You are on page 1of 34

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V BICOL
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE

LEARNINGACTIVITY SHEET- WEEK 8


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________
Asignatura at Antas: Numeracy (1-6)_____________
KINDERGARTEN__________
Seksyon: __________________________
Petsa: __________________________
lapis, pang kulay
Mga Kagamitan:
I. Panimulang Konsepto

Ang paaralan ay isang lugar kung saan tinuturuan ang mga mag-aaral upang
magkaroon sila ng mga kaalaman at maturuan ng tamang asal. Ang layunin nito ay
makapag hubog ng mga magaaral na kayang makipag sabayan saan mang larangan. Ang
isa pang layunin ng paaralan ay ang tulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang
nalalaman sa pamamagitan ng pagtuturo ng iba’t-ibang bagay at hubugin ang kagalingang
taglay ng bawat isa.
Maraming bagay at lugar ang makikita sa loob ng paaralan. Masasayang mga
guro at magagalang na mag aaral ang babati sa inyo sa pag pasok sa paaralan. Sige
nga subukan natin ang inyong nalalaman tungkol dito.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Coda mula sa MELCs

Markaha Most Essential Learning Competencies K-12 CG Codes


n
3 Quarter
rd
Tell that the quantity of a set of MKSC-00-23
objects does not change even though
Week 8 the arrangement has changed.

III. Patnubay sa Mga Guro at Home Partners


1. Pagpapakita ng mga bagay na makikita sa loob ng tahanan at paaralan na maaring
gamitin sa pag bilang.
2. Mabigkas ng tama ang bilang ng mga bagay na makikita sa loob ng tahanan at
paaralan.
3. Maisulat ng tama ang bilang 1-6.
ACTIVITY 1 (GAWAIN 1):

Pagpapakilta ng mga lugar na matatagpuan sa loob ng paaralan.

Kulayan ang mga larawan ng lugar na makikita sa loob ng paaralan.


ACTIVITY 2 (GAWAIN 2):
Tuntunin: Bilangin ang mga bagay na nasa loob ng kahon at isulat ang bilang sa guhit na
katapat nito.
ACTIVITY 3 (GAWAIN 3):
Bilangin at pagkabitin gamit ang guhit ang mga bagay na nasa hanay A papunta sa
katumbas na bilang sa hanay B.

Hanay A Hanay B
ANALYSIS (PAGSUSURI ):
Tuntunin:
Pagkatapos ng mga gawain, tukuyin at ibahagi ng pasalita kung ano mga lugar na
makikita sa loob ng paaralan.
 Ano ang buong pangalan ng iyong paaralan?
 Ano ang buong pangalan ng iyong guro?
 Saang baitang ka nabibilang?
 Ano ang pangalan ng iyong pangkat kung saan ka kabilang?  Ano-anong mga lugar
ang makikita mo sa paaralan?
ABSTRACTION (PAGLALAHAT):
• Tungkol saan ang ating pinag-aralan ngayon?
• Ano ang mga bilang na iyong natutunan sa ating pinag aralan?
• Bakit mahalaga na matutong bumilang ang isang batang katulad mo?

APPLICATION (PAGSASABUHAY):
Tuntunin:
Bilangin ang mga bagay na nasa loob ng kahon. Kulayan ang bilog na may tamang
bilang ng nasa kahon.

3 6 5

1 3 5

3 4 2

2 1 3
2 5 6

IV. Rubrik para sa mga Gawain


RUBRIK NG BATA
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang hanay sa bawat bilang upang matukoy kung gaano
kahusay ang mag-aaral sa pagganap ng nakatakdang oras. Pumili lamang ng isa sa tatlo:
Di-gaanong
Mahusay, Mahusay, Napakahusay
PAMANTAYAN DI- GAANONG MAHUSAY NAPAKAHUSA
MAHUSAY Y
1. Nakulayan ng maayos at
malinis ang mga larawan.
2. Naisulat ng wasto ang mga
hinihinging bilang.
3. Natukoy ang tamang bilang
ng mga larawang nasa kahon
Habilin para sa Guro/ Home Learning Partner:

