You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 15: Gampanin ng Pamahalaan sa Patakarang


Pananalapi
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Godofredo D. Garcia Jr.
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos
Tagasuring Teknikal: Ernesto D. Tabios
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 15
Gampanin ng Pamahalaan sa
Patakarang Pananalapi
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
15 para sa araling Gampanin ng Pamahalaan sa Patakarang Pananalapi!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 15 para sa


araling Gampanin ng Pamahalaan sa Patakarang Pananalapi!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:
1. Nasuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi;
2. Napahalagahan ang mga gampanin ng pamahalaan sa patakarang
pananalapi; at
3. Nailapat sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ang patakarang
pananalapi na ipinatutupad ng pamahalaan.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, at MALI
naman kung hindi wasto.
1. Ang expansionary monetary policy ay ginagamit kapag ang bansa ay
nakararanas ng implasyon.
2. Ang contractionary monetary policy ay ipinapatupad ng pamahalaan
kung ang bansa ay nakararanas ng overheated economy o sobrang
kasiglahan ng ekonomiya.
3. Kapag ang ekonomiya ay nasa estado ng recession, dapat gamitin ng
pamahalaan ang expansionary monetary policy.
4. Ang contractionary monetary policy ay ipinapatupad kapag mabagal
ang takbo o pababa ang antas ng ekonomiya.
5. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang nangangasiwa sa pagkontrol ng
money supply ng bansa.

BALIK-ARAL
Economic Fluctuation
Ang isang ekonomiya ay nakakaranas ng economic fluctuation o pabago-
bagong antas at kalagayan ng isang ekonomiya. Maaaring makaranas ng boom
period at bust period ang ekonomiya ng isang bansa.

Peak

Recovery

Recovery

Jan. Feb. Mar. Apr. May Jun. Jul. Aug. Sept. Oct. Nov.
Kapag ang bansa ay nasa bust period, nangangahulugan na ang ekonomiya
nasa pababang antas ng ekonomiya. Sa panahong ito, ang mga kompanya ay
nagtitipid ng gastos, at kung minsan ay nagtatanggal ng mga manggagawa, lalo na
kapag ang bansa ay nahaharap na sa recession. Ang recession ay ang kalagayan
ng ekonomiya kung saan pababa ang GDP rate ng bansa sa loob ng dalawang
quarter (anim na buwan) o higit pa. Sa ganitong kalagayan, ang mga tao ay
nagtitipid at kaunting salapi ang dumadaloy sa ekonomiya.
Kapag ang pagbaba ng antas ng ekonomiya ay nagpatuloy at umabot na ng
higt sa isang taon, ito ay maituturing ng depression. Ito ay ang mahabang
panahon ng patuloy na paglugmok ng isang ekonomiya. Isang beses pa lamang ito
nangyayari sa daigdig. Naganap ito noong 1929 at tumagal ng hanggang 1933.
Tinawag itong Great Depression dahil sa higit sa apat na taon ang itinagal nito at
maraming bansa ang naapektuhan ng ganitong krisis pang-ekonomiya.
Ang recovery ay ang panahon kung saan mula sa mababang antas ng GDP,
ang ekonomiya ay nagsimulang umangat at magkaroon ng pag-unlad. Ito ang
simula ng boom period, o ang panahong na masigla o positibo ang takbo ng
ekonomiya. Peak ang tawag sa pinakamataas na antas ng ekonomiya sa panahong
ito.

ARALIN
Gampanin ng Pamahalaan sa Patakarang Pananalapi
Ang pamahalaan ay malaking gampanin sa patakarang pananalapi, lalong
lalo na ang Bangko Sentral ng Pilipinas na siyang nangangasiwa sa money supply
ng bansa. Gaya ng nabanggit sa nagdaang mga aralin, ang Patakarang Pananalapi
ay may dalawang ipinapatupad na patakarang pang-ekonomiya: ang expansionary
money policy at contractionalry money policy.
Upang mas madaling maintindihan kung paano ito isinasagawa ng
pamahalaan, atin muling pag-aaralan ang Open Market Operation, Reserve
Requirement at Rediscounting Function.

