You are on page 1of 70

PANANALIKSIK

KAHULUGAN NG
PANANALIKSIK
 Clarke at Clarke (2005)- ang
pananaliksik ay isang maingat, sistematiko,
at obhetong imbestigasyon na isinasagawa
upang makakuha ng balidong katotohanan,
makabuo ng konklusyon, at makalikha ng
mga simulating kaugnay ng tinutukoy na
suliranin sa ilang larangan ng karunungan.
 John W. Best (2002)- ang pananaliksik ay
isang sistematiko at obhetibong pag-
aanalisa at pagtatala ng mga kontroladong
obserbasyon na maaring tumungo sa
paglalahat, simulain, teorya, at mga
konsepto na mabubunga ng prediksyon sa
pagkilala at posibleng kontrol sa mga
pangyayari.
 Mouly (1964)- ang pananaliksik ay
proseso ng pagkakaroon ng
mapanghahawakang solusyon sa
problema sa pamamagitan ng
planado at sistematikong
pangangalap, pag-aanalisa, at
interpretasyonng mga datos.
 Nuncio et al.(2013)- ang pananaliksik ay
isang lohikal na proseso ng paghahanap
ng sagot sa mga tanong ng mananaliksik
na nakabatay sa problema at metodo ng
pag-aaral tungo sa produksiyon ng
maraming kaalaman at kasanayan upang
makatugon sa pangangailangan ng tao at
lipunan.
KATANGIAN NG
PANANALIKSIK
Ayon kay Best (2002) ang pananaliksik ay
nagtataglay ng sumusunod na katangian:
1. Ito ay matiyaga, maingat, at di
minamadaling pagsasakatuparan.
2. Ito ay nangangailangan ng kaalamang
higit sa karaniwan.
3. Ito ay nangangailangan ng tamang
obserbasyon at interpretasyon.
4. Ito ay maingat na pagtitipon at
pagpili ng mga datos na kinikilala
sa pingkunan.
5. Ito ay maingat na pagtatala at
pagsulat ng ulat.
LAYUNIN NG
PANANALIKSIK
Sina Calderon at Gonzales (1992) ay
nagbigay ng mga layunin sa pananaliksik
tulad ng mga sumusunod:
1. Upang makasumpong ng sagot sa mga
suliraning hindi pa nabibigayang-lunas.
2. Upang makabuo ng batayang
pagpapasiya sa kalakasan, industriya,
edukasyon, pamahalaan, at iba pa.
3. Upang makapagbigay-kasiyahan sa
kuryosidad (curiousity) o pagiging
mausisa.
4. Upang makatuklas ng bagong
kaalaman.
5. Upang mapatunayan ang mga umiiral
na kaalaman.
KATANGIAN
• maingat na pagtitipon at pagpili ng mga datos
• maingat, matiyaga, hindi minamadaling pagsasakatuparan
• nangangailangan ng kaalamang higit sa karaniwan
• nangangailangan ng tamang obserbasyon at interpretasyon
• maingat na pagtatala at pagsulat ng ulat
LAYUNIN
• makasumpong ng sagot sa suliranin
• makabuo ng batayang pagpapasiya sa kalakalan at iba pa
• makapagbigay kasiyahan sa pagiging mausisa
• mapatunayan ang umiiral na kaalaman
• makatuklas ng bagong kaalaman
URI NG PANANALIKSIK
A. Batay sa Pakay o Layo
1. Batayang Pananaliksik (Basic Research
2. Praktikal na Pananaliksik (Applied
Research)

B. Batay sa Proseso
1. Paglalarawang Pananaliksik
(Descriptive Research)
2. Pagalugan na Pananaliksik (Exploratory
Research)
3. Pagpapaliwanag na Pananaliksik
(Explanatory Research)
4. Ekspiremental na Pananaliksik
(Experimental Research)
5. Pahusga ng Pananaliksik (Evaluation
Research)
C. Batay sa Saklaw ng mga Larangan
1. Disiplinaring Pananaliksik
2. Multidisiplinaring Pananaliksik
3. Interdisiplinaring Pananaliksik
4. Transdisiplinaring Pananaliksik
Batay sa Pakay o Layon
•Batayang Pananaliksik
•Praktikal na Pananaliksik