1. Sikaping magkaroon ng maayos at angkop na lugar sa tahanan kung saan mag-aaral


ang mga bata.
2. Sikaping masunod ang nakatakdang oras ng pag aaral sa araw –araw.
3. Sikaping maging bukas ang mga magulang sa kakayahan ng kanilang anak at
maging pasensyoso sa paggabay sa mga ito.
4. Sikaping magkaroon ng maayos at malinaw na komunikasyong ang guro at mga
magulang upang mas maging maayos ang daloy ng pagtuturo at pagkatuto sa
tahanan.
Pagkatapos magawa ang mga gawain, sagutan ang sumusunod:

A.Tungkol sa Home Learning Partner:


● Ano-ano ang mga magagandang nangyari o karanasan na maaari mong
ibahagi tungkol sa naganap na proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa inyong
tahanan?
● Ano-ano ang mga naranasan mong balakid sa pagtuturo sa iyong anak?
● Ano-ano ang iyong suhestyon upang lalo pang mapabuti ang pagkatuto ng
iyong anak?
V. Susi sa Pagwawasto/ Answer Key:

Gawain 1

Gawain 2
Gawain 3

Application:

3 6 5
2 1 3

1 3 5

2 5 6

3 4 2
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V BICOL
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE

LEARNING ACTIVITY SHEET- WEEK 9A


Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________
Asignatura at Antas: Numeracy and Literacy / KINDERGARTEN
Seksyon: _________________________________
Petsa: _________________________________
Mga Kagamitan: Larawan, flash card, gunting, krayola, lapis

I. Panimulang Konsepto
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga para sa
sariling kaligtasan ay nararapat na malaman at maisagawa ng kahit sino man. Paano mo nga
ba mapangangalagaan ang iyong sarili? Halina at ating alamin ang ilang pamamaraan upang
maging ligtas.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Coda mula sa MELCs


Markahan Most Essential Learning Competencies K-12 CG Codes

A. Nakikilala ang kahalagahan ng KPKPKK-lh-3


mga tuntunin: pag-iwas sa
paglalagay ng maliit na bagay sa
bibig, ilong, at tainga, hindi
paglalaro ng posporo, maingat na
Ikatlo paggamit ng matutulis/
matatalim na bagay tulad ng
Ika-30 Linggo
kutsilyo, tinidor, gunting,
maingat na pag-akyat at pagbaba
sa hagdanan, pagtingin sa
kaliwa’t kanan bago tumawid sa
daan, panatilihing kasama ng
nakatatanda kung nasa
matataong lugar
III. Patnubay sa Mga Guro at Home Partners
1. Pagtukoy sa mga larawang nagpapakita ng tamang tuntunin ayon sa pangangalaga
sa sariling kalusugan at kaligtasan.
2. Pagbibigay hinuha o ideya sa bawat sitwasyon na ayon sa tuntunin upang lalong
mapangalagaan ang sariling kaligtasan.
3. Pagbilang ng mga numero, pagkulay at Pagpapakita ng tuntuning dapat sundin
upang ligtas sa pagtawid sa kalsada.
4. Pagpapaala-ala ng mga tuntunin upang laging ligtas.

ACTIVITY 1 (GAWAIN 1): Enrichment activities


1. Pagtukoy sa mga larawang nagpapakita ng tamang tuntunin
Panuto:
Tingnan ang bawat larawan at tukuyin kung alin ang nagpapakita ng tamang
tuntunin upang mapangalagaan ang sariling kalusugan at kaligtasan. Iguhit sa ibaba
ng larawan ang masayang mukha kung nagpapakita ng kahalagahan sa
pansariling kaligtasan at malungkot naman kung hindi.

________________ ________________ ________________

________________ ________________
ACTIVITY 2 (GAWAIN 2):
(Para sa home partner ipakita ang mga larawan at basahin ito sa mga bata upang
mas lubos na maunawaan ang mga sumusunod na katanungan).
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Pakinggan ang mga sumusunod na pangungusap na
babasahin ng home partner tungkol sa tamang tuntunin para sa sariling kaligtasan. Lagyan
ng tsek kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng pangangalaga sa sariling kaligtasan at
ekis
naman kung hindi.

___________1. Titingin ako sa kaliwa at kanan


bago tumawid sa daan.

