You are on page 1of 13

PANIMULA NG

PANANALIKSI
K
Sa modyul na ito inaasahang magagawa mo ang mga
layuning ito batay sa MELCS:
*Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang
makabuluhang pananaliksik.
*Maipaliwanag ang mga bahagi ng panimula ng isang
saliksik.
*Makapagsuri ng isang halimbawang saliksik na
nakabatay sa pamantayang maka-Pilipino.
Ang pananaliksik ay sistematikong pagkalap ng
datos upang malunasan ang isang problema o
masagot ang isang tanong. Ito ang mabisang
paraan ng tao upang muling matuklasan ang mga
dati nang kaalaman o makatuklas nng mga bagong
kaalamang magpapahintulot sa kaniyang
mapahalagahan ang kasaysayan at kultura,
mapabuti ang kalidad ng buhay, at malubos ang
potensiyal ng kapaligirang ginagalawan tungo sa
isang magndang bukas.
Bagama’t mas kilala ang pananaliksik sa agham, gaya nang
ginagawang pagtuklas ng mga bagong gamut, pagsisid sa
kailaliman ng dagat o paggalugad sa kalupaan upang mapag-
aralan ang iba’t ibang espesiye (species) ng hayop at halaman, o
eksplorasyon sa kalawakan, ang pananaliksik ay umiiral sa lahat
ng larang. Ang pagsusuri sa palakad ng isang gobyerno ayon sa
isang pilosopiya, ang pag-aaral sa halaga ng isang pinta salig sa
pamantayang estetiko, ang pag-aaral ng mga salik na umaakit sa
isang consumer na bilhin ang isang produkto, at ang pag-aaral sa
epekto ng social networking sites sa pagtaas ng kumpiyansa sa
sarili ng isang tao ay pawing mga halimbawa ng saliksik sa iba’t
ibang disiplina, gaya ng politika, humanidades, advertising o
marketing, sikolohiya at marami pang iba.
• Ang unang hakbang sa pananaliksik ay ang
pagpili ng paksa. Ang paksa ay maaaring
manggaling mismo sa iyo, bilang mananaliksik, sa
iyong interes o sa isang hiwalay na ahensiya, kung
ikaw ay kinomisyon lamang upang gawin ito. Sa
ilang pagkakataon, maaari ding italaga ito sa iyo
ng iyong guro kung may nakikita siyang paksa ng
pag-aaral na nais niyang pagtuunan mo para sa
iyong pagsasanay.
1. Kung mabibigyan ka ng
pagkakataong magsaliksik, ano ang
magiging paksa mo? At bakit?
2. Paano nakasasama ang mga saliksik/
pag-aaral na hindi tugma sa kalikasan
ng mga taong pinaglalaanan nito?
A. Kaligiran ng Pag-aaral
 ito ang bahaging naglalatag ng mga panimulang
impormasyon tungkol sa paksa na
magsasakonteksto sa mga mambabasa at ano ang
pinanggalingan ng saliksik. Ito rin ang bahaging
tumatalakay ng mga batayang kaalaman tungkol
sa paksa upang maintindihan ng mambabasa,
paano ito gagana sa kabuuan ng pananaliksik.
 ilan sa mga maaari nitong lamanin ang
kasaysayan ng paksa, ang mga katangian nito o
mga bahaging bumubuo dito, ang paggana nito o
ang sistemang sinusunod nito, ang kasalukuyang
kalagayan nito o ang mga pagsubok na
kinahaharap nito, at iba pa.
 Maaari ding talakayin dito kung ano ang nag-
udyok sa iyo na pag-aralan ang paksa o bakit ito
ang naisip gawin.
B.Mahahalagang Tanong
 Ito ang bahaging tumutukoy sa mga
pangunahing suliraning sasagutan ng pag-aaral.
Ito ang magsisilbing tuon ng pananaliksik at dito
tutuon ang pagtalakay.
C.Kahalagahan ng Pag-aaral
 Sa bahaging ito tinatalakay ang
kapakinabangang idudulot ng saliksik. Dito
ipinagtatanggol ang pangangailangang isagawa
ang pananaliksik o kung paano ito naging
napapanahon.
(Mga Mag-aaral, mga guro, atbp.)
D.Batayang Teoretikal o Konseptuwal
 Ang batayang teoretikal ay ang teoryang
gagamitin sa pagsusuri ng datos.
 Ang batayang konseptuwal naman ay isang
dayagram na nagpapaliwanag sa magiging takbo
ng pananaliksik sa isang tinginan. Binubuo ito ng
mga hugis (karaniwan ay parisukat o bilog) na
naglalaman ng mga konseptong pinag-uugnay ng
mga arrow upang maunawaan ang relasyong
namamagitan sa bawat isa o ang magiging daloy
ng pananaliksik.
E.Saklaw at Limitasyon
 Sa saklaw ng pag-aaral, naglalatag ng mga
pamantayan na gagawing batayan, alin ang
maaaring isama sa pananaliksik at alin ang hindi.
 Ang limitasyon naman ay ang sitwasyon o
pangyayaring kinaharap ng mga mananaliksik na
maaaring nakaapekto sa resulta ng pag-aaral.
F. Depenisyon ng mga Termino
 Sa bahaging ito inisa-isa ang mahahalagang
terminong ginamit sa pag-aaral. Hindi lamang ito
simpleng tumutukoy sa malalalim na salitang ginamit sa
saliksik, kundi lalo sa mga teknikal na terminong
ginamit.
 Inaasahang kukunin ang depenisyon sa
pagpapakahulugan ng mga eksperto at bubuuin ayon sa
anyong termino (salitang binibigyang depenisyon),
genus (uri ng klasipikasyon ng salitang iyon), at
differentia (aktuwal na katangian o kahulugan ng salita).

You might also like