You are on page 1of 15

MAPEH 3

Arts 3
Unang Markahan – Modyul 1:Finger Printing, Paggawa ng Istensil o Stencil Making!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Lungsod Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marivic M. Ibarra


Editor: Dennis C. Didulo
Tagasuring Teknikal:
Tagaguhit:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Mapeh 3
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3

Finger Printing
Paggawa ng Istensil o Stencil Making
Writer: Marivic M. Ibarra
Editor: Dennis Didulo
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 3 ng Modyul para sa
araling Finger Printing , Pggawa ng Istensil o Stencil Making!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 3 ng Modyul ukol sa Finger


Printing at Paggawa ng Istensil o Stencil Making!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


A. nailalarawan ang katangian ng paglilimbag na disenyo
gamit ang finger printing at istencil making
B. nakalilimbag ng iba’t ibang disenyo gamit ang daliri sa
finger printing at iba’t ibang kagamitan, bagay sa paggawa
ng istencil;
C. naipagmamalaki ang mga disenyong likha.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat
aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa
sagutang papel.
_______ 1.Ang finger printing ay isang paraan ng paglilimbag, sa
paanong paraan tayo nalilikha ng bakat gamit ang
kamay?.
A. tinatatak ang daliri
B. dinidiin ang palad
C. binabakat ang kamay
_______2. Ang gawaing sining na ito ay madaling gayahin, dahil
ang linya at hugis nito ay ______ lamang.
A. pinapahid B. kinokpoya C. inuulit-ulit
_______ 3. Ito ay isang paraan ng paglilimbag gamit ang stencil?
A. stencil print design
B. finger printing
C. marbling
_______ 4. Ang Stencil print designs ay maaaring gawin nang
paulit- ulit gamit ang _______ o makina.
A. kamay B. kagamitan C. bagay
________ 5. Sa paggawa matutunan kung paano ang pauli- ulit na
hugis at linya ay mabubuo ang magandang disenyo,
dahil dito nakikita natin ang _________ ng mga hugis at
linya.
A. pagkaiba-iba
B. pagkapare-pareho
C. pagkapantay-pantay

BALIK-ARAL

Sa larawang ito ,ipinapakita nito ang pamamaraan kung


paano ang paggawa ng paper marbling.

Ano ang tawag natin isang paraan ng paglikha ng disenyo


mula sa tubig na may hinalong pintura at inilimbag sa papel o
tela?
ARALIN

Ang finger printing ay isang paraan ng paglilimbag gamit ang


tatak ng mga daliri sa kamay. Ito ay isang payak na gawaing
sining dahil makagagawa ng iba’t ibang disenyo sa
pamamagitan ng daliri lamang.

Madaling gawin ang finger printing. Sa pagdiin lamang ng


mga daliri marami tayong magagawa dahil sa may iba ibang
laki, kulay at disenyo ito. Tulad ng ibang gawaing sining, ito ay
tanggap hindi lamang ng mga bata kundi maging anomang
edad ng tao.

Masdan ang larawan sa ibaba.

Kayo ay pwede rin makabuo ng hugis gamit ang inyong


(thumb). Tinatawag natin itong prints, ginagamit ang sariling
fingerpint para ipakita natin ang malikhaing kakayahan.

Kasama ng ink, stamp pad at daliri, makakagawa ka at maayos


mo ang larawan o limbag na ito na ipinapakita sa ibaba.
Ang finger printing ay isang paraan para makagawa ng
maraming kopya na pare-parehong limbag. Magsanay gamit
ang gilid o dulo ng ng daliri para makabuo ng limbag na iba-
ibang laki at hugis.

Masdan ang larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo


tungkol dito?

Ang paglilimbag ng disenyo gamit ang istensil (stencil print


designs) ay maaaring gamitin nang paulit ulit sa iba’t ibang
bagay, kagamitan o damit.
Ang limbag sa disenyong istensil o stencil print design ay
maaaring paramihin ng paulit-ulit gamit ang kamay o makina.
Pwede ring maibahagi ang disenyo sa iba.

Gawaing Pansining

Finger Printing

Mga kagamitan: lapis, bond paper, brush, acrylic paint, lalagyan,


basahan, styrofoam na lapat, espongha o link
pad
Pamamaran:

1. Tulungan ang guro na ihanda ang lugar na paggagawaan.


Takpan ito ng mga lumang diyaryo.
2. Ihahanda ang pintura na paglilimbagan sa inyong mga
paggagawaan.
3. Mag isip muna ng disenyo na nagpapakita ng linya at hugis
na nauulit gamit ang tatak ng daliri.
4. Subukin gawin ito sa diyaryo ng paulit ulit at pasalit- salit
mula sa mga linyang tuwid hanggang sa pakurbang linya
para makita ang contrast o pagkakaiba.
5. Ihanda ang bond paper na paglilimbag. Ipahid ang daliri sa
espongha na may pintura at gumawa ng maraming tatak
sa bond paper. Lumikha ng disenyong kakaiba at bigyang
diin kung ano ang pinakamahalaga sa inyong sining.
6. Lagyan ito ng pamagat at patuyuin.

