You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna

LSPU Self-Paced Learning Module (SLM)

Course Filipino sa Iba’t ibang Disiplina


Sem/AY Second Semester/2021-2022
Module No. 3
Lesson Title UNANG BAHAGI : Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng
Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng sambayanan
Week
5-8
Duration
Date April 12- May 12, 2022
IKALAWANG BAHAGI Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik
Description • Pananaliksik
of the • Pitong Dahilan Kung Bakit Mahalaga ang Pananaliksik.
Lesson
• Mga Layunin ng Pananaliksik
• Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik.
• Pagpili ng Paksa sa Pananaliksik
• Pagbuo ng Pamagat
• Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
• Metodolohiya ng Pananaliksik
• Mga Uri ng Pananaliksik Ayon sa Istruktura ng Panayam.
• Mga Uri ng Pananaliksik Ayon sa Pamamaraan
• Rebyu ng Literatura
• Sangkap ng Rebyu ng Literatura
• Mga Hakbang sa Rebyu ng Literatura
• Ilang Konbensyon sa Pagsulat ng Rebyu
• Ebalwasyon sa mga Sanggunian
• Mga Pamantayan sa Balangkas Konseptwal
• Pagsulat ng Rebyu ng Literatura
• Mga Gabay sa Pagbuo ng Balangkas Konseptwal
• Mga Batis ng Impormasyon, Sekondarya,
• Literaturang Grey
• Gabay sa Paggamit ng Istilong APA

Learning Outcomes
Intended 1.Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
Learning 2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula sa
Outcomes mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
3.Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag-aambag sa patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
4. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal
at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

5. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon


at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
6. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan
Targets/ Inaasahan sa pagtatapos ng talakayan na ito na:
Objectives 1. Nakatalakay ang iba’t ibang kombensyon ng pagsulat ng pananaliksik;
2. Naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang konsepto ng pananaliksik sa iba’t ibang
piling larangan
3. Nakabubuo ng panukalang pananaliksik batay sa mga teoryang tinalakay;
4. Nakapagpapasya sa angkop na disenyo ng pananaliksik kaugnay ng mga
inihandang sitwasyon ng dalubguro.

Student Learning Strategies

Online Activities MGA KATANGUNGAN


(Synchronous/ 1. Bakit itinuturing na isang disiplina ang pananaliksik?
2. Paghambingin at ipaliwanag ang mga salitang kwantitatibo at
Asynchronous) kwalitatibo. Magbigay ng mga halimbawa ng mga ito na
matatagpuan sa pananaliksik.
3. Ano ang kahulugan ng isang obhektibo? Paano ito makikita sa
paraan ng pananaliksik?
4. Tukuyin kung ano-ano ang mga katangian ng isang mananaliksik. Sa
paanong paraan mahahasa ang mga katangiang ito.
5. Bigyang-kahulugan ang terminolohiyang PLAGIARISM. Magbigay ng
tatlong halimbawwa ng kasong maituturing na plagiarism.

Disensyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


(https://prezi.com/j19a8ggeiscf/disenyo-sinip 2018)
Ang disenyo ng pananaliksik ay pangkalahatang pamamaraan na
ginagamit ng mananaliksik upang makabuo ng isang lohikal at maayos na
Offline Activities pag-aaral.
(e-Learning/Self-P
Tinitiyak nito na masasagot ng pananaliksik ang suliraning kaakibat ng
aced) pag- aaral at matutugunan ang layuning binuo para rito. Kinasasangkutan
ito ng proseso ng pangangalap ng datos, presentasyon, at pagsusuri.
Kasama rito ang pagpapaliwanag kung anong uri ng pananaliksik ang
gagamitin sa pag-aaral.
May pagkakaiba-iba ang disenyo ng pananaliksik (kwantitatibo at
kwalitatibo).

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

Ang kwantitatibo buhat sa salitang quantity/kwantiti ay tumutukoy sa


kalkulasyon ng bilang o sa bigat ng kasagutan ng mga respondente ng
pag-aaral. Kinabibilangan ito ng empirikal at masistemang imbestigasyon
ng iba't ibang paksa. Kasangkot din dito ang iba't ibang penominang
panlipunan gamit ekspirimentasyon. ang matematika, estatistika, at
pag-compute. Halimbawa nito ang sarbey at
Sa kabilang dako, ang kwalitatibong pag-aaral naman ay tumutukoy sa
pamamaraan ng pangangalap ng datos ng isang mananaliksik na kung
saan ay personal ang pagkuha ng datos sa paksa ng pag-aaral upang higit
na maunawaan ang karakter, pag-uugali, katangian ng
pakikipag-ugnayan, at iba pang sirkumstansya na maaaring maging salik
sa pagbibigay ng interpretasyon sa datos na makakalap. Ang layunin nito
ay ipaliwanag at bigyan ng inisyal na pagkakaunawa ang mga
sirkumstanya sa datos na kinalap at kinakalap. Hindi ito nagbibigay ng
pangkalahatang kongklusyon sa pag-aaral. Tumutukoy ito sa mga
pananaw na nakabatay sa maayos at may kredibilidad na sanligan.
Ang mga sumusunod ay klasipikasyon ng pananaliksik:
1. Disenyong eksploratori (Exploratory Research)
2. Historikal (Historical Research)
3. Aksyon (Action Research)
4. Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Study)
5. Etnograpikong Pag-aaral (Ethnographic Research)
6. Komparatibong Pananaliksik (Comparative Research)
7. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)
8. Deskriptibo (Descriptive Research)
Deskriptibo. Konkreto o abstrato ang deskripsyon sa pamamagitan ng
pagtugon sa mga katanungan na sino, ano, kailan, saan, at paano.
Inilalarawan nito ang mga kasalukuyang ginagawa sa pananaliksik na
may pagsasaalang-alang sa mga pamantayan at kalagayan. Ang mga
sumusunod ay ang mga halimbawa nito:
a. Ebalwasyon ng mga Mag-aaral sa Salik na Nakaapekto sa Tagumpay ng
Isinagawang Programa sa Paaralan.
b. Pagtatasa sa Musika ng Kabataang Pilipino bilang Lunsaran ng
Talakayan sa Klase.
c. Antas ng Pagkahilig ng mga kabataan sa Paglalaro ng Dota at ang
Implikasyon Nito sa kanilang Partisipasyon sa Klase.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

