You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 15: Kahalagahan ng Sektor ng Industriya at mga Patakarang


Pang-ekonomiya na Nakatutulong Dito

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Aihve M. Cervantes
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos
Tagasuring Teknikal:
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manny A. Laguerta, Ed.D.
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, Ed.D.
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 15
Kahalagahan ng Sektor ng Industriya
at mga Patakarang Pang-ekonomiya na
Nakatutulong Dito
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
15 para sa araling Kahalagahan ng Sektor ng Industriya at mga Patakarang
Pang-ekonomiya na Nakatutulong Dito!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul


15 para sa araling Kahalagahan ng Sektor ng Industriya at mga Patakarang
Pang-ekonomiya na Nakatutulong Dito!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Nailahad ang kahalagahan ng sektor ng industriya;


2. Naipaliwanag ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong dito; at
3. Naipahayag ang damdamin ukol sa bahaging ginagampanan ng sektor ng
industriya at patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong dito tungo sa
isang masiglang ekonomiya.

PAUNANG PAGSUBOK

Diverging Radial
Panuto: Magtala ng kapakinabangang nakukuha ng ekonomiya sa
Sektor ng Industriya!

Kahalagahan
Sektor ng
Indudtriya
BALIK-ARAL

WORD HUNT
Panuto: Hanapin sa loob ng crossword puzzle ang mga salitang
tinutukoy sa sumusunod na pahayag. Bilugan ang salita ng tamang
sagot.

PABABA:
1. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at enerhiyang
mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto.
2. Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at
iba pang land improvements halimbawa ay tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi
ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan.

PAHALANG
3. Tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng
mga makina kung saan nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang
mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.
4. Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan
ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, koryente, at gas.

A K R T A R U T K A P U N A M A
B M N G I L I T I I L I T I I G
O I O G P F I T I E S I L I G G
P M Y H A A R U T I L I T M G H
H I S I G A R U T K A P U I H I
I N K H M O G A R U T K A M I H
H A U T I L I T I E S O P I H T
T M R T M G B A R U T K A N T T
T U T R I G O G Y A R U T A T G
R M S B N H P G I L I T G M G G
M I N Y A I B H A R U T G I G G
I M O A R H O I G H D S H M J H
M I K Y J T P A R U T K A R U I
I N A R U T B I L I T I I L I H
A R U T K A P U N A M A M G A P
A R U T A R U T K A P I L I T I
ARALIN

Kahalagahan ng Sektor ng Industriya at mga Patakarang Pang-ekonomiyang


Nakatutulong Dito

Sinasabing ang industriyalisasyon ang tulay tungo tunay na kaunlaran ng


isang bansa kagaya na lamang ng mga mauunlad na bansa sa ating mundo. Ayon
sa akda nina Cruz et al. (2000) na hinalaw sa batayang aklat sa Araling
Panlipunan, “Ang kaunlaran ay maaaring maganap kung magkakaroon ng
transpormasyon ang isang lipunan mula sa pagiging rural, agrikultural, atrasado, at
mapamahiin patungong urban, industriyal, progresibo, at modern”. Inilahad naman
ni Macarubbo (2013) ang kaunlaran na “Kapag ang bansa ay may sapat na kapital,
maaaring makamit ang kaunlaran ng Industriya”. Malinaw ang mensahe na
maituturing itong moderno kung may sapat na kapital ang bansa kagaya ng mga
mayayamang bansa ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi ito makakamit ng
mga developing countries. Ayon kay Macarrubo (2000), “Ang industriyalisasyon ay
nangangailangan ng episiyente at epektibong kakayahan na gamitin ang hilaw na
materyales”. Kagaya na lamang ng ating bansa na mayaman sa kapital kung
gagamitin ito sa tamang pamamaraan ay maari itong makamit. Ipinaliwanag nina
Cruz et al. (2000) na ang industriyalisasyon ay hindi lamang paggamit ng
makinarya. Nagpapakita rin ito ng pagtanggap sa makabagong pamamaraan sa
halip na panatilihing tradisyonal na pamamaraan sa paggawa. Masasabing may
kaunlarang pang-industriya kung lubos na napakilos ang lahat ng industriya at
may mataas na bahagdan ng mga taong may trabaho o employed. Samakatuwid,
makakamit lamang ang lubos na industriyalisasyon kung kaalinsabay nitong
umuunlad ang iba pang sektor ng ekonomiya ng bansa, napapataas ang GNP at
GDP, mataas ang bahagdan ng employment sa loob at labas ng bansa, may sapat
na input at makinarya sa sektor ng agrikultura, napoproseso ng episiyente ang mga
produkto at may mataas na produksyon, at mataas ang export at malaking halaga
ang naipapasok na dolyar sa ating bansa.

