You are on page 1of 15

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Limitasyon at Salik sa Pagsukat ng Pambansang Kita


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aleah S. Siducon
Editor: Nora H. Talag / Arnaldo Santos
Tagasuri: Maricel F. Azcarraga

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE
Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao. Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D. ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ed. D., Kinder/ MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics
Inilimbag sa Pilipinas ng Rizal High School
Department of Education – NCR, Division of Pasig City
Office Address: Dr. Sixto Antonio Ave. Caniogan, Pasig City
Contact No.: 8641-0472
Araling
Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Limitasyon at Salik sa Pagsukat ng
Pambansang Kita
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 6 para


sa araling Limitasyon at Salik sa Pagsukat ng Pambansang Kita!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 6 para


sa araling Limitasyon at Salik sa Pagsukat ng Pambansang Kita!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1. Naiisa-isa ang mga gawaing pang-ekonomiya na hindi nabibilang sa
pagsukat ng pambansang kita;
2. Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at
pambansang produkto; at
3. Napahahalagahan ang limitasyon at salik sa pagsukat ng
pambansang kita.

PAUNANG PAGSUBOK

De-Konstruksiyon
Panuto: Itiman ang mga letrang nasa loob ng kahon na HINDI kabilang sa salita
upang mabuo ang tamang sagot sa bawat tanong.

1. Ito ay kumakatawan sa dami ng paggawa at kasangkapan sa pagsasagawa ng


proseso ng produksiyon.
A K E T A M P L I N E T A S L
2. Ito ay malilikha sa paraan nang pagtatayo ng bagong negosyo at pagbili ng
stock sa mga korporasyon.
P K A T M U P M U H E U N A N
3. Ito ay sektor sa ekonomiya na ang mga gawain ay hindi naibibilang sa
pambansang kita dahil ang halaga ng produksiyon at kita ay hindi naiuulat
sa pamahalaan.
W I A M S U P O U R E M B A L
4. Ito ay makakatulong upang makapagbigay ng paborableng kapaligiran para
sa pagpasok ng mga namumuhunan sa bansa sa pamamagitan ng paggawa
ng mga batas at regulasyong pang-ekonomiya.
P R A T M U A D H A L G A A N
5. Ito ay mga hindi sinasadyang epekto na may halaga na kalimitang hindi
isinasama sa pagsukat ng pambansang kita.
E X U T S E R O N R A M L O I T I C E S
BALIK-ARAL

CONCEPT MAP
Panuto: Gamit ang concept map, ibigay ang tatlong paraan sa pagsukat ng Gross
National Product (GNP). Sa bawat paraan ng pagsukat, ilahad ang mga aytem na
nakapaloob dito. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Tatlong Paraan ng Pagsukat ng Gross


National Income (GNI)

ARALIN

Panimula

Napag-aralan mo na maraming paraan upang masukat ang pambansang


kita ng bansa sa pamamagitan ng Gross National Product (GNP)/Gross National
Income (GNI) at Gross Domestic Product (GDP). Ang Gross National Product/Gross
National Income ay ginagamit ng pamahalaan sa pagsukat ng pambansang kita
upang maipakita na umuunlad ang isang bansa. Ito rin ang nagiging sandata ng
isang bansa upang makapangutang sa ibang bansa (Imperial et al 2017, 225).
Marami ang nagsasabi na hindi sapat na basehan ang mga datos ng Gross
National Product/Gross National Income upang masabi na ang isang bansa ay
umuunlad lalo na at hindi ito nararamdaman ng mga mamamayan.

Ang Gross National Product (GNP)/Gross National Income (GNI) ang


sumusukat sa pambansang kita ng isang bansa, hindi pa rin ito perpektong
batayan ng pag-unlad ng isang bansa dahil may mga gawaing pang-ekonomiya na
hindi naibibilang sa pagsukat ng pambansang kita gamit ang mga pormulang
napag-aralan.
LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA
Ang sumusunod na gawaing pang-ekonomiya ay hindi ibinibilang sa
pagsukat ng pambansang kita ng isang bansa (Balitao et al 2015, 253)

• Hindi pampamilihang gawain


Sa pagsukat ng pambansang kita, hindi kabilang ang mga produkto at
serbisyong binuo ng mga tao para sa sariling kapakinabangan tulad ng pag-aalaga
ng anak, paghuhugas ng pinggan at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng
bakuran. Bagamat walang salaping nabubuo sa mga naturang gawain, ito naman
ay nakabubuo ng kapaki-pakinabang na resulta.