Historikal. Ito ay gumagamit ng mga pamamaraan sa pagkalap ng datos


upang makabuo ng kongklusyon sa nakaraan. Mahalaga na isaalang-alang
dito ang mga sanggunian na maaring bigyan ng klasipikasyon na
pangunahing sanggunian at sekondarya. Higit na binibigyan ng timbang
ang mga datos na nanggaling sa mga pangunahing sanggunian katulad ng
sarbey at aktwal na panayam, subalit dahil na rin sa kalikasan ng uri ng
pananaliksik na ito, maaaring tanggapin ang mga datos na manggagaling
sa sekondaryang sanggunian katulad ng mga balita sa pahayagan
Halimbawa:
a. Pagtuklas sa mga Babae sa Buhay ni Dr. Jose Rizal at ang Implikasyon
nito sa kasalukuyang Panahon
b. Si Heneral Luna Bilang Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
c. Si Rizal nga ba ang Pambansang Bayani?

Disenyong Aksyon (Action Research). Kinasasangkutan ito ng mga


pag-aaral na tumutuklas sa kalagayan, mga pamamaraan o estratehiya,
modelo, polisiya, at iba pa na ang layunin ay ang pagpapaunlad dito para
sa higit na epektibong gamit. Ang disenyong aksyon ay makikilala sa mga
respondente na kasangkot sa pag-aaral na pawang mga nasa loob ng
institusyon o isang grupo. Upang maisakatuparan ang disenyong ito,
marapat na ang mananaliksik ay kabilang sa organisasyon, grupo, o
institusyon na ginagawan ng pag-aaral. Mainam ito sa nais lamang niya ay
balidasyon ng datos para makabuo ng isang mungkahing kadahilanang
pamilyar ang mananaliksik sa gawi ng mga respondente, at ang gawain
para sa ikauunlad ng organisasyon.
Halimbawa:
a. Kabisaan ng Paggamit ng Powerpoint Presentation Bilang Estratehiya sa
Pagtutuo ng Panitikan.
b. Pagsukat sa kalagayan ng Pamumuno ng mga Lider Mag-aaral sa
Pamantasan ng Marikina Bilang Batayan ng mga Mungkahing Plano ng
mga Namumuno sa Paaralan.
c. Ebalwasyon sa Implementasyon ng English Only Policy sa Institusyon
ng Silangan Bilang Batayan ng mga Mungkahing Programa.
Pag-aaral sa isang Kaso o Case Study. Ang pag-aaral na ito nakatuon sa
partikular na tao, grupo, o institusyon katulad ng paaralan, simbahan,
negosyo, adiksyon, at iba pa. Ang layunin nito ay gawing espisipiko ang
paksa ng pag- aaral buhat sa isang malawak na dimensyon. Karaniwan
itong isinasailalim sa ketegorya ng kwalitatibong pag-aaral.
Narito ang ilang halimbawa:

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

a. Pag-aaral sa Hazing Gamit ang kaso ng Isang Biktima Buhat sa Isang


Kilalang Unibersidad sa Pilipinas
b. Komunikasyon Bilang Tagapag-ugnay sa mga kasapi ng Pamilya
Andanar sa Tondo.
c. Si Leo Echegaray at ang Mukha ng Death Penalty sa Pilipinas
Komparatibong pag-aaral o Pananaliksik. Layunin nito na ihambing
anganumang konsepto, kultura, bagay o pangyayari na kasangkot sa
dalawang paksa (subject) ng pag-aaral.
Mga halimbawa
1. Komparatibong Pag-aaral sa Serbisyong Ibinibigay ng Dalawang 5 Star
2. Pagtugon ng mga Lokal na pamahalaan ng mga Syudad ng Batangas at
Hotel (Hotel A at B) sa Kanyang mga Customer
Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Study). Layunin
nito na maglarawan ng anumang paksa.
Halimbawa:
Pagsusuri sa kalagayan ng Filipino Batay sa Itinakdang Kompetensi ng
DepED
Etnograpiyang Pag-aaral (Uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na
nag- iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, ng isang komunidad
Halimbawa
Pag-aaral sa komunidad ng mga Aeta at iba pang indigenous cultural
community.
Medolohiya ng Pananaliksik.
Ito ay sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso
ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang
pananaliksik. Ang metodo ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas.
Maraming pamamaraan o disenyo ng pananaliksik na kailangan na pagtu-
unan ng pansin sa isang pag-aaral sapagkat dito nakasalalay ang
kredibilidad o ang pagiging katanggap-tanggap nito sa kabuuan,
Nangangailangan ito ng isang masusing proseso bago ang aktwal na
pamamahagi sa mga kasangkot sa pag-aaral. Ilan sa mga ito ay ang
pagsasarbey (survey) at aktwal na panayam o interview.
Ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng sarbey ay mahalagang
isaalang-alang sa isang kwantitatibong pag-aaral. Dito, mahalaga na
makuha ang tamang bilang ng respondente ang pag-aaral na siyang
kakatawan sa tinig ng metodo ang mga sumusunod na pamantayan:
kabuuan. Mainam na tandaan ng isang mananaliksik na gagamit ng
sarbey bilang
LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina
Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