Ilan sa direksyon ng pamahalaan ay ang pagsasaayos ng ilang mga polisiya


upang masigurong mapapatatag ang Sektor ng Industriya.

• Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus


Investment Code of 1987 upang mapalakas ang pagtataguyod sa
pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng Board of
Investment (BOI).
• Pagpapatibay sa anti-trust/competition law upang malabanan ang mga
gawaing hindi patas pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at
monopolyo, at maparusahan ang mga opisyal ng mga kompanyang hindi
sumusunod sa patas na pagnenegosyo.
• Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas. Ito ay bilang suporta sa
patas na pakikipagkalakalan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng
smuggling sa bansa. Pagsisiguro din ito na ang Pilipinas ay makasusunod sa
pandaigdigang pamantayan pagdating sa panuntunan ng custom batay sa
naging komitment ng bansa sa Kyoto Convention.
• Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa
bansa ay magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo.
• Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang
mga Research and Development na isinasagawa batay sa RA 8424. Ito ay
may layuning mahikayat ang mga pribadong sektor na magkaroon ng
inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at mapalakas ang
pagsasagawa ng R & D para sa kapakinabangan ng lahat.
• Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksiyon sa mga negosyante
na ang produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang
gawang kamay.
• Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang
suporta sa pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na
katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho

Partikular ding tinitingnan sa loob ng Philipine Development Plan ang


pagtataguyod sa industriya. Bilang suporta, nakikita ng pamahalaan ang
pangangailangan sa pagkaroon ng kalidad sa lakas paggawa na naaayon sa
demand ng pamilihan. Kinakailangan din na malinang ang imprastraktura at ang
mga regulasyong ipinatutupad upang ganap na mapabuti ang sosyo-ekonomikong
kapaligiran. Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan ang sumusunod upang
matamo ang nasabing mga adhikain:

✓ Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang


ng industriya sa pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng
pamahalaan kasama ang pribadong sektor, upang magamit nang husto ang
mga likas na yaman.
✓ Masiguro na ang mga magsisipagtapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng
industriya.
✓ Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro ang kalidad
sa pamamagitan ng training at opportunity building.
✓ Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo (fiscal and nonfiscal)
at manguna sa paglulunsad ng promosyon ng mga produktong industriyal
sa ibang bansa.
✓ Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa bunga ng
katanggap-tanggap na kapaligiran sa pagnenegosyo.
✓ Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang
pribadong sektor, upang mapalawak pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa
maraming Pilipino sa iba’t ibang dako ng bansa. Makikita rin ang layunin ng
pamahalaan na maisaayos ang kalagayan sa mga sekondaryang sektor ng
industriya.
✓ Ang sekondaryang sektor na electronics ay kinikilala bilang pangunahing
tagapagpakilos ng ekonomiya. Upang masiguro ang pagkilala sa mga
produktong ito na mula sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng brand. Dapat ding
makaakit ng mga negosyanteng maaaring ang pokus ay iba pang larawan na
malaki ang demand tulad ng paggawa ng mga gadyet na patuloy na lumalaki
ang pangangailangan sa buong mundo.
✓ Sa tantiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), maaaring nasa siyam (9)
na milyong ektarya sa bansa ang posibleng may metallic na mineral. Dahil
sa malaking potensiyal nito, ang pamahalaan ay naglalayong mapabuti pa
ang sekondaryang sektor na ito ng industriya. Nais na mapalakas ang
kakayahan nito na makabuo ng mga tapos na produkto mula sa mga hilaw
na sangkap at maipagbili sa dayuhang pamilihan. Habang nagnanais ang
pamahalaan na mapabuti ang kontribusyon ng pagmimina, hinahangad
ding mapasunod ang lahat sa polisiya tungkol sa matalinong paggamit ng
ating likas na yaman. Ito ay pagsisiguro na magiging responsable ang bawat
isa sa paggamit ng mga yamang mayroon ang bansa habang nagkakamit ng
kaunlaran.
✓ Ang patuloy na pagsasaayos ng imprastraktura ng bansa ay inaasahang
magiging isa sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ang pagsasaayos ng mga
kalsada, tulay, pagtatayo ng mga bagong paliparan at daungan, at iba pa ay
isang patunay kung gaano kaseryoso ang pamahalaan sa pagpapatatag ng
ekonomiya.
✓ Ang patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng mga insentibo ay magsisiguro
upang ang iba pang mga nakapaloob na gawain sa sektor ng industriya
tulad ng homestyle products; pag-aalahas; motor vehicle parts and
components; tela; konstruksiyon at kaakibat na materyales, at iba pa ay
magiging matibay na sandigan ng ekonomiya. Ang mga polisiya ng bansa at
pagbuo ng pangalan at kalidad sa mga produktong mula sa bansa ay isang
malaking hamon upang masiguro ang kakayahan ng industriyang
makipagkompetensiya sa mga bansang nangunguna sa kalakalang
panlabas.

MGA PAGSASANAY

PANUTO: Magtala ng tatlong (3) kahalagahan ng Sektor ng Industriya sa pag-unlad


ng ekonomiya ng isang bansa.

1.
Kahalagahan
ng Sektor ng 2.
Industriya
3.

PAGLALAHAT

EmojECO

Panuto: Gamit ang mga emoji ay tukuyin kung ano ang nararapat gawin sa
sumusunod na batas o patakaran tungo sa pagpapatatag ng sector ng industriya:
Ihihinto, Nais Ipagpatuloy, o Sang-ayon ngunit may pag-iingat. Isulat
ang dahilan ng bawat isa.
Batas Emoji Dahilan
1. Pagsusog sa Executive
Order (EO) No. 226 o ang
Omnibus Investment Code
of 1987
2. Pagpapatibay sa anti-trust/
competition law
3. Pagsusog sa Export
Development Act
4. Pagpapabuti sa industriya
ng Aviation
5. Pagsusog sa Tariff and
Customs Code ng Pilipinas
6. Pagsusog sa Local
Government Code

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Sagutin ang tanong!

Dapat bang ikahiya ang mga trabahong kabilang sa blue-collar


job? Bakit?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
__

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Tama o Mali
Panuto: Suriin ang isinasaad ng mga pahayag. Isulat ang T kung tama at M
naman kung mali sa guhit bago ang bilang.

_____ 1. Mahalagang sektor ng ekonomiya ang industriya


_____ 2. May mga plano ang pamahalaan sa pagsasaayos ng ilang mga
polisiya upang masigurong mapapatatag ang sektor ng industriya.
_____ 3. Makabagong makinarya ang tulay tungo sa tunay na kaunlaran ng
isang bansa.
_____ 4. Ang pagsasaayos ng imprastraktura ng bansa ay hindi kasama sa
mga prayoridad ng pamahalaan.
_____ 5. Sinisiguro ng pamahalaan na ang mga magsisitapos sa mga
paaralan ay kinakailangan ng industriya.
SUSI SA PAGWAWASTO

malaking halaga ang naipapasok na dolyar sa ating bansa. •


mataas ang export •
may mataas na produksyon •
napoproseso ng episiyente ang mga produkto •
may sapat na input at makinarya sa sektor ng agrikultura •
mataas ang bahagdan ng employment sa loob at labas ng bansa •
Napapataas ang GNP at GDP •

Paunang Pagsusulit:

4. Utility
T 5.
3. Pagmamanupaktura M 4.
T 3.
2. Konstruksyon
M 2.
1. Pagmimina T 1.
Balik Aral: “Word Hunt” Panapos na Pagsusulit

SANGGUNIAN
• Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De
Guzman, Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar,
Irene J., mga manunulat. Department of Education, Ekonomiks, Modyul
para sa Mag-aaral, 2015.

• Balitao, Bernard R., et.al Rillo, Julia D., Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad
Makabayan Serye, Quezon City, Vibal Publishing House Inc., 2004

• Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De


Guzman, Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar,
Irene J., mga manunulat. Department of Education, Ekonomiks, Modyul
para sa Mag-aaral ng Open High School, 2015.

• Macarubbo, Josefina B., Basic Ekonomiks; New Horizon Publications,


Quezon City, 2000.

You might also like