You are on page 1of 16

Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 12: Kahalagahan ng Papel na Ginagampanan ng


Pamahalaan kaugnay ng mga Patakarang Piskal na Ipinatutupad nito, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marilou V. Ocuaman
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos
Tagasuring Teknikal:
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan
9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 12
Kahalagahan ng Papel na Ginagampanan ng
Pamahalaan kaugnay ng mga Patakarang
Piskal na Ipinatutupad nito
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
12 para sa araling Kahalagahan ng Papel na Ginagampanan ng Pamahalaan
kaugnay ng mga Patakarang Piskal na Ipinatutupad nito!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 12 para sa


araling Kahalagahan ng Papel na Ginagampanan ng Pamahalaan kaugnay ng mga
Patakarang Piskal na Ipinatutupad nito!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Natukoy ang mga tungkulin at gamapanin ng pamahalaan sa patakarang


piskal;
2. Nasuri ang layunin ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na
ipinatutupad nito; at
3. Nabibigyang halaga papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga
patakarang piskal na ipinatutupad nito.

PAUNANG PAGSUBOK

TAMA O MALI: Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung
hindi.
________________ 1. Ang pangunahing layunin ng patakarang piskal ay ang
makalikom ng sapat na pondo upang maitaguyod ang pangkalahatang
pangangailangan ng mamamayan.

________________ 2. Ang pamahalaan ay walang kinalaman sa bawat galaw ng


ekonomiya.

________________ 3. Isa sa tungkulin ng pamahalaan ang pag-gawa ng mga


publikong produkto. Ang pamahalaan ay gunagawa ng produkot at serbisyo
para sa mamayan.

________________ 4. Ang patakarang piskal ay hindi ginamait na instrument


sa pagpatupad ng mga panukala at patakarang pang – ekonomiya na
nakakatulong sa pagpapatatag ng ekonomiya

________________ 5. Binibigyan ng pamahalaan ng halaga ang serbisyong


panlipunan kaya’t prayoridad sa pagbabadyet ang sektor ng kalusugan,
edukasyon at kapayapaan.
BALIK-ARAL
Panuto: Gamit ang CONCEPT MAP ibigay ang iyong konspeto ukol sa
patakarang piskal.