___________2. Maglalaro ako ng posporo sa


bahay.

_____________3. Iiwasan kong makipag- usap sa


taong hindi ko kilala.

.
_____________4. Tatakbo ako kahit may
hawak na gunting o kutsilyo.
.
_____________5. Lalabas ako ng bahay
kahit walang kasama.

ACTIVITY 3 (GAWAIN 3):


(Gabay sa home partner, Maaaring ipaalala muna ng home partner ang mga bilang o
numero halimbawa bilang isa hanggang lima, maaaring magpakita ng flash card sa bata
upang maalala nila ito. Itanong sa bata anong bilang ito? Maaari mo bang ipakita sakin ang
bilang na isa gamit ang iyong daliri?)

Panuto:
Tingnan ang larawan sa loob ng kahon, mayroong ilaw trapiko (traffic lights) at
pedestrian lane o tawidan ng mga tao na may mga numero o bilang. Kulayan ang bawat
bilang base sa legend na nakalagay.

1 2 3 4 5
1- pula 2- dilaw 3- berde

4- puti 5- itim

5
5 5 5 5
5 4 4
4 4
4
ACTIVITY 4 (GAWAIN 4):
Panuto:
Gabay sa home partner: Ipasuri sa bata ang puzzle at gabayan ang bata sa pagbuo
nito. Kapag natapos ng bubuuin ng bata ang puzzle, itanong sa bata kung ano ang kaniyang
nabuo at ligtas ba na paglaruan niya ang bagay na ito?

ANALYSIS (PAGSUSURI):
Panuto:
Pagkatapos ng mga gawain, talakayin at ibahagi ng pasalita sa mga bata ang tamang
tuntunin upang lalo pa nilang maingatan ang kanilang mga sarili at mapanatiling ligtas.
Ipaliwanag din ang mga maaaring mangyari sa kanila kapag hindi sila sumunod sa mga
tamang tuntunin para sa kanilang kaligtasan.
 Ano ang maaaring mangyari kapag inilagay mo sa iyong bibig ang maliit na
bagay katulad ng barya, cotton buds at iba pa?
 Ano ang maaaring mangyayari kung sisindihan mo ang kurtina sa bahay ninyo
gamit ang posporo?
 Ano ang maaaring mangyari kung tatakbo ka na may dala- dalang kutsilyo?
 Ano ang maaaring mangyari kung patakbo kang bababa sa hagdanan?
 Ano ang maaaring mangyari kung bigla kang tatawid sa kalsada o sa daan ng
hindi tumutingin sa kaliwa at kanang bahagi?
 Ano ang mangyayari kung aalis ka ng bahay na hindi ka nagpaalam sa iyong
mga kasamahan sa bahay?

 Sa iyong palagay mahalaga ba na sumunod sa mga tuntunin upang


mapangalagaan ang sariling kalusugan at kaligtasan? Bakit?

ABSTRACTION (PAGLALAHAT):
 Tungkol saan ang ating pinag-aralan ngayon?
 Ano-ano ang mga tuntuning dapat natin gawin upang mapangalagaan ang ating
sariling kalusugan at kaligtasan?
 Sino ba ang kailangang mangalaga ng ating kalusugan at kaligtasan?
 Sa iyong palagay, bakit mahalaga na tayo ay mag-ingat sa ara-araw ng ating buhay?

APPLICATION (PAGSASABUHAY):
Panuto:
Gabay para sa home partner: Ipasuri at ipakita ang mga larawan at basahin sa kanila
ang mga sumusunod na katanungan.

Bilang isang bata ano sa palagay mo ang hindi mo dapat pinaglalaruan? Ikahon mo
ito gamit ang kulay asul.
IV. Rubrik para sa Gawain 2, 3 at 4
RUBRIK NG BATA
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang hanay sa bawat bilang upang matukoy kung gaano
kahusay ang mag-aaral sa pagganap ng nakatakdang ob a. Pumili lamang ng isa sa tatlo: Di-
gaanong Mahusay, Mahusay, Napakahusay

PAMANTAYAN DI- GAANONG MAHUSAY NAPAKAHUSAY


MAHUSAY

1. Natukoy ang tamang


pangangalaga sa sa sariling
kalusugan at kaligtasan.

