You are on page 1of 17

ARTS – Ikaapat na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Papet na Medyas at Patpat at Pagtatanghal ng


mga Papet
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ARTS 3 ng Modyul para sa araling Papet
na Medyas at Patpat at Pagtatanghal ng mga Papet
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa ARTS 3 Modyul ukol sa Papet na Medyas at Patpat at
Pagtatanghal ng mga Papet.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

A. Nakabubuo ng payak na papet ayon sa karakter o tauhan


sa kuwento sa tulong ng patpat at iba pang patapong
bagay
B. Nakalilikha ng iba’t ibang disenyo ng papet na magbibigay
ng tangi at di karaniwang karakter o tauhan;
C. Nabibigyang halaga ang mga recyclable materials upang
makagawa ng papet.
PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Basahing mabuti bawat pangungusap. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

_____ 1. pinagagalaw ng kamay upang ipakita ang iba’t


ibang kilos at bigyang buhay ang karakter o
tauhan sa pagtatanghal.
_____ 2. ay isang uri ng pagtatanghal na gamit ang mga
papet o manika na nagsisilbing tau-tuhan sa isang
palabas o kuwento.
_____ 3. simpleng uri ng papet sa tulong ng patpat.
_____ 4. tawag sa humahawak at nagpapakilosng mga
papet.

_____ 5. ay isang uri ng manika o tau-tauhan na


epektibong ginagamit sa pagtuturo at
pagkatututo ng mga magaaral.

BALIK-ARAL
Ano ang puppet?
⮚ ang papet ay ay isang uri ng manika o tau-tauhan. Ito ay
ginagamit sa pagkukuwento at dula-dulaan.

Ano ang iba’t ibang uri ng puppet?


⮚ mayroong hand puppet o papet sa kamay at finger
puppet o papet sa daliri.

ARALIN
Paghambingin ang mga nakikita sa larawan. Ano ang iyong
napapansin? Ano ang kanilang pagkakaiba?

Sa araling ito, gagawa tayo ng dalawang uri ng papet


gamit ang lumang medyas at patpat.

Ilang halimbawa ng papet na gawa sa medyas.


Paggawa ng Hand Sock Puppet o Papet na medyas

Mga Kagamitan: pandikit o glue, lumang medyas, felt


paper, kardbord, gunting, lumang butones,
kahon.

Pamamaraan:
1. Humanap ng isang luma’t malinis na medyas. Kung
maaari ay isang ruler ang haba (kung makakakuha).
2. Tingnan ang materyales na gagamitin. Umisip ng disenyo
at karakter o tauhan ng papet.
3. Isuot sa kamay ang medyas na parang may suot ng
gloves o guwantes. Subukin lang.
4. Alamin kung anong hugis at kulay ang gagawin para sa
bibig ng papet. Iguhit at gupitin ito mula sa kardbord.
Lagyan ng mata gamit ang mga butones.
5. Baluktutin ang kardbord ng kalahati at idikit sa gitnang
bahagi ng parteng talampakan ng medyas.
6. Dagdagan ng disenyo ang bibig ng papet para maging
kakaiba.

Ilang halimbawa ng papet na


patpat.
Ang papet na patpat o stick puppet ay isang uri ng
simpleng uri ng papet sa tulong ng patpat at iba pang patapong
bagay. Ito ay isang sining na nagbibigay ng saya at
nagpapalawak ng isipan ng mga bata.

Paggawa ng Papet na Patpat o Stick Puppet

Mga Kagamitan: patapong bagay katulad ng mga


kardbord, popsicle stick, kahon, glue, at
gunting.

Pamamaraan:
1. Umisip ng isang palabas na makapupukaw ng pansin sa
mga manonood.
2. Umisip ng tauhan o karakter na gagawing papet na
patpat o stick puppet.
3. Ihanda ang mga kagamitan sa gagawing papet. Gawin
itong kakaiba kaysa sa gawa ng iba.
5. Bigyan ng pangalan ang ginawang papet.
6. Magpakita ng isang pagtatanghal gamit ang mga
nabuong papet na patpat.