a. Tinatanggap sa anumang pag-aaral ang paggamit ng


instrumento o sarbey na hinalaw sa mga nakaraang pag-aaral
Nararapat nga lamang sa ganitong pamamaraan ang pagbibigay ng
rekognisyon sa sanggunian nito gamit ang prinsipyo ng etika. Mayroon
ding mga pag-aaral na ginagamitan ng istandardisadong talatanungan.
Katulad ng mga instrumento o sarbey na hinalaw sa mga nakaraang
pag-aaral, kailangan din ng rekognisyon sa sanggunian sa isang
istandisadong talatanungan.
Kung ang pag-aaral ay gagamit ng sariling talatanungan (self-made
questionnaire, ang kredibilidad ng kalalabasan nito ay nakasalalay sa
proseso ng balidasyon. Ayon sa https://researchrundowns.com/sinipi
2018,
Mayroon ding mga pag-aaral na ginagamitan ng ang balidasyon ng
pananaliksik ay kinasasangkutan ng pangungulekta at pagsusuri ng datos
upang masukat ang kawastuhan ng instrumento. May iba't ibang panukat
na estadistika na karaniwang kinasasangkutan ng paunang pagsukat
(pilot testing).
Ang balidad ay ang hangganan na kung saan sinusukat ng instrumento
kung ano ang nararapat na sukat ng isang pag-aaral. Halos hindi
makatotohanan na ang isang instrumento ay isandaang bahagdan (100%)
ng kawastuhan, kung kaya ang balidad ay sinusukat sa antas (degree)
nito.
Ang balidad ng instrumento ay maaaring sukatin sa Panlabas na Balidad
(External Validity) at Pangnilalaman na Balidad (Content Validity).
Ang Panlabas na Balidad ay ang antas na kung saan ang resulta ng
pag-aaral ay maaaring lahatin (generalized) mula sa bahagi ng kabuuan
(sample to a population). Ang Panlabas na Balidad ng isang papel ay
nakasalalay sa pagkuha ng bahagi o sample. Matatandaan na ang bahagi
o sample ay maaaring kumatawan sa kabuuan ng isang populasyon
sapagkat maaaring ang buong populasyon ay hindi pwede sa isang
pagkakataon. Ang instrumento na balido sa panlabas na anyo ay
nakatutulong nang malaki sa mananaliksik sa kanyang paglalahat sa
kabuuan, o ang antas ng bahagi o sample na kumakatawan sa buong
populasyon.
Ang Pangnilalaman na Balidad naman ay tumutukoy sa kaangkupan ng
nilalaman sa instrumento. Sa madaling salita, sinasagot nito ang
pamantayan ng kawastuhan ng mga bagay nais malaman sa isang
instrumento. Karaniwan na isinasangkot ng mananaliksik ang mga
eksperto sa larangan ng pag-aaral upang malaman kung may mga
katanungan o punto ba na kailangan sa isang talatanungan subalit hindi
nakita o napansin man lamang ng gumawa nito.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

