You are on page 1of 5

Aralin 1. Samantala, inilahad din nina Garcia, et. al.

(2012:92-128) sa kanilang
aklat ang iba’t ibang bahagi ng sulating pananaliksik. Tunghayan
Mga Pahinang Preliminaryo o Front Matters at natin ang mga ito.

ang Kabanata I – Ang Suliranin at Kaligiran Nito Kabanata 1 – Ang Suliranin at Kaligiran Nito – Ito ang unang
kabanata na binubuo ng mga sumusunod na bahagi:
Itinala nina Bernales, et. al. (2008:179-180) sa kanilang aklat ang
mga pahinang preliminaryo ng sulating pananaliksik. Ito ang mga Introduksyon o Panimula – Ipinahahayag sa bahaging ito ang mga
sumusunod: sumusunod:

Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng sulating pananaliksik. Walang Nagsisilbi itong panimula ng unang kabanata ng pananaliksik at
nakasulat na kahit ano sa pahinang ito. Sa madaling sabi, blangko karaniwang binubuo ng dalawa hanggang tatlong pahina. Ibinibigay
ito. rito ang paunang paliwanag ukol sa basehan sa pagsasagawa ng
nasabing pananaliksik. Hindi ito dapat na napakahaba at
Pamagating pahina ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa napakaligoy. Gawing tiyak ang paglalahad upang bigyan ng kaisipan
pamagat ng sulating pananaliksik. Nakasaad din dito kung kanino ang mambabasa ukol sa pag-aaral at pananaliksik na isinasagawa.
iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura o
pangangailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng Ito ang bahaging nagsasaad ng rasyunal o kadahilanan ng pag-aaral
kumplesyon. Kung titingnan sa malayuan, kailangang magmukhang o pananaliksik. Inilalagay rito ng mananaliksik ang kanyang
inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyong nasa intensiyon kung bakit binuo ang papel, ang pangkasaysayang
pahinang ito. sanligan ng suliranin at kalakip nito ang batayang teoritikal. Ang
batayang teoritikal ay isang sistema o modelo na sinusunod ng
Dahon ng Pagpapatibay/Pagtanggap tawag sa pahinang mananaliksik upang panindigan ang kanyang pananaliksik.Ito ay
kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap maaaring mula sa mga pag-aaral ng isang eksperto o praktikal na
ng guro o tagapayo ng papel pampananaliksik. aplikasyon. Ipinakikilala rito kung ano ang tatalakayin sa pananaliksik
at nagbibigay ng konteksto ng paksa na karaniwang bumabanggit sa
Pasasalamat o Pagkilala ang tawag sa pagtukoy ng mananaliksik mga pananaliksik na isinagawa na ng iba.
sa mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring
nakatulong sa pagsulat o pagsagawa ng pananaliksik. Ang pambungad na talata ng introduksiyon ay nagbibigay sa
mambabasa ng impormasyon at kahandaan tungkol sa paksa ng
Talaan ng Nilalaman ang tawag sa pagbabalangkas ng mga bahagi pananaliksik.
at nilalaman ng sulating pananaliksik at nakatala ang kaukulang
bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. Ang panggitnang talata ay naglalaman ng karamihang bahagi ng
introduksiyon. Ipinakikilala nito sa mambabasa ang saklaw o sakop
Sa Talaan ng mga Talahanayan at Grap nakatala ang pamagat ng ng pag-aaral. Magiging basehan ang bahaging ito sa pagbuo ng
bawat talahanayan at/o grap na nasa loob ng sulating pananaliksik at suliranin at mga layunin ng pag-aaral.
ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Ang pangwakas na talata ay humikayat at humahamon sa
Fly Leaf 2 ang tawag sa isa na namang blangkong pahina bago ang mambabasa upang magkaroon ng interes at alamin kung ano ang
katawan ng sulating pananaliksik. magiging resulta ng pag-aaral. Ito ay maaaring ipahayag sa isa o
dalawang pangungusap na mag-uugnay sa paglalahad ng layunin ng
pananaliksik. Ito ang mag-uugnay sa pagitan ng introduksiyon at ang
pagpapahayag ng suliranin.
Aralin 2.  ·  Kinawiwilihan, kapaki-pakinabang at napapanahon
Proseso o Hakbang sa Pagsasagawa ng Pananaliksik · Magkaroon ng sapat na sangguniang pagbabasihan ng napiling
paksa.
Bilang isang mananaliksik, may mga proseso o hakbanging dapat
isaalang-alang upang maging gabay sa pagsasagawa ng isang ·  Pumili ng paksang hindi malawak at masaklaw.
pananaliksik. Binigyang-diin ito nina Garcia, et. al (2012) sa kanilang · Pumili ng paksang maaaring lagyan ng konklusyon o pasya at
aklat. Ito ang mga sumusunod: maglatag ng ebidensya o katibayan.
Pagpili at paglimita ng paksa – Ito ang unang dapat
Samantala, naglahad din sina Mendoza, Jr. et. al.
pinag-uukulan ng panahon ng isang nagsisimula sa
(2012:205) sa kanilang aklat hinggil sa mga
pananaliksik. Narito ang mga hakbang na
konsiderasyon sa pagpili ng paksa gaya ng mga
makatutulong sa pamimili at paglilimita ng paksang
sumusunod:
tatalakayin sa pananaliksik.
Una. Kasapatan ng Datos.  At ikalima. Interes ng Mananaliksik. 
Pangangailangan sa pagbuo ng pananaliksik ang kasapatan sa Tandaan sa puntong ito na dapat na mangibabaw sa kaisipan ng
datos. Isa sa mahalagang dapat na mapaglaanan ng mga mananaliksik ang ideyang mahirap na simulan at tapusin ang isang
kongkretong impormasyon ay ang teoritikal na bahagi at ang gawain kung ito gustong gawin. Ang pagkagusto ng mananaliksik
literatura hinggil sa paksang pipiliin, matamang pagtugon sa paksang kanyang isasagawa ang nagpapataas sa kanyang
pagnanais upang lalo itong mapagbuti at gawing kapaki-
Ikalawa. Limitasyon ng Panahon.  pakinabang.
Kinakailangan din ang pagtuon ng mananaliksik sa panahong takda
lamang upang isakatuparan ang pananaliksik. Ang hindi matamang Kabilang din sa inilahad nina Mendoza, Jr. et. al. (2012:206-207) sa
pagtuon sa panahon ay maaaring makaapekto sa iba pang dapat kanilang aklat ang mga batayan sa paglilimita ng paksa ng
na ikonsidera sa pananaliksik. pananaliksik. Tunghayan ang mga sumusunod:

Ikatlo. Kakayahang Pinansyal.  Una. Sakop ng Panahon. 


Maaaring maging pangunahing suliranin sa pananaliksik ang Dapat na maisaalang-alang ng mananaliksik ang panahon upang
pinansyal na aspeto kapag ito ay hindi napaghandaan o matukoy ang tiyak na hanggganan ng panahong ilalaan sa paksang
napagtuunan ng pansin. Kung sapat lamang ang nakalaang pinag-aaralan.
pinansyal na obligasyon sa 50 araw dapat na matapos ito sa
nabanggit ding panahon. Halimbawa:

Pangkalahatang Paksa (PP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito


Ikaapat. Kabuluhan ng Paksa.  sa mga Guro
Bilang mananaliksik, nararapat lamang na kasama sa ating mga Nalimitahang Paksa (NP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito sa
obligasyon na bigyang-tuon ang kapakinabangan ng isasagawang mga Guro: Taong-aralan 2016
pananaliksik. Dapat na maipakita ang kapakinabangan ng
isasagawang pananaliksik. Dapat na maipakita ang Ikalawa. Sakop ng Edad.
kapakinabangan nito hindi lamang para sa sarili gayundin sa Tiyakin ang paglilimita sa paksa batay sa isang partikular na
lipunan sa kabuuan. pagpapangkat ng edad. 
Halimbawa: Halimbawa:

Pangkalahatang Paksa (PP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito Pangkalahatang Paksa (PP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito
sa mga Guro sa mga Guro
  Halimbawa:
Nalimitahang Paksa (PP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito sa
Nalimitahang Paksa (NP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito sa mga Kabataang Babaeng Aetang Guro (edad 19-23): Taong-aralan
mga Guro (edad 19-23): Taong-aralan 2016 2016

Ikatlo. Sakop ng Kasarian.  Ikaanim. Sakop ng Perspektiba. 


Maliban sa pagbibigay-halaga sa maaaring maging edad, maaari Ang perspektiba ay nangangahulugang pananaw. Maaaring ibatay
ding bigyang-konsiderasyon ang kasarian upang makatulong sa ang uri ng paglilimita sa iba’t ibang lapit, pagtingin at aspeto.
lalong paglilimita ng paksa.

