You are on page 1of 17

Sining – Unang Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 2: ​Pag likha ng mga 3D Gamit ang mga

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o ​trademark,​ palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Sining 1 ​ng Modyul 1 para sa
araling​ Pag likha ng mga 3D Gamit ang mga Nareresiklong Bagay​!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang ​5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Sining 1 ​Modyul 1 ukol sa ​Pag likha ng mga


3D gamit ang mga Nareresiklong Bagay​!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at ​icon​ na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.​
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na


nakali​likha ng mga 3D na bagay na mahusay ang
proporsyon, balance, at nagpapakita ng diin sa disenyo,
tulad ng pencil holder gamit ang mga bagay na
nareresiklo tulad ng plastik na bote.
Panuto:​ ​Lagyan ng ​Tsek ​(√) ang mga bagay na maaaring
magamit sa paggawa ng 3-dimensiyonal na
likhang sining.

1. 2. ​ ​3.

4. 5.

Balikan natin ang ating pinag-aralan noong


nakaraang linggo.

Panuto: ​Bilugan ang mga bagay na 3-dimensiyonal.


1. 2. 3.

4. 5.

Tingnan ang larawan, ano ang iyong nakikita?


NnrffR

​Racool_studio

Nakakalat ba ang iyong mga lapis, krayola, bolpen


at iba pa​?​ Paano mo kaya maayos ito​?

Ano kaya ang dapat gawin upang maiayos ang


iyong mga gamit​?​ Saan mo dapat ilalagay ang inyong
nakakalat na mga lapis​?

Ngayong araw na ito, pag-aaralan natin kung


paano gumawa ng pencil holder gamit ang mga
patapong bagay. Ang tawag dito ay pag reresiklo.

Paano ba gumawa ng pencil holder o lalagyan ng


mga lapis​?

Eto ang mga kailangan natin.


​Mga Hakbang sa Paggawa ng Pencil Holder

1. Tanggalin ang balat ng plastik na bote at hatiin ito


sa gitna. Paalala, mag ingat sa pag gamit ng
gunting o cutter.

2. Painitin ang glue gun. Isukat ang hinating plastik na


bote sa glitter paper. Lagyan ng marka itupi at
gupitin.

3. Gamit ang glue gun, idikit ang glitter paper paikot


sa plastik na bote. Paalala, mag ingat sa pag gamit
ng glue gun dahil ito ay mainit.
4. Kunin ang lace. Idikit ito sa itaas na bahagi ng
plastik na bote. Gupitin ang sobra.

5. Dikitan din ng lace ang ibabang bahagi ng bote.


Dagdagan ang disenyo upang maging maganda
ang iyong gawa. Maaari din gumamit ng iba pang
disenyo.

Ayan, gawa na ang ating pencil holder! Pwede nang


ilagay ang mga lapis, krayola at iba pa.
Pagsasanay 1

Panuto:​ Sagutin ang tanong.

Anu-ano ang mga ginamit sa pag gawa ng


pencil holder​? I​sulat ang mga ito sa patlang.
1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
4. ________________________
5. ________________________

Pagsasanay 2

Panuto: ​Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot.


Ilagay ito sa patlang.
_____1. Ano ang ginamit na lalagyan ng lapis​?
A. Plastic na baso
B. Plastic na bote
C.Lata
_____2. Ano ang tawag sa mga patapong
bagay na ginamit na muli​?
A. Resiklo B. Nabubulok C. Basura

_____3. Ano ang tawag sa lalagyan ng lapis​?

A. Pencil skirt
B. Colored pencil
C.Pencil holder
_____4. Kapag gumagawa ng pencil holder,
kailangan na __________________.
A. Mag-ingat at may patnubay ng
magulang.
B. Mag-ingat sa pag gamit ng matutulis
at nakakasugat na mga bagay.
C.Lahat ng nabanggit.
______ 5. Ang lata ay maaari ring gawin na pencil

holder.

A.Tama

B.Mali
C.Hindi

Pagsasanay 3

Panuto:​ Gumawa ng sariling pencil holder sa gabay ng


mga magulang.
● Ano ang dapat gawin sa mga patapong
bagay gaya ng plastic na bote at iba pa​?

● Paano nakakatulong ang pag resiklo ng mga


patapong bagay sa paligid​?

Panuto:​ Lagyan ng ​tsek ​(√) ang hanay, kung naisagawa


ang sumusunod na gawain sa paggawa ng
pencil holder 5 pinakamataas na marka
at 1 naman ang pinakamababa.

RUBRICS 1 2 3 4 5
1. Nagawa nang maayos ang gawain.
2. Nasunod ang hakbang sa paggawa
ang pencil holder.
3. Naidikit ang glitter paper/lace nang
maayos.
4. Proporsyon ang disenyo.
5. Balance ang desinyo.
Sanggunian
Steve Johnson.”Abstract”.Unsplash.https://images.app.goo.gl/PPe8Sd4ajrEuC3gw8

3D Basketball Ball Vector.dlpng.com

Clipart Library.2016-2018.”Collection of Boxes Cliparts(45) Free boxes Cliparts.clipart-library.com

Racool_Studio.”School supplies for art classes Free


Photo”.https://www.freepik.com/free-photos-vectors/water color

Premium Vector.”Happy cute little kid boy with question mark”.https//www.freepik.com

Paper Mache Duck Toy”https://www.pinterest.ph/amp/pin/344173596514139168

“Fingerprint transparent background PNG cliparts”https://www.hiclipart.com/search?clipart=Fingerprint

You might also like