangkutan
        -   Persepsyon ng mga guro ng USL sa paggamit ng NEO LMS
ngayong bagong normal
  Pananaw o Perspektib
         -   Persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng NEO LMS bilang
bagong paraan ng pagkatuto
 
Iba pang halimbawa ng nalimitahang paksa
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
- Labis at madalas na pagpupuyat ng mga mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
- Mga dahilan sa labis at madalas na pagpupuyat ng mga mag-aaral ng
USL-SHS at ang epekto nito sa kanilang gawaing pang-akademiko
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
 - Persepsyon sa mga may tattoo sa katawan
Nilimitahang Paksa:
 - Persepsyon ng mga kabataang nasa edad 13-hanggang 16 sa mga
taong may tattoo sa katawan
 
PAGBUO NG LAYUNIN
Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos
mailatag ang mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay
na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbuo ng mga layunin ng
pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:
 Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano
ang dapat gawin at paano ito gagawin.
 Ito ay makatotohanan at maisasagawa.
 Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na
maaaring masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa
pananaliksik
 
Mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso

Matukoy Maihambing Mapili Masukat


Mailarawan Maipaliwanag Masaliksik Makapagpahayag

Maihanay Maiulat/Makapag-ulat Masuri/Makasuri Makapag-organisa

Makabuo ng
Makilala Makapaghulo Makabuo
konsepto

Mailahad Maibuod Makagawa Makapili

Maisa-isa Magamit/Makagamit Makapagsagawa Makatalakay

 
Magiging gabay rin ang akronim na SMART sa pagbuo ng layunin

S(specific), M( measurable), A(Attainable),


R(relevant), T(Time-bound)

 Specific (TIYAK) - siguraduhing tiyak o espesipiko ang mga layunin kaya


mahalagang suriin ang paksa nang mabuti upang makita ang nais tahakin
ng pananaliksik

 Measurable (NASUSUKAT) - kayang gawin o isakatuparan sa loob ng


nakalaang panahon
 Attainable (NAAABOT) - natatamo, naaaksyunan at nakahanay ayon sa
takbo ng sulating pananaliksik

 Relevant (ANGKOP) - may kaugnayan sa paksa, kapaki-pakinabang,


makatotohanan at nakatuon sa resulta ng pananaliksik. Kailangang may
kaugnayan sa paksa, kapakipakinabanag, makatotohanan, at nakatuon o
nakapokus sa resulta ng pananaliksik.

 Time-Bound (NASUSUKAT NG PANAHON) - kailangang natatamo sa


nakalaang oras o panahon kung kailan mo ito maisasakatuparan

You might also like