• Impormal na sektor
Malaking halaga ng produksiyon at kita ay hindi naiuulat sa pamahalaan
tulad ng transaksiyon sa black market, pamilihan ng illegal na droga, nakaw na
sasakyan at kagamitan, illegal na pasugalan at maanomalyang transaksiyong
binabayaran ng ilang kompanya upang makakuha ng resultangpabor sa kanila.
May mga legal na transaksiyon na hindi rin naiuulat sa pamahalaan tulad ng
pagbebenta ng kagamitang segunda-mano, upa sa mga nagtatapon ng basura at
marami pang iba. Ang mga nabanggit na gawain ay hindi naibibilang sa
pambansang kita bagamat may mga produkto at serbisyong nabuo at may kinitang
salapi.

• Externalities o hindi sinasadyang epekto


Ang hindi sinasadyang epekto o externalities ay may halaga na kalimitang
hindi nakikita sa pagsukat ng pambansang kita. Halimbawa, ang gastos ng isang
planta ng kuryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon ay kabilang sa
pagsukat ng pambansang kita. Samantala ang halaga ng malinis na kapaligiran ay
hindi binibilang sa pambansang kita.

• Kalidad ng buhay
Bagamat sinasabing ang pagtaas ng pambansang kita ay pagbuti rin ng
katayuan sa buhay ng mga tao. Dapat tandaan na ang karagdagang produkto at
serbisyong nabuo sa bansa ay hindi katiyakan ng kasiyahang natatamo ng isang
indibidwal. Sa katunayan, maraming bagay na hindi kabilang sa pagsukat ng
pambansang kita ay nakatutulong sa pagbuti ng pamumuhay ng tao tulad ng
malinis na kapaligiran, mahabang oras ng pahinga at malusog na pamumuhay.
Sinusukat ng pambansang kita ang kabuuang ekonomiya ngunit hindi ang kalidad
ng buhay ng tao.

Ang lahat ng limitasyong ito ay magsasabing hindi mainam na sukatan ng


kagalingan ng pagkatao ang pambansang kita. Gayumpaman, kahit may
limitasyon ang pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas
ng pagsulong ng ekonomiya. Dahil dito, maraming bansa at pamahalaan sa buong
mundo ang patuloy pa ring ginagamit ang pambansang kita bilang batayan ng
pagsukat sa isang malusog na ekonomiya (Balitao et al 2015, 256).
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAMBANSANG PRODUKTO
Ang pamamaraang ginagamit upang masukat ang pagsulong ng ekonomiya
ay sa pamamagitan ng pagtataya sa Gross Domestic Product ng bansa. Ipinapakita
sa GDP kung gaano karami ang produkto at paglilingkod na nabuo sa loob ng
bansa. Kalimitan, ang mayayamang bansa sa daigdig ang may mataas na GDP
kumpara sa mga mahihirap na bansa. Samantala noong taong 2009, sinabi ng
TIME Magazine sa kanilang artikulo na ginagamit rin ng ekonomista ang
distribusyon ng pinagkukunang-yaman upang masukat ang pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa (Balitao 2015, 257). Ang sumusunod ay ilan sa mga
salik na nakaaapekto sa pambansang produkto:

Kapital – ang dami ng paggawa at kasangkapan ay mga batayan upang masukat


ang suplay ng kapital sa bansa. Ang laki ng kapital sa bansa ay isang salik na
nakaaapekto sa antas ng pagsulong ng isang ekonomiya. Halimbawa, ang mga
bansang may maliit na populasyon ay may limitadong pagsulong sa ekonomiya
samantalang mas malaki ang pagkakataon ng mga bansang may malaking
populasyon. Ang malaking populasyon ay magbubunga ng mas malawak na
produksyon kung ihahambing sa mga bansang may maliit na bilang ng tao.
Nakaaapekto rin sa laki ng produksyon ang haba ng oras na ginugugol sa
paggawa. Mas mahaba ang oras ng paggawa ay mas malawak rin ang kakayahang
makabuo ng mas maraming produkto o serbisyo. Ang mahusay na sistema ng
edukasyon ay magbubunga naman ng produktibong mamamayan na papasok sa
larangan ng paggawa.

