You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 12: Mga Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng


Paggugubat (pagtotroso)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jolibeth R. Ema
Editor: Jolibeth R. Ema
Tagasuri: Rowena B. Marasigan/Vilma C. Estadilla
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Modyul 12: Mga Programang Pangkaunlaran sa
Sektor ng Paggugubat
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 12
para sa araling Mga Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Paggugubat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa
pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang
mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul


sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 9 ng Modyul 12 para sa araling Mga


Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Paggugubat!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1.Naisa-isa ang mga programa ng pamahalaan upang mapalakas at masiguro ang
kaayusan sa sektor ng paggugubat;
2.Nasuri ang mga programang pangkaunlaran sa sektor ng paggugubat;
3.Naunawaan ang kahalagahan ng mga programa upang masiguro ang proteksiyon at
konserbasyon ng yamang gubat ng bansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at
alamin ang sagot sa modyul na ito. Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Ano ang pangunahing gampanin ng Department of Environment and Natural Resources


(DENR) sa sektor ng paggugubat?

A. Nangangasiwa sa pagpapatayo ng mga pamilihan para sa produkto mula


sa kagubatan.
B. Nangangasiwa sa pagpapatayo ng mga daungan upang mapabilis transaksiyon
C. Nangangasiwa sa pangangalaga at pagpapatupad ng mga programa
D. Nangangasiwa sa kita mula sa sektor ng paggugubat

2. Anong estratehiya ng pamahalaan ang ipinatupad upang maiwasan ang suliranin sa


forest squatting?
A.Sustainable Forest Management Agency
B.Sustainable Forest Management Strategy
C Sustainable Forest Management Bureau
D. Sustainable Forest Management System

3. Ang maling desisyon at pamamaraan sa paglinang sa mga likas na yaman ay magdudulot


ng pagkasira at pagkaubos nito. Anong programa ang inilunsad ng pamahalaan upang
maturuan ang mga mamamayan sa wastong paglinang sa yamang kagubatan ng bansa?
A. Sustainable Forest Management Strategy
B. Sustainable Forest Management System
C. Community Livelihood Assistance Program
D. Community Livelihood Assistance Project
4. Programa na ang pangunahing layunin ay maingatan, protektahan ang kagubatan at
mailigtas ang mga hayop at pananim dito.
A. National Integrated Protected Areas System
B. National Integrated Protected Areas Project
C. Sustainable Forest Management Strategy
D. Sustainable Forest Management Project

5. Layunin ng programa na mataniman ang natitira pang 7.1 milyon ektaryang lupa ng bansa
na nanatiling “degraded” at nangangailangan ng rehabilitasyon simula 2016 hanggang 2028.
A. Community Livelihood Assistance Program
B. National Integrated Protected Areas System
C. Sustainable Forest Management Strategy
D. Enhanced National Greening Program
.

BALIK-ARAL

Panuto: Buuin ang bawat hanay ayon sa hinihingi nito.

Batas at Programa para sa Sektor ng Layunin at Kahalagahan Nito


Pangingisda
1.

2.

3.

4.

5.
ARALIN 12- Mga Programang Pangkaunlaran sa
Sektor ng Paggugubat

Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng


agrikultura. Ang yamang gubat ay mahalagang pinagkukunan ng plywood, table, troso, at
venner. Pinagkakakitaan din ang mga produktong rattan,nipa,anahaw, kawayan, pulot-
pukyutan at dagta ng almaciga. Samakatwid mahalaga ang papel ng pamahalaan upang
mapabuti at maisulong ang pangangalaga at pagpapaunlad sa pamamagitan ng mga
programang pangkaunlaran sa sektor ng paggugubat sa pangangasiwa ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) at Forest Management Bureau (FMB).
Mga Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Paggugubat

Community Livelihood Assistance Nilalayon ng programang ito na


Program ( CLASP) maitaas ang antas ng pamumuhay sa
pamamagitan ng pagtuturo o paglilipat ng
kaalaman ng wastong teknolohiya ng
paglinang ng yamang- gubat.Halimbawa ang
mangrove farming sa Bohol,plantasyon ng
kawayan sa La Union, at plantasyon ng mga
halamang medisinal sa Penablanca,
Cagayan.

Pamamaraan upang matakdaan ang


Sustainable Forest Management Strategy permanente at sukat ng kagubatan.
Estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan
ang suliranin sa squatting, huwad at illegal
na pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit gamit
nito.

National Integrated Protected Areas


System (NIPAS) Layunin ng programa na mabigyan ng
proteksiyon o pangangalaga ang kagubatan
at ang mga likas na pananim at hayop na
matatagpuan dito.

Enhanced National Greening Program


(ENGP) Isang programa ng gobyerno para sa
reforestation sa ilalim ng Executive Order
(EO) 193 na inilabas noong 2015. Layunin
nito na mataniman ang natitira pang 7.1
milyong ektaryang lupa ng bansa na
nanatiling “degraded” at nangangailangan ng
rehabilitasyon simula 2016 hanggang 2028.
SIGA Program Magsasanib puwersa ang Department
(School Inside a Garden) of Environment and Natural Resources
(DENR) at Department of Education (DepEd)
para sa pagtatanim ng puno sa lahat ng
pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ang SIGA program ay ang pagtuturo sa mga
estudyante na magtanim ng medium-sized
flowering trees katulad ng konsepto ng
cherry blossoms sa Japan. Layunin nito na
ipakita sa mga kabataan ang mga puno na
nabubuhay sa Pilipinas tulad ng banaba at
fire trees na namumulaklak sa buong taon.

MGA PAGSASANAY

Gawain A. Forget me NOT! Ibigay ang kahulugan ng mga acronym ng iba’t ibang ahensiya
at programang pangkaunlaran sa sektor ng paggugubat.

Acronym Kahulugan
1. CLASP

2. NIPAS

3. DENR

4. FMB

5. SIGA
Gawain B. K K K! Kabataan, Kabalikat sa Pangangalaga ng Kagubatan

Mula sa mensahe ng Environment


Secretary Roy A. Cimatu gumawa ng
isang online Campaign Ad na
naglalayong buhayin
Gumawa sa mga kabataan
ng poster/e-poster mula sa
ang kaalaman
tema ng Pagdiriwang ng Buwan ngng
sa mahalagang papel
sektor ng paggugubat
Magsasaka sa pagkamit ng
at Mangingisda.
pambansang kaunlaran.

PAGLALAHAT

Punan ang talahanayan ng hinihinging impormasyon.

Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Layunin at Kahalagahan ng Programa


Paggugubat

1.

2.

3.

4.

5.
PAGPAPAHALAGA

https://yhoo.it/2SKISn2 https://yhoo.it/2R2LEnf

Sagutan ang mga katanungan:

Ano ang iyong komento, reaksiyon o


saloobin sa ipinapakita ng larawan?

Paano ito nakakaapekto sa kabuhayan at


kaligtasan ng mga mamamayan?

Bumuo ng isang slogan para sa


pangangalaga ng kagubatan.

Halimbawa:

“Pagtatanim ay Ugaliin Upang ang


Kabuhayan at Buhay ay Maisalba Natin”
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Anong ahensiya ang katuwang ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR) sa pagpapatupad ng School Inside a Garden program?
A. Department of Agriculture
B. Department of Finance
C. Department of Education
D. Department of Science and Technology

2. Programa ng gobyerno para sa reforestation sa ilalim ng Executive Order (EO) 193 na


inilabas noong 2015.

A.School Inside a Garden


B.National Integrated Protected Areas
C.Community Livelihood Assistance Program
D. Enhanced National Greening Program

3. Layunin ng programa na mapagyaman ang kaalaman ng mga mamamayan sa


wastong teknolohiya sa paglinang ng yamang-gubat. Halimbawa nito ay ang mangrove
farming sa Bohol at plantasyon ng mga halamang medisinal sa Penablanca, Cagayan.

A. Community Livelihood Assistance Program


B. National Integrated Protected Areas
C. Enhanced National Greening Program
D. School Inside a Garden

4. Ano ang pangunahing layunin sa pagpapatupad ng programang Sustainable Forest


Management Strategy?
A. Bigyang kalutasan ang suliranin sa forest squatting

B. Bigyang pansin ang suliranin sa deforestation


C. Bigyang lunas ang suliranin sa kaingin system
D. Bigyang tugon ang suliranin sa land conversion

5. Bakit inilunsad ng pamahalaan ang programang School Inside a Garden (SIGA) ?

A. Mapaunlad ang gulayan sa paaralan


B. Mapanatili na luntiang kapaligiran sa paaralan
C. Maipatupad ang clean and green project sa paaralan
D. Maipakilala ang mga punong namumulaklak sa paaralan
PAUNANG PAGSUBOK BALIK -ARAL
1.C BASIL: Balik Sigla sa Ilog at Lawa
2.B MMK: Malinis at Masaganang Karagatan
3.C Clean Water Act of 2004
4.A Republic Act No. 10654
5.D Republic Act 8435
MGA PAGSASANAY
GAWAIN A
1. CLASP-Community Livelihood Assistance Program
2. NIPAS-National Integrated Protected Areas
3. DENR-Department of Environment and Natural Resources
4. FMB-Forest Management Bureau
5. SIGA-School Inside a Garden
GAWAIN B PANAPOS NA PAGSUSULIT
Batay sa nabuong campaign ad 1. C
ng mga mag-aaral 2. D
3. A
4. A
5. D
PAGLALAHAT AT PAGPAPAHALAGA
Batay sa natutunan o sagot ng mag-aaral.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
• Balitao, Bernard, Buising, Martiniano, Garcia, Edward, De Guzman, Apollo, Lumibao Jr.,
Juanito, Mateo, Alex, at Modejar, Irene. 2015. Ekonomiks Modyul para sa Mag-aaral. Pasig
City: Vibal Group Inc
• Balitao, Bernard, Cervantes, Meriam. 2010. Ekonomiks Sanayang Aklat sa Bagong
Kurikulum. Quezon City: St. Jude Thaddeus Publications
• https://www.denr.gov.ph/

• https://www.officialgazette.gov.ph/

• https://forestry.denr.gov.ph/

You might also like