Stencil Making
Kagamitan: colored papers, o gamit na folder, diyaryo water
color/acrylic paint, tubig, maliit at malambot na brush o
Chinese brush, gunting
Pamamaraan:

1. Ihanda ang kagamitan. Lagyan ng diyaryo ang lugar na


paggagawan.
2. Gumupit ng ibat-ibang hugis sa folder at gawin itong
kawili-wili ayon sa gusto mo.
3. Ilagay ang stencil design sa ibabaw ng bondpaper.
Lagyan ng water color o acrylic paint ang buong bahagi
nito gawing pantay-pantay ang pagpahid ng kulay gamit
ang brush. Gawin malinis ang pagkakagawa.
4. Dahan-dahan tanggalin ang stencil sa bond paper.
Gawin ng paulit-ulit upang upang makagawa ng kawili-
wiling bakat. Patuyuin ito.

MGA
PAGSASANAY
Pagsasanay 1.

A. Bumuo ng paru paro gamit ang dalawang pares

unang pares -------- hinlalaki


ikalawang pares ------- hintuturo

Iguhit ang ulo at katawan ng paru – paro at kulayan ng lapis.


B. Gamitin ang mga daliri sa paglilimbag ng mga hugis
ng mga sumusunod na hugis.

Pagsasanay 2. Piliin sa kahon ang tamang sagot na naayon sa


paggawa ng Stencil Making.

folder stencil design water corlor


prints makina

1. Ang disenyong istencil ay maaring paramihin gamit ang


kamay o _______ .
2. Nilalagyan natin ng pintura ang _________ sa ibabaw ng
bondpaper.
3. Sa paggawa ng stencil tayo ay guguhit muna ng kawili-wiling
disenyo sa ________ bago ito gupitin.
4. Sa pagpahid ng kulay gamit ang brush sinisigurado muna na
pantay-pantay ang _______ o acrylic paint.
5. Maaring magpalitan ng maraming disenyo upang
makagawa ng maraming bakat o ___________.
PAGLALAHAT

 Ano ang tawag natin sa paraan ng paglilimbag ng


mga disenyo gamit ang mga tatak ng darili sa kamay?
 Paano ginagawa ng finger printing?
 Ano ang inilalagay sa ibabaw ng bond paper sa
paggawa ng istensil?
 Paano ang paggawa ng istensil?

PAGPAPAHALAGA

 Paano ninyo ibinabahagi ang inyong disenyo sa iba?


 Ano ang kahalagahan ng paggawa ng finger printing
at paggawa ng istensil?

Panapos na pagsusulit

Panuto: Basahin ang pangungusap. Piliin ang letra ng


tamang sagot.
____ 1. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pag-
iistesil?
A. pintura B. tuyong dahon C. glue
____ 2. Alin sa mga sumusunod ang ginamit upang
maipakita ang mga titik sa pag iistensil ng
pangalan sa kardbord?________.
A. gunting B. kutsilyo C. ruler
____ 3. Ito ay paraan ng paglilimbag gamit ang daliri.
A. stencil B. marbling C. finger printing
____ 4. Sa paglikha ng finger printing nakagagawa tayo
ng maggandang disenyo gamit ang ______ng
daliri ng paulit ulit .
A. tatak B. bagay C. kulay
____ 5. Inililimbag ang stencil design sa ibabaw ng_______.
A. kardbord B. bondpaper C. diyaryo
https://www.google.com.ph
Publishing, Inc.2018,
Physical Education and Health.Instructional Coverage System
Aricheta, Emelita. et al.Living and Learning Though.Music, Art,
Sanggunian
Paglalahat
-Finger printing
-itatak ang mga daliri sa Pagsasanay 1
kamay sa pintura at A.Gawaing Sining
ibabakat sa papel.
-Stencil design B.Gawaing Sining
-gumupit ng nais na Pagsasanay 2
disenyo,gupitin,lagyan ng
water color o acrylic paint 1. makina
Paunang
ang bahagi ginupit at ilagay 2. stencil design
pagsubok
sa ibawbaw ng
3. folder
papel.Patuyuin . 1. A
Panapos na pagsusulit 4. water color 2. C
1. A 3. A
5. prints
2. C 4. A
3. A 5. A
4. A
5. B
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like