Expansionary Money Policy


Ipinapatupad ang expansionary money policy kapag ang ekonomiya ay nasa
bust period, o panahong mababa ang money supply sa sirkulasyon dahil sa
pagtitipid ng mga tao. Hindi nakakabuti sa ekonomiya kung hindi gumagastos ang
mga tao. Kailangang maparami ang money supply sa sirkulasyon upang
mapasiglang muli ang ekonomiya.
Sa open market operation, ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ay bumibili
ng mga securities mula sa mga pribado at pampublikong sektor. Dito, napaparami
ang money supply sa sirkulasyon dahil nagkaroon ng salapi ang mga pribado at
pampublikong sektor na nagbenta ng securities. Ang salapi ay maaaring ipatago sa
bangko na siyang magagamit sa pagpapautang at pamumuhunan sa mga tao o
negosyante na siyang magpapataas ng money supply. Maaari ring gamitin ng mga
sector ang salapi sa pagbili ng mga produkto at serbisyo na magpapataas din ng
money supply.

Upang mapataas ang money supply, maaari ring magbawas ng Required


Reserve Ratio o RRR ang BSP. Ang reserve ay ang salaping nakatabi na hindi
maaaring gamitin ng bangko sa pagpapautang.
Halimbawa, kung ang reserve ng mga bangko ay 25%, ang salaping maaari
lamang magamit ng mga ito upang ilabas sa sirkulasyon ay 75%. Kapag ang BSP
ay nag-utos sa mga bangko na magbawas ng reserve hanggang 15%,
madaragdagan ng hanggang 85% na salapi ang maaaring ipagamit sa
pagpapautang, pamumuhunan at iba pang gawaing pang-ekonomiya, na
makakapagdagdag ng money supply sa sirkulasyon. Maaaring gamitin ang mga ito
ng mga mangungutang o mamumuhunan sa kanilang paggastos o pagpapalago ng
negosyo, dahilan upang muling sumigla ang ekonomiya.

Kapag ang mga bangko ay nalulugi o nangangailangan ng mga tulong pang-


pinansiyal, ang BSP ang tanging sektor na maaaring magpautang at makatugon sa
kanilang mga suliraning pang-pinansiyal. Binabawasan ng BSP ang rediscounting
rate upang bumaba ang tubong babayaran ng mga bangko dito. Sa ganitong
proseso, maraming salapi ang magagamit ng mga bangko sa pagpapautang at
pamumuhunan na siyang maaaring gamitin ng mga mangungutang at negosyante
sa pagbili, paggastos at pagpapaunlad ng negosyo. Sa pagtaas ng money supply,
sumisigla ang ekonomiya.

Contractionary Money Policy


Ipinapatupad naman ang contractionary money policy kapag ang ekonomiya
ay nasa boom period, o panahong overheated o masiglang-masigla ang ekonomiya.
Sa panahon ring ito mataas ang money supply. Kapag lumabis ang money supply, o
may labis na kasiglahan ang ekonomiya, nakakahikayat ito na magkaroon ng
mataas na antas ng implasyon. Ito ang nais mapigilan o masolusyunan ng
contractionary money policy. Hangad ng patakarabg ito na mapababa ang money
supply sa sirkulasyon.

Sa open market operation, ang BSP ay negbebenta ng mga securities o


government bonds sa publiko o pribadong sektor. Sa pagbili ng mga tao ng
securities, nababawasan ang kanilang salapi, na maaaring galing sa kanilang
salaping nakatago sa mga bangko. Dahil sa pagbawas nila ng salapi sa bangko,
nababawasan din ang salaping maaaring maipautang o maipamuhunan ng bangko
sa mga tao o negosyante. Nababawasan din ang money supply sa sirkulasyon at
maaaring mapigilan ang overheated economy.
Nag-uutos din ang BSP sa mga bangko na magtaas ng RRR o reserve upang
makontrol ang bilang ng salapi sa sirkulasyon. Mula sa 15%, maaaring magbawas
ng reserve sa 30%. Sa ganitong paraan, 70% na lamang ng salapi sa bangko ang
maaaring magamit sa pagpapautang o pamumuhunan na siyang maaaring
mailabas sa sirkulasyon. Sa ganitong paraan, nababawasan ang money supply at
maaaring mapigilan ang implasyon.

Maaari ring magtaas ng rediscounting rate ang BSP kapag ang mga bangko
ay umuutang dito. Sa ganitong patakaran, tumataas ang babayarang tubo ng mga
bangko sa BSP, dahilan upang bumaba ang salaping maaari nilang maipautang sa
mga tao o mamumuhunan. Bumababa rin ang money supply na nasa sirkulasyon.