b. Ang pakikipanayam o interview ay isa rin sa mahahalagang


pamamaraan upang makapangalap ng sapat ng datos para sa
pag-aaral. Mainam itong gamitin upang direktang makakuha ng
impormasyon sa respondente ng pag-aaral. Malaki ang antas ng
pagkakataon na makakuha ng wastong datos sa mga mananaliksik kung
panayam ang gagamitin na metodo ng pangangalap ng impormasyon
sapagkat binibigyan ng pagkakataon ng metodong ito ang nakikipanayam
na bigyan ng linaw ang mga baryabol na hindi nauunawan ng
kinakapanayam. Karaniwan na ginagamit sa kwalitatibong pag-aaral ang
pakikipanayam o interview.
Sa kabilang dako, ang gawaing pakikipanayam ay metodo ng pag-aaral na
nangangailangan ng masusing pagpaplano bago isagawa. Kailangan na
magbigay ng pamantayan sa propayl ng respondente na dapat
kapanayamin upang malaman kung siya nga ba ang tamang tao na
nararapat para pangangalap ng impormasyon. Kung hindi isaalang-alang
ang pamantayang ito, maaaring lumabas ang pagkakataon na makakuha
ng datos sa tao na hindi naman kailangan sa pag-aaral.
Ang pakikipanayam ay maaaring matagpuan sa dalawang anyo, ang
pakikipanayam na nakabalangkas at ang pakikipanayam na walang sa
istruktura
Mga Uri ng Pananaliksik Ayon sa Istruktura ng Panayam
a. Nakabalangkas na pakikipanayam (structured interview)
b. Panayam na bahagyang nakabalangkas (semi-structured)
Iminumungkahi ng may-akda na gamitin ang nakabalangkas na
pakikipanayam (structured interview) upang makasigurado na pare-pareho
ang tanong na maipupukol sa mga kakapanayamin. Kung magagawa ito,
higit na magiging maayos ang daloy ng pagbibigay ng interpretasyon sa
mga datos na makakalap sa lahat ng kinapanayam. Bilang karagdagan,
ang paggamit ng nakabalangkas na pakikipanayam (structured interview)
ay nagpapakita ng pagiging sistematiko ng mananaliksik sa kanyang
isinagawang pag-aaral. Lahat ng mga katanungan ay maibibigay nang
maayos at wasto.
Ang nakabalangkas na pakikipanayam (structured interview) ay
makatutulong din nang malaki sa kahandaan ng taong kakapanayamin.
Bago pa man ang takdang araw at oras ng pakikipayam, kailangan na
maibigay na sa kakapanayamin ang set ng mga katanungan upang
kanyang mapaghandaan ang mga kasagutan na inaasahan sa kanya. Higit
na komportable sa kakapanayamin ang ganitong anyo sapagkat nag- iiwan
ito ng impresyon ng pagpapahalaga sa kanya ng mananaliksik.
Ang pakikipanayan na bahagyang nakabalangkas (semi-structured) ay
kilala rin sa tawag na free flowing interview. Ang pakikipanayam na ito ay
nagbibigay ng control sa mananaliksik o tagapagtanong sa magiging daloy

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

ng tungkol sa paksa ng panayam. panayam. Layunin nito na alamin ang


kaibuturan ng nararamdaman ng kalahok
Mga Uri ng Pananaliksik Ayon sa Pamamaraan
Ang pananaliksik ay maaaring uriin batay sa sumusunod na
pamamaraan:
1. Kwantitatibong pananaliksik
2. Kwalitatibong pananaliksik
3. Pinaghalong kwantitatibo at kwalitatibong pananaliksik

Ang kwantitatibong pananaliksik ay isang uri ng pananaliksik na


kinasasangkutan ng pagkuha sa sukat ng sagot ng mga respondente ng
pag- aaral. Kailangan ito upang malaman ang bigat o weight ng sagot
kasangkot ang estadistikang pagpapahalaga. Halimbawa: Kung nais natin
na malaman ang bilang ng potensyal na market ng isang produkto,
mainam na gamitin ang dalas ng sagot (frequency count) o bahagdan
(percentage). Kung ang nais naman ng pag-aaral ay malaman ang antas ng
pag-unawa ng mag-aaral sa etika ng pamamahayag, maaaring gamitin ang
measures of cental tendency katulad ng kabuuang bigat (weighted mean).
Kung ang relasyon ng propayl ng sumagot sa pag-aaral at ang kanilang
pananaw hinggil sa epektibong pamumuno ng isang lider-mag-aaral,
maaaring gumamit ng estadistika na katulad ng chi-square.
May mga pananaliksik na higit na angkop gamitin ang kwalitatibong
pag-aaral kaysa sa kwantitatibong pag-aaral. Madalas itong gamitin sa
mga pananaliksik na limitado lamang ang bilang ng posibleng sumagot.
Madalas din itong gamitin kung nakatitiyak ang mananaliksik sa kung
sino at ilan ang dapat na sumagot sa pag-aaral. Ang metodo sa pagkuha
ng sampol na ginagamit dito ay purposive. Panayam ang karaniwan na
pamamaraan ng pangangalap ng datos. Maaari rin ang case study o case
analysis.
Upang higit na mapagtibay ang isang pag-aaral, may mga mananaliksik na
gumagamit ng kombinasyon ng kwantitatibo at kwalitatibong
pag-aaral. Higit itong maganda sapagkat ang kwalitatibong interpretasyon
ay maaaring sumuporta sa isinasaad ng mga datos na mabibigyan lamang
ng interpretasyon gamit ang estadistikang pagpapahalaga. Ang isang
magandang diskurso ng pag-aaral ay maaaring magmula sa parehong
kwantitatibo at kwalitatibong pagpapahalaga.
Rebyu ng Literatura
Ayon kay Mongan-Rallis (2014), ang rebyu ng literatura ay hindi
anotasyon ng sanggunian na kung saan ay ibinubuod ang bawat artikulo
na binasa. Bagamat ang buod ng iyong mga binasa ay nakapaloob sa

