You are on page 1of 3

PANGALAN: Lady Han A. Comia at Nica Kristen D.

Linatoc PETSA: Enero 15, 2024


BAITANG/PANGKAT: 11-Cupid PUNTOS: __________

TITULO NG SINURING PANANALIKSIK:


“Epekto ng mga Kasanayan sa Pamamahala ng Oras sa Pamumuhay ng mga Mag-aaral ng STEM sa Aurora National
High School”

A. PAKSA: Ang pangunahing paksa o lalamanin nito ay makikita sa pamagat ng saliksik. Ang paksa nito ay
"Epekto ng mga kasanayan sa pamamahala ng oras sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng STEM sa Aurora
National High school". Kung ating susuriin ang paksa, ito ay tiyak at malawak sapagkat naipahayag ng maayos sa
pamagat ang nais iparating ng may akda sa mambabasa. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, malalaman natin
ang mga posibleng epekto sa mag-aaral ng STEM sa Aurora National High School kapag sila ay may kasanayan
sa pamamahala ng kanilang mga oras sa pamumuhay.

B. NILALAMAN: Ang isinagawang pananaliksik ay pumapatungkol sa epekto ng pamamahala ng oras sa


pamumuhay ng mga mag aaral. Nang matapos suriin ang pag aaral, kapansin-pansin ang pagiging organisado sa
mga detalye at ang mga bahagi ng saliksik ay nakaugnay sa paksa. Ang paksa ng pag aaral ay makikita na sa
pamagat pa lamang ng pag aaral. Dito, nakapaloob na kung saan pumapatungkol ang buong saliksik. Kumpleto
ang detalye mula sa nais saliksikin ng awtor hanggang sa respondente at lugar kung saan ginawa ang saliksik.
Matapos suriin ang pamagat, kasunod naman ang bawat kabanata na pumapaloob sa saliksik. una, ang Kabanata
I, nakapaloob sa kabanata na ito ang panimula, layunin ng pag aaral, kahalagahan ng pag aaral, saklaw at
limitasyon at depinisyon ng mga terminolohiya. nang masuri, makikita sa unang kabanata kung ano ang paksa at
ang nais bigyang-pansin ng awtor sa kaniyang pananaliksik. Binigyang-diin sa mga nakalahad na sitwasyon ang
posibleng epekto ng pamamahala ng oras sa iba't ibang aspekto. Ang mga impormasyon ay mahusay na naisulat
at tumutukoy pa rin sa paksa ng saliksik. Sa ibang bahagi naman ng Kabanata I, pinagtuunan ng pansin ang
pagsaliksik sa mga epekto ng pamamahala ng oras na saklaw pa rin ng paksa ng buong pananaliksik. Sunod ang
Kabanata II, dito nakapaloob ang mga kaugnay na literatura at pag aaral. Sa bahaging ito makikita ang mga
literatura at pag aaral na banyaga at maging ang mga literatura at pag aaral na lokal. Matapos masuri ang
ikalawang kabanata, mauunawaan na ang nilalaman ng mga nakalahad na literatura at pag aaral na banyaga at
lokal ay tumutukoy sa mga salik na nakakaapekto sa pamamahala ng oras at mga epekto nito sa pamumuhay ng
mga mag aaral na nauugnay sa paksa ng pag aaral. Ang nilalaman ng ikalawang kabanata ay malinis na nakalahad
at konektado pa rin sa paksa ng saliksik. Ikatlo, ang Kabanata III na naglalaman ng disenyo at paraan ng
pananaliksik. nang masuri ang bahaging ito, natukoy na ang awtor ay gumamit ng naangkop na disenyo para sa
pananaliksik. Aang napiling disenyo ay nararapat upang makuha ang mga detalyeng kinakailangan sa pag aaral.
Maging ang napiling mga respondente at instrumento ay angkop at tama sa ginawang pag aaral upang epektibong
matiyak ang epekto ng kasanayan sa pamamahala ng oras sa pamumuhay ng mga mag aaral. Ikaapat, ang
Kabanata lV na naglalaman ng presentasyon at interpretasyon ng datos. matapos masuri ang bahaging ito,
makikitang lubos na binigyang-pansin ang naging resulta ng pananaliksik. naging maingat at wasto ang
pagkakalahad ng mga datos. Naging mahusay din ang interpretasyon ng mga detalye at naiugnay sa ibang pag
aaral upang mas matiyak ang bisa ng resulta. Dito natiyak ang pangunahing salik na nakakaapekto sa
pamamahala ng oras ng mga estudyante at maging ang epekto nito sa pag aaral, kalusugan at sa paggawa ng iba
pang mga aktibidad. At ang ika huli ay ang kabanata V, ito ay naglalaman ng konklusyon at rekomendasyon. Sa
kabanatang ito ay naglalahad ng mga resulta sa pananaliksik, mga konklusyong nakuha mula sa sa mga resulta at
ang mga rekomendasyong ginawa ng mananaliksik sa pag aaral nito. Dito ay naglahad ang mananaliksik ng
limang konklusyon ukol sa ginawang pagsasaliksik. Nalaman dito na ang pangunahing salik na nakakaapekto sa
pamamahala ng oras ng mga mag aaral ay ang kanilang telepono. Ilan pa sa konklusyon dito ay ang pamamahala
sa oras ay makatutulong sa mag aaral na makamit ang magagandang marka, maayos ang kanilang iba pang
aktibidad at mas maging produktibo sa paaralan. Idagdag pa dito na ang pamamahala sa oras ay maaaring maging
sanhi ng stress ng mga mag aaral. Ito ang ilan sa naging konklusyon ng awtor sa pagbuo ng pananaliksik. Dito rin
ay naglahad ang mananaliksik ng iba't ibang rekomendasyon na nakabatay sa gawaing nagawa sa panahon ng pag
aaral at sa mga konklusyong ibinigay. Ang rekomendasyon ay maayos na inilahad upang mas maging wasto ang
pamamahala ng oras sa pamumuhay ng mga mag aaral.

