You are on page 1of 8

Pagbasa at Pagsusuri

sa Iba’t ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Pagkilala sa Iba’t
ibang Uri ng Teksto
Pagbasa at Pagsusuri (Week 1)
 Written work:
Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin,
Gamit, Metodo, at Etika ng Pananaliksik
 Balikan
 Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik. Makakatulong sa pag-iisa-isa ang mga panandang
pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Pagpili at paglilimita ng
2. Pagbuo ng konseptong papel
paksa

3. Paggamit ng iba’t ibang


4. Pagbuo ng balangkas
sistemang dokumentasyon

5. Pagkuha, paggamit, at
6. Pagsulat ng burador
pagsasaayos ng mga datos

7. Pagsulat ng pinal na sipi


Pagbasa at Pagsusuri (Week 1)
 Performance Task:
Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin,
Gamit, Metodo, at Etika ng Pananaliksik
 Pagyamanin / Pagsasanay 1
 Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak
na nása ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga
kasunod na tanong.

1. Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa mga


abstrak nitó? Pangatwiranan ang sagot.
– Abstrak 1: Sa abstrack na ito ay maayos nailahad ang layunin sapagkat ang
layunin na nabanggit ay malinaw ang pagkakasalaysay kung kaya’t mabilis
maintindihan ng mangbabasa at may akmang gamit ng mga salita.
– Abstrak 2: Sa ikalawang abstrak namang ay masasabing may malinaw
ding pagkakalahad ng layunin dahil ito ay derekta sa punto at ang layuning
napili ay napapanahon at tiyak na makukuha sa interes ng mababasa. Mga
salitang walang malalim na kahulugan ang kanyang ginamit kung kaya’t
mabilis mauunawaan.
2. Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng
datos?
– Abstrak 1: Ang paraan sa pangangalap ng datos sa pananaliksik ay
quantitative method na ginagamitan ng mananaliksik ng non-random
convenient sampling. Kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convience”, tatlumpo’t lima (35) na batang in na may
edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa
Alaminos Laguna ang ginamit na respondente.
– Abstrak 2: Sa abstrak na ito ay gumamit ang mananaliksik ng deskriptib o
pang larawang paraan kung saan sa pamamaraang ito ay natatangkang
ipakita ang isang tumpak na larawan ng mga bagay-bagay sa kasalukuyan at
ito ay gumagamit ng mga datos na nagmumula sa mga kasalukuyang ulat,
sarbey, at pagmamasid. Nasasaklaw ang pag-aaral na ito ang mga mag-aaral
na kumukuha ng IT sa St. Bridget College-Batangas City kung saan
pananaliksik sa iba’t-ibang pahayagan at aklat, mga sample ng thesis at mga
website sa internet ang ginamit sa pangangalap ng datos.
3. Sa iyong palagay, ano kayâ ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang
ginawang saliksik?
– Abstrak 1: Masasabi kong tunay na mahalaga ang saliksik na ito sa lipunan
sapagkat maari itong pagkunan ng aral at inspirasyon mga batang babae na
maaring makaranas ng maagang pagbubuntis. Maari rin itong pagkunan ng
lakas at motibasyon ng mga babaeng may hindi magandang karanasan o
nakakaranas ng stress at depression. Ang pag-aaral na ito ay
makakapagpalaganap ng awareness at impormasyon tungkol sa tunay
pinagdadaanan ng mga batang ina.
– Abstrak 2: Mahalaga ang saliksik na ito sa lipunan dahil ito ay
napapanahon. Maraming mag-aaral at kabataan ang naging payoridad ang
online games, facebook at videos kaysa kanilang pag-aaral at kalusugan.
Kung ito ay patuloy na napabayaan, maaring ang susunod na henerasyon ay
makadanas ng malubhang karamdaman at hindi pahalagahan ang pag-aaral.
Ang saliksik na ito ay magsisilbing aral sa kabataan at maari nitong
mabawasan ang mga bilang ng kabataan na malululong sa paglalaro ng
kompyuter. Mas dadami din ang bilang ng kabataang bibigyang pansin ang
kanilang pag-aaral.
Pagbasa at Pagsusuri (Week 2)
 Written work:
Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit,
Metodo, at Etika ng Pananaliksik
 Isagawa
 Panuto: Maghanap ng isang halimbawa ng pananaliksik sa aklat o internet. Gámit
ang tseklist na nása ibaba ay suriin ang papel-pananaliksik na nakuha mo kung
gaano kahusay at katibay ang mga bahagi nitó batay sa layunin, gamit, metodo, at
etika ng pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔) kung ito ay nakasunod sa wastong
paraan ng pagsulat ng pananaliksik batay sa mga tanong at ekis (❌) kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamagat ng Sumasagot ba Nakakatulong Ang Ang


Papel- ito sa isang ba ito sa mga pananaliksik ba pananaliksik ba
Pananaliksik tiyak na tanong? suliraning ay gumagamit ay obhetibo
(Layunin) pansarili o ng wastong kung saan ang
panlipunan? pamamaraan sa mga datos at
(Gamit) pangangalap ng impormasyon
datos? na nakalahad ay
(Metodo) pawing
katotohanan at
dumaan sa
maingat napag-
aanalisa?
(Etika)
Ang Masamang
Epekto ng
Paglalaro ng
Computer ✔ ✔ ✔ ✔
Games ng mga
Kabataan sa
kanilang Grado
sa Pang-
akademiko
Ang Sanhi at
Epekto ng
Pagtatapon ng ✔ ✔ ✔ ✔
Basura sa
Kapaligiran at
Paano ito
Malulutasan

 Pagbasa at Pagsusuri (Week 2)


 Performance Task:
Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit,
Metodo, at Etika ng Pananaliksik
 Isaisip / Pagsasanay 2 (A at B lamang)
 Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gámit, metodo, at etika ng pananaliksik. Punan ang
talahanayan na nása ibaba. Kopyahin at sagutan sa inyong sagutang papel.