Teknolohiya – Ang dami ng taong nagtatrabaho sa isang kompanya o naninirahan


sa isang bansa ay hindi garantiya ng pagsulong ng ekonomiya. Kahit mayaman sa
likas na yaman ang isang bansa ngunit salat naman sa imprastruktura para sa
teknolohiya tulad ng planta ng kuryente, cell phone transmissions, modernong
paliparan, at iba pa ay mahihirapang iangat ang ekonomiya ng bansa. Ang
paggamit ng makabagong teknolohiya ay isang salik na nakaaapekto upang mas
mapabilis ang pagsulong ng ekonomiya. Patunay dito ang pangyayari sa mabilis
na pagbuo ng produkto at serbisyo dahil sa mga makabagong imbensyon noong
industrial revolution. Nangangahulugan na kailangan ang maayos at modernong
sistema sa iba’t ibang larangan ng gawaing pangkabuhayan upang mas mabilis na
maiparating ang mga kinakailangang produkto at serbisyo sa loob man o labas ng
bansa.

Pamumuhunan – ang pamahalaan ay kahalintulad ng negosyo dahil kailangan nila


ng puhunan upang lumago. Ang mga bagong negosyong itinatayo at pagbili ng
stock sa mga korporasyon ay ilan lamang paraan upang makalikha ng bagong
puhunan. Ang karagdagang puhunan ay karagdagang pambili ng makinarya,
planta, at karagdagang manggagawa na makakatulong upang lalaong mapabilis at
mapalawak ang produksyon. Kung malawak ang pamumuhunan sa bansa, mas
malaki ang mabubuong output at marami ring mabibigyan ng panibagong trabaho.
Kikita rin ang pamahalaan sa pamamagitan ng buwis.
Kalusugan – ang malusog na mamamayan ay isang indikasyon ng malusog na
ekonomiya. Ang malawak na suliraning pangkalusugan ay tiyak na
makakasagabal upang makamit ang pagsulong ng ekonomiya. Ang malusog na
manggagawa ay isa ring produktibong mamamayan dahil kabawasan sila sa
pasanin ng pamahalaan at kanilang pamilya. Ibig sabihin, ang antas ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan ay may tuwirang epekto sa pagkamit ng
ekonomikong pagsulong nito.

Pamahalaan – makakatulong ang pamahalaan upang makapagbigay ng


paborableng kapaligiran para sa pagpasok ng mga namumuhunan sa bansa at
pagtatayo ng mga bagong negosyo. Ang mga batas at regulasyon na isinusulong ng
pamahalaan ay nakaaapekto sa pagpapasigla ng mga gawaing pang-ekonomiya sa
bansa tulad ng sistema ng pagbubuwis at patakarang piskal. Ang pagkakaroon ng
kapayapaan at katahimikan ay isang hudyat sa mahusay na pamamahala.
Kasama na rito ang katatagan ng sistemang pulitikal ng bansa na makakatulong
sa tuloy-tuloy na pagsulong ng ekonomiya. Dahil matatag ang pamahalaan,
maaalis ang pangamba sa mga mamamayan upang maipagpatuloy ang mga
gawaing pangkabuhayan nang walang iniintinding takot at pangamba sa kanilang
kapaligiran.

