You are on page 1of 11

FILIPINO - Grade 11

Kwarter 2, Linggo Blg. 1 at 2

PAGBASA AT PAGSULAT NG IBAT’ IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

LAYUNIN, GAMIT, METODO, AT ETIKA SA PANANALIKSIK

Pangalan: _______________________ Seksyon: ____________________


Paaralan: _______________________ Petsa: ______________________

Layuning Pampagkatuto (MELC):

Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,


metodo at etika sa pananaliksik. F11PB-IVab-100

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. nasusuri ang halimbawang pananaliksik ayon sa layunin at gamit;
2. nasusuri ang halimbawang pananaliksik ayon sa metodo at etiko;
3. nasusuri ang nakalap na pananaliksik ayon sa layunin, gamit, metodo at
etika.

Pangunahing Konsepto

Layunin, Gamit, Metodo, at Etika sa Pananaliksik

Bagaman, magkakatulad ang pangkalahatang layunin ng iba’t ibang uri ng


pananaliksik sa paghahanap ng impormasyon, mayroon din itong tiyak na layunin
na angkop sa isang particular na paksa o suliranin na may angkop ding
pamamaraan ng impormasyon.

Ayon sa Layunin

Ang mga pananaliksik na ayon sa layunin ay nakatuon sa paraan ng


paggamit ng mananaliksik ng mga teoryang nakalap na may kaugnayan sa layunin
ng kaniyang pag-aaral.

1. Puro o Pangunahing Pananaliksik (Pure or Fundamental Research).


Layunin ng pananaliksik na ito na alamin kung ang isang teorya ay
makatotohanan at katanggap-tanggap batay sa mga pangkalahatang
prinsipyong kasalukuyang kinikilala ng mga dalubhasa. Sa pananaliksik na
ito, kailangang maging maingat at mapanuri ang mananaliksik dahil
Tagasulat: SYLVIA P. JACOB
Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
kailangang niyang magsagawa ng mga pamaraan na susukat kung ang
teoryang iminumungkahi o gagamitin ay makabuluhan at tunay na
makatutugon sa suliraning nais sagutin ng pananaliksik.

2. Praktikal o Aplikadong Pananaliksik (Applied Research). Sa pananaliksik


na ito, gumagamit ang mananaliksik ng mga teorya o kinikilalang prinsipyo
bilang paraan ng pagtugon sa isang isyu o suliraning hinahanap sa
pananaliksik. Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik sa negosyo,
medisina, teknolohiya at edukasyon.

Gamit ng Pananaliksik

1. Ginagamit ang pananaliksik upang matamo ang ganap na kaunlaran sa iba’t


ibang larangan.

2. Isa itong paraan upang matuto at lumawak ang kaalaman. Malaki ang
naiaambag ng pananaliksik upang makakuha ng bagong impormasyon at
mapalawak ang kaalaman. Marapat na ang mananaliksik ay magsuri rin ng iba’t
ibang sanggunian upang makakuha ng dagdag na kaalaman.

3. Tumutugon ito sa iba’t ibang isyu o suliranin. Nagbibigay-daan ang pananaliksik


upang makahanap ng sagot o solusyon sa pokus ng suliranin. Makatutulong ang
pananaliksik upang malaman ang sanhi ng isang tiyak na suliranin at kung paano
ito sistematikong matutugunan batay sa mahahalagang impormasyong nakalap.

Uri ng Metodo at Paraan ng Pananaliksik

1. Disenyong Pangkasaysayan (Historical Design). Ito ay nakatuon sa pag-


aaral ng mga nakaraang pangyayari na inuugnay sa pangkasalukuyan at
panghinaharap na panahon. Sa disenyong ito, susuriin ng mananaliksik ang
mga pangyayari sa kasaysayan at buhay ng mahahalagang tao na may
kinalaman sa mga ito. Layunin ng mananaliksik na maipakita ang tunay na
nangyari at maipaliwanag ang sanhi at bunga nito sa mambabasa.
Kailangan ding mailahad ng mananaliksik ang sapat na mga ebidensiya na
susuporta sa kaniyang pag-aaral.