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

rebyu ng literatura, dapat itong tingnan nang malalim higit sa simpleng


pagbubuod ng mga propesyunal na literatura.
Ito ay nakatuon sa mga espisipikong paksa ng interes kasama ang kritikal
na pag-analisa sa ugnayan ng bawat iskolarling sulatin sa kasalukuyang
pag-aaral. Dapat itong mamukod-tangi upang magbigay ng balangkas
teoretikal sa kahalagan o dahilan ng pag-aaral. Sa kabilang dako, ang
rebyu ng literatura ay binigyan ng depinisyon sa
https://library.concordia.ca/help/writing/literature- review.php (sinipi
2018) bilang nakasulat na pasulyap sa pangunahing sulatin at ibang
sanggunian ng mga piling paksa. Kasama sa mga sangguniang ito ang
iskolarli na artikulo na pangdyornal, aklat, ulat ng pamahalaan, websites,
at iba pa. Ang rebyu ng literature ay nagbibigay ng deskripsyon, buod, at
ebalwasyon ng bawat sanggunian.
Layunin ng rebyu ng literatura ng kritikal na pagkilala ang
kasalukuyang kalagayan ng pananaliksik sa piling paksa: pagtukoy sa
mga naunang pag-aaral; paglalagay sa bawat sanggunian sa konteksto ng
pag-ambag sa espisipikong usapin, aspeto ng pananaliksik, o teorya na
kasama sa rebyu; ilarawan ang ugnayan ng bawat sanggunian sa iba pang
sanggunian na kasama sa batayan ng pag-aaral; pagtukoy sa bagong
pamamaraan upang magbigay ng interpretasyon bigyan ng liwanag ang
ilang bagay na wala pang pag-aaral sa mga nakaraang pananaliksik;
tukuyin ang pangangailangan ng panibagong mga pag-aaral.
Sangkap ng Rebyu ng Literatura
Kailangang isama sa rebyu ng literatura ang mga sumusunod:
1. Layunin ng rebyu;
2. Pahapyaw na pagtasa sa paksa ng pag-aaral; 3. Maliwanag na
kategorisasyon ng mga sanggunian na kasama sa pag-aaral;
4. Tiyak na posisyon, mga oposisyon, at ibang literatura na nagibigay ng
taliwas na mga argumento.
5. Pagtalakay sa pagkakaiba at pagkakatulad ng literatura sa iba pang
mga literatura.
Mga Hakbang sa Rebyu ng Literatura
Nahahati sa mga sumusunod na hakbang ang rebyu ng literatura:
1. Pagbibigay ng kahulugan sa paksa at sakop rebyu.
2. Tingnan ang katalogo sa silid-aklatan, tiyak na mga database at
kagamitan upang matukoy ang mga sanggunian na may kaugnayan sa
kasalukuyang pag-aaral.
3. Basahin at bigyan ng ebalwasyon ang mga sanggunian upang matukoy
ang kanilang kakayahan na tumugon sa pangangailangan na maunawaan
ang paksa.
LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina
Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

4. Analisahin, bigyan ng interpretasyon, at talakayin ang mga natuklasan


at kongklusyon ang mga sanggunian na iyong pinili.
Ilang Konbensyon sa Pagsulat ng Rebyu
Ang mga sumusunod ay ilang lamang sa mg konbensyon sa pagsulat ng
rebyu ng isang pag-aaral:
1. Pagbubuod
2. Pagpaparirala ng orihinal na teksto(paraphrase)
3. Direktang Sipi
4. Personal na komento
5. Kombinasyon ng dalawa o higit pa sa naunang apat na binanggit.

Ang pagbubuod ay ang paglalahad ng mga pangunahing ideya sa mga


binasang literatura gamit ang sariling salita. Ito ay ang pinaiksing bersyon
ng orihinal na teksto. Nakatutulong ito nang malaki sa mananaliksik
sapagkat idinidikta nito kung ano ang mahalaga at higit na mahalagang
ideya buhat sa orihinal na teksto.
Ang pagpaparirala ng orihinal na teksto (paraphrasing) ay mabisang
metodo upang maiwasan ang pangungopya o plagiarism habang
isinasagawa ang rebyu ng isang pag-aaral. Ang sariling salita o lenggwahe
ng nagsasagawa ng pag-aaral ay iniuugnay o inilalagay sa orihinal na
bersyon. Ang pagpaparirala ay ang kumpletong pagpapalit ng salita at
hindi ang simpleng pag-aayos ng mga salita batay sa orihinal. Magagawa
ang pagpaparirala kung ganap na naiintindihan ng nagsasagawa ng rebyu
ang orihinal na teksto.
Direktang sipi. Ito ay ang pinakamadaling konbensyon sa pagsulat ng
rebyu sapagkat eksaktong kinukopya ng nagsasagawa ng rebyu ang
mahahalagang detalye na nasa orihinal na teksto. Dapat lamang tandaan
na maging maingat sa paggamit ng mga bantas at posibleng maling
ispeling upang maiwasan ang akusasyon ng pananabotahe o
misattribution. Iminumungkahi na iwasan kung maaari ang ganitong uri
ng rebyu lalo na sa panahon ngayon na madali ang sistemang copy and
paste dulot ng teknolohiya. Kung hindi talaga maiiwasan ang direktang
sipi, huwag kakalimutan ang paglalagay ng pahina bilang ng sanggunian o
orihinal na teksto.
Ang personal na komento ay mahalaga ring konbensyon sa pagsulat ng
rebyu sapagkat dito nabibigyan ng pagkakataon ang nagsasagawa ng
rebyu na pagtatahiin ang kaugnayan ng bawat literatura na kasama sa
pag-aaral. Dapatnga lamang tandaan na maging lohikal sa pamamagitan
ng paglalagay ng mga batayan sa bawat argumentong ibinibigay upang
mapanatili ang pagiging iskolarli ng isang rebyu.
LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina
Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