Alam mo ba ang tawag sa mga gumagawa ng papet?

Ang tawag sa mga gumagawa ng papet ay puppeteers.


Sila ay nakapagsasagawa ng dula-dulaan gamit ang iba’t ibang
uri ng papet katulad ng papet sa daliri, papet na medyas, at
papet na patpat. At kung wala ang puppeteer na katulad mo ay
hindi mabibigyan ng buhay ang mga ginawang papet.

Iba’t ibang paraan ng paghahanda sa Puppet Show.

1. Pagtatakip ng mesa gamit ang telang itim.

2. Paggamit ng kahon.

3. Pagtatanghal sa bintana.
Ang pagtatanghal ng mga papet o puppet show ay isang
uri ng libangan na tunay na nakaaaliw gamit ang mga kamay sa
pagpapagalaw at pagpapasalita sa mga tauhang papet.

MGA PAGSASANAY
Gawain 1

Panuto: Pagsunod-sunurin ang paraan ng paggawa ng sock


puppet o papet na medyas. Isulat sa patlang ang bilang
isa hanggang anim (1-5 ).

_____ 1. Isuot sa kamay ang medyas na parang may suot


ng gloves o guwantes. Subukin lang.
_____ 2. Baluktutin ang kardbord ng kalahati at idikit sa
gitnang bahagi ng parteng talampakan ng
medyas. Dagdagan ng disenyo ang bibig ng
papet para maging kakaiba.
_____ 3. Humanap ng isang luma’t malinis na medyas.
Kung maaari ay isang ruler ang haba (kung
makakakuha).
_____ 4. Tingnan ang materyales na gagamitin. Umisip ng
disenyo at karakter o tauhan ng papet.
_____ 5. Alamin kung anong hugis at kulay ang gagawin
para sa bibig ng papet. Iguhit at gupitin ito mula
sa kardbord. Lagyan ng mata gamit ang mga
butones.

Gawain 2
Panuto: Gumawa ng papet at isadula ang Alamat ng Mangga.
3 2 1
1. Nakalikha ba ako ng papet na naaayon sa
karakter o tauhan ng alamat?

2. Nagamit ko ba ang aking papet sa


pagpapasaya ng iba?

3. Napahalagahan ko ba ang puppetry sa


pamamagitan ng paggawa ko ng papet na
kakaiba ang disenyo?

Gawain 3
Panuto: Punan ang mga patlang.

Ang ____ puppet ay pinapagalaw ng kamay.


Samantalang ang ____ puppet naman ay pinapagalaw
gamit ang mga daliri. Kung walang _____ na katulad mo ay
hindi mabibigyan buhay ang ginawang puppet. Kung
kaya’t ikaw ay kumuha ng patpat upang makagawa ng
____ at ating bigyang buhay ang karakter sa
pamamagitan ng pagtatanghal o _______.

PAGLALAHAT

Paano nakatulong ang papet sa pagsasadula ng alamat?

PAGPAPAHALAGA
Kung ikaw ay magtatanghal ng iyong papet, tungkol saan
ang iyong itatanghal at bakit?

PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Tukuting kung anong uri ng papet ang bawat bilang.
Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong
Sagot sa patlang.
_____ 1. ______ 2.

_____ 3.
_______ 4.

_______ 5.

SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Montañez, Cynthia. et al.2014.Music, Art, Physical Education and
Health, Rex Bookstore, Inc. Manila

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Finger_puppets.jpg

https://www.peakpx.com/4725/kermit-the-frog-hand-puppet

https://www.thepuppetcompany.com/My-First-Puppets-Dog

https://pixabay.com/vectors/puppets-finger-bear-lion-puppet-479
21/

https://en.wikipedia.org/wiki/File:Finger_Family.jpg

https://www.pinterest.ph/pin/236157574182834794/

https://en.wikipedia.org/wiki/File:Sock-puppet.jpg

You might also like