You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ika-Siyam na Baitang

Unang Markahan – Modyul 18: Mga Tungkulin ng Mamimili


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Grace M. Alegre
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos at Nora H. Talag
Tagasuri: Maricel F. Azcarraga

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 99
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 18
Mga Tungkulin Ng Mamimili
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
18 para sa araling Mga Tungkulin ng Mamimili!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 18 para sa


araling Mga Tungkulin ng Mamimili!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Naisa-isa ang mga tungkulin ng mamimili;


2. Nasuri ang mga batas na gumagabay sa tungkulin at pananagutan ng
isang mamimili; at
3. Nabigyang halaga ang mga tungkulin ng mamimili;

PAUNANG PAGSUBOK

Ikaw ba ay 5-point-star ___ na mamimili o 4-point-star-___ na mamimili?

Tungkulin ng Mamimili. PANUTO: Lagyan ng larawan ng ang


pangungusap na tama at larawan ng ang pangungusap na mali ang
isinasaad. Isulat ang iyong napiling sagot sab guhit bago ang bilang.

1. Ang pangangalaga sa kapaligiran kagaya ng pagpapanatili ng


kalinisan sa palengke at kantina ay tungkulin ng mamimili.

2. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay ang palagiang pagbili sa


mga imported na produkto at serbisyo.

3. Ang pagiging alerto ay tungkulin ng konsyumer upang mapigilan


ang panloloko ng tindera.

4. Ang pagkakaisa ay tungkulin ng mamimili na ang layunin ay


humiwalay sa samahan at bumuo ng sariling adhikain.

5. Ang tungkulin na mabantayan ng tama ang timbangan ay nakasaad


sa tungkulin ng pagkilos at pagbabantay ng isang maimili.

BALIK-ARAL
KARAPATAN NG MAMIMILI

Gamit ang grapikong paglalarawan, ibigay ang mga karapatan ng


mamimili na dapat niyang taglayin (maaring magbigay ng 5 lamang).

KARAPATAN NG
MAMIMILI

ARALIN

TUNGKULIN NG MAMIMILI
Kung mayroong karapatan ang mamimili mayroon din siyang
tungkulin na dapat gampanan. Kapag nagampanan ng maayos ang
responsibilidad ng mga mamimili, ito ay senyales o hudyat upang
pagbutihin ng mga prodyuser ang kanilang mga produkto at serbisyo.
Pagiging alerto, mapagmasid at mulat sa mga nangyayaring
katiwaliaan at kapabayaan ng mga negosyante at pamahalaan. Isang
paraan ito para pagbutihin ng prodyuser ang kanyang produksiyon at
upang maging akma ang mga patakaran sa mamimili na ipapatupad ng
pamahalaan.

Pagkilos at pagbabantay sa pagpapatupad sa mga itinakdang


tamang presyo ng pamahalaan. Ang pagtatakda ng tamang presyo ay
nagsisilbing gabay para sa kapakanan ng mga mamimili. Ang pagsasagawa
ng ganitong aksyon ay upang ang negosyante ay mahimok na pangalagaan
ang kapakanan ng mamimili.
Pagkakaisa para sa matatag na pakikipaglaban ng karapatan ng
mamimili. Ang konsyumerismo o pagkilos ng mga mamimili ay mahalaga
upang matamo ang adhikain at layunin ng samahan. Nakasalalay ito sa
pagtutulungan at pagkakaisa ng mamimili.
Pagtangkilik sa sariling produkto. Ang pagbibigay prayoridad sa
mga lokal na produkto ay isa sa mga makakapagsulong sa pambansang
ekonomiya. Ang lokal na industriya ay nakapagbibigay ng hanapbuhay sa
mga manggagawa at pagkakakilanlan sa nilikhang gawang Pilipino sa
pamilihan.
Pangangalaga sa kapaligiran. Ang pangunahing pinagkukunan ng ating
pangunahing pangangailangan ay mula sa likas na yaman. Ang
pagpapanatili ng kalinisan sa mga pamilihan, pasyalan, kantina at sa mga
restaurant ay ating tungkulin at pananagutan.

Grapikong Pantulong Sa Pag-unawa Sa Tungkulin Ng Mamimili

MGA PAGSASANAY
GAWAIN: Masunurin Ka Bang Mamimili?

Alamin kung ikaw ang: Pinakamasunurin, Mas Masunurin, Masunurin,


o Hindi Masunuring Mamimili.