Ang pinakamagandang konbensyon sa pagsulat ng rebyu ay ang


kakayahan ng nagsasagawa ng rebyu na gamitin ang kombinasyon ng
alinman sa mga naunang konbensyon na tinalakay. Sa pamamagitan nito
ay matatamo sa maayos na pamamaraan ang pagiging iskolarli ng isang
sulatin.
Ebalwasyon sa mga Sanggunian
Sa pagsusuri ng sanggunian, mahalaga na bigyan ng konsiderasyon ang
mga sumusunod:
1. Kasanayan at pinagkadalubhasaan ng may-akda sa larangan ng
pag-aaral;
2. Argumento ng mga may-akda na sinusuportahan ng naoobserbahang
ebidensya (halimbawa: mga kwantitatibo at kwalitatibong pag-aaral)
3. Pagkiling ng may-akda batay sa mga kasalungat na pananaw at mga
pag-
aaral;
4. Kakanyahan ng sanggunian na mag-ambag sa higit na pag-unawa sa
paksa.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Rebyu ng Literatura
Si Pautassao (2013) ay nagbigay ng sampung pamantayan sa pagsulat ng
rebyu ng literatura. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Tukuyin ang paksa at ang inaasahang magbabasa nito;
2. Manaliksik at patuloy na manaliksik ng mga literatura;
3. Magtala habang nagbabasa;
4. Piliin ang uri ng rebyu na nais mong talakayin;
5. Panatilihin ang pokus sa paksa ng pagtalakay subalit gawin ito na higit
na malawak na interes;
6. Maging mapanuri at konsistent;
7. Maghanap ng lohikal na istruktura;
8. Isaalang-alang ang feedback o tugon;
9. Isama ang iyong kaugnay na pag-aaral subalit maging obhektibo sa
gagawing ito;
10. Maging makabago subalit huwag talikdan ang luma o mga nakaraang
pag-

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

Tukuyin ang Paksa at ang mga Inaasahang Magbabasa Nito. Ang unang
dapat isaaalang-alang rebyu ng literatura ay ang paksa na tiyak na
malapit sa puso ng mananaliksik. Kasama sa konsiderasyon na ito ang
pagiging bago at pangangailangan na matugunan sa lalong madaling
panahon ang usapin na nakapaloob dito. Kung hindi makapagpapasya ang
mananaliksik sa paksa na nais na pag-aralan, maaaring ang ibang tao ang
magkaroon ng unang pagkakataon na pag-aralan ito. Ang paksa na
mapipili na malapit sa puso ng mananalilksik ay makatutulong upang
makabuo ng isang matalinong rebyung literatura para sa pag- aaral. Gaya
ng sinabi sa unang bahagi ng aklat na ito, ang isang paksa ay nararapat
na (1) malapit sa iyo; (2) mahalagang aspeto ng iyong
pinagkakadalubhasaan; (3) natutukoy ang mahahalagang isyu o usapin.

Sa kabilang dako, mahalaga na isaalang-alang sa rebyu ng literatura ang


mga inaasahang magbabasa ng iyong pag-aaral. Ang matalinong pag-aaral
ay nakaagapay sa pangangailangan ng magbabasa ng pananaliksik, gamit
ang karunungan sa wika bilang sanligan.
Manaliksik at Patuloy na Manaliksik ng mga Literatura.
Hindi matatapos ang rebyu ng literatura sa loob ng isang upuan lamang.
Nangangailangan ito ng masusing pag-aaral at pag-iingat sapagkat dito
nakasalalay ang pagbuo ng balangkas ng pag-aaral na magiging sanligan
ng isang maayos at may kredibilidad na pananaliksik. Narito ang ilang
mahalagang payo bilang gabay upang mabigyan ng kabuluhan ang
aspetong ito ng rebyu ng literatura:
1. Subaybayan ang mga sinaliksik na sanligan upang mabalikan ito para
sa paulit-ulit na basahin;
2. Gumawa ng tala ng papel na PDF na hindi madali ang pagtukoy.
Kailangan pagbabasa at pagsipi ng mahalagang babasahin na ito. itong
gawin upang makagawa ng alternatibong estratehiya sa tamang
3. Tukuyin nang maaga sa proseso ang pamantayan sa pagtanggal ng mga
walang kaugnayan na papel;
4. Sumangguni sa mga nakaraang rebyu hindi lamang sa sangay na nais
mong gawan ng pag-aaral.
5. Maaaring may ibang indibidwal na nakapag aral sa paksa na nais mong
pag-aralan. Hindi ito dapat na maging hadlang upang ipagpatuloy ang
iyong pag-aaral at rebyu sapagkat maaari ka namang magsagawa ng
sariling rebyu.
Magtala habang nagbabasa. Makabubuti na magtala ng mahahalagang
impormasyon sa binasang literatura habang isinasagawa ang pagbabasa
upang makasiguradong detalyadong mailalagay sa rebyu ang mga
nasabing mahahalagang impormasyon. Kahit na ang indibidwal na may
LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina
Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