C. LAYON: Sa pagsusuri ng layon, ipinakita dito ang hangarin o pakay ng pag-aaral na nais matamo ng paksa. Ito
ay pangkalahatan at tiyak. Sa pangkalahatang layunin, ipinapahayag nito ang kabuuang layon, nais gawin,
mangyari o matamo sa pananaliksik. Sa tiyak na layunin naman ipinapahayag nito ang ispesipikong pakay sa
pananaliksik sa paksa. Makikita rin dito na ang layunin ng pananaliksik ay nakabatay sa suliraning inilahad sa
bahagi ng paglalahad ng suliranin.

D. GAMIT/KAHALAGAHAN: Batay sa isinagawang pag-aaral at sa naging resulta nito, ang higit na


makikinabang sa saliksik na ito ay ang mga mag-aaral. Ang saliksik na ito ay makakapag bigay sa mga
estudyante ng mga kaalaman tungkol sa pamamahala ng oras sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga salik na
nakakaapekto sa pamamahala ng oras at paano nakakaapekto ang pamamahala ng oras sa kanilang pamumuhay.
Ito din ay makatutulong hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati din sa ibang tao na bahagi ng lipunan. Kasama
na din sa makikinabang ang mga guro at tagapangasiwa ng paaralan dahil ang saliksik na ito ay maaaring
makatulong din upang malaman nila kung paano ituturo at gagabayan ang mga mag-aaral sa mga aspektong
nauugnay sa pamamahala ng oras. Makatutulong din ito sa mga magulang ng mga mag-aaral at maging sa mga
mananaliksik sa hinaharap. Bukod sa mga kahalagahan ng saliksik, ito rin ay maaaring magamit sa paraan na
makatutulong sa pamamahala ng oras ng mga mag aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga
impormasyon at kaalaman kaugnay sa pamamahala ng oras. Ang mga detalye na ito ay maaaring magamit upang
mas pahalagahan ng mga mag aaral ang paggamit ng oras at maging gabay sa paggawa ng mga gawain na
kailangang tapusin. Magagamit ito upang mabago ang mga nakagawiang gawain ng mga estudyante na may
kaugnayan sa pangangasiwa ng oras. Ang saliksik na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkamit ng
magagandang marka, maiwasan ang stress at mga distraction, maayos ang iba pa nilang aktibidad at maging mas
produktibo sa pamamagitan ng pamamahala ng kanilang oras sa maayos na paraan. Magagamit ang saliksik na ito
upang maging mas epektibo ang pamamahala ng oras sa pamumuhay ng mga estudyante.