PATAKARANG EXPANSIONARY CONTRACTIONARY


PISKAL FISCAL POLIY FISCAL POLICY

___________________ ___________________ ___________________


___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
ARALIN

Kahalagahan ng Papel na Ginagampanan ng Pamahalaan kaugnay ng mga


Patakarang Piskal na Ipinatutupad nito

Pinaniniwalaan na ang pamahalaan ay mayroong malaking


ginagampanan kaugnay sa mga patakarang piskal na ipinapatupad nito. Ito
ay ginagamit bilang isang instrumento sa pagpapatupad ng mga panukala at
patakarang pang–ekonomiya na may layuning patatagin ang ekonomiya ng
isang bansa. Ito ay may kaugnayan sa pagbubuwis, pagbabadyet, at
paggasta. Ang patakaran ay hinggil sa laki o dami ng pagbubuwis o paggasta
ay nakabatay sa kalagayan ng ekonomiya.
Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa paglago o
pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa. Kailangan nitong suriin ang sitwasyon
ng ekonomiya upang makabuo ng tamang desisyon na may kinalaman sa
patakarang ipatutupad nito. Kung babalikan ang paksang tinalakay tungkol
sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, natunghayan na mahalaga ang
paglahok ng pamahalaan sa mga gawaing pang-ekonomiya dahil may mga
gampanin ito na hindi magagawa o maibibigay ng sambahayan, ng bahay-
kalakal, o maging ng panlabas na sektor.
Malaking hamon sa bansa ang epektong hatid ng Covid 19 pandemic.
Nagdulot ito ng mga suliraning pang-ekonomiya na sumubok sa husay ng
pamahalaan kung paano tutugunan ang mga hamon nito. Halimbawa ay
noong ipatupad ang lockdown sa iba’t–ibang panig ng bansa, nagdulot ito
pagsasara ng mga negosyo na nagbunga naman ng pagkawala ng maraming
trabaho. Labis na naapektuhan ang takbo ng ekonomiya ng bansa dahil tila
naparalisa ang maraming sektor ng ekonomiya. Dahil dito, kailangang
magpatupad ang pamahalaan ng mga polisiyang aangkop sa kalagayan ng
ekonomiya ng bansa nang sa gayon ay maibsan ang labis na pagbagsak nito.
Kinakailangan ng pamahalaang gamitin ang resources nito upang
magpatuloy ang daloy na ekonomiya at maiwasan ang labis na pagbagsak
nito. Matatandaan sa nakaraang modyul na may gamapanin ang pamahalaan
na mapatatag ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng patakarang piskal
na ipinatutupad nito na may kinalaman sa pagbubuwis, pagbabadyet, at
paggasta. Ilan sa mga halimbawang hakbang na ginawa ng pamahalaan ay
ang sumusunod:
• Pagbibigay ng Subsidy – Tulong pinansiyal na nagmumula sa
pamahalaan. Ang pamahalaan ay nagkakaloob ng subsidy sa
mga mamamayan nito na nangngailangan ng pondo o salapi
upang maisakatuparan ng mga ito ang papel na kanilang
ginagampanan sa ekonomiya. Halimbawa ay ang ipinagkaloob
ng pamahalaan na Social Amelioration Program (SAP) para sa
mga mamamayang nawalan ng trabaho at bawat pamilyang
apektado ng pandemya.
• Pagkakaloob ng mga Serbisyong Panlipunan - Binibigyan ng
prayoridad ng pamahalaan ang paglalaan ng malaking
bahagdan ng badyet ang edukasyon, kapayapaan, kalusugan at
programang pangkabuhayan. Malaking badyet ang kailangan ng
pamahalaan sa ngayon upang matustusan ng ang mga
pangangailangan sa serbisyong pangkalusugan tulad ng pagbili
ng bakuna laban sa Covid 19.
• Paglikha ng mga Pampublikong Produkto at Paglilingkod -
ang pamahalaan ang lumilikha at bumibili ng mga produkto at
serbisyo para sa kapakanan ng lahat ng mga mamamayan.
Kalimitang bumibili ang pamahalaan ng produkto at serbisyo
para makalikha ng trabaho o di kaya matulungan na mapalakas
ang produksyon ng mga produkto para sa kapakinabangan ng
mga mamamayan. Halimbawa ngayong nasa panahon tayo ng
pandemya at maraming nawalang ng trabaho gumawa ng
programa batay sa “Bayanihan to Recover as One Act”
otherwise known as Bayanihan 2 ang Department of Interior and
Local Government na mangalap na humigit kumulang aabot sa
50, 000 na katao na magsisilbing contract tracer na itatalaga sa
iba’t – ibang lugar. Ito ay magsisilbing opurtunidad sa mga
nawalan ng trabaho at pagbibigay serbisyo naman upang
maagapan ang paglaganap ng Covid 19. Isa pang halimbawa
paglikha ng pampublikong produkto at paglilingkod ay ang
pagpapatuloy ng “Build Build Project” ng pamahalaan kung
saan bumibili ng serbisyo ang pamahalaan mula sa pribadong
sektor gaya ng San Miguel Corporation na may hawak ng
proyekto ng Skyway Stage 3. Dahil dito, magbubukas ito ng
bagong opurtunidad na magkaroon ng mga trabaho ang
mamamayan dahil dito sa gitna ng tinatahak nating pandemya
napapasigla nila nito ang matamlay na ekonomiya.
Sa pamamagitan ng pagbubuwis nakakalikom ng pondo ang
pamahalaan upang matustusan ang mga programa at proyekto
pangkaunlaran. Ang paggasta ng pamahalaan ay nababatay sa badyet. Ito ay
may tuwirang epekto sa pagtaas o pagbaba ng kabuaang demand sa
ekonomiya. Gaya ngayong taon pangkasalukyang 2021, ang badyet ng
pamahalaan ay masusing inaral para sa kapakinabangan ng buong
sambayanan.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa PhP4.506
Trillion sa Fiscal Year (FY) 2021 General Appropriations Act (GAA) na may
temang “Reset, Rebound, and Recover: Investing for Resiliency and
Sustainability”. Ito ay magsisilbing gabay sa paglalaan ng pondo ng
pamahalaan o blueprint makabawi ang ekonomiya ng bansa sa epekto ng
COVID-19 pandemic. Ang PhP 4.506 trillion budget, ay katumbas ng 21.8
percent of Gross Domestic Product. Ito ang pinakamalaking badyet ng bansa
na tinatayang mas malaki ng sampung pursyento 10% sa badget noong 2020.
Batay sa Department of Budget and Management (DBM), ipinapakita sa
larawan ang alokasyon ng badyet ng bansa para sa taong 2021.