maayos na memorya sa mga binasa ay kailangang dumaan sa prosesong


ito sapagkat mahirap magsulat kung isaalang-alang mo lamang sa lahat
ng iyong natatandaan ang ilalagay sa iyong rebyu.
Ang mga sumusunod ay mahalagang paalala sa pagtatala:
1. Ang mga naitalang impormasyon ay nangangailangan ng muling
pagsulat (rewriting), muling pagsasaayos (restructuring), at muling
pag-iisip (rethinking) upang makuha ang teksto sa maayos nitong
pangangatwiran.
2. Gumamit ng sipi o quotation mark kung kinokopya nang hayag
(verbatim) ang literatura. Makabubuti na ipaliwanag ang sipi gamit ang
sariling wika sa pinal na papel.
3. Maging maingat sa paglalagay ng notasyon ng mga sanggunian upang
maiwasan ang maling pagkilala (misattibutions)
4. Maaari ring gumamit ng software para sa paglalagay ng sanggunian
upang makatipid sa oras at panahon.
Piliin ang uri ng rebyu na nais mong talakayin. Masasabi na may sapat
ka ng sanggunian para sa rebyu matapos maisagawa ang pagtatala ng
mahahalagang impormasyon habang nagbabasa. Ito ang tamang
pagkakataon upang magdesisyon kung gagamit ng buong rebyu (full
review) o munting rebyu (mini review). Marami sa mga dyornal sa
kasalukuyan ang higit na pumapabor sa munting rebyu (mini review) na
nakatuon ang pansin sa mga pag-aaral na bago, na may limitasyon sa
bilang ng salita at sipi (citations). Ang ganitong uri ng rebyu ay higit na
nakapupukaw ng atensyon sa mga abalang mambabasa, bagamat hindi
maiiwasan ang nosyon na ito ay pinasimpleng bersyon dahil na rin sa
limitasyon ng papel na gagamitin o espasyo para sa proceeding. Sa
kabilang dako, ang buong papel (full review) ay higit na makabubuti para
sa detalyadong pagtalakay sa rebyu bagamat maaari itong mag-iwan ng
pagkabagot sa mga mambabasa nito dahil na rin sa makapal na papel.
Panatilihin ang pokus sa paksa ng pagtalakay subalit gawin ito na
higit na malawak na interes. Mahalaga ang pokus sa pag-aaral anuman
ang uri ng rebyu na napagpasyahan mong gamitin kaugnay ng iyong
pananaliksik. Karaniwan na nagiging isyu o usapin ng mga mananaliksik
ang pagpapanatili ng pokus lalong higit kung kinasasangkutan ito ng
rebyu ng magkahalong disiplina (interdiscipline) na ang layunin ay lutasin
ang usapin na hindi pa napag-aaralan.
Ayon sa Thesaurus.com (sinipi, 2018), ang interdisiplinaryong
pananaliksik ay kombinasyon ng dalawa o higit pang akademikong
disiplina o sangay ng pag- aaral. Sa ganitong uri ng pag-aaral, ang metodo
na ginagamit sa isang disiplina ay maaari rin na gamitin sa ibang
disiplina. Kung ganito ang gagawin, hindi maiiwasan na magkaroon ng

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

pagkakataon na mawala ang pokus ng rebyu sa disiplina na


pinag-aaralan. Maging mapanuri at konsistent.
Ang isang mabuting rebyu ay hindi isang simpleng pangangalap at
pagbubuod ng datos, kundi ito ay pagkakataon para sa isang kritikal na
pagtalakay, pagtukoy sa mga usaping pangmetodo, pagtukoy sa mga isyu
na hindi nabigyan ng solusyon sa pag-aaral. Matapos ang pagbabasa ng
literatura, ang magbabasa ay dapat na magkaroon ng
(1) kaalaman sa sangay na naging paksa ng rebyu;
(2) pangunahing sangay ng pagtatalo; at
(3) mga natatanging katanungan para sa pananaliksik.
Maghanap ng lohikal na istruktura. Bukod sa matalinong rebyu ng
literatura, mahalaga rin sa pananaliksik ang maayos na istruktura ng
paglalahad ng bawat rebyu. Maaaring gamitin ng mga mag-aaral ang
sumusunod na ideya sa pagbuo ng rebyu:
1. Paggamit ng iskema o balangkas. Makatutulong ito upang lohikal na
maisa- ayos ang mga detalye ng rebyu at maiugnay ito sa iba pang mga
pag-aaral.
Ang maingat na pagpili ng diagram at mga pigura na may kaugnayan sa
paksa na nirebyu ay makatutulong nang malaki sa pagbuo ng istruktura
ng teksto.
2. Magpasya sa istilo ng paglalagay ng sanggunian. Karaniwan na
ipinagagamit sa mga mag-aaral ang American Psychological Associan (APA)
na porma subalit makabubuting sumangguni muna sa dalubguro kung
ano ang porma o istilo na nais niyang ipagamit.
Ang tamang paglalagay ng sanggunian o citation ay isang metodo ng
pagkilala sa indibidwal dahil sa kanilang masining at matalinong gawa na
iyong ginamit upang patatagin ang iyong pananaliksik. Maaari rin itong
gamitin upang malaman ang tiyak na sanggunian at labanan ang
pagnanakaw ng karunungan o plagiarism. Karaniwan na kasama sa
citation ang pangalan ng may-akda, petsa ng paglathala,lokasyon ng
kumpanya na naglathala, pamagat ng dyornal, o ang DOI (Digital Object
Identifier).
Ang istilo sa citation ang nagdidikta ng impormasyon na kinakailangan
sa citation, paano inilalahad ang impormasyon, kasama ang bantas, at
ibang pamamaraan sa pagporma.
May iba't ibang pamamaraan sa paglalagay ng citation para sa
pananaliksik Karaniwan itong nakabatay sa disiplina ng pag-aaral na
kasangkot.
1. Ang APA (American Psychological Association) ay ginagamit sa
Edukasyon, Sikolohiya, at Agham;
LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina
Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

