Professional Documents
Culture Documents
Ang Konseptong
pananaliksik. Ito ang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng
paksang bubuuin. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mananaliksik na mailahad kung ano ang
mangyayari. Nagbibigay rin ito ng kaalaman sa guro sa tunguhin o direksyong ninanais ng
mananaliksik para sa sulatin.
1. Pagpili ng Paksa
Sa pagpili ng paksa dapat isaalang-alang ang sarili sapagkat ikaw ang magsasagawa ng
pag-aaral. Gayundin isaisip na kapakipakinabang ito sa nakararami. Narito ang mga batayan sa
pagpili ng paksa:
a. Napapanahon. Kailangang ang paksa ay napapanahon upang magkainteres ang mga
mambabasa, ngunit hindi naman kailangang sobrang bago at baka magkulang sa material.
c. Kailangang interesado ang estudyante. Kung sino ang mag-aaral, sya dapat ang pipili
upang alam niya kung saan siya interesado.
2. Rasyunal
Ito ay tumutukoy sa kaligiran ng suliranin. Mga impormasyon ito na may kinalaman sa
paksang nais talakayin. Nag-uumpisa ito sa mga sitwasyon sa pangkalahatan hanggang sa
particular na lokasyon (general to specific). Saan mo nakuha ang inspirasyon upang piliin ang
paksang iyong gustong siyasatin.
Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang
isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
3. Layunin
Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
Tiyak na layunin: ang tiyak na layunin ay may ispesipikong pakay sa pananaliksik sa
paksa.
Pangkalahatang layunin: Sa pangkalahatang layunin, ipinahayag nito ay kabuuang
layon, nais, gawain, nangyari o natamo sa pananaliksik.
Mga katanungan sa paggawa ng layunin: Ano ba ang gusto mong malaman batay sa
paksang napili mo? Ano ang gusto mong mabigyang linaw? Ano ang gusto mong
mapatunayan? Ang layunin ng paksang nais siyasatin ay puwedeng isulat sa paraang patanong.
4. Metodolohiya
lalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos
gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
Kasama rin dito ang masususing pagsusuri sa mga datos na ito upang higit itong
mapapananaligan atmapagkakatiwalaan.
Case study - Detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
Upang lalo pang maintindihan ang pagbuo ng konseptong papel, tingnan at analisahin ang
halimbawa nito. Suriin kung ano pa ang puwedeng idagdag sa inying gagawing konseptong
papel.
Rationale
Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21st Century Skills:
Learning for Life in .our Times (2009), ang kasalukuyang siglo ay nagdala ng mga bagong set ng
indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang magulang. Sila ang mga digital native. Sila ang unang
set ng henerasyon na napaliligiran ng digital media. Sila rin ay naiiba sa mga “natutong
gumamit” ng teknolohiya paglipas ng panahon o mga digital immigrants. Inilarawan nila Trilling
at Fadel ang mga digital native bilang unang henerasyon sa kasaysayan na mas marami pang
nalalaman tungkol sa mga impormasyong digital at teknolohiyang pang-komunikasyon o digital
information and communications technologies kaysa sa mga mas nakatatanda sa kanila. Ayon
sa kanila, binago nito ang dinamika sa paaralan dahil ang mga mag-aaral na ang mga digital
mentor at ang mga guro at magulang na ang mga part-time na mga mag-aaral. Dahil sa
pagkalantad ng mga digital native sa mundong digital, siU ay naglalatag ng bagong set ng
pangangailangan sa ating sistemang pang-edukasyon.
Ayon muli kina Trilling at Fadel, may mga kakayahang pang-21 siglo o 21st century skills
na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral. Hindi lamang ang pagiging bihasa sa mga
natukoy na kakayahan o identified skills tulad ng problem solving at critical thinking ang
kabilang sa mga kakayahang ito, kundi maging ang pagiging bihasa sa mga makabagong
kakayahan tulad ng digital media literacy. Ipinaliwanag din nila Trilling at Fadel na may tatlong
set ng kakayahan na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo. Ito ay ang life
and career skills, learning and innovation skills, at information, media, and technology skills.
Layunin
Nais ng papel na ito na mag-pokus sa information, media, and technology skills lalo na at
ang ilan sa mga silid-aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang maging hi-tech hindi Umang sa
pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya upang gumawa ng mga teaching aid at instructional
material, kundi sa pamamagitan din ng unti-unting pagpapalit sa mga inimprentang teksbuk ng
electronic textbook o e-textbook. Nais ng papel na ito na malaman kung paano ginagamit ng
mga guro at mga mag-aaral ang e-textbook sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng silid-aralan
bilang manipestasyon ng kanilang information, media, and technology skills at kung ano ang
impak ng teknolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng mga silid-
aralan.
Sa kasalukuyan, magkaka-iba ang lebel ng information, media, and technology skills ng
mga guro at mag-aaral sapagkat iba-iba rin ang kanilang exposure sa mga makabagong
teknolohiya. Dahil dito, ipinahahayag ng papel na ito na ang paggamit ng e-textbook sa loob ng
silid-aralan ng mga mag-aaral at mga guro ay naka-depende sa kanilang information, media,
and technology skills.*
Metodolohiya
Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan sa
mga gul’o at mag-aaral na gumagamit ng e-textbook bilang metodo ng pagkalap ng
impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na isasagawa. Ipinapanukala rin. ng papel na ito
ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga silid-aralan ng isang piling paaralan na nagpapatupad
ng paggamit ng e-textbook sa pili nitong mga pangkat at baitang upang higit na mapatatag ang
mga datos na makukuha mula sa paki kipanayam. Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang
output ang pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na ito.
Buod