You are on page 1of 9

11 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 2: Week 7
Learning Activity Sheets

1
FILIPINO 11

Pangalan: ____________________________ Ikalawang Markahan-Ikapitong Linggo


Taon at Pangkat: _______________________ Petsa: ___________________

Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at Kultura

Panimula (Susing Panimula)

Ang pananalikisk ay sadyang maproseso at malawak na gawain. Ito ay isang


komprehensibong proseso ng pagkuha ng mga konkreto at totoong mga datos o impormasyon.
Bunga ng komprehensibong proseso, ito ay nagiging organisado at masistemang kaalaman na
syang maaaaring gamitin na bagong datos, kaalaman, o impormasyon para sa pang araw-araw na
pamumuhay ng isang indibiduwal tulad ng mag-aaral sa kanyang paggamit sa komunikasyon
pasalita man o pasulat. Ang mga karagdagang datos, kaalaman, o impormasyon ay maaaring
maging pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (sistema) at sa mas malalim
na mga pagpapaliwanag sa mga nakuhang obserbasyon na mga napansin.
Ang isang pananaliksik ay tumataglay ng prosesong mapanuri, sistematiko, organisado at
layon. Ito ay nararapat sumagot sa isang katanungan or haypotesis. Sa mga paraang ito ay
nakapagdaragdag ng kaalaman sa isang hindi nakikilalang mga tao, bagay o pangyayari na ibig ng
higit pang kaalaman ng isang indibiduwal.
Sa kasalukuyan, nagiging malawak at masidhi ang pananaliksik paglipas ng mga panahon
at sa pagdating ng mga bagong henerasyon gamit ang mga panibagong teknolohiya. Ang mga
teknolohiyang ito ang nagiging makinarya at susi para mas lalong bigyan na karagdagang mga
kaalaman sa kalutasan ng mga katanungan.

MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK


1. Walang kinikilingan (Obhetibo) at lohikal. Ang mga lumabas na mga resulta, mga datos
o impormasyon ay hindi dapat magbago, mabawasan, madagdagan o mabahiran ng
personal na damdamin, saloobin, opinyon o pananaw.
2. Mayaman sa mga datos. Mga numerikal na mga datos o impormasyon upang maging mas
konkreto at akyureyt ang mga ito tulad ng porsyento, bahagimbilang (ratio) at mga iba pang
gamit istatistikal sa paglalahad ng mga numerikal na datos.
3. May angkop na pamamaraan o metodolohiya. Itoy empirikal na pamamaraan lalong na sa
mga datos na makakalap na karapat-dapatat katanggap-tanggap.
4. Maayos ang dokumentasyon o sistematiko. Nagtataglay ng proseso o mga hakbang na
dapat sundin para sa pagtuklas sa mga kasagutan sa mga katanungan sa kung anong
layunin ng isang pananaliksik.

1
5. May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat. Dapat maging matiyaga at hnidi
minamadali ang mga bawat hakbang upang magkaroon at mapanatili ang akyurasi ng mga
datos o impormasyon na nakuha.
6. Kritikal at mapanuri. Ang mga nakuhang mga datos o impormasyon ay nangangailangan
ng masusing pagsusuri upang hindi magkaroon ng pagkakamali sa pag –unawa at pag
interpretasyon na ginagamitan ng mga kwantiteytib o istatistikal na pamamaraan.
7. Kontrolado. Kinakailangan na walang mabago sa mga datos, impormasyon tulad ng
baryabols na ginamit lalong-lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik.
8. Isang orihinal na akda. Ito ay naglalahad at naglalaman ng mga datos o imporamasyon na
nakuha o nakalap ng isang mananaliksik na mula mismo sa anumang pamamaraan na
kanyang nakaap, nabasa, nasuri at natuklasan sa anumang uri ng pangangalap ng datos.

MGA KATANGIAN TAGLAY ISANG NG MAHUSAY AT RESPONSABLENG MANANALIKSIK


1. Pagkamatiyaga. Panahon o oras ang pangunahing kalaban ng isang mananaliksik. Ang
mga datos o impormasyon ang kinakailangang makuha sa mga tamang pamamaraan ng
walang pagmamadali para sa katotohanan.
2. Pagkamaparaan. Ang isang mananaliksik ay dapat mapamaraan tulad ng palatanong, may
mga datos o impormasyon na hindi nakukuha sa iisang paraan lamang para mabuo mula sa
pira pirasong datos o impormasyon.
3. Pagkamasistema sa gawain o sistematiko. Kailangang magtaglay ang isang mananaliksik
ng masistemang pamamaraan.
4. Pagkamaingat. Sa pangangalap ng mga datos o impormasyon ay kinakailangan ng isang
mahusay na mananaliksik ang pagiging masusing pag-iingat.
5. Pagkamapanuri at kritikal. Ang isang mananaliksik ay maaaring maihalintulad sa isang
mahusay na imbestigador.
6. Pagkamatapat at may paggalang sa tao. Ang isang mananaliksik bago pa man makakuha
ng mga datos o impormasyon ay kailangan maging magalang at magkaroon ng katapatan
sa pagpapaliwanag ng mga layunin ng kanyang pananaliksik.
7. Pagiging responsable. Ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng kaakibat na
responsibilidad at tapang dahil hindi maiiiwasang makaranas ng mga bagay na hindi
inaasahan habang siya ay gagawa, gumagawa nang kanyang pananaliksik.

MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK


1. Pagpili at paglimita ng Paksa. Sa pagpili ng paksa/suliranin ng sulating pananaliksik, hindi
dapat maging masyadong masaklaw ang sakop nito.
2. Pagbuo ng konseptong papel. Ito ay isang paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na
tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin o tukuyin.
3. Paggamit ng iba’t ibang sistema ng dokumentasyon. Kinakailangan maingat ang paggawa ng
dokumentasyon. Sa pamamagitan ng dokumemtasyo, maipapakita ang pag-unawa na may mataas

2
na antas, pagsunod sa prinsipyo ng pagbuo ng sulating pananaliksik at makaiwas sa gawaing
plagiarism.
4. Pagbuo ng balangkas. Sinasabi na ito ay larawan ng mga hakbang na dapat bigyang pansin.
Ayon sa ilang pananaliksik ito ay ang iskeleton ng anumang sulatin
5. Pagkuha, paggamit, at pagsasaayos ng mga datos. Mahalaga ang mga datos sa isang
pananaliksik. Kailangan alam ng mananaliksik kung paano gagamitin at isaayos ang mga datos na
nakalap.
6. Pagsulat ng burador. Mahalaga ang pagsulat ng burador sa isang pananaliksik, sapagkat
makikita ang kahulugan sa nakalap na mga datos o impormasyon, maaaring marebisa nang mas
maaga ang ilang kamalian, pagkakaayos, estilo ng nilalaman ng sulatin; gayundin makita ang ilang
kahinaan at kalakasan ng isinusulat na pananaliksik.
7. Pagsulat ng pinal na sipi. Ilalahad sa bahaging ito ang kabuuan ng isinasagawang pananaliksik
batay sa wastong pormat, kawastuhan ng mga pamaraan, at dokumentasyon.

MGA PROSESO SA PAGLIKHA AT PAGSULAT NG PANANALIKSIK


A. PAGPILI AT PAGBUO NG PAKSA (Thesis Title)
1. Sakop ng Panahon. Ang pagtiyak sa sakop ng panahon ng paksa ay nakapagpapadali
at nakapagpapabilis sa isinasagawang pag-aaral. Halimbawa: Ang Naitutulong ng Internet
sa Pananaliksik 2014-2018.
2. Sakop ng Edad. Nakatatawag-pansin ang paksang natutukoy agad ang edad o kaya’y
ayon sa particular na gulang. Halimbawa: Ang Pagtatrabaho ng mga Batang Nasa Edad 8-
12: Epekto at Bunga Nito
3. Sakop ng Kasarian. Ang tiyak na kasarian ay higit na malinaw kaysa sa masaklaw na
paglalarawan. Halimbawa: Mga Tungkulin at Gawain ng mga Batang Naging Pangulo ng
Pilipinas sa Pag-unlad ng Bansa
4. Sakop ng Proppesyon o Pangkat naKinabibilangan. Maaaring maging batayan sa
paglilimita ang mga trabaho o grupong sosyal, etnolingguwistiko o pampropresyonal.
Halimbawa: Pag-aaral ng Wikang Gamit ng mga Newscaster sa Larangan ng Pagbabalita sa
Radyo at Telebisyon.
5. Sakop ng Anyo o Uri. Maaaring gamitin ang anyo, kalagayan sa lipunan, pigura o
estruktura. Halimbawa: Pag-aangkop ng Kulturang Batak ng Palawan sa Kulturang
Ginagawa sa Kalunsuran.
6. Sakop ng Lugar. Nagagamit sa paglilimita ng paksa ang particular ng lugar o sa mas
malawak ng lugar. Halimbawa: Ang Pagtanggap ng Gamit ng Wikang Filipino sa mga
Kursong Matematika ng mga Mag-aaral sa San Beda College sa Maynila.

B. PAGBUO NG BALANGKAS NG SULATING PANANALIKSIK


Introduksiyon. Ito ay nagpapahayag ng pagkilala sa paksa na maaaring ikutan ng

3
pananaliksik.
a. Katawan. Nakalahad dito ang kaligirang impormasyon hinggil sa tatalakaying paksa at
mga paglalahad sa mga naunang pag-aaral na may kaugnayan dito.
k. Konklusyon. Ang wakas na bahagi ng balangkas ay naglalahad ng buod o lagom ng
kinalabasan ng pag-aaral o pananaliksik.

C. PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL NG SULATING PANANALIKSIK


a. Rasyonal. Inilalahad sa bahaging ito ang kaligiran o pinagmulang ideya kung bakit napili
ang isang particular na isyu, ideya o paksa.
b. Layunin. Isinasaad sa layunin ang mga dahilam ng pananaliksik o kung ano ang ibig
matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa.
k. Metodolohiya. Tumutukoy sa paraan ng gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa
piniling paksa.
d. Inaasahang Ibubunga. Sa bahaging ito, inilalahad ang inaasahang bunga at binabanggit
din dito ang bilang ng pahinang mabubuo ng pananaliksik.

Pamantayang Pampagkatuto
Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino.
F11PB – IIg – 97
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik.
F11PU – IIg – 88

Pagsasanay 1
Panuto: Gamitin ang dayagram sa ibaba upang makapagbigay at makapaglahad ng isang salita at
sariling depenisyon ng salitang “pananaliksik”

PANANALIKSIK

Pagsasanay 2

4
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
mga ibinigay na pagpipilian. Isulat ang titik sa patlang.
_____1. Komprehensibong proseso ng pagkuha ng mga konkreto at totoong mga datos o
impormasyon ay tinatawag na?
a. Pagsusuri b. Pagbasa k.Pananaliksik d. Pagsulat
_____2. Ito ay isang paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin,
linawin o tukuyin.
a. Bibliograpi b. Burador k. Balangkas d. Konseptong papel
_____3. Isang katangian ng isang mahusay na mananaliksik kung saan maaaring maihalintulad sa
isang mahusay na imbestigador.
a. Sistematiko b. Mapanuri at kritikal k.Maingat d.Matiyaga
_____4. Alin sa mga sumusunod ang hindi na layunin ng isang pananaliksik?
a. Makipagtalo at makipag-argumento b. Makatuklas ng mga bagong impormasyon.
k. Makapagpatotoo o makapangatuwiran d. Makapagbigay ng ideya o mungkahi
_____5. Isa sa mga katangian ng isang pananaliksik na kung saan ang mga nakuhang mga datos o
impormasyon ay nangangailangan ng masusing pagsusuri upang hindi magkaroon ng
pagkakamali sa pag –unawa at pag interpretasyon na ginagamitan ng mga kwantiteytib o
istatistikal pamamaraan upang masabing analitikal ang isang pananaliksik.
a. Kontrolado b. Kritikal at mapanuri k. Metodolohiya d. Sistematiko
_____6. Ayon sa ilang pagsasaliksik, ito ay ang iskeleton ng anumang sulatin, ano ito?
a. Balangkas b. Bibliograpi k. Burador d.Paksa
_____7. Sa pagbuo ng konseptong papel ng sulating pananaliksik, ito ay tumutukoy sa paraan ng
gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.
a. Balangkas b. Bibliograpi k. Burador d. Metodolohiya
_____8. Bahagi ng pagbuo ng balangkas ng sulating pananaliksik na naglalahad ang mga
kaligirang impormasyon hinggil sa tatalakaying paksa at mga paglalahad sa mga naunang
pag-aaral na may kaugnayan dito.
a. Katawan b. Rasyunal k. Introduksiyon d.Konklusiyon
_____9. Mga bahagi ng isang balangkas maliban sa isa.
a. Katawan b. Konklusiyon k. Rasyunal d. Introduksiyon
_____10. Alin sa mga sumusunod ang mga hakbang sa pananaliksik na may layunin na ang
isasagawang pananaliksik o pag-aaral; mga inaasahang mapatutunayan sa gagawing pag-
aaral; at mga kapakipakinabang na makukuha sa pag-aaral gaano man ito kalawak.
a. Pagbuo ng konseptong papel b. Pagkuha, paggamit, at pagsasaayos ng mga datos
k. Paggamit ng iba’t ibang sistema ng dokumentasyon d. Pagbuo ng balangkas

5
Pagsasanay 3
Panuto: Gamit ang mga batayan sa pagpili ng paksa/suliranin sa sulating pananaliksik, suriin ang
mga sumusunod na paksa at ilahad kung anong sakop nauuuri ito. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.

1. Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Asignaturang Matematika ng mga Mag-aaral sa


Pamantasan ng Tarlak sa Siyudad ng Tarlak.
__________________________________________
2. Ang mga Epekto ng Sosyal Midya sa Pananaliksik 1972-2020.
_______________________________________
3. Pandemikong COVID 19: Epekto sa Larangan ng Kalusugan at Edukasyon
_______________________________________
4. Paggamit ng Wikang Filipino: Sa Pagbasa, Sa Pagsulat, Sa Komunikasyon at Pananaliksik
______________________________________
5. Mga Responsibilidad at Katangian ng mga Ginoong Naging Punong-Guro para sa Pag-unlad
ng Isang Paaralan.
_______________________________________
6. Ang mga Epekto at Bunga: Maagang Pagbubuntis ng mga Kabataang Nasa Edad na Trese
__________________________________________
7. Edukasyon sa Pilipinas: Mga “Handang Isip, Handang Bukas”
______________________________________
8. Epekto ng Mga Eksperimental at Siyentipikong Pag-aaral ng Bansang Tsina Mula sa Taong
Dalawang-Libo’t Siyam Hanggang Dalawang Libo’t Dalawampu.
_______________________________________
9. Mga Barayti ng Wikang Filipino: Sa Larangan ng Isports Radyo, Telebisyon at Dyaryo
_______________________________________
10. Mga Pag-aanalisang pang Medikal at Teknikal sa mga Biktima ng COVID 19 sa Lungsod at
Probinsiya ng Tarlak
__________________________________________

Pagsasanay 4
Panuto: Maglahad ng sariling pananaw o saloobin sa mga sumusunod na katangian ng isang
mahusay na mananaliksik (bilang 1-5) at mga hakbang sa pananaliksik (bilang 6-10). Isulat ang
sariling pananaw o saloobin sa mga patlang sa pamamagitan ng apat (4) o limang (5) pangungusap
lamang.

1. Pagiging responsable
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Pagkamatiyaga
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Pagkamapanuri at kritikal
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Pagkamasistema sa gawain o sistematiko
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Pagkamatiyaga
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
6. Pagpili at paglimita ng Paksa
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
6
7. Paggamit ng iba’t ibang sistema ng dokumentasyon
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
8. Pagbuo ng balangkas
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
9. Pagkuha, paggamit, at pagsasaayos ng mga datos
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
10. Pagsulat ng pinal na sipi
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Pagsasanay 5

Panuto: Gamit ang akronim na PANANALIKSIK na nasa loob ng kahon, magbigay ng sariling
saloobin o damdamin tungkol sa katuturan ng isang sulating pananaliksik. Gumamit ng wikang
FILIPINO sa paglalahad at pagsulat nito.

P __________________________________________________________________________
A __________________________________________________________________________
N __________________________________________________________________________
A __________________________________________________________________________
N __________________________________________________________________________
A__________________________________________________________________________
L __________________________________________________________________________
I __________________________________________________________________________
K__________________________________________________________________________
S__________________________________________________________________________
I__________________________________________________________________________
K__________________________________________________________________________

Repleksiyon

Sa mga susunod na limang taon, bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang
pagiging isang mahusay at responsableng mananaliksik sa anumang napiling paksa o isyu.
Ipaliwanag ang sagot sa wikang FILIPINO.

_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Sanggunian

M. O. Jocson, “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”. VIBAL Group DepEd-


BLR, 274 — 281.
7
8
Chief-CID
ROBERT E. OSONGCO EdD
EPSVR-LRMDS Maliwalo National High School
LILY BETH B. MALLARI SST-I
EPSVR-Filipino Manunulat/Naglapat
HELEN G. LAUS EdD EDGARDO R. PASCUA
Sinuri nina: Inihanda ni:
Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 1
Ang mga sagot (salita) ng mag aaral ay nakabatay sa kanyang personal na pang-unawa mula sa
mga ibinigay na depenisyon ng pananaliksik.
Pagsasanay 2
1. k
2. d
3. b
4. a
5. b
6. a
7. d
8. a
9. k
10. b
Pagsasanay 3
1. Sakop ng lugar
2. Sakop ng panahon
3. Sakop ng propesyonal o pangkat
4. Sakop ng anyo o uri
5. Sakop ng kasarian
6. Sakop ng edad
7. Sakop ng anyo o uri
8. Sakop ng panahon
9. Sakop ng propesyonal o pangkat
10. Sakop ng lugar
Pagsasanay 4
Ang mga sagot at paliwanag ng mag aaral ay nakabatay sa kanyang personal na pang-unawa
tungkol sa mga katagian ng isang mahusay na mananaliksik at mga hakbang sa pananaliksik.
Pagsasanay 5
Ang sariling saloobin o damdamin ng mag-aaral ay nakabatay sa kanyang kaalaman at pang-
unawa sa akronim na PANANALIKSIK tungkol sa katuturan ng isang sulating pananaliksik gamit
ng wikang FILIPINO sa paglalahad at pagsulat nito.
82 - 85.
E. Granil, “Mga Teorya at Praktika ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”.

You might also like