PANUTO: Gamit ang iskala, kung saan ang 1 ang nagpapakita na ito ay
hindi mo madalas na ginagawa at 4 ay nagpapakita na madalas mong
gawin bilang isang mamimili. Kompyutin ang kabuuang puntos na
makukuha mo pagkatapos itong sagutan at divide ito sa 6.

4 - palagi 3- madalas 2- minsan 1- hindi

1. Pagdadala ng reusable bag sa palengke para paglagyan ng mga bilihin


sa halip na mabigyan ng mga plastic.
2. Sinusuri ang price tag at kalidad ng produkto bago bilhin.
3. Dumadalo sa pagpupulong o seminar upang mapagbuti ang tungkulin
ng konsyumer.
4. Madalas na bumibili ng mga produkto na gawa ng inyong bayan
kaysa imported na mga produkto.
5. Pinupuna ang driver ng jeep o tricycle kapag sobrang mahal ang singil
sa pamasahe.
6. Pag-like at share sa facebook ng mamimili sa mga page na nagbibigay
ng mga makabuluhang impormasyon o balita gaya ng sa Covid-19.
Kompyutin ang nakuha:
Kabuuang puntos na nakuha ______ ÷ 6 = ________

PAGLALAHAT
Papaano ka makakatulong upang isulong ang interes sa pagkonsumo ng
mga produkto at serbisyo?

Panuto: Bilang mamimili ay tungkulin mo na isulong ang interes sa


pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo. Tapusin ang pangungusap upang
maipakita mo ang iyong magagawa.

May mga responsibilidad ang mamimili na dapat niyang alam. Dapat


tandaan ng mamimili na tungkulin niyang isulong ang interes sa
pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo. Maisasagawa ko ito sa
pamamagitan ng __________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalaga na magampanan ang tungkulin ng mamimili?

Panuto: Tapusin ang pangungusap upang maipahayag mo kung bakit


mahalagang magampanan mo bilang mamimili ang iyong tungkulin.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamimili sa ating


ekonomiya lalo na sa pag-unlad. Kaya mahalaga na magampanan ng
maayos ng mamimili ang kanilang tungkulin at pananagutan. Kaya marapat
lang na aking ____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Buuin ang salita o pangkat ng salita na inilalarawan ng
pangungusap, ang unang letra ay ibinigay na upang mabuo mo ang
konsepto ukol sa tungkulin ng mamimili. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.

K ________ 1. Ito ay tumutukoy sa pagkilos ng mga mamimili upang


matamo ang mga layunin at adhikain ng samahan.

P ________ 2. Tungkulin ng mamimili upang ang negosyante ay


mahimok na pangalagaan ang kapakanan ng mamimili.

P _________ 3. Tungkulin ng mamimili sa kanyang kapaligiran upang


mapanatili ang kalinisan sa ating pamilihan, kantina at pasyalan.

P _________ 4. Ito ay nagsaad na tangkilikin natin ang gawang Pilipino


kalakal man o serbisyo.

M _________ 5. Ito ay nagpapakita na dapat kang maging alerto sa mga


kapabayaan ng mga negosyante at pamahalaan.

SUSI SA PAGWAWASTO
I. Paunang Pagsubok:
PILIIN ANG NAAANGKOP NA SAGOT.
II. Balik-Aral:
ANU-ANO ANG MGA KARAPATAN NG MAMIMILI?
Karapatan sa pangunahing pangangailangan
Karapatan sa pagpili
Karapatan sa tamang impormasyon
Karapatan samayos at malinis na kapaligiran
Karapatan na magtatag ng organisasyon
Karapatang magkaroon ng edukasyon
Sanggunian
Karapatan na magtamo ng kaligtasan
III. Pagsanay
MASUNURIN KA BANG MAMIMILI?
Pinakamasunurin- 3.25 - 4.00
Mas Masunurin – 2.50 - 3.24
Masunurin – 1.75 - 2.49
Hindi Masunurin – 1.00 - 1.74
IV. Panapos Na Pagsusulit
1. Konsyumerismo
2. Pagkilos at pagbabantay
3. Pangangalaga
4. Pagtangkilik sa sariling produkto
5. Mapagmasid o mulat
SANGGUNIAN

 Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo


D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J.
Modejar. 2015. Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Department of
Education.

 Bernard R. Balitao at Julia D. Rillo.2004. Ekonomiks: Pagsulong at


Pag-unlad Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House
Inc.

 Consuelo M. Imperial, Eleonor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Maria


Carmelita B. Samson, at Celia D. Soriano. 2018. Kayamanan
(Ekonomiks), Binagong Edisyon 2017. Quezon City: Rex Printing
Company.

You might also like