Halimbawa: Halimbawa:

Pangkalahatang Paksa (PP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito Pangkalahatang Paksa (PP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito
sa mga Guro sa mga Guro
Nalimitahang   Paksa   (PP):   Ang   Programang   K-12 at
Nalimitahang Paksa (NP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito sa Epektong Ekonomikal Nito sa mga Kabataang Babaeng Aetang
mga Babaeng Guro (edad 19-23): Taong-aralan 2016 Guro (edad 19-23):Taong-aralan 2016
 
Ikaapat. Sakop ng Propesyon/ Grupong Kinabibilangan. 
2. Pagsasagawa ng pansamantalang balangkas –Kapag tiyak na
Ang propesyon o kinabibilangang larangan gayundin ang ang paksang tatalakayin, kailangang linawin at planuhing mabuti
hanapbuhay at pangkat ay ilan din sa maaaring konsiderasyon kung aling bahagi ang bibigyan ng diin ng pananaliksik nang sa
upang malimitahan ang paksa. ganoon ay magkaroon ng direksiyon ang pagbabasa patungo sa
pagsulat.
Halimbawa:
3.Pagtatala ng mga sanggunian o bibliyograpiya – Ang aklatan
Pangkalahatang Paksa (PP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito ang pinakamabuting lugar upang pagsaliksikan. Dito matatagpuan
sa mga Guro ang lahat ng uri ng babasahing kailangan sa pagbibigay ng
impormasyon at sa paghahanda ng bibliyograpiyang tulad ng mga
Halimbawa: libro, magasin, pahayagan, pampleto, manuskrito at artikulo.
Nalimitahang Paksa (PP): Ang Programang K-12 at Epekto Nito sa 4. Pangangalap/pangongolekta ng mga tala o datos – Itala ang
mga Babaeng Aetang Guro (edad 19-23): Taong-aralan 2016 mga impormasyong mahalaga sa pananaliksik, Malaki ang
Ikalima. Sakop ng Anyo/Uri.  maitutulong ng mga ito sa binubuong sulatin. Maaaring gumamit ng
Tinutukoy nito ang batayang kalagayang panlipunan, istruktura at indeks kard sa pagtatala ng mga sanggunian.
iba pang mga maaaring kasangkot sa paksa ng pananaliksik.
 
5. Pagbuo ng konseptong papel – Ganap ka nang handa bilang
mananaliksik, may paksa, may nakahandang tentatibong
balangkas, may mga talaan ng sangguniang mapagkukunan ng
mga impormasyon sa gagawing pananaliksik at nakakalap na ng
mga tala para sa pagbuo ng sulatin kung kaya’t masisimulan mo na
ang pagbuo ng konseptong papel gamit ang mga kaalamang
natutuhan mo sa mga tinalakay sa araling ito.

6. Pagsasaayos ng dokumentasyon – Anumang siniping mga


pananalita ng awtor na nakalap bilang mga tala na gagamitin sa
sulatin ay kailangang ilagay sa pangalan ng nasabing awtor. Itala
sa talaan ng bibliyograpiya o sanggunian at iwasan ang
plagyarismo (plagiarism).

7. Pagsulat ng burador –Sa bahaging ito ng proseso ng pagsulat


ng pananaliksik, subuking gawing isang sulatin ang pira-pirasong
impormasyong matiyagang tinipon buhat sa pangangalap ng mga
datos mula sa mga itinalang sanggunian o bibliyograpiya. Mula sa
pagiging kalansay, lalagyan na ito ng laman upang makatayo sa
pagiging isang sulating pananaliksik sa kabila ng pagiging draft
lamang ng kayarian nito.

8. Pagpapahayag ng resulta ng pananaliksik o riserts – Isa-


sang sasagutin sa bahaging ito ang mga suliraning nais bigyang-
linaw. Matapos mabunyag ang resulta, tulad ng isang kapana-
panabik na akda, ang hinihintay na lamang ay ang magiging
konklusyon nito upang mabuo ang rekomendasyon.

9. Pagrerebisa at pagwawasto ng burador – Kailangang muling


balikan at matamang suriin ang pananaliksik upang maisaayos ang
anumang nakaligtaan at kakulangan. Basahing muli ang nabuong
sulatin, isaayos ang mga bahaging malabo ang talakayan at punan
ang nakitang may kakulangan.

10. Pagsulat ng pinal na papel – Ang pinal na papel ay isusulat


batay sa pormat ng institusyong kinabibilangan (institutional
format). Sa bahaging ito ay handa na ang mananaliksik na
sumailalim sa pagtatanong tungkol sa kanyang pananaliksik na
isinagawa.

You might also like