2. Disenyong Deskriptibo (Descriptive Design). Ito ay isang pag-aaral na


idinisenyo upang ilarawan ang mga kalahok sa isang tumpak na paraan.
Inilalarawan ng mananaliksik ang kalagayan ng isang sitwasyon sa
disenyong deskriptibo, kabilang ang mga salik na may kaugnayan ditto
habang isinasagawa ang pag-aaral. Ipinapakita rin ditto ang kondisyon o
antas ng relasyon ng mga baryabol. May iba’t ibang uri ng pag-aaral sa
ilalim ng disenyong deskriptibo.

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
a. Sarbey (Survey). Nasusuri ng mananaliksik ang pangkalahatang
kalagayan ng paksang pinag-aaralan sa pamamagitan ng pagkuha ng
makabuluhang impormasyon sa mga tagapagsagot ayon sa antas ng
kalagayang panlipunan, opinion, at kaalaman ukol sa sasaliksikin. May
dalawang uri ng sarbey: census at sample survey. Sa census, kinukuha
ang sagot ng kabuuang populasyon, samantalang piling bahagi lang ng
kasapi ng populasyon, ang kinukuhananng sagot sa sample survey.
b. Case Study. Angkop na gamitin ang case study upang masusing mapag-
aralan ang isang tiyak na indibidwal o grupo. Sa pagsasagawa ng case
study, kailangang pagtuunan ng pansin ng mananaliksik ang mga
katangian o kilos ng indibidwal o grupo ng pag-aaralan. May
pagkakahalintulad ang sarbey at case study dahil pinag-aaralan nito
pareho ang isang tiyak na grupo, higit na mas malaking grupo lamang
ang sinusuri sa sarbey ng case study.
c. Feasibility Study. Sa pag-aaral na ito, sinusuri ng mananaliksik ang
posibilidad na maging maunlad ang isang negosyo o kompanya batay sa
pagsisiyasat ng mga salik na may kaugnayan dito.
d. Correlational Study. Sinusuri ng mananaliksik kung may kaugnayan ba
ang dalawang baryabol o salik sa pag-aaral na ito na may parehong uri
ng populasyon.

3. Disenyong Eksperimental. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga sangay ng


agham tulad ng sosyolohiya, sikolohiya, pisika, kimika, biyolohiya, medisina
at iba pa. Sa pag-aaral na ito, isinasailalim ng mananaliksik ang isa sa
dalawang baryabol sa isang kontroladong kalagayan. Matapos nito, sinusuri
niya kung may may pagkakatulad o pagkakaiba sa resulta ng dalawang
baryabol. May iba’t ibang uri ng disenyong eksperimental tulad ng
natunghayan sa ibaba.
a. Ganap na Disenyong Eksperimental (True Experimental Design). Sa
pag-aaral na ito, parehong sumasailalim ang dalawang gruposa pretest
upang matiyak na pantay ang mga baryabol na susuriin. Matapos nito,
sasailalim ang grupong eksperimental (experimental group) sa isang
interbensiyon o paggamot (intervention treatment). Samantala, wala
naming ibibigay sa kontroladong grupo (controlled group). Dito ngayon
makikita kung may bisa ba o wala ang interbensiyong ginamit batay sa
paghahambing sa resulta mula sa dalawang grupo.
b. Disenyong Quasi-Eksperimental (Quasi-Experimental Design). Halos
kapareho nito ang disenyong ganap na eksperimental ayon sa paggamit
ng dalawang grupo, ang grupong eksperimental at ang grupong
kontrolado. Ang pagkakaiba lamang ay ang bilang ng pagbibigay ng
pretest at posttest upang masukat nang Mabuti ang resulta ng mga
datos.

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
Mga Katangian ng Mananaliksik/Etika ng Pananaliksik