Sistemang Pampinansiyal – ang episyenteng operasyon ng mga bangko at iba


pang institusyong pampinansiyal ay makakatulong ng malaki upang maayos ang
daloy ng salapi na kailangan sa negosyo at pamumuhunan. Ang mga patakarang
pananalapi na ipinatutupad ng bansa ay isang mahusay na sandata upang
maisaayos ang mga transaksiyong may kaugnayan sa salapi na makakatulong
upang maisulong ang aktibong gawain sa isang ekonomiya. Kapag mahina ang
sistemang pampinansiyal ng bansa, mangangamba ang mga negosyante at
namumuhunan na magtayo ng negosyo sa bansa dahil sa pangamba na malulugi
lamang sila.

Antas ng pamumuhay ng tao bilang batayan ng pagsulong ng ekonomiya.


Pinagmulan: http://imageshack.us/a/img248/1844/manilasquatters.jpg
PAGSASANAY

A. Tama o Mali
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
salitang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at ang salitang MALI kung hindi.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Nagtitinda ng sago’t gulaman si Jerico sa harap ng simbahan. Kabilang ang
kaniyang kinita sa pagsukat ng GNP.
_____2. Ang inilalaang serbisyo ng mga magulang sa kanilang mga anak ay
ibinibilang ng pamahalaan sa pagsukat ng pambansang kita.
_____3. Kinumpuni ni Mark ang sirang gripo sa kanilang banyo. Hindi ito
ibinibilang sa pagsukat ng GDP dahil ito ay para sa sariling
kapakinabangan.
_____4. Ang pagkakaroon ng maraming mayaman sa isang bansa ay nagiging
basehan kung ang isang bansa ay umuunlad o hindi.
_____5. Ang titulong “Green City” ng siyudad ng Pasig ay kinilala hindi lamang sa
bansang Pilipinas kundi maging sa Timog Silangang Asya. Kabilang ang
titulo na ito sa pagsukat ng GNP ng bansa.

B. Hindi ka-Salik
Panuto: Bilugan ang salitang hindi kasali sa pangkat. Pagkatapos ay tukuyin kung
anong salik na nakaaapekto sa pambansang produkto ang kinabibilangan ng
natirang mga aytem.
1. paggawa, makinarya, bangko, populasyon
___________________________________________________________________________

2. stock, negosyo, negosyante, planta ng kuryente


___________________________________________________________________________
3. batas, paggawa, sistema ng pagbubuwis, kapayapaan at katahimikan
___________________________________________________________________________
4. malusog na manggagawa, bangko, patakarang pananalapi, salapi
___________________________________________________________________________
5. imprastruktura, computer, manggagawa, cellphone transmissions
___________________________________________________________________________
PAGLALAHAT

Data Retrieval Chart

Panuto: Isulat sa talahanayan ang iyong pagkaunawa sa limitasyon sa pagsukat


ng pambansang kita at mga salik na nakaaapekto sa pambansang produkto.

LIMITASYON SA PAGSUKAT MGA SALIK NA


NG PAMBANSANG KITA NAKAAAPEKTO SA
PAMBANSANG PRODUKTO

PAGPAPAHALAGA
Pagpapasya
Ipagpalagay na ikaw ay kabilang sa economic
team ng bansa. Ano ang maimumungkahi mo sa
pangulo ng bansa upang mapaangat ang
pambansang kita(GNI/GDP) ngayong panahon
ng pandemya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Sa iyong palagay, ano ang naiaambag ng iyong
pamilya sa pambansang produksiyon ng bansa?
Bakit ito mahalaga tungo sa pambansang
pagsulong ng ekonomiya?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat sa patlang


ang tamang sagot.

__________ 1. Salik na nakaaapekto sa pambansang produkto na tumutukoy sa


mga bangko at institusyong pampinansiyal na nakakatulong ng malaki upang
maayos ang daloy ng salapi sa bansa.

__________ 2. Tumutukoy sa mga transaksiyon sa black market, pamilihan ng illegal


na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan at maanomalyang transaksiyon na
hindi naiuulat sa pamahalaan.

__________ 3. Salik na tumutukoy sa maayos at modernong sistema sa iba’t ibang


larangan ng gawaing pangkabuhayan upang mas mabilis na maiparating ang mga
kinakailangang produkto at serbisyo sa loob man o labas ng bansa.

