You are on page 1of 2

KABANATA 1 - ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I. ANG PANIMULA O INTRODUKSYON (Rasyonal)


ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
Ito ang unang bahagi ng papel
Nakatala dito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa
Inilalalahad sa unang bahaging ito kung saan at paano nagsimula ang
ideya.
Krusyal ang papel ng pinakaunang pangungusap na bibitawan sa
bahaging ito. Siguruhing mababanggit nag mga naunang pag-aaral na
may kaugnayan sa paksa. Isang paraan ito upang patunayan na
feasible ang proyekto.
Sa bahagi ring ito babanggitn kung sino at paano makikinabang ang
mga mambabasa sa pananaliksik.

II. LAYUNIN NG PAG-AARAL (Paglalahad ng Suliranin)


Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit
isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin
na nasa anyong patanong.Sa bahaging ito nilalahad at inilalarawan ang
suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus. Inilalahad ditto ang mga
impormasyong tungkol sa kahalagahan ng paksa.
Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Ito ang pokus o
sentro ng pag-aaral. Ang mga katanungang inilahad ay nararapat na
masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
Mga Anyo/Paraan ng Paglalahad ng Suliranin:
Anyong patanong (Question Form) - Ginagamitan ng tanong na "Ano" o
"Paano".
Anyong papaksa (Topical Form) - Ang anyong ito ay mas ginagamit sa
mga pangkalakalang pananaliksik na sa halip na tawaging "paglalahad
ng suliranin" pinapalitan ito ng katagang "mga layunin ng pag-aaral".

III. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


Nilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng
pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pagaaral. Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at
kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at
siyensya.

IV. SAKLAW AT LIMITASYON


Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang
parameter ng pananaliksik.
Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang Unang talata ay naglalaman
ng saklaw ng pag aaral, habang ang Ikalawang talata ay tumutukoy
naman sa limutasyon ng pananaliksik.
Tinatalakay ng bahaging ito ng pananaliksik ang maaaring sasaklawin
sa pag aaral.
Ipinapakita sa bahaging ito ang lawak ng sangkop ng ginagawang pagaaral. Ipinapaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin
ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin.
Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa
pag-aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng paksang tatalakayin
pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.

V. DEFINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA


Ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat
isay binigyan ng kahulugan.
Maaaring itong:
Operasyonal na Pagpapakahulugan kung paano ito ginamit sa
pananaliksik. Ayon kay Kerlinger ito ay eksperimental at nasusukat
Konseptwal na Pagpapakahulugan Ito ay ang istandard na
kahulugan. matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko
at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.

You might also like