2. Ang MLA (Modern Language Association) ma istilo ay ginagamit sa


Humanidades;
3. Ang Chicago/Turabian) na istilo ay ginagamit sa Kalakalan,
Kasaysayan, at Sining
Isaalang-alang ang feedback o tugon. Mahalaga sa mabuting
pananaliksik ang pagiging bukas ng isipan na ang magandang awtput ay
bunga ng kolaborasyon ng mananaliksik, tagapayo, statistician,
grammarian, at taga-rebyu ng Papel. Hindi kawalan sa isang mananaliksik
na isangguni ang kanyang papel sa ibang tao na may kredibilidad sa
larangang pili upang masuri kung may mga datos na hindi tugma, hindi
konsistent o may kaguluhang taglay na hindi napansin ng mananaliksik.
Sa kabilang dako, higit na makabubuti na magkaroon ng inisyatibo ang
mananaliksik na muling balikan ang papel upang maiwasto ang iba pang
pagkakamali na hindi nakita sa mga naunang rebyu.
Isama ang iyong kaugnay na pag-aaral subalit maging obhektibo sa
gagawing ito. May mga pagkakataon na ang isang mananaliksik ay
magsasama ng sariling pag-aaral sa gagawing rebyu ng mga literature at
pag-aaral. Wala namang prohibisyon sa bagay ito subalit iminumungkahi
pa rin sa maging obhektibo sa buong proseso ng rebyu. Bilang isang
mananaliksik, inaasahan ang pag-iwas sa mga pagkiling upang mapanatili
ang katatagan at kredibilidad ng isang pag-aaral.
Maging makabago subalit huwag talikdan ang luma o mga nakaraang
ag-aaral. Suriin ang mga sanggunian batay sa sakop nito at
kapanahunan. Ang rebyu ay kailangang sumakop sa mga sanggunian
nailathala sa loob ng nakalipas na limang taon subalit hindi kailangang
isa-isangtabi lamang ang mga luma o landmark cases na may mahalagang
papel na ginagampanan sa pananaliksik. Nararapat na bigyan ng
paliwanag ang pagpapasya na isama sa rebyu ang lumang sanggunian
subalit hindi landmark at hindi ang higit na bagong sanggunian.

Gawain 1.

!. Ibigay ang pagkakaiba ng kwalitatibong pananaliksik at


Kwantitatibong Panananaliksik? Gumamit ng Ven Diagram
2. Magsaliksik ng Uri ng Kwalitatibong Pananaliksik?. Suriin at Ibigay
ang Inyong reaksyon hinggil dito

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

Performance Tasks
PT1 . Batay sa ibinigay ninyong Pamagat o Paksa ng Pananaliksik. Ilagay ang Balangkas Konseptual at
paglalahad ng Suliranin. Pagkatapos ay maglahad ng ilang kaugnay na Literatura. At Ilahad ang
metodolohiyang gagamitin.

Understanding Directed Assess

Rubric

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

Learning Resources

Mga Sanggunian
Acopra, Jioffre A., et,al 2015 Retorika: Sining ng Pagpapahayag (Pandalubhasaan)
Mandaluyong City, Books Atbp. Publishing Corp.
Acopra, Jioffre A., et,al Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina (Introduksyon
sa Pananaliksik) Intramuros Manila, Mindshapers Co. INC.
Belves, Paz M., Ed. d., et.al 2004 Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina
(Filipino II) : Quezon City, Rex Printing Company Inc.
Bisa, Simplicio P., 1999 Retorika: Para sa Mabisa at Masining na Pagsulat : Malate,
Maynila, De La Salle University Press, Inc.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

Dosdos, Marilou J., et.al 2011 Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik :


Malabon City, Mutya PublishingHouse Inc.
Fabrigas, Nenita C., et.al 2001 Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina :
Makati City, Grandwater Pub. And Research Corp.
Mabilin, Edwin et.al 2012 Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina: Malabon
City, Mutya Publishing House Inc. Simbahan,
Manahan, Mario 2018 Filipino sa ibat ibang disiplina: Mindshapers Co., Inc.
Intramuros Manila.
Violeta D., et.al 2016 Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik : Mandaluyong City, Books Atbp. Publishing Corp.

Prepared by:

SIERRA MARIE S. AYCARDO, Ph.D _________________________________

Signature over Printed Name Date

Faculty

Reviewed by: ________________________________________________


_________________________________

Signature over Printed Name Date

Member, University Cluster Curriculum Review Committee

Reviewer’s Comments:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE 2: Filipino sa Ibat’t ibang Disiplina


Dr. Sierra Marie S. Aycardo
Dr. Teresita C. Elayba

You might also like