Pinagkakatiwalaan natin ang mga mananaliksik dahil dalubhasa sila sa


kanilang larangan at nagpapakita sila ng ganap na kahusayan. Ang mga
sumusunod ay mga katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik para sa etika
ng pananaliksik:
1. Mapagkakatiwalaan. Dapat naaayon at makatotohanan ang impormasyong
nagmumula sa mananaliksik sapagkat siya ay pinagkakatiwalan ng
mambabasa bilang dalubhasa sa kaniyang larangan at may sapat na
kaalaman sa akda o pananaliksik na kaniyang ginagawa.
2. Walang kinikilangan o pinapanigan. Hindi lubos na maasahan ang
impormasyong nagmumula sa sariling opinyon lamang ng mananaliksik.
Dapat ay mayroon siyang ilahad na sapat na detalye na sumusuporta sa
anumang ideya na kaniyang inilahad. Dapat timbangin ng mananaliksik ang
paglalahad ng mga ideya at opinion. Sakali mang may teorya o pag-aaral na
sa tingin ng mananaliksik ay may wasto o nararapat, kailangang
makapaghain siya ng mga pagpapatunay.
3. Responsible at may integridad. Pinagkakatiwalan ng mambabasa ang
mananaliksik sa kaniyang husay, at binibigyan siya ng mataas na
paggalang. Kung gayon, dapat pangalagaan ng mananaliksik ang kaniyang
integridad. Kaakibat nito, dapat din siyang kakikitaan ng ganap na pag-ako
sa responsibilidad ng paghahatid ng mga impormasyon isinipi sa kaniyang
pananaliksik.
4. May paggalang at konsiderasyon sa kapwa. Ang pananaliksik ay hindi payak
na gawain. May mga pagkakataon na kailangang magkapanayam ang
mananaliksik upang makuha ang impormasyong kinakailangan. Subalit
hindi sa lahat ng pagkakataon ay akma ang sarili niyang oras sa libreng
oras ng kaniyang kakapanayamin. Kailangan marunong makitungo sa
kapwa ang mananaliksik at maging maunawain. Kailangan din siya ay
maging magalang at mapagkumbaba lalo na kung ang kakapanayamin ay
kapos sa edukasyon. Ang mananaliksik ay inaasahang maging sensitibo sa
pagbibitaw ng mga tanong upang matiyak na handa ang kaniyang
kakapanayamin na sagutin ang mga ito. Mahalaga rin na hindi niya
nasasagasaan ang privacy ng kakapanayamin.
5. Masipag, maaasahan, at mapamaraan. Bilang mananaliksik na nagbibigay
ng impormasyon, inaasahan na magiging masipag at mapamaraan siya sa
pagkalap ng sapat at wastong impormasyon. Inaasahan din na mataas ang
kalidad ng bunga ng kaniyang pananaliksik.

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1: Suring-Layunin at Gamit!

Panuto: Tukuyin ang layunin, at gamit ng pananaliksik batay sa nilalaman ng


artikulo at abstrak nito.
A.
Programang Pangkalusugan ng RITM

Bukod sa Kagawaran ng Kalusugan, may alam ka pa bang institusyon sa


bansa na nagsasaliksik upang matiyak na hindi lumaganap ang mga
nakahahawang sakit sa Pilipinas? Ang Research Institute for Tropical Medicine
(RITM) ay naatasan ng pamahalaan na pangasiwaan ang pagpaplano at
pagpapatupad ng mga programang pananaliksik na may kinalaman sa mga sakit
na nakahahawa at tropical. Sa pamamagitan ng tulong pinansiyal mula sa Japan
International Cooperation Agency (JICA), nakapagpatayo ang RITM ng gusali na
may pasilidad at laboratory noong Abril 23, 1981.

Pangunahing layunin ng RITM na pangunahan ang mga pananaliksik para


sa pagsugpo, pagsuri, at paggamot ng mga sakit na maaaring makaapekto sa
kalusugan ng publiko. Kasama sa kanilang pananaliksik ang paggawa ng bakuna
na susugpo sa mga kumakalat na nakahahawang sakit. Inilalabas ng RITM ang
kanilang pananaliksik sa local at internasyunal na publikasyon. Nakikibahagi rin
sila sa mga pagpupulong na naglulunsad ng mga programang may kinalaman sa
kalusugan.

Dahil may pasilidad ang RITM, tumatanggap din sila ng mga pasyenteng
nakahahawa ang sakit upang maiwasan ang epidemya. Nagsagawa rin sila ng
pagsasanay para sa mga kawani ng ospital upang madagdagan ang kanilang
kaalaman sa pagsugpo sa mga naturang sakit.

Sa loob ng mahigit tatlumpung taon simula noong maitatag ito, ang RITM ay
kinikilala sa kahusayan sa pananaliksik ukol sa kalusugan at medisina. Sa bisa ng
Department Order No. 393-E series of 2000 (Nobyembre 1, 2000), itinalaga ang
RITM bilang National Reference Laboratory (NRL) para sa mga sakit tulad ng
dengue, influenza, tigdas, polio, tuberculosis at malaria.