Abstrak
A. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng
pagkatuto ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang bilang basehan ng interbensyon at
epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino. Mayroon animnapu't
isang (61) respondente ang pananaliksik na ito at gumamit ng pamaraang palarawang
disenyo. Ang resulta ay nagpapkita na ang pangunahing estilo ng pagkatuto ng mga
mag-aaral na lalaki ay kinestetik na may frequency na 409 0 36.65 na bahagdan,
samantalang awditori ang sa mga mag-aaral na babae na may frequency na 374 0
34.63 na bahagdan. Ang natamong X2 value na 1.7 ay mas mababa sa 5.99 na critical
value sa 0.05 level of probability teybol gamit ang degree of freedom na 2. Ang Null
hypothesis na nagsasabing walang significant relationship o malaking kaugnayan ang
estilo ng pagkatuto ng mga lalaki at babaeng mag-aaral ay tinanggap.
Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Leaming Action Cell (LAC) session
para sa guro na ang paksa ay tungkol sa estilo ng pagkatuto, laluna sa kinestetik at
awditory upang makapagbigay ng angkop na pamamaraan na gagamitin sa pagtuturo
upang mapataas ang marka at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral ngayong
21st century.
Layunin Gamit Metodo Etika
Ang layunin ng Ang gamit ng pananaliksik na Ang paraan Pagbabalik
pananaliksik ay upang ito ay upang malaman ang ng at paggamit
masuri ang estilo ng estilo ng pagkatututo ng mga pangagalap sa resulta ng
pagkatuto ng mga mag- mag-aaral sa ika-anim na ng datos ay pananaliksik.
aaral sa ika-anim na baitang sa asignaturang ang
baitang bilang basehan ng filipino. Matutukoy din dito paggamit
interbensyon at epektibong kung ano ang dapat gawin ng pamaraang
pagtuturo at pagkatuto sa paaralan para sa kanilang mga palarawang
asignaturang Filipino. guro tulad ng LAC sessions disenyo.
para malinang ang kakayahan
ng mga mag-aaral.

Abstrak
B. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga seminar/ pagsasanay at
ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan ng mga guro na nagtuturo ng
asignaturang Filipino.Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Correlational
Studies na inilahad sa Input - Process - Output (PO) na pamamaraan at ang
metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptibong uri ng pananaliksik o pag-aaral. Mula
sa 435 guro sa Filipino mula sa iba't ibang antas, kumuha ng walumpung (80) kalahok
bilang kinatawan ng dalawampung bahagdan (20%) ng populasyon upang gamitin sa
pag-aaral.
Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang naging masusi at
napatunayan na may epekto ang seminar at workshop sa pagpapabuti at pagpapalakas
ng mga kahinaan ng guro. Sa value ng r na 0.67, naipakita ng istatistiko na mayroong
korelasyon (katamtaman) arg mga baryabol. Tinatayang ang pag-aaral na ito ay tunay
na makatutulong sa ating mga Punongguro at tagamasid upang lalo pang mapag-ibayo
ang pagkakaroon ng mga kasanayan at pagsasanay para makatulong sa pagtuturo ng
mga gurong Filipino sa Elementarya at Sekundaryang antas.
Layunin Gamit Metodo Etika
Ang layunin ay maipakita ang Ang gamit ay Ang metodo ay Ang etika ay
kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa disyenyong sumasaklaw sa “oplan
mga seminar, pagsasanay at ang oplan correlational diskriptibong uri pagmamasid:
pagmamasid sa mga kalakasan at studies na ng pananaliksik. kahinaan at
kahinaan ng mga guro na nagtuturo ng inilahad sa kalakasan ng
asignaturang filipino. input-process- mga guro sa
output. prosesong
pagtuturo ng
filipino”.
Summative Test in Pagbasa at Pagsusuri (Week 1 & 2)
 Answers:

I.
1. METODO
2. GAMIT
3. ETIKA
4. LAYUNIN
5. METODO
6. ETIKA
II.
7. 2
8. 4
9. 3
III.
10. Maingat, upang Makita ko kung tama at wasto ang aking gagawing
pananaliksik.
11. Matiyaga, upang magawa ko ayos at matutunan ang iba pang impormasyon.
12. Sistematiko, upang mahalintulad ko ang tama at mali kong ginagawa sa
pananaliksik.
IV.
13. ✓ 16. ✓
14. ✓ 17. ✓
15. ✓ 18. ✓
V.
19. Walang pagkakaiba ang mean score ng 6 na salik kapag grinupo sa antas ng
huling pagpasok, edad ng unang panganganak at kapag grinupo ang
pagkakilanlan.
20. Ang layunin ay para malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaanan
ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal.

You might also like