You are on page 1of 14

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 18: Pagbuo ng Radio Broadcasting
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Catherine I. Arevalo
Tagasuri: Estelita R. Portillano, MT I
Editor: Paul John Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Modyul 18 para sa Sariling Pagkatuto
Pagbuo ng Radio Broadcasting
Manunulat: Catherine I. Arevalo
Tagasuri: Estelita R. Portillano, MT I / Editor: Paul John Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul 18 para sa
araling Pagbuo ng Radio Broadcasting!!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul 18 ukol sa Pagbuo ng


Radio Broadcasting!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan


pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito:

Kasanayang Pampagkatuto:

• Nailalapat sa isang radio broadcasting ang mