You are on page 1of 2

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


Matatagpuan sa kabanatang ito ang ang disenyo ng pag-aaral, instrumentong
gagamitin, pamamaraan sa pangangalap ng datos at impormasyon, at kasama na rin ang
bilang ng mga respondenteng makikilahok sa pag-aaral. Sa kabanatang ito ay
nakapaloob din kung sino ang respondenteng kinakailangan upang matugon ang mga
tanong at gayundin ang uri ng pananaliksik na angkop na gagamitin sa paksa.

DISENYO NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga Senior High School Students na
gumagamit ng gamot pampapayat. Ang pag aaral na ito ay gumamit ng open-ended
questions kung saan ang mga mananaliksik ay makakalap ng datos mula sa kanilang
respondente na makakatulong sa pag aaral na ito. Ito ay kwalitatib dahil inaasahan ng
mga mananaliksik sa kanilang respondente ang malinaw at tiyak na pagbibigay ng sagot
o persepsyon sa pag aaral
RESPONDENTE AT POPULASYON
Matatagpuan sa parteng ito ang paglalarawan ng mga mananaliksik ang mga
kalahok na kasali sa kanilang pag-aaral. Pinakita rito na hindi lang basta-basta kumukuha
ng kung sino-sinong kalahok ang mga mananaliksik, kundi may ginawang pamantayan
ang mga mananaliksik. Ang mga napiling kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga
kababaihan na nasa baitang 11 at 12 o ang tinatawag na “Senior High School”. Sila ay
dapat na nag-aaral sa Pamangtasan ng Silangan-Caloocan dahil ito ang sakop ng mga
mananaliksik. Ang mga kalahok ay nanggaling sa iba’t-ibang strand ng Senior High
School. Ang populasyon ng mga kalahok ay 60, 30 sa baitang 11, 30 sa baitang 12. Sa
bawat strand naman ay may tig-limang kalahok ang masasali.

TEKNIK SA PAGPILI NG RESPONDENTE


Ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ginagamit ng mga piling mag-aaral,upang
ang kasangkapan sa pananaliksik na mag mumula sa universidad of the east caloocan
ay babase sa partikular na intervuew o survey,tiyak ba specifiko lamang na hahanapin
na ipaliwanag ang tungkol doon sa sample ng mga tao iyon.

INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK
Ang mananaliksik ay gumagamit ng talatanungan o survey questionaire bilang
pangunahing pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag
aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat ang profile at ang survey sa
paksang pinagaaralan. Ang survey ay nagbibigay ng iba’t ibang persepsyon sa mag-aaral
kung papaanong paraan epektibo ang pag gamit ng diet pills.

HAKBANG SA PAGLIKOM NG MGA DATOS


Sa parteng ito matatagpuan ang impormasyon kung saan makapagbibigay
kaalaman kung paano nakuha ang mga datos ng mananaliksik. Dito naiipapakita kung
paano nangalap ng datos ang mga mananaliksik.

Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa pag-aaral. Ang mga


mananaliksik ay nangalap ng datos buhay sa mga aklat na may kaalaman sa kanilang
paksa. Ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng datos mula sa iba’t ibang websayt
sa internet, iba’t ibang tesis na maaring iugnay sa paksa at sa Silid-Aklatan.Bukod sa
nabanggit ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng datos mula sa mga taong
eksperto o kaalaman sa paksang napili ng mananaliksik.

Matapos pagtibayan ang paksa, ito ang naging batan ng mga mananaliksik para
makabuo ng mga talatanungan. Bumuo ng mga katanungan ang mananaliksik upang
maging batayan ng magiging kabuuan ng tesis

Nang mabuo at pagbitabyin ang mga talatanungan ang mga mananaliksik ay


gumawa ng isang survey sa Google Forms kung saan sasagutan ng mga kalahok ang
mga katanungan mula sa mga mananaliksik.

Matapos masagutan ng mga piling mag-aaral ang mga tanong, ang susunod na
hakbang ng mga mananaliksik ay ang kolektahin ito. Isasaayos ito, pagkatapos naman
ay i-eencode, at magsusuri. Itatally ng mga mananaliksik ang mga nakalap na sagot.
Bawat sagot sa tanong ay bibigyang kahulugan ng mga mananaliksik at ipapaliwanag ito.
Sa huling hakbang, ang mga mananaliksik ay magbibigay ng kahulugan sa mga nakalap
na datos upang maisagawa nang matibay at maayos ang konklusyon.

You might also like