Batayan sa
Salaw na Batay sa Proseso
Larangan •Palarawan
•Disiplinari •Pagalugad
•Multidisiplinari •Pagpapaliwanag
•Interdisiplinari •Eksperemental
•Transdisiplinari •Pahusga
• f
HAKBANG SA
PANANALIKSIK
1.) Unang hakbang:
PAGPILI NG PAKSA
Mahahalagang Puntos sa Pagpili ng Paksa
Tandaan na ang paksang pipiliin ay magiging sentro
ng saliksik. Kailangang pag-iisipan ang sumusunod:
1. Kahalagahan at Kabuluhan ng paksa.
2. Interes sa paksa.
3. May sapat na impormasyon.
4. Haba ng nakalaang panahon para isagawa ang
pananaliksik.
5. Kinakailangang gastusin.
Upang maiwasang maging masaklaw ang
pag-aaral, bigyang-pansin ang
paglilimita sa sumusunod:
1. Panahong saklaw ng pag-aaral
2.Gulang ng mga kasangkot
3. Kasarian ng mga kasama
4. Lugar na kasangkot
5. Pangkat ng taong kinabibilangan
6. Kombinasyon ng iba pang batayan
 Ayon kay Bernales (2009), ang pamagat ng
pananaliksik ay kailangan maging malinaw at
hindi matalinghaga, tuwiran hindi maligoy at
tiyak, hindi masaklaw. Iminungkahi din nya na
ang mga salitang gagamitin sa pamagat ay
hindi kukulangin sa sampu at hindi hihigit ng
dalawampu.
PAKSA

Maaaring Pagpili ng Paksa


Panggalingan •Kahalagahan
•Sarili •Kabuluhan
•Nabasa •Kawiwili
•Napakinggan •Sapat na
•Napag-aralan impormasyon
•Mga babasahin •Nakalaang panahon
•Iba’t ibang tao •Gastusin
 Sakop at Delimitasyon
- Nagbibigay linaw ang bahaging ito sa hangganan ng
pananaliksik. Nagtatakda rin ito ng parametro ng
pananaliksik sa pamamagitan ng pagtiyak sa kung
ano-ano ang mga baryabol na sakop at hindi sakop ng
pag-aaral.
 Depinisyon ng mga Terminolohiya
- Makikita sa Depinisyon ng mga Terminolohiya ang
mga katawagang makailang ulit na ginamit sa
pananaliksik. Bawat isang katawagan dito ay
binibigyang kahulugan ayon sa kung paano iyon
2. Ikalawang hakbang:
PAGSULAT NG TENTATIBONG
BALANGKAS
Uri ng Balangkas
May tatlong pangkalahatang uri ng
pagbabalangkas. Ito ang balangkas na
papaksa at babalangkas sa pangungusap.
1. Balangkas na Papaksa
2. Balangkas na Pangungusap
3. Balangkas na Patalata
Pormat ng Balangkas
Karaniwang ginagamit ang numero-letrang pormat sa
pagbabalangkas. Ito ay may sinusunod na hierarchy.
Mauuna muna ang Roman Numeral, na kasunod ay ang
malaking letra, pagkatapos ay Arabic Numeral, at maliit
na letra.
Halimbawa:
I.____________________________________
A._________________________________
1.________________________________
a.________________________________
Sa ibang balangkas naman, ginagamit din ang
decimal na pormat. Magsisimula sa isang
Arabic Numeral, na kasunod ay decimal.