E. METODO: Sa metodolihiyang gamit ng pananaliksik, mapapansin dito na isinaad ang mga kagamitan at paraan
na ginamit ng mananaliksik. Makikita na ito ay sigurado, wasto, malinaw at tama ang mga impormasyong
nilalaman upang maging silbing gabay sa kanilang pagtugon sa layunin. Sa pagpili ng mananaliksik ng
respondente o kalahok, siya ay naging tugma sa layunin ng saliksik. Makikita dito na pinili ng mananaliksik ang
mga mag aaral ng STEM sa Aurora National High School upang maging respondente sa kaniyang gagawing pag
aaral. Mapapansin na lamang sa unang bahagi ng pahina na kung saan ay nakalapaloob ang pamagat, makikita
dito na ang kaniyang pananaliksik ay naka batay lamang sa mag aaral ng STEM kaya ito ang kaniyang pinili at
nais niya ring magkaroon pa ng mas malawak na pagsusuri kung paano pinamahalaan ng mga mag aaral ang
kanilang oras at paano ito nakakaapekto sa kanilang pamumuhay. Sa kaniyang disenyo ng pananaliksik, gumamit
ito ng case study o isang masusing pagsusuri sa isang partikular na paksa na kadalasang ginagamitan ng
kwalitatibong metodo. Pinili ito ng mananaliksik upang lubusang maisagawa ang pag aaral sa isang partikular na
paksa na mga mag aaral ng STEM sa Aurora National High School. Sa pamamagitan ng disenyong ito ay
magkakaroon siya ng malawak na kaalaman kung ano nga ba ang magiging epekto ng pagkakaroon ng kasanayan
sa pamamahala sa oras ng pamumuhay ng mga mag aaral ng STEM dahil ito ang naging silbing gabay o batayan
kung paano naisagawa ang pag aaral. Sa pagpepresenta naman ng datos, makikita dito na naka ayos at organisado
ang paglalahad nito kung kaya't hindi mahihirapan ang magsusuri ng pananaliksik na ito. Inilahad dito ng awtor
ang iba't ibang salik na nakakaapekto sa pamamahala ng oras ng mga mag aaral, mga epekto ng mga kasanayan
sa pamamahala ng oras sa kanilang pag aaral, mga epekto ng pamamahala ng oras sa kanilang kalusugan, mga
epekto ng pmamahala ng oras sa kanilang iba pang gawain, at ang kahalagahan ng pamamahala ng oras. Sa
pangangalap ng mga datos na ito, isang hanay ng mga tanong na ginawa ng mga mananaliksik ang ginamit
tungkol sa epekto ng mga kasanayan sa pamamahala ng oras sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng STEM sa
Aurora National High School upang magkaroon ng kaalaman ang mananaliksik kung ano nga ba ang mga salik
na nakakaapekto sa pamamahala ng oras ng mga mag aaral.

F. ETIKA SA PANANALIKSIK: Ang nagawang pananaliksik patungkol sa epekto ng mga kasanayan sa


pamamahala ng oras sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng STEM ay sinuri at pinagtuunan ng pansin sa etika sa
pananaliksik. Mapapansin sa bahagi ng introduksyon, kaugnay na mga literatura at pag aaral, at sa presentasyon,
pagsusuri at interpretasyon ng mga datos ay mayroong mga pahayag na nakalahad na nakatutulong sa mga
mambabasa upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa paksa ng pananaliksik. Ang mga
pahayag na ito ay naglalaman ng mga ideya na nagmula sa iba't ibang tao o awtor. Sa pagsusuri ng pananaliksik,
ang mga awtor ng mga pahayag ay maingat na nakalahad kasama ang kanilang mga pangalan at/o apelyido at ang
taon kung kailan naisulat ang pahayag. Ang manunulat ng saliksik ay nagpakita ng pagiging organisado sa
pagsusulat sapagkat ang mga awtor ay maayos na nakalahad kasama ang kanilang nasabing pahayag. Malinaw na
ang nagsulat ng pananaliksik ay hindi nagpakita ng pangongopya ng ideya at nilalaman mula sa ibang tao.

You might also like