__________ 4. Tumutukoy sa mga produkto at serbisyong binuo ng mga tao para sa


sariling kapakinabangan tulad ng serbisyo ng magulang sa isang anak. Walang
salaping nabubuo sa pagbibigay serbisyo pero may kapaki-pakinabang na resulta.

__________ 5. Tumutukoy sa pagbuti ng katayuan ng buhay ng isang tao sa isang


bansa sa pamamagitan ng malinis na kapaligiran, mahabang oras ng pahinga at
malusog na pamumuhay.
Balik – Aral
Mga paraan ng pagsukat ng GNP at GDP
1. Paggasta o Expenditure Approach – gastusing personal, gastusin ng mga
namumuhunan, gastusin ng pamahalaan, gastusin ng panlabas na sektor,
statistical discrepancy at Net Factor Income from Abroad.
2. Pinagmulang Industriya o Industrial Origin Approach – agrikultura,
industriya at serbisyo.
3. Kita o Income Approach – sahod ng mga empleyado, net operating surplus,
depresasyon, di-tuwirang buwis at subsidy.
Paunang Pagsusulit
1. KAPITAL
2. PAMUMUHUNAN
3. IMPORMAL
4. PAMAHALAAN
5. EXTERNALITIES
Pagsasanay
Tama o Mali
1.mali
2.mali
3.tama
4.mali
5.mali
Hindi ka-salik
1.bangko, ang tatlong salita ay nabibilang sa salik na kapital
2.planta ng kuryente, ang tatlong salita ay nabibilang sa salik na pamumuhunan
3.paggawa, ang tatlong salita ay nabibilang sa salik na pamahalaan
4.malusog ng manggagawa, ang tatlong salita ay nabibilang sa sistemang pampinansiyal
5.manggagawa, ang tatlong salita ay nabibilang sa teknolohiya
SUSI SA PAGWAWASTO
kalidad ng buhay 5.
hindi pampamilihang gawain 4.
teknolohiya 3.
impormal na sektor 2.
sistemang pampinansiyal 1.
Panapos na Pagsusulit
(Ang sagot ay depende sa opinyon ng bata)
Pagpapahalaga
(Ang sagot ay magbabago depende sa opinyon ng bata)
pamahalaan at sistemang pampinansiyal.
pambansang produkto ay ang kapital, teknolohiya, pamumuhunan, kalusugan,
pambansang kita. Samantalang ang salik na nakaaapekto sa pagsukat ng
nagsasabing hindi mainam na sukatan ng kagalingan ng pagkatao ang
hindi sinasadyang epekto at kalidad ng buhay. Ang lahat ng limitasyong ito ay
kita tulad ng hindi pampamilihang gawain, impormal na sektor, externalities o
ekonomiya na hindi isinasama ng pamahalaan sa pagsukat ng pambansang
Ang limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita ay mga gawaing pang-
Paglalahat

Sanggunian
• Balitao, Bernard, Buising, Martiniano, Garcia, Edward, De Guzman,
Apollo, Lumibao Jr., Juanito, Mateo, Alex, at Modejar, Irene. 2015.
Ekonomiks Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.

• Balitao, Bernard, Rillo, Julia. 2004. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-


unlad Makabayan. Serye. Quezon City: Vibal Publishing House Inc.

• Tullao, Tereso Jr. 2005. Unawain natin ang Ekonomiks sa Diwang


Pilipino. Mandaluyong: SIBS Publishing House.

• Villoria, Evelina, Cruz, Nilda, Rillo, Julia, at Lim, Alice. 2000.


Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD
Publications Inc.

• Imperial, Consuelo, Antonio, Eleanor, Dallo, Evangeline, Samson,


Maria Carmelita, at Soriano, Celia. 2017. Kayamanan: Ekonomiks.
Sampaloc Manila: Rex Book Store Inc.

• Cervantes, Meriam at Balitao, Bernard. 2010. Sanayang Aklat sa


Bagong Kurikulum Ekonomiks. Quezon City: St. Jude Thaddeus
Publications.

You might also like