Halimbawa:
I.___________________________________
1.1._______________________________
1.1.1._____________________________
Paraan ng Pagbuo ng Balangkas
Ayon kay Atienza (1998), ang sumusunod ay
gawain sa pagbuo ng balangkas:
1. Ayusin ang tesis ng pangungusap o pahayag.
Ito ang nagpapahayag ng kalahatang ideya.
2. Itala ang mga susing ideya na nakapaloob sa
tesis ng pangungusap. Ang mga susing ideya
ay ang mahahalagang salitang ginamit na
pahayag.
3.Tiyakin kung panno ilalahad ng maayos ang
mga ideya. Ang pagaayos ng mga ideya ay
maaring kronolohikal, ayon sa heograpiya,
o bahagi na ibig linawin.
4.Pagpasiyahan ng uri o lebel ng
pagbabalangkas.
5. Isaayos ang pormat.
3. Ikatlong hakbang:
PAGBUO NG TENTATIBONG
BIBLIYOGRAPIYA
  Kapag MLA ang paraang ginamit,
babanggitin ang apelyido ng may-
akda at bilang ng pahina ng akda
kung saan makikita ang datos o o
impormasyong hiniram at ipapaloob
sa panaklong.
Halimbawa:
 Ayon kay Teoryang Iskema, ang lahat ng
ating nararansan at natutunan ay
nakalagak sa isipin at maayos na
nakalahad sa kategorya. Ang mng a
iskemang ito ay nadaragdagan, nililinang,
nababgo, at napapaunlad (Pearson at
Sapiro, 1982).
Sa paraang APA naman, tinutukoy rin ang
apliyedo ng may akda at pagkatapos ay
sinusundanng mga taon ng publikasyon.
Pormat sa Paggamit ng mga Sanggunian sa
paraang APA (American Psychological
Association)
A. Aklat
 Aganan F.P.,1999. Sangguniang Gramatika ng
Wikang Filipino. Quezon City:UP Press.
 
 Alcaraz, Cid V. et. Al, 2005. Komunikasyon
sa Larangang Akademikong Quezon City:
Lorimar Publishing, Inc.

B. Artikulo sa Journal
 Jose, V.R., 2009. Ang Wika ng Pagpapalaya
at ang Papel ng Akademya, 15-20.
 Pineda , P.B.P (2000). Institusyonalismo ng
Wikang Filipino, 9-12.
Talasanggunian

MLA APA
Modern American
Languange Psychological
Association Association
4. Ikaapat na hakbang:
PAGBUO NG KONSEPTONG
PAPEL
Konseptong Papel: Mula Plano
Patungong Proseso
Katumbas ng isang mungkahi o
rekomendasyon sa gagawing pananaliksik
ang konseptong papel. Ang sumusunod ay
ang nilalaman ng konseptong papel:
• kabuuang idea  
• balangkas o framework  
• nais patunayan sa pag-aaral  
• gawaing binabalak sa pananaliksik  
• halagang magagastos sa proyekto

 
Bahagi ng Konseptong Papel

1. Rasyonal  
2. Layunin  
3. Metodolohiya
4. Inaasahang Bunga
 Hakbang sa Pagbuo ng Konseptong
Papel

1. Magplano at Magsiguro
2. Mag-isip at Magmuni-muni
3. Maghanda at Mangolekta
4. Magtanong at Magmungkahi  
Katangian ng Konseptong Papel  

1. Maikli ngunit Malinaw  


2. Makatotohanan at Makatarungan
3. Mapangmulat at Mapagpalaya
4. Makapangyarihan

 
5. Ikalimang Hakbang
PANGANGALAP NG DATOS
DATOS: Batayan at Sanggunian sa Pananaliksik
Mahalagang bahagi ng pananaliksik ang datos. Kung
walang datos, walang susuriin o sasaliksikan. Malaki
ang kaugnayan ng datos upang palakasin ang paksa,
layunin, at kabuuan ng pananaliksik. Makatutulong ang
datos sa pagpuno ng mga kakulangan ng iba pang pag-
aaral, pagpapatatag ng pangangatuwiran inilalatag ng
pananaliksik na tinatapan ng datos bilang patunay, at
pagsasakonekto ng teorya upang ito ay maisagawa.
Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos:
Primary o pangunahing sanggunian at
Sekondaryang sanggunian
PRIMARYANG SEKONDARYANG
SANGGUNIAN SANGGUNIAN

