You are on page 1of 5

PAMAGAT ​(14 CAPSLOCK)

Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino


Senior High School, Unibersidad ng Nueva Caceres
Lungsod ng Naga

Bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino II

Ipinasa nina:
(GIVEN NAME- SURNAME)

(3 spaces after last member)

Marso 2020
KABANATA I

PANIMULA

Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng

pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Dito

tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. “Ano

ba ang tungkol sa iyong pinag-aaralang paksa at Bakit

kailangan pa itong pag-aralan.” Sa mga mananaliksik na

mag-aaral, ang isa’t kalahating pahina sa bahaging ito ay

sapat na.Nakatala dito ang mahahalagang impormasyon tungkol

sa paksa Inilalalahad sa unang bahaging ito kung saan at

paano nagsimula ang ideya.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung

bakit isinasagawa ang pag-aaral.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Tinutukoy rin dito ang mga pangunahing suliranin na

nasa anyong patanong. Sa bahaging ito inilalahad at


inilalarawan ang suliraning nais bigyan ng mahalagang

pokus. Inilalahad dito ang mga impormasyong tungkol sa

kahalagahan ng paksa. Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi

ng pananaliksik. Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Ang

mga katanungang inilahad ay nararapat na masagutang lahat

ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.

Dito itinakda ang parameter ng pananaliksik. Ipinakikita sa

bahaging ito ang lawak ng angkop ng ginagawang pag-aaral.

Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang Unang talata ay

naglalaman ng saklaw ng pag-aaral, habang ang Ikalawang

talata ay tumutukoy naman sa limitasyon ng pananaliksik.

Tinatalakay ng bahaging ito ng pananaliksik ang maaaring

sasaklawin sa pag-aaral. Ipinapakita sa bahaging ito ang

lawak ng sakop ng ginagawang pag-aaral. Ipinapaalam din

dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang

katatagpuan ng mga datos na kakailanganin. Naglalaman ang

bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa

pag-aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng paksang


tatalakayin pati na ang tiyak na panahong sakop ng

pag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Inilalahad dito ang signifikans ng pagsasagawa ng

pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung

sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral. Tinatalakay sa

bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano

ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at

siyensya.

KATUTURAN NG PAGTALAKAY

Inililista rito ang mga salitang ginagamit sa

pag-aaral. Tanging mga katawagan, salita, o pariralang may

espesyal na gamit o natatanging kahulugan sa pag-aaral ang

bibigyan ng depinisyon. Ang pagbibigay ng kahulugan ay may

dalawang paraan. Maaaring itong: Operasyonal na

Pagpapakahulugan – dito bibigyang kahulugan ang mga

salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik.

Bibigyang linaw ang mga ito sa paraang kung paano ito


ginamit sa loob ng pangungusap. Konseptwal na

Pagpapakahulugan – Ito ay ang istandard na kahulugan.

matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at

unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming

tao.

TALA (NOTES) APA FORMAT

You might also like