2.Nakapagbilang ng simula isa


hanggang lima at nakulayan ang
tamang bilang na nasa traffic
lights at pedestrian lane o
kalsada.

3. Nasabi ang mga dapat gawin


base sa mga sitwasyong nabanggit
kung ano ang tamang gawin
upang mapangalagaan ang sariling
kalusugan at kaligtasan.

4. Nakabuo ng isang
bagay na dapat hindi nila
pinaglalaruan upang sila
ay maging ligtas.
Habilin para sa Guro/ Home Learning Partner:
1. Unang bagay na dapat isa-alang alang ng mga home partners ay ang maayos, malinis, at
hindi maingay ang kapaligiran para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
2. Dapat masunod ang nakatakdang oras sa araw –araw. Kung sakaling ayaw ng bata na
gumawa ng kaniyang Gawain hayaan muna ito dahil ang bata ay may pagkakataong gustong
gustong gumawa at kung minsan naman ay ayaw muna.
3. Dapat maging bukas ang mga magulang sa kakayahan ng kanilang anak at habaan ang
pasensiya sa paggabay sa mga ito.
4. Dapat magkaroon ng maayos at malinaw na komunikasyon ang guro at mga magulang
upang mas maging maayos ang daloy ng pagtuturo at pagkatuto sa tahanan.
5. Kung sakaling may hindi maunawaan sa aralin maaaring magkonsulta ang mga magulang sa
kanilang kapit-bahay at guro ng kanilang anak.
6. Ang mga nakasulat na activity o gawain sa linggong ito ay kinakailangan ng masusi at maayos
na paliwanagn para sa mga bata dahil isa ito sa paraan kung paano sila sumunod sa kanilang
mga home partner o magulang. Mahalagang sa bahay pa lang ay maturuan na natin sila
kung paano mapangangalagaan ang sariling kalusugan at kaligtasan.
V. Susi sa Pagwawasto/ Answer Key:
Gawain 1 Gawain 2

1. 1. /

2. 2. x

3. 3./

4. 4. x

5. 5. x

Gawain 4

Application:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V BICOL
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE

LEARNING ACTIVITY SHEET- WEEK 9B


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________
Asignatura at Antas: KINDERGARTEN___________
Seksyon: __________________________
Petsa: __________________________
Mga Kagamitan: Papel, lapis, pang kulay___

I. Panimulang Konsepto
Layunin ng mga gawain sa pagkatuto na nakapaloob sa ika-dalampu’t siyam
na lingo ay ang mga kasanayan at kahalagahan sa pagsunod sa mga tuntunin
sa pagpapanaliti ng kaligtasan ng sarili.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Code mula sa MELCs

Markahan Most Essential Learning Competencies K-12 CG Codes


•Nakikilala ang kahalagahan ng mga tuntunin: KPKPKK -Ih - 3
 pag -iwas sa paglalagay ng maliit na bagay sa
bibig, ilong, at tainga,
 hindi paglalaro ng posporo,
 maingat na paggamit ng matutulis/matatalim
Pangalawa
na bagay tulad ng kutsilyo, tinidor, gunting,
Week 29
 maingat na pag -akyat at pagbaba sa hagdanan,
 pagtingin sa kaliwa’t kanan bago tumawid sa
daan,
 pananatiling kasama ng nakatatanda kung nasa
sa matataong lugar

III. Patnubay sa Mga Guro at Home Partners


1. Pagpapamalas ng mga pangunahing kasanayan ukol sa pansariling
kaligtasan.
2. Pagpapakita ng kahalagahan ng mga tuntunin.
3. Pagsunod sa mga alituntunin sa pagpapanatili ng kaligtasan ng sarili.

ACTIVITY 1 (GAWAIN 1):


Suriin at tukuyin ang mga larawang nag papakita ng kasanayan sa
pagpapanatiling ligtas ang sarili. Kulayan ang mga ito.

