You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

MGA GABAY SA PAGKATUTO

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikalawang Markahan
S.Y.2020-2021

Isinulat ni:
MARIO A. AUTENTICO
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Unang Linggo
Gawain Blg. 1

Paksa: Ang Sulating Pananaliksik


Kompetensi
: Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik ( F11PT – IVcd – 89)
Layunin: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. Nakagagamit ng mga batayang etika
ng isang mananaliksik
Sanggunian: Dayag, Alma M., et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. p. 10-11 (For Classroom use ONLY)
Copyright: Pending for Permission

Konsepto:
Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa at pagbibigay-kahulugan sa
mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong,
upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho. Ang resulta ng isang pananaliksik ay maaaring maghatid sa
atin ng isang bagong teorya o konsepto, tumaliwas o sumuporta sa isang teorya o konsepto, rekomendasyon, o isa
pang tanong na nangangailangan nang mas malalim na pananaliksik.
Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito basta
pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primarya at sekundaryang mapagkukunan ng
impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang
nakalap. Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay sulating pananaliksik (Spalding,
2005).
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga
ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin: una, isinasagawa ito
upang makahanap ng isang teorya; pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa
teoryang ito; pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema
o suliranin.
Isang magandang pagkakataon ang pagbuo ng sulating pananaliksik upang mapatunayan ang katotohanan sa
isang teorya at nang mapabulaanan ang mga haka-haka kaugany nito. Kaya naman, dito papasok ang pangangalap ng
mga impormasyon, pagsusuri, at pagbibigay- interpretasyon sa mga nakalap na impormasyon at datos upang Makita
o mabatid ang katotohanang taglay ng mga ito.
Pagkakaiba ng Sulating Pananaliksik sa Ordinaryong Ulat
Ang pagbuo ng isang pananaliksik ay hindi basta katulad lang ng pagbuo ng isang ulat kung saan ang
manunulat ay mangangalap din ng impormasyon patungkol sa paksang isusulat at saka ilalahad ang tungkol sa mga
nakalap na impormasyon. Higit na malawak ang pokus ng ulat at iba pang pangkaraniwang teksto samantalang ang
pokus naman ng sulating pananaliksik ay mas limitado. Inaasahan kasing suriin, hihimayin, palalalimin, at
bibigyang-interpretasyon ng mananaliksik ang pagsasagawa ng kaalamang ilalahad patungkol sa paksa. Sa sulating
pananaliksik ay maaaring kailanganin mong lumabas, magsagawa ng obserbasyon, makipanayam o mag-sarbey at
pumunta sa palengke. Ibig sabihin nangangailangan ng masusing pag-aaral at sistematikong pangangalap ng
impormasyon upang matamo ang balidong kasagutan mula sa suliraning pinag-aaralan.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAGSASANAY 1
Panuto: Sagutin Ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anong sariling pagpapakahulugan ang maibibigay mo para sa sulating pananaliksik?
2. Ano-ano ang mga layunin ng pananaliksik?
3. Ano ang maaaring mangyari kung masyadong malawak ang paksang tatalakayin sa isang sulating pananaliksik?
4. Ano-ano ang mga tungkulin o responsibilidad ng isang mananaliksik na tulad mo?
5. Paano mo maihahanda ang iyong sarli upang matugunan ang mga ito sa iyong bubuoing sulating pananaliksik?

PAGSASANAY 2
Panuto: Tukuyin kung ang gawain ay sumusunod sa etika ng pananaliksik. Lagyan ng tsek ang
patlang kung ito ay umaayon at kung hindi, isulat sa patlang kung ito ay nagpapakita
ng paggamit ng teksto ng iba, pagreresiklo, o agarang pagbibigay ng kongklusyon.

_______________1. Mukhang maganda ang nabanggit niyang oahayag. Gagamitin koi to sa aking papel.
_______________2. Bibigyan ko ng hawig (paraphrase) ang pahayag parang magmukhang ako ang
nakaisip nito.
_______________3. Hindi ko matandaan ng sumulat ng artikulo. Pero kailangan koi tong gamitin sa
aking sanaysay kaya hindi ko na lang babanggitin ang pinagkukunan ko.
_______________4. Makabili nalang ng gawa nang pananaliksik o papel sa Recto at iyon na lang ang
ipapasa ko.
_______________5. Kopya nang kopya hanggang mabuo ang sulatin nang hindi binabanggit ang
pinanggalingan.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Unang Linggo
Gawain Blg. 2
Paksa: Katangian at Uri ng Pananaliksik
Kompetensi Nasususri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin batay sa
: layunin, gamit, metodo at etika sa pananaliksik. ( F11PB – IVab – 100 )
Layunin: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. Nakauuri ng mga pananaliksik batay
sa layunin at kategoriya
Sanggunian: Dayag, Alma M., et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. p. 12-15
Copyright: (For Classroom use ONLY) Pending for Permission
Konsepto:

Pagtibayin pa ang iyong kaalaman ukol sa pananaliksik kaya’t kailangang kilalanin ang katangian
nito. Ang pananaliksik ay:
 Obhetibo – naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuru-kurong pinapanigan ng
manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri.
 Sistematiko- ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang
katanggap-tanggap na kongklusyon.
 Napapanahon o naiuugnay sa kasalukuyan- nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at
taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa
desisyong pangkasalukuyan.
 Empirikal- ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan o na-
obserbahan ng mananaliksik.
 Kritikal- maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-
aaaral dahil taglay nito ang maingat at tamang pagahhabi at paghahatol ng mananaliksik.
 Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan- nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at
kakitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
 Dokumentado- nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang
pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.

Kung may katangiang ipinamamalas ang isang pananaliksik ay gayon din ang isang mananaliksik. Ayon
sa mga propesor na sina Constatino at Zafra (2010), ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng
sumusunod na mga katangian:
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan.
2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan; sa pagsisiguro sa
lahat ng panig ng pagsisiyasat; at sa pagbibigay ng mga kongklusyon, interpretasyon, komento, at
rekomendasyon.
4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan; sa pagkuha ng mga datos
nang walang itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso kaninuman; at sa
pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkukunan ng mga ito at
pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa
prosesong pagdadaanan.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Gayundin naman, ang isang mananaliksik ay dapat maging mapagmasid o mapag-obserba, curious, at
sensitibo sa mga isyung panlipunan maaaring mahagip ng pagsasaliksik na ginagawa, maingat sa mga
terminong ginagamit sa pananaliksik, at sinisigurong tama ang paggamit nito.

MGA URI NG PANANALIKSIK


May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlong kategorya:
basic, action at applied na pananaliksik.
Ang basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din ang resulta
nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
Ang sumusunod ay halimbawa ng basic research:
 Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa
kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid
 Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila
 Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan sa isang barangay.
Ang action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o
masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
Ang resulta ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik. Ang mga
halimbawa nito ay ang sumusunod:
 Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong
klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakibahagi at natututo sa mga gawain
 Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa
inyong paaralan sa kanilang academic performance
 Pananaliksik kung may epekto baa ng pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa
ikalabing-isang baiting sa inyong paaralan.
Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon. Ang mga
halimbawa nito ay ang sumusunod:
 Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan
 Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baiting sa isang
paaralan
 Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad
Pansining ang mga resulta ng mga pananaliksik na ito ay maaaring ilapat sa mas malaking populasyon
tulad ng iba pang paaralan o barangay na malapit o nasa paligid ng inyong lugar.

PAGSASANAY 1:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pamatnubay na tanong:

1. Sa paanong paraan nagagamit ang basic research? Ang action research? At ang applied research?
2. Bakit mahalagang tugma ang layunin ng isang mBakit mabuti rinananaliksik sa uri ng pananaliksik na kanyang
gawin?
3. Paano makatutulong sa isang mananaliksik kung marami na siyang nalalaman sa paksang susulatin niya?
4. Bakit mabuti ring pumuli ng paksang wala ka pang gaanong ideya subalit gusto mong higit na makilala o
malaman pa?
5. Ano- anong kabutihan ang maidudulot ng pagpili ng paksang napapanahon?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAGSASANAY 2
Panuto: Tukuyin ang mga nakalahad sa bawat bilang kung ang mga ito ay maika-kategorya bilang
basic, action o applied na pananaliksik. Isulat Ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______________1. May epekto ba sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang sa paaralan


ng San Jose ang hindi nila pagkain ng almusal?
_______________2. Paano naaakit ang mga mag-aaral sa unang baitang ng inyong paaralan upang
maging mahilig sa pagbabasa?
_______________3. May epekto ba sa pag-uugali ng mga batambatang mag-aaral sa kinder ang
pagpaparinig sa kanila ng mga tugtuging classical habang sila ay nasa recess?
_______________4. Ano ang pananaw ng mga tao sa inyong barangay ukol sa nagpapatattoo?
_______________5. Paano masusugpo ang cyberbullying sa inyong paaralan?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Unang Linggo
Gawain Blg. 3
Paksa: Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
Kompetensi Nasususri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin batay sa
: layunin, gamit, metodo at etika sa pananaliksik.
Layunin: Naisaalang-alang ang mga salik sa pagpili ng paksa Nagagamit ang mga gabay sa paglilimita ng paksa.
Sanggunian: Dayag, Alma M., et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. p. 16-17
Copyright: (For Classroom use ONLY) Pending for Permission
Konsepto:

Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa

1. Alamin ano ang inaasahan o layunin ng susulatin- bago pa man simulant ang pagpili ng iyong
paksa ay mahalagang malaman mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para
maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik- minsan, may mga
gurong pagbibigay ng mga paksang iyong pagpipiliian ngunit kung wala kang napupusuan sa mga
paksang ito, pagkakataon mo nang pumili ng paksa na malapit sa iyong puso at interes.
3. Pagsussuri sa mga itinalang ideya- muling balikan aat isa-isang basahin ang mga isinulat mong
ideya at suriing mabuti ang mga ito.
4. Pagbuo ng tentatibong paksa-
5. Paglilimita sa paksa-
Mga elementong makapaglilimita ng paksa
1. Panahon
2. Uri o Kategoriya
3. Edad
4. Kasarian
5. Lugar o espasyo
6. Pangkat o sector na kinasasangkutan
7. Perspektiba o pananaw

Halimbawa ng batayang paksa na nilimitahang gamit ang iba’t ibang elemento

Paksa: Teknolihiya at Kabataan


1. Perspektiba
Nilimitahang paksa: Ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan
Nilimitahang Paksa: Ang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng social media bilang
bukal ng impormasyon
2. Panahon
Nilimitahang Paksa: Ang epekto ng Internet at smartphone sa paggamit ng social media
mula noong 2010 hanggang sa kasalukuyan
3. Uri
Nilimitahang Paksa: Epekto ng pagsasalarawan ng lipunan at media sa kabataab
4. Edad
Nilimitahang Paksa: Ang persepsyon ng mga kabataan mula edad 16 ganggang 18 sa
impluwensiya ng Facebook
5. Kasarian
Nilimitahang Paksa: Ang epekto ng Paglaganap ng teknolohiya sa sector ng kababaihan
6. Lugar
Nilimitahang Paksa: Ang epekto ng social media sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

1. Pangkat
Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa
paglaganap ng social media

Narito pa ang ilang halimbawa


1. Paksa: Ang teknolohiya sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak
Nilimitahang paksa gamit ang perspektibo at uri
Epekto ng media sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak
Nilimitahang paksa gamit ang perspektibo, uri at lugar
Epekto ng telebisyon sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak sa
barangay Tejero
Nilimitahang paksa gamit ang perspektibo, uri , kasarian, edad, at lugar
Epekto ng telebisyon sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak na
lalaki na may eded 8 hanggang 13 sa barangay Tejero

2. Paksa: Ang proseso ng panggagamot sa loob ng sampung taon


Nilimitahang paksa gamit ang uri
Ang proseso ng panggamot ng sakit na kanser sa loob ng sampung taon
Nilimitahang paksa gamit ang perspektibo, propesyon at uri
Ang persepsyon ng mga oncologist sa panggagamot ng kanser sa loob ng
sampung taon
Nilimitahang paksa gamit ang perspektibo,propesyon , uri at panahon
Ang persepsyon ng mga oncologist sa panggagamot ng kanser mula 2005
hanggang 2008 sa loob ng sampung taon

PAGSASANAY: PAGSASANAY

Panuto: Mula sa paksang nakalista sa loob ng bawat kahon, limitahan at gawing espesipiko ang
mga ito gamit ang mga elementong nakapaglilimita ng paksa.

Paksa: Ang paggamit ng e-book ( electronic book) ng mga mag-aara


Nilimitahang paksa gamit ang perspektibo, kasarian, edad at lugar
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________

Paksa: Ang pagsuot ng uniporme sa paaraln ng mga mag-aaral


Nilimitahang paksa gamit ang perspektiba at uri
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Paksa: Madalas na paglalaro ng video games ng mga mag-aaral


Nilimitahang paksa gamit ang perspektiba, edad, kasarian at panahon
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

You might also like