Layunin ng Pananaliksik Gamit ng Pananaliksik

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
B. Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino
Kaugnay ng Kanilang Akademik Performans
Felipe Sultira Jr., Cristina Calisang, Maria Chona Zamora Futalan, Roullette P.
Cordevilla

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang lawak ng pagpapahalaga
ng mga estudyante sa asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang akademik
performans. Nakaangkla ang pag-aaral na ito sa Teoryang Connectionism ni
Edward Lee Throndike at Operant Conditioning ni Skinner. Sakop nito ang Pinal
na performans ng mga estudyante sa asignaturang Filipino.

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante na


nakakuha na ng Filipino11/21 sa unang termino ng Unang Semester ng
Akademikong Taon 2014-2015. Ang istadistikang ginamit sapag-aaral ay
porsyento, weighted mean at Pearson moment coefficient of correlation. Mas
marami ang respondenteng babae na kumukuha ng asignaturang Filipino11/21 sa
Unang Termino kaysa sa mga lalaki. Karamihan sa mga respondente ay nagmula
sa Kolehiyong Negosyo at Pamamahala (CBA) at Kolehiyong Edukasyon (CE).
Karamihan sa mga respondente ay pumili ng Ingles bilang pangunahing paborito
nilang asignatura. “Pocket Book” na Filipino ang higit na kinagigiliwang babasahin
ng mga estudyante.

Natuklasan na maataas ang antas ng kawilihan ng mga respondent sa


asignaturang Filipino. Nagpapakita lamang na nagkaroon ng interes ang mga
estudyante sa asignatura dahil sa pagkakaroon ng isang magandang interaksyon
gamit ang iba’t ibang mga gawaing inihanda ng guro ngunit hindi nila masyadong
itinuturing na paborito ang asignaturang Filipino. Malawak ang pagpapahalaga ng
mga respondent sa asignaturang Filipino dahil nagganyak sila sa kaaya-
ayangkatauhanngkanilangguroat gusto rin nilang makakuhang malaking marka.
Napakalawak din ang pagpapahalaga ng mga respondent sa paggamit ng wikang
Filipino at ang paggawa ng mga kursong pangangailangan sa Filipino.

Natuklasan din nakaramihan sa mgar espondente ay nakakuha ng marka


na nasa pagitan ng 90-92 o magaling, at isa lamang sa kanilaang nakakuha ng
markang 99-100 o natatangi (exceptional). Natuklasan na mababa ang lawak ng
kaugnayan sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang kanilang lawak ng
pagpapahalaga sa asignaturang Filipino. Sa kabuuan, may katamtamang
kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondent sa
asignaturang Filipino at ang kanilang marka o akademik performans.

Layunin ng Pananaliksik Gamit ng Pananaliksik

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
Gawain 2: Suring-Metodo at Etika!

Panuto: Tukuyin ang metodo, at etika ng pananaliksik batay sa nilalaman ng


panimula nito.
A.
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences
Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
Research and Statistics Center LPU Laguna 121

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK

PANIMULA
"Ang mga kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan", ayon ito kay Dr. Jose
Rizal, ang ating pambansang bayani. Sila ang magsisilbing lider sa hinaharap at
magpapaunlad ng ating bansa. Sa kanilang murang isipan mahuhubog ang isang
magandang ideya at pag-iisip na malaki ang maiaambag sa ating bansa.

Ang paghubog ng pagkatao ng isang bata ay nakasalalay sa kamay ng


mapag-arugang ina. Responsibilidad ng mga magulang kung paano nila
palalakihin ng maayos at may takot sa Diyos ang kanilang anak.

Ang batang ina ay isang kabataan na maagang napasok sa isang mabigat na


responsibilidad ng pagiging isang magulang sila ay nasa edad labing dalawa
hanggang labing walong taong gulang.

Nagiging isyu sa Pilipinas ang pagdami ng mga kabataang maagang


nabubuntis o maagang nakakapag-asawa. Dahil ang pagiging isang magulang sa
murang edad ay hindi tama at maraming nagiging epekto.

Mangangalap ang mga mananaliksik ng impormasyon sa pamamagitan ng


pag- sasarbey upang makuha ang kanilang pagkakakilanlan at upang makakuha
ng tiyak na impormasyon hinggil sa pinagdadaanan nila bilang batang ina.
Tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina, sa
pamamagitan ng mga sumusunod na salik: emosyonal, espiritwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal; at aalamin kung positibo o negatibo ba nila itong
nararanasan.
Metodo ng Pananaliksik Etika ng Pananaliksik

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
B. Perspektibo ng Pakikiuso sa Materyal na Bagay at sa Pag-Uugali ng Ilang
mga Kabataan ng Ardemil Junior High School
Lowie Borlado Balbaguio

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tumalakay sa perspektibo ng pakikiuso sa materyal


na bagay at sa pag-uugali. Sampung kabataan ang naging kalahok at isinagawa sa
Baranggay Ardemil, Sara, Iloilo.
Ang mananaliksik ay gumamit ng impormal na pakikipanayam at
pagtatanung-tanong upang higit na matalakay ang pakikiuso ayon sa kamalayang
Pilipino. Ayon sa resulta, ang ilan sa mga katwiran ukol sa pakikiuso ay, “pakiki-
in”, pagsabay sa pagbabago ng panahon at pakikibagay. Mayroon namang positibo
at negatibong naidulot ang pakikiuso. Ang ilan sa positibo ay ang pagkatutong
makibagay at pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Ang ilan naman sa negatibo ay ang
pagkakaroon ng siraan, pagiging magastos at pagkalimot sa kinalakihang kultura.
Sa pananaw naman, mayroong positibo at negatibo. Sa materyal na bagay at
positibo, ito raw ay bahagi na ng buhay at nangyayari ng dahil sa inobasyon at ito
rin daw ay nangyayari sa bawat henerasyon. Sa negatibo naman, sinasabing ito
raw ay magastos. Sa pag-uugali naman at positibo, sinasabing hindi ito masama
dahil ito raw ay nabuo na sa pang araw-araw na buhay at nakasanayan na. Sa
negatibo naman, tingin nila na ito ay kawalang respeto at pagkalimot sa sariling
kagustuhan.
Metodo ng Pananaliksik Etika ng Pananaliksik

Gawain 3: Suring-Saliksik!

Panuto: Magsaliksik ng dalawang sulating pananaliksik sa internet. Basahin itong


mabuti at suriin ito ayon sa layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik.
Sundin ang tsart na nasa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang papel. Maaaring
gamitin bilang sanggunian ang mga sumusunod na pook sapot:

https://www.academia.edu/38677291/Pananaliksik_filipino

https://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-makabagong-
panahon

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
https://rollcraftsfast.blogspot.com/2021/01/pananaliksik-tungkol-sa-wikang-
filipino.html

https://www.wattpad.com/782641587-pananaliksik-sa-gramatikang-filipino-
kabanata-1

https://www.coursehero.com/file/68025962/Abstract-6docx/

Pamagat ng Mga Pook-sapot Layunin Gamit Metodo Etika


Pananaliksik Manunulat

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
Repleksiyon:

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa Layunin,
Gamit, Metodo, Etika sa Pananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Natutunan ko ang…

1. ____________________________________________
bagay na
3 natutunan 2. ____________________________________________
3. ____________________________________________

bagay na Nakapupukaw ng aking interes ang mga bagay na…


2 nakapukaw 1. ____________________________________________
ng interes
2. ____________________________________________

Kailangan ko pang matutunan ang…


bagay na
1 nakapagpalito 1. ____________________________________________

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph
Sanggunian:

Aklat:

Magpile, Christine Marie. 2016. Quezon City, Philippines: The Intelligent


Publishing, Inc.

Pook-sapot:

https://lpulaguna.edu.ph/wp-content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-
ISANG-BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf

https://www.researchgate.net/publication/347951399_Lawak_ng_Pagpapahalaga_
ng_mga_Estudyante_sa_Asignaturang_Filipino_Kaugnay_ng_Kanilang_Akademik_P
erformans

https://www.researchgate.net/publication/337101894_Perspektibo_ng_Pakikiuso_
sa_Materyal_na_Bagay_at_sa_Pag-
Uugali_ng_Ilang_mga_Kabataan_ng_Ardemil_Junior_High_School

Susi ng Pagwawasto:

magkaiba. magkaiba.
Ang sagot ay maaring Ang sagot ay maaring

Gawain 1: Gawain 2:

magkaiba. magkaiba.
Ang sagot ay maaring Ang sagot ay maaring

Gawain 3: Repleksiyon:

Tagasulat: SYLVIA P. JACOB


Paaralan/Himpilan: DISTRICT III – CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Dibisiyon: SURIGAO CITY
Email Address: sylvia.jacob@deped.gov.ph

You might also like