ACTIVITY 2 (GAWAIN 2):


Tingnan ang bawat larawan sa ibaba at suriin ang mga ito. Lagyang ng tsek (/)
kung ang larawan ay nagpapamalas ng wastong pangangalaga sa sarili at ekis
kung ito ay mali.
ACTIVITY 3 (GAWAIN 3):
Bakatin ang mga sumusunod na salita sa ibaba.

Tumingin sa kaliwa’t kanan


bago tumawid sa kalsada.
Huwag maglaro ng posporo
upang hindi magkasunog.
Panatilihing kasama ng
nakatatanda kung nasa
matataong lugar.
Mag ingat sa paggamit ng
gunting, tinidor at kutsilyo..
Iwasan ang paglalagay ng
matutulis na bagay sa ilong,
bibig at tainga.

ACTIVITY 4 (GAWAIN 4):


Bilugan ang mga larawang hindi dapat paglaruan ng bata.

ANALYSIS (PAGSUSURI ):
Panuto: Matapos sagutan ang mga gawain ay muling balikan ang mga
alituntunin sa pagpapanatili ng kaligtasan ng sarili.

1. Sumusunod ka ba sa mga bilin ng iyong magulang?


2. Inaalagaan mo ba ang iyong sarili?
3. Tumitingin ka ba sa kaliwa at kanan bago ka tumawid
sa kalsada?
4. Maingat ka bang gumamitn ng gunting?
5. Tama bang paglaruan ang mga bagay na nakalilikha
ng apoy? Bakit?

ABSTRACTION (PAGLALAHAT):

 Tungkol saan ang ating pinag-aralan ngayon?


 Ano-ano ang mga paraan upang mapanatiling ligtas ang sarili?
 Bakit mahalagang sundin ang mga tuntunin sa pagpapanatili ng
kaligtasan ng sarili.

APPLICATION (PAGSASABUHAY):
Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang mga paraan na kaya mong gawin
upang mapanatiling ligtas ang iyong sarili.

IV. Rubrik para sa Pagsasabuhay


Iskala ng pagmamarka:

PAMANTAYAN KARANIWAN MAHUSAY NAPAKAHUSAY


1. Naiguguhit ang . Naiguhit ang (1) Naiguhit ang (2) Naiguhit ang (3)
mga paraan na tatlong paraan tatlong paraan tatlong paraan upang
kayang gawin upang mapanatiling upang mapanatiling ligtas
upang mapanatiling ligtas ang sarili. mapanatiling ang sarili.
ligtas ang sarili ligtas ang sarili.

Habilin para sa Guro/ Home Learning Partner:


1. Dapat magkaroon ng maayos at angkop na lugar sa tahanan kung saan
mag-aaral ang mga bata.
2. Dapat masunod ang nakatakdang gawain sa araw –araw.
3. Dapat maging bukas ang mga magulang sa kakayahan ng kanilang anak
at maging pasensyoso sa paggabay sa mga ito.
4. Dapat magkaroon ng maayos at malinaw na komunikasyong ang guro at
mga magulang upang mas maging maayos ang daloy ng pagtuturo at
pagkatuto sa tahanan.

Pagkatapos magawa ang mga gawain, sagutan ang sumusunod:


A. Tungkol sa Home Learning Partner:
● Ano-ano ang mga magagandang nangyari o karanasan na maaari
mong ibahagi tungkol sa naganap na proseso ng pagtuturo at
pagkatuto sa inyong tahanan?
● Ano-ano ang mga naranasan mong balakid sa pagtuturo sa iyong
anak?
● Ano-ano ang iyong suhestyon upang lalo pang mapabuti ang
pagkatuto ng iyong anak.

V. Susi sa Pagwawasto/ Answer Key:

Gawain 1:
Lahat ng larawan ay may kulay
Gawain 2:
Gawain 4:

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION V BICOL
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE

LEARNING ACTIVITY SHEET- WEEK 9A


Pangalan ng Estudyante: _____________________________
Asignatura at Antas: __________________________________
Seksyon: _______________________________________
Petsa: _______________________________________

SARILI’Y INGATAN PARA SA IYONG KALIGTASAN


(Title: Domain of Literacy)

