You are on page 1of 15

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Unang Markahan – Modyul 3: Iba pang Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Ernesto D. Tabios
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos at Nora Hernandez
Tagasuring Teknikal: Ernesto D. Tabios
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 9
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Iba pang Mahalagang Konsepto ng
Ekonomiks
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
3 para sa araling Iba pang Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks!!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 3 para sa
araling Iba pang Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
1. Naisa-isa ang iba pang mahahalagang konsepto ng ekonomiks;
2. Napahalagahan ang mga konsepto ng ekonomiks sa pagbuo ng matalinong
pagdedesisyon; at
3. Nakalikha ng mga desisyong may kinalaman sa mga konsepto ng
ekonomiks.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang bawat salita at alamin kung ano ang pinakamalapit na salita
na naglalarawan sa bawat bilang. Piliin ang inyong sagot sa ibaba. Isulat ang sagot
sa loob ng kahon.

1. Opportunity Cost

2. Trade Off

3. Marginal Thinking

4. Incentives

5. Opportunity Benefit

Karagdagang pakinabang
Pagpili at pagsasakripisyo
Halaga na nais makamit
Halaga na handang isakripisyo
Matalinong pagdedesisyon

BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin kung ano ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang
inyong sagot.

1. Ito ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat


kailangan niya nito sa kaniyang pang-araw-araw para mabuhay.
2. Ito ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at
walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
3. Nararanasan ito ng tao kung may pansamantalang
pagkukulang sa supply ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng supply ng
bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El Niño, at iba pang kalamidad
4. Ito ay ang pagkaluma o pagkasira ng yamang kapital sa
pagdaan ng panahon.
5. Pag-aaral kung papaano gumagawa ng tamang desisyon ang
bawat tao at lipunan nang sa gayon ay magamit nang episyente ang mga
pinagkukunang yaman.

ARALIN
Iba Pang Mahahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Lahat ng tao ay humaharap sa trade off. Ito ay ang sitwasyon ng pagpili o


pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Sa madaling salita, ito ay
pagpili mula sa maraming pagpipilian o options. Halimbawa, maaaring sa
pagkakataong ito, mas pinili mong magbasa ng modyul na ito kaysa maglaro ng
mobile games. O kaya naman ay mas pinili mong bumili at kumain ng pan de sal
kaninang umaga kaysa bumili at kumain ng sopas. Ang trade off ay maaaring
maganap sa bawat minuto o segundo ng ating buhay.
Gaya ng nabanggit, kailangan mong mamili mula sa mga options. Ibig
sabihin, sa bawat pagpili, mayroon kang hindi pipiliin, o isasakripisyo. Tulad na
lang ng hindi mo pwedeng pagsabayin ang pagkain at pagsesepilyo ng ngipin kahit
mahuhuli ka na sa pagpasok sa eskuwela, kailangang may piliin at may
isakripisyo.
Mahalaga na matukoy kung ano ang opportunity cost ng gagawing pagpili.
Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay na handa mong
isakripisyo sa iyong pagdedesisyon. Ipinagpapalagay na lahat ng options ay may
pantay na halaga o value. Halimbawa, ikaw ay nagugutom at nauuhaw at nais
mong kumain ng hamburger subalit gusto mo ring bumili ng milk tea pero hindi
sapat ang iyong pera na bilhin ang dalawa. Parehong may value ang dalawang
produkto. Ang value ng hamburger ay nakakapagbigay sa iyo ng sarap ng lasa at
kabusugan. Ang value naman ng milk tea ay makakapagbigay sa iyo ng sarap ng
lasa at pagpatid ng uhaw. Importante na tumingin sa opportunity cost ng gagawing
pagpili.
Kung pipiliin mo ang pagbili ng hamburger, nangangahulugang handa
mong ipagpalit ang lasa at benepisyo ng milk tea para makakain nito. Ito ang iyong
magiging opportunity cost. Mas pinili mong mabusog kaysa mauhaw. Kung pipiliin
mo naman ang pagbili ng milk tea, lumalabas na handa mong isakripisyo ang lasa
at pagpatid ng gutom mula sa hamburger para makainom nito. Ang opportunity
cost ay ang halaga ng produkto na hindi mo pinili na handa mong ipagpalit upang
makamit ang benepisyo ng isa pang bagay o produkto.

Ginagamit na kabaliktaran ng opportunity cost ang opportunity benefit.


Ito naman ay tumutukoy sa halagang natamo mula sa ginawang pagpili. Sa
madaling salita, ang opportunity benefit ay ang halaga ng bagay na iyong pinili
samantalang ang opportunity cost ay ang halaga ng next-best alternative na iyong
isinakripisyo para makamit ang bagay na iyong pinili.
May mga bagay na maaaring makaapekto sa iyong pagpili na maaari ring
magpabago sa iyong desisyon. Isa na dito ay ang incentives. Ang incentives ay ang
dagdag na kapakinabangan na maaaaring makaapekto sa iyong pagpili. Kung
minsan, nagbibigay ng incentive ang iba nating pagpipilian. Halimbawa, ikaw ay
may pagsusulit kinabukasan at kailangan mong mag-review, subalit niyaya ka
naman ng iyong kaibigan na dumalo sa isang birthday party. Parehong may halaga
o value ang dalawang pagpipilian. Higit ang tiwala mo sa iyong sarili na harapin
ang pagsusulit kinabukasan kung ikaw ay magre-review. Malaki ang posibilidad na
ikaw ay makakuha ng mataas na marka at maaari ring tumaas ang kompyansa mo
sa iyong sarili. Sa kabilang banda, maaari ka namang makapaglibang at mabusog,
at hindi ka mahuhuli sa mga kwento at balita sa klase kung ikaw ay pupunta sa sa
nasabing kasiyahan. Sinabi ng iyong nanay na kapag nakakuha ka ng mataas na
marka sa iyong pagsusulit ay bibigyan ka niya ng bago at magandang cellphone.
Ang bagong cellphone ay halimbawa ng incentive o karagdagang pakinabang sa
isang option na maaaring makaapekto sa iyong pagpili. Ang incentives ay
nagbibigay din ng motivation sa isang tao na gumawa ng aksiyon o desisyon.
Upang higit na maging matalino sa pagdedesisyon, dapat na malinang sa
bawat isa ang marginal thinking. Ang taong matalino mag-isip ay tumitingin sa
“margin”. Sa marginal thinking, ginagamit ang resources nang efficient o “walang
sayang.” Pinag-iisipang mabuti at pinag-aaralan ang lahat ng options bago
magdesisyon. Iniisa-isa ang halaga ng bawat alternative o pagpipilian at
ikukumpara sa isa’t isa upang masigurong makapagbibigay ng pinakamagandang
benepisyo ang iyong pipiliin. Kung ikaw ay nakapagpamunga ng maraming uri ng
halaman sa isang disyerto, ikaw ay nangangahulugang may kahusayan sa
marginal thinking. Hindi nasayang, bagkus ginamit mo nang efficient ang iyong
limitadong pinagkukunang yaman.

Kagustuhan at Pangangailangan

Ang dalawang konseptong ito ay natalakay na sa nagdaang aralin. Ang


kagustuhan (wants) at pangangailangan (needs) ay mahahalagang konsepto rin sa
pag-aaral ng ekonomiks. Madalas ginagamit ang dalawang salitang ito sa parehong
kahulugan, subalit sa pag-aaral ng ekonomiks, ang dalawang salitang ito at may
magkaibang konsepto. Ang kagustuhan ay ang mga bagay na nagdudulot ng
kasiyahan sa mga tao samantalang ang pangangailangan ay mga bagay na
hinahangad ng tao dahil kailangan ang mga ito para mabuhay. Ang batayang
pangangailangan o basic needs ay mga bagay na kailangan ng tao sa araw-araw
dahil hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito. Halimbawa nito ay damit,
hangin, pagkain, pahinga, inumin, at tirahan. Itinuturing din itong mga
physiological needs.
Lumikha si Abraham Harold Maslow ng isang estrukturang plano na
nagpapaliwanag ng mga baitang na dadaanan ng isang tao upang matamo ang
tinatawag na self-actualization. Ito ang tinatawag na hierarchy of needs, na
inilalarawan gamit ang pyramid kung saan ang pinakabatayang pangangailangan
ay nasa ibaba at ang bawat hierarchy ay kailangang matamo upang magkaroon ng
katuparan (fulfilment) sa buhay na nasa itaas na bahagi ng pyramid. Nahahati ito
sa dalawang bahagi, ang deficiency needs, na kailangan munang makamit bago
mahangad ang nasa mas mataas na antas ng satisfaction na nasa growth needs.
Ang mga nasa deficiency needs ay mga batayan o primaryang pangangailangan
gaya ng pagkain, damit, magandang kalusugan, kasiguraduhan sa trabaho,
kaibigan, pagmamahal, at pagkamit ng respeto mula sa ibang tao. Ang nasa itaas
na bahagi o growth needs naman ay ang pangangailangan upang makaalam at
matuto, paghahangad ng kagandahan at kaayusan o pagiging organisado.
Ang dalawang huling hierarchy ay nagbibigay ng dahilan at layunin
(purpose) sa buhay, na siyang nagtutulak sa tao sa matinding katuparang
sikolohikal at ispiritwal, ang self-actualization at self-transcendence. Ang self-
actualization ay ang pagtupad sa iyong potensiyal o pangarap na dapat makamit sa
buhay, samantalang ang self-transcendence naman ay ang pagtulong sa ibang tao
upang matupad rin nila at makamit ang kanilang self-actualization.
Hindi raw mahahangad ng isang tao ang mas mataas na hierarchy kung
hindi muna nito matutupad ang nasa nauunang hierarchy o bahagdan.

Kung ikaw ang tatanungin, nasa


anong hierarchy ka na ng
paghahangad ng iyong mga
pangangailangan?
MGA PAGSASANAY
Trade Off:
Panuto: Basahin at isulat ang iyong mga naiiisip na pagtugon sa mga suliranin ng
kakapusan na nakapaloob sa bawat pangyayari.

1. Madalas ay naglalakad ka lang papasok sa iyong paaralan. Alas-sais nang


umaga ang pasok sa eskuwela ngunit 5:20AM ka na nagising.

2. Ngayon ay kaarawan ng iyong kapatid nang yayain ka ng isa mong kaklase


na dumalo sa kanyang birthday party na gaganapin pagkatapos ng klase.

3. Nag-anunsiyo ang paaralan na magkakaroon ng field trip pagkatapos ng


limang buwan. Nais mong makasama rito, subalit alam mo na marami ring
gastusin ngayon ang inyong pamilya. Inaasahan mo rin na magkakaroon ng
maraming projects na darating bago sumapit ang araw ng field trip.

PAGLALAHAT
Concept Box
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa loob ng mga kahon.

PAGPAPAHALAGA
Bakit mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang konsepto ng ekonomiks?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at alamin kung ano ang konseptong
inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Tawag sa halaga ng bagay natamo mula sa ginawang


pagpili

2. Paggamit ng resources nang efficient o “walang


sayang

3. Pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng


ibang bagay.

4. Halaga ng bagay o ng best alternative na handang


isakripisyo sa bawat paggawa ng desisyon.

5. Estrukturang plano na nagpapaliwanag ng mga


hakbang na dadaanan ng isang tao upang matamo kanyang mga
pangangailangan.
SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang Pagsubok Balik-Aral
1. Halaga na handang isakripisyo 1. Pangangailangan
2. Pagpili at pagsasakripisyo 2. Kakapusan
3. Matalinong pagdedesisyon 3. Kakulangan
4. Karagdagang pakinabang 4. Depresasyon
5. Halaga na nais makamit 5. Ekonomiks

Pagsasanay (Trade Off)


Ang sagot ng mga mag-aaral sa gawaing ito ay maaaring magkakaiba. Ang
kanilang kasagutan ay nakabatay sa kanilang opinion at pagkakaintindi sa
binasang modyul

Paglalahat
Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.

Pagpapahalaga
Ang sagot ng mga mag-aaral sa gawaing ito ay maaaring magkakaiba. Ang
kanilang kasagutan ay nakabatay sa kanilang opinion at pagkakaintindi sa
binasang modyul
Panapos na Pagsusulit
1. Opportunity Benefit
2. Marginal Thinking
3. Trade Off
4. Opportunity Cost
5. Hierarchy of Needs

Sanggunian
Amores, Maria Regina R., Pagayon, Liza S. Pagtanaw at Pag-unawa: Ekonomiks,
Batayang Aklat. Diwa Learning System Inc., 2010.
Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De Guzman,
Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar, Irene J.
Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Department of Education, 2015.
Collin, Catherine, et al. The Psychology Book, Big Ides Simply Explained. Dorling
Kindersley Limited, 2012.
Cruz, Nilda B., Rillo, Julia D., at Lim, Alice L. Villoria, Evelina M. Ekonomiks:
Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. SD Publications Inc., Quezon
City, 2000.

You might also like