Kung susuriin natin ang larawan ipinapakita nito kung paano hinati –
hati ng pamahalaan sa bawat sektor ang naihandang badyet para sa taon ng
2021 ngunit sa kabilang bahagi ng larawan ipinapakita nito ang ratio ng
utang o debt ng bansa sa inaasahang gdp sa taong 2021 isinasaad nito na
dahil sa pandemyang dinaranas at paglaki ng gastusin ng pamahalaan para
sa mga programa at proyekto para malabanan ito inaasahan na magkakaroon
ito ng epekto sa ekonomiya at inaasahang tataas sa 58.1% ng GDP ang utang
ng bansa sa 2021.

Ang mataas na paggasta ng pamahalaan ay nakapagpapasigla sa


matamlay na ekonomiya. Magdudulot ito ng pagtaas sa pangkalahatang
demand sa pamilihan para sa mga produkto at serbisyo. Ang pagpapababa
sa buwis na ipinapataw sa mga mamamayan ay nangangahulugan naman ng
mas maraming maiuuwing kita ng mga nagtatrabaho. Kapag naabot ng
ekonomiya ang pinakamataas na antas ng empleyo at paggasta, maaaring
magdulot ito ng overheated economy na posibleng maging sanhi ng
implasyon. Karaniwang ipinatutupad naman ng pamahalaan ang mababang
paggasta upang bumagal ang ekonomiya tuwing nagkakaroon ng recession.
Ang papel at kahalagahan ng pamahalaan ay magtakda ng mga
patakaran na maghahatid sa isang kondisyon na maunlad at matiwasay na
ekonomiya. Karaniwang nagsasagawa at nagpapatupad ng ilang paraan ang
pamahalaan kung may pangangailangan na maiayos ang pamamalakad sa
ilang problemang pang ekonomiya.

PAGSASANAY

GAWAIN: Isip-Connect

PANUTO: Batay sa mga larawan ibigay gamapanin at kahalagahan ng


pamahalaan dito.

1 __________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
_____-
____________________________
____________________________
2
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________-
______________________________
______________________________
______________________________
3 ______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
PAGLALAHAT ______________________________
______________________________
__________-

Ang araling ito ay tinatalakay ang kahalagahan ng papel na ginagampanan


ng pamahalaan kaugnay ng mga Patakarang Piskal na Ipinatutupad nito .

Upang mauunawaan kung ano ang ang kahalagahan ng papel na


ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga Patakarang Piskal na Ipinatutupad
nito. Magbigay ng mga sitwasyon na nagpapakita interbensyon ng pamahalaan sa
mga sumusunod na gampanin at tungkulin ng pamahalaan.

Panuto: Punan ang mga tsart batay sa hinihinging impormasyon.

Tungkulin at Magbigay ng sitwasyon na


Gampanin nagpapakita ng interbesyon
ng Pamahalaan ng pamahalaan

Katatagan ng
ekonomiya

Pagkakaloob ng mga
serbisyong panlipunan
Paggawa ng mga
pampublikong produkto
at paglilingkod

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod katananungan.

1. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pamahalaan sa


pagpapatupad ng patakarang piskal ng isang bansa?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataong gumawa ng pagpaplano


ukol sa pagbabadyet sa kita ng pamahalaan? Paano mo ito hahatiin
sektor? Ano ang bibigyan mo ng mataas na badyet? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_______ 1. Ito ay ang pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya upang maging
matatag ang pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng paghahanda ng
badyet, pangungulekta ng buwis, at paggamit ng pondo.
a. Contractionary Fiscal Policy c. Expansionary Fiscal Policy
b. Fiscal Policy d. Expenditure Policy
________ 2. Sa pamamagitan ng ___________ nakakalikom ng pondo ang
pamahalaan upang matustusan ang mga programa at proyekto
pangkaunlaran.
a. Savings c. Budget
b. Buwis d. Ekonomiya
________ 3. Ang ________ ay ang masusing paghahati hati ng kita ng isang
bansa para sa kapakinabangan ng mamamayan. Ito ay masususing inaaral
upang maisaayos ang tamang pagdedesisyon sa paggasta.
a. Savings c. Budget
b. Buwis d. Ekonomiya
________ 3. Ang badyet ng pamahalaana ang nagsisilbing blue print o gabay
para sa paggasta ng pamahalaan. Para sa Fiscal Year 2021 ay mayroon itong
tema na ““________________________: Investing for Resiliency and
Sustainability”.
a. Reset, Relay and Realize
b. Reset, Rebound, and Recover
c. Record, Reboot and Rebound
d. Reset, Record and Relay
________ 4. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin o gamapanin ng
pamahalaan sa mga patakarang ipinapaptupad nito?
I. Siguraduhin ang katatagan ng ekonomiya
II. Bigyang laya ang mga negosyante
III. Magkakaloob ng mga serbisyong panlipunan
IV. Gumastos at bawasan ang badyet ng bansa
V. paggawa ng mga pampublikong produkto ang pamahalaan ang
lumilikha at bumibili ng mga produkto at serbisyo

a. I, IV at III c. I, III at V
b. III, I at II d. II, I, at V
________ 5. Ang pamahalaan ay nakikipag ugnayan sa iba’t – ibang bansa
upang agaran na makabili ng vaccine para sa covid – 19 upang masigurado
ang tiyak na kaligtasan ng bayat Pilipino kaya’t masususing inaaral ng
pamahalaan ang bawat proseso mula sa pagbabadyet hanggang sa
kapakinabangan ng mga ito. Anong uri ng tungkulin ng pamahalaan ang
tinutukoy sa pangungunsap?
a. Tungkulin na makipag uganayan sa iba’t – ibang mga bansa
b. Tungkulin na magkakaloob ng mga serbisyong panlipunan
c. Tungkulin na gumastos at bawasan ang badyet ng bansa
d. Tungkulin na maglingkod sa mamamayan
I. Balik-Aral:
Paalala- ito ay nakabatay sa sariling opiniyon o ideya ng mag – aaral .
II. Paunang Pagsusulit:
TAMA O MALI:
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama
III. Pagsasanay:
Paalala: ang pagsasanay ay nakabatay sa sariling opinion o ideya
ng mag – aaral.
IV. Paglalahat.
Paalala: ang pagsasanay ay nakabatay sa sariling opinion o ideya ng
mag – aaral.
IV. Pagpapahalaga:
Paalala: ang pagpapahalaga ay nakabatay sa sariling opinion ng mag
– aaral
V. Panapos Na Pagsusulit
1. B
2. B
3. B
4. C
5. B
GABAY SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
• Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De
Guzman, Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar, Irene
J., mga manunulat. Department of Education, Ekonomiks, Modyul para sa
Mag-aaral, 2015.

• Balitao, Bernard R., Rillo, Julia D., Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad


Makabayan Serye, Quezon City, Vibal Publishing House Inc., 2004

• Baluyot, Emily B., Cruz, Jocelyn B., Fronda, Jennifer G., Liquigan, Rosario
M., Basic Economics with Agrarian Reform and Taxation: MUTYA Publishing
House Inc., Malabon, 2010.

• McConnell, Campbell R. Ekonomiks: Economics; Principles, Problems and


Politics: International Edition; The McGraw-Hill Companies Inc., New York,
2005.

• https://www.dbm.gov.ph/images/pdffiles/2021-Peoples-Proposed-
Budget.pdf

You might also like