I. Panimulang Konsepto
Sa araling ito ay nakikilala ang mga pangunahing kasanayan ukol sa
pangangalaga para sa sariling kaligtasan. Lahat tayo ay may obligasyong dapat
sundin upang ang ating sarili ay napangangalagaan, hindi lang paliging para sa
kasiyahan ng sarili ang dapat sundin o gawin dapat alamin muna natin kung
tama o mali ba ang ating ginagawa o gagawin sa pang araw-araw nating buhay.
Halina at ating alamin ang ilang mga kahalagahan na dapat gawin upang
maging ligtas ang ating mga sarili.
II. Kasanayang Pampagkatuto at Coda mula sa MELCs
Markahan Most Essential Learning Competencies K-12 CG Codes
 Nakikilala ang kahalagahan ng pansariling KPKPKK-Ih-3
kaligtasan: nagpapaalam
Ikatlong
Markahan week kung lalabas, sumasama lamang sa mga
30 kilalang tao/kalaro, nagsasabi ng “HUWAG”
o “HINDI” kung hinipo ang maselang bahagi
ng katawan

III- Panimulang Gawain:


Patnubay sa Mga Guro o Home Partners
1. Pagbibigay ng mga paala-ala sa mga bata upang palaging maging ligtas
ang kanilang mga sarili.
2. Pagsasabi ng katotohanan kung may nagawa bang mali sa kanila ang
isang tao
3. Panatilihing nakatuon ang inyong pansin sa inyong anak upang sila ay
maging ligtas sa lahat ng bagay.
4. Gabayan ang mga bata sa ara-araw nilang ginagawa.
5. Pagsabihan ang bata kung sakaling may mali itong nagawa upang habang
maaga pa ay maituwid na natin ito ng sa kaniyang pagtanda hindi niya
makalimutan ang inyong mga paala-ala para siya ay maging ligtas.
GAWAIN 1. Panuto: Basahin ang pangungusap ukol sa ating bagong mga
kaibigan at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Gabay para sa home partner: Basahin ang sumusunod na pangungusap sa
ibaba upang mas lalong maunawaan ng bata. Maaari ding ipaliwanag kung ano
ba ang kahalagahan ng tamang hipo at maling paghipo o paghawak upang
maging ligtas ang ating mga sarili.
TAMANG PAGHIPO, MALING PAGHIPO
LIGTAS TAYO
Kilalanin ang bago nating mga kaibigan.
Pakinggan ang kanilang sasabihin.
Ako si Sam.
Ako ay palakaibigan.
Puwede tayong magkaibigan.
Puwede kang makipagkamay sa akin.
Puwedeng magkahawakan ang ating kamay,
pero huwag masyadong mahigpit.
Puwede mong ilagay ang iyong kamay sa
aking balikat.
Pero huwag mong hahawakan ang aking
katawan.

Ako naman si Pat.


Ako ay masayahin at malambing.
Puwede tayong maging magkaibigan.
Puwede kang makipagkamay sa akin.
Puwedeng maghawak ang ating kamay.
Pero huwag masyadong mahigpit.
Huwag masyadong mahigpit.
Puwede mong ilagay ang iyong kamay sa
aking balikat.
Pero huwag mong hahawakan ang aking
katawan.

Sagutan ang mga tanong.


1. Sinu- sino ang dalawang bata?
2. Ano ang puwede ninyong hawakan?
3. Ano naman ang hindi ninyong hawakan?
4. Ano ang sasabihin ninyo sa mga taong may maling hipo o paghawak?
5. Paano kayo makakaiwas sa mga tao na may maling hipo o paghawak?

Gawain 2:
Panuto: Tingnan ang mga larawan.
Lagyan ng ekis ang patlang kung nagpapakita
ng maling paghipo o paghawak at tsek naman kung tama.

_______1. _____4.

_______2. ______5.

______ 3. ______ 6.
Gawain 3:
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan.
Iguhit ang masayang mukha kung tamang paghipo o paghawak ang
ginagawa ng nasa larawan at malungkot na mukha naman kung maling
paghipo o paghawak ang ginagawa sa larawan.
Gabay sa home partner: Ipaliwanag sa bata ang tamang paghipo at
maling paghipo sa tao o isang bata para maging ligtas at sabihin din na kapag
may humipo sa kanilang maselang bahagi ay magsabi agad sa magulang o sa
nakatatanda.