Interest Rate
Isa rin sa maaaring gamiting pambalanse sa mga patakarang pananalapi ay
ang pagbabago ng interest rate. Kung nais ng pamahalaan na mapasigla ang
matampaky na ekonomiya, binababa ang interest rate ng mga bangko sa
pagpapautang. Sa kalagayang ito, nahihikayat ang mga tao at negosyante na
mangutang sa mga bangko dahil mababang interes lamang ang kanilang
babayaran.
Kung may labis na kasiglahan naman sa ekonomiya at nangangambang
tumaas ang antas ng implasyon, tinataasan naman ng mga bangko ang interest
rate sa kanilang pagpapautang. Nababawasan ang bilang ng mga taong umuutang
at lumiliit ang money supply sa buong ekonomiya.
Kapag ang demand ay mas mabilis tumaas kaysa sa produksiyon, tumataas
ang presyo ng mga produkto at serbisyo. Kapag tumaas na ang presyo, ang mga
manggagawa at mga empleyado ay hihingi ng karagdagang sahod. Magbubunga ito
ng pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. Kapag ang pagtataas sa presyo
ng mga bilihin at ng mga salik sa produksiyon ay nagpatuloy, mas lalong tataas
ang presyo at magpapatuloy ang mga pangyayaring unang nabanggit.
Upang maiwasan ang kondisyong ito, karaniwang nagpapatupad ng
contractionary money policy ang BSP upang mabawasan ang paggasta ng
sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa pagbabawas ng puhunan,
nababawasan din ang produksiyon. Kasabay rin nito ang pagbabawas sa sahod ng
mga manggagawa kaya naman ang paggasta o demand ay bumababa. Sa
pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa pagbagal ng
ekonomiya. Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang mapababa ang

MGA PAGSASANAY
Monetary Policy
Panuto: Alamin kung ano ang kailangang patakaran upang masolusyunan ang
mga suliraning pang-ekonomiya sa bawat bilang, Lagyan ng check (✔) ang kahon
ng tamang sagot.

1. Maraming nagsarang kompanya bunga ng pagkalugi dahil sa COVID 19


Pandemic
Expansionary Money policy Contractionary Money Policy
2. Dahil sa digmaan sa Syria, maraming Overseas Filipino Workers (OFW) ang
umuwing walang naipong pera
Expansionary Money policy Contractionary Money Policy
3. Tumanggap ng Christmas Bonus at 13th Month Pay ang karamihan sa mga
manggagawa
Expansionary Money policy Contractionary Money Policy
4. Tumaas ang remittance ng dolyar mula sa mga OFW
Expansionary Money policy Contractionary Money Policy
5. Matamlay ang kalakalan sa stock market dahil sa pandaigdigang krisis pang-
ekonomiya
Expansionary Money policy Contractionary Money Policy

PAGLALAHAT
Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang dalawang patakarang
ipinapatupad ng pamahalaan sa ilalim ng monetary policy
PAGPAPAHALAGA
1. Bakit mahalagang maisakatuparan nang maayos ng pamahalaan ang
patakarang pananalapi sa ating bansa sa panahon ng pandemya?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, at MALI
naman kung hindi wasto.
1. Ang contractionary monetary policy ay ipinapatupad ng pamahalaan
kung ang bansa ay nakararanas ng overheated economy o sobrang
kasiglahan ng ekonomiya.
2. Kapag may implasyon, dapat gamitin ng pamahalaan ang expansionary
money policy.
3. Kapag ang mababang antas ng ekonomiya ay nagtuloy-tuloy nang higit
sa dalawang quarter (anim na buwan), ito ay maituturing nang recession.
4. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang nangangasiwa sa pagkontrol ng
money supply ng bansa.
5. Kapag ang ekonomiya ay nasa estado ng recession, dapat gamitin ng
pamahalaan ang contractionary monetary policy.
Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Department of Education, 2015.
Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar, Irene J.
Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De Guzman,
Sanggunian
Panapos na Pagsusulit Note: Maaaring magkakaiba ang sagot
6. Tama ng mga mag-aaral sa Paglalahat at
7. Mali Pagpapahalaga
8. Tama
9. Tama
10. Mali
Pagsasanay Paunang Pagsubok
1. Expansionary Money Policy 1. Mali
2. Expansionary Money Policy 2. Tama
3. Contractionary Money Policy 3. Tama
4. Contractionary Money Policy 4. Mali
5. Expansionary Money Policy 5. Tama
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like