•Liham •Archive (artsibo) na


•Talaarawan materyal mula sa:
•Pakikipanayam -Aklat
•Saloobin mula sa survey -Palabas
•Orihinal na gawang sining -Manuskrito
•Orihinal na pananaliksik -Pahayag ng isang tao
•Mga isinulat na panitikan -Nuod ng anumang akda
•Testimonya sa lumang
manuskrito, pahayagan, dula,
awit, pelikula, at iba pa.
Metodolohiya sa Pananaliksik
 Ang metodolohiya ay bahagi ng pananaliksik
na tutukoy sa mga variables, depinisyon o
paliwanag, teorya na gagamitin, disenyo ng
pananaliksik, datos, paraan ng pangangalap ng
datos, at paraan ng pag-aanalisa. Mahalagang
maging malinaw ang pagsulat ngmetodolohiya.
 Ang metodolohiya ay sistema ng mga
patakaran at pamamaraan kung saan nakabatay
ang pananaliksik. Ang mga patakaran at
pamamaraan ay pinapahusay
sa pamamagitan ng siyentipikong paghahanap
ng mga bagong paraan at teknik ng
obserbasyon, inference o paghinuha,
paglalahat, at analisis.
 Sakop din ng metodolohiya ang disenyo sa
pananaliksik, paraan ng pagkuha ng datos at
pamaraang analitikal upang ang datos ay
suriin.
Pangangalap ng Datos sa Pananaliksik
Ito ay maituturing na pinakamahalaga sa anumang
uri ng pananaliksik. Ito ay dahil sa kung walang
mga datos, wala ring proyektong maisasakatuparan.
Katumbas ng pagpili ng metodolohiya sa
pagsisiyasat ang pangangalap ng datos.
Hakbang sa Pangangalap ng Datos

1. Maghanda sa pangongolekta ng datos.


Dapat ihanda ang mga instrumentong
gagamitin tulad ng sarbey, mga
katanungan, at iba pang kagamitan.
Nagiging komprehensibo at epektibo ang
paghahanda na nagmula sa mabisang
pagmamasid o obserbasyon.
2. Tiyakin ang hangganan ng
kinakailangang datos na angkop sa
disenyo ng pananaliksik.
3. Tiyaking nasa tamang timing o tiyempo
ang pangangalap ng datos. Dapat angkop
ang pagkakataon gaya ng magkatagpong
oras at kondisyon ng mananaliksik at
kukunan ng datos.
 4. Magtakda sa sarili at sa pinagkukunan
ng datos kung ano lamang ang
makatutulong o kailangan sa
pananaliksik.
 5. Maging maayos sa pakikipag-ugnayan
sa mga taong pagkukunan ng datos.
Dapat Ihanda sa Pangangalap ng Datos
 May mga kagamitan na makatutulong
upang masinop na makolekta ang iba’t
ibang datos. Narito ang ilang dapat ihanda
sa gagawing fieldwork mula sa
pagtalakay ni Consuelo Paz noong 2005.
A. Personal na Gamit
• tuwalya, sabon, at iba pang hygiene kit
•muskitero at sleeping bag
•maliit na flashlight at natitiklop na kutsilyo
•first aid kit
B. Kasangkapan at Kagamitan
•Tape recorder •Kamera • Laptop
•Kagamitang Pang-Video •Kuwaderno
Sarbey: Datos Kaugnay ng Saloobin at Opinyon
Panayam: Datos dulot ng Ugnayang
Panlipunan
Uri ng Pakikipanayam
1. Pormal
2. Hindi Pormal
3. Pakikipanayam na Nagbibigay ng Kabatiran
(Informnative)
4. Opinyon (Opinion interview)
5. Lathalain (Feature interview)
6. Pangkat (Group interview)
6. Ikaanim na hakbang

Pagsulat ng Unang Draft


Pagsulat o Pagbuo ng Borador
1. Magbalangkas sa paraang konseptuwal,
papangungusap, patalata, o biswal na
paraan gamit ang grapikong pantulong.
2. Maghanay-hanay ng pangunahing idea
patungo sa mga tiyak na idea o konsepto.
Posibleng gumawa ng sariling
pananda o pangkulay upang matukoy ang
dibisyon ng mga konsepto.
3. Gumamit ng akmang salita batay sa
hinihingi ng akademikong sulatin o
pananaliksik. Maikli, malinaw, pormal, at
intelektuwal na wikang gamitin.
7. Ikapitong hakbang
Pagsasaayos ng
Dokumentasyon
Maayos na Pagdodokumento, Kapalit ay Proteksiyon
- Bukod sa pagsasaayos ng mga dokumento
upang mapakinabangan sa sistematikong
pagsulat sa pananaliksik, mahalagang maayos
at maingat ang pagkuha at pagpapalabas ng
iba’t ibang dokumento upang proteksiyonan
ang sarili at higit sa lahat ang seguridad at
pagiging pribado ng mga impormasyon
kaugnay sa mga pananaliksik na may maselan
o kritikal na isyu
Dapat tandaan ang sumusunod:
1. Ingatan ang dokumento.
2. May proseso sa pagkuha ng dokumento.
3. Sinupin ang iba’t ibang dokumento.
4. Bawal ang plagiarism.
PAGSASAAYOS NG DOKUMENTO
• pag-iisa-isa, paglalatag, pagpapaliwanag,
pagpapangkat-pangkat, pagtukoy sa
pangunahin at tiyak na idea, pagsasaayos ng
dokumento batay sa grapikong presentasyon
gaya ng grap, talahanayan, at iba pa
• etikal na paraan ng pagsasaayos ng dokumento
gaya ng proteksiyon sa sarili at impormante,
maingat at maayos na pagbibigay ng
interpretasyon sa datos
PAGBUO NG PINAL NA
DRAFT(BURADOR)
NG PANANALIKSIK
Pinal na Draft
 Produkto ang pinal na draft ng
pagwawasto ng pagbabaybay,
pagbabantas, pagkakabuo ng
pangungusap, ugnayan ng mga konsepto,
Katumpakan ng mga impormasyon,
pagkakaugnay-ugnay ng layunin sa buong
tunguhin ng papel pananaliksik.
 Mahalagang makita sa pinal na draft ang
tamang impormasyon, maikling pahayagan,
at malinaw na mensahe ng kabuuang papel
pananaliksik.
 Ang maayos na pinal na draft ay tiyak na
papasa at may mataas na marka at maaari
pang humantong sa pagkakalathala bilang
aklat o akademikong journal o iba pang uri
ng publikasyon.
Narito ang ilang paraan upang madaling mabago
at mapaunlad ang pinal na draft ng papel
pananaliksik.
1. Basahing mabuti ang papel.
2. Mainam na i-print ang papel upang mas maging
madali ang pag-edit ng papel pananaliksik.
3. Tingnan din ang bahaging layout ukol sa ayos ng
pahina, laki ng font na gagamitin, spacing,
ilustrasyon kung mayroon, at iba pa.
Wika
– Tama ang mga pangungusap batay sa
nilalaman at bantas.
– Sumunod sa pagbabaybay batay sa
bagong inilabas na ortograpiya o tuntunin.
– Malinaw ang mga pangungusap upang
makabuo ng komprehensibo at
epektibong talata.
Nilalaman at Ideya
–Sapat ang impormasyon upang talakayin
ang buong nilalaman ng paksa.
– Magkakaugnay at lohikal na nakaayos
ang ideya ng buong nilalaman ng
pananaliksik.
– Magkatugma ang suliranin, layunin,
datos, pagsusuri, sintesis, kongklusyon,
at rekomendasyon ng papel pananaliksik.
Batayan at Sanggunian
–Makabuluhan ang sanggu-nian. Balanse
ang konsep-tuwal, teoretikal, at
operasyonal na batayan ng pinagbatayang
sanggunian.
– May baryasyon ang sanggunian mula sa
akademikong journal, aklat, magasin,
tesis, isertasyon, elektronikong babasahin,
pahayagan, at iba pa.
THANK YOU!

You might also like