1. 5.

2. 6.

3. 7.

4. 8.
Gawain 4:
Panuto: Basahin ang pangungusap. Isulat ang T kung tama ang
pangungusap at M kung Mali.
Gabay sa home partner: Basahin ang pangungusap at ipaliwanag upang
mas lalo pang maunawaan ng bata ang tamang gawin para maging ligtas ang
kanyang sarili.
____1. Kinamayan ni Ana si Peter bilang pagbati.
____2. Igalang natin ang ating kaibigan at kapamilya.

____3. Masayang umuwi ng bahay na magkahawak kamay ang


magkapatid.
____4. Umiwas si Pat sa maling paghipo sa kanya ng kakilala.
____5. Huwag nating gawin ang maling paghipo.
Gawain 5:
Tandaan:
Igalang natin ang ating kaibigan at kapamilya.
May tama at maling paghipo.
Tanggihan ang maling paghipo.
Huwag nating gawin ang maling paghipo.
Analysis (Pagsusuri):
Pagkatapos ng mga gawain, talakayin at ibahagi ng pasalita sa mga bata
ang tamang tuntunin upang lalo pa nilang maingatan ang kanilang mga sarili at
mapanatiling ligtas. Ipaliwanag din ang mga maaaring mangyari sa kanila
kapag hindi sila sumunod sa mga tagubilin o sa mga dapat gawin para sa
kanilang kaligtasan.
 Ano ang tamang paghipo upang maging ligtas ka?
 Ano ang maaaring mangyari kapag lalabas ka ng bahay na hindi
nagpapaalam.
 Ano ang mangyayari kapag sumama ka sa hindi mo kakilala?
 Ikaw ba ay nagsasabi kapag nahawakan ang maselang bahagi ng iyong
katawan?
 Sa iyong palagay mahalaga ba na sumunod sa mga paala-ala upang
maging ligtas ang sarili? Bakit?
Abstraction (Paglalahat):
 Tungkol saan ang ating pinag-aralan ngayon?
 Anong dapat gawin upang maging ligtas ang sarili?
 Sa iyong palagay bakit mahalagang pangalagaan ang sariling kaligtasan?

Application (Pagsasabuhay):
Panuto: Iguhit ang hugis puso kung wastong gawi, at hugis
buwan naman kung hindi.
Gabay sa home partner: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap
tungkol sa pagpapahalaga sa sariling kaligtasan, ang mga dapat gawin at sundin
upang maging ligtas, Maaari rin magbigay pa ng ibang halimbawa na
nangyayari sa kanila sa araw-araw kapag sumusuway sila sa inyong mga utos o
tagubilin.

_____1. Nais ni Maria na sumama sa kaibigang


mamasyal sa bayan, subalit hindi siya pinayagan ng
kanyang ina, kaya ang ginawa niya ay tumakas siya
upang makasama.

_____2. Sumama si Ramil kahit hindi niya kilala ang


sumundo sa kanya sapagkat sinabi nito na bibigyan siya
nito ng pagkain.

_____3. Palaging nagpapaalam si Nena sa kanyang ina


kapag lumalabas ng bahay upang huwag itong mag –
alala.

______4. Hindi binubuksan ni Flora ang pinto ng


kanilang bahay kapag may kumakatok na hindi kilala.
______5. Sa tuwing aalis ng bahay nakagisnan na ni
Lito na magpaalam sa kaniyang Ama.

Pagtataya sa sarili
Sa tulong ng home partner ipakita ang tamang paghawak/ paghipo sa
kapwa bata o nakatatanda upang malaman nila ang tama at mali sa bagay na ito
upang makaiwas sa mga bagay na makakasama sa kanilang sarili.

IV.Rubrics:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang tamang kolum

1. Nakilala ang kahalagan ng .


pansariling kaligtasan ng may
pag-iingat.
2. Nakilala ang kahalagahan ng
pansariling kaligtasan .
3. Nakilala ang kahalagahan ng
pansariling kaligtasan ng walang
pag-iingat.

Habilin para sa Guro/home Partner:


1. Unang bagay na dapat isa-alang alang ng mga home partners ay ang
maayos, malinis, at hindi maingay ang kapaligiran para sa pag-aaral ng
kanilang mga anak.

2. Dapat masunod ang nakatakdang oras sa araw –araw. Kung sakaling


ayaw ng bata na gumawa ng kaniyang Gawain hayaan muna ito dahil
ang bata ay may pagkakataong gustong gustong gumawa at kung minsan
naman ay ayaw muna.
3. Dapat maging bukas ang mga magulang sa kakayahan ng kanilang anak
at habaan ang pasensiya sa paggabay sa mga ito.
4. Dapat magkaroon ng maayos at malinaw na komunikasyon ang guro at
mga magulang upang mas maging maayos ang daloy ng pagtuturo at
pagkatuto sa tahanan.
5. Ang mga nakasulat na activity o gawain sa linggong ito ay
kinakailangan ng masusi at maayos na paliwanagan para sa mga bata
dahil isa ito sa paraan kung paano sila sumunod sa kanilang mga home
partner o magulang. Mahalagang sa bahay pa lang ay maturuan na
natin sila kung paano mapangangalagaan ang sariling kalusugan at
kaligtasan.
V. Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. 2. 3. 4. 5. 6.

Gawain 3
1. 2. 3. 4.

5. 6. 7. 8.

Gawain 4
1. T 2. T 3. T 4. T 5. T
Gawain 6

1. 2. 3.
Week 8
Sanggunian/References:
MELCs p. 9
Kindergarten Curriculum Guide p. 32
http://clipart-library.com/clipart/96644.htm
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwebstockreview.net%2Fexplore
%2Fruler-clipart-lifesize
%2F&psig=AOvVaw14Tn8UqiwTykjNGyqP1t9&ust=1611732208776000&source=images&cd=
vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPjI3sGIue4CFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.seekpng.com%2Fipng
%2Fu2e6t4r5y3y3t4e6_quizs-tambin-le-interese-animated-scissors-cuttingpng
%2F&psig=AOvVaw3-
gYhIeftC07yNMZOBu65i&ust=1611732594410000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqF
woTCNjBovmJue4CFQAAAAAdAAAAABAD https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A
%2F%2Ffavpng.com%2Fpng_view%-
Inihanda nina:
Elsa Madonna A. Espiritu, Master Teacher I
Diadema E. Zaldo, Teacher I
Week 9A
Sanggunian/References:
MELCs p. 11
Kindergarten Curriculum Guide, p. 15
google.com/search?q=do%20not%20play%20with%20fire
%20clipart&tbm=isch&hl=en&tbs=rimg:CUZ1
Inihanda ni:
Ercka N. Mejes, Teacher 1
Week 9B
Sanggunian/ References:
MELCs p. 18
Kindergarten Curriculum Guide p. 11
https://www.dreamstime.com/handsome-children-cartoon-stairs-pict-image102189881
https://www.google.com/search?
q=match+sticks&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiu4_S1s7vuAhWYFogKHd8GD
3gQ_AUoAXoECBQQAw
https://www.shutterstock.com/image-vector/sketch-child-girl-very-hard-pushing-
1013514481
https://www.google.com/search?
q=mother+and+daughter+drawing+in+mall&tbm=isch&ved=2ahUKEwjl5b2qvLvuAhVCBaYK
Hen3D3sQ2-
cCegQIABAA&oq=mother+and+daughter+drawing+in+mall&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6Bg
gAEAgQHlD5gARYtI4EYIyTBGgAcAB4AIAB9gWIAeUSkgELMi0xLjEuMC4yLjGYAQCgAQGqAQtn
d3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=OgYRYOXgM8KKmAXp77_YBw&bih=600&biw=1349
&hl=en#imgrc=8saBRNwzXo3wPM
Inihanda nina:
Abigail V. Maigue, Teacher I
Marianne C. Totanes, Teacher I
Week 10
Sanggunian:
 K to 12 Curriculum – Implementation- and Learning- Management- Matrix- 1 p 11
 https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12
 https://www.youtube.com/watch?v=a

Inihanda ni: Ercka N. Mejes, Teacher I

Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o


tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600

Landline: (054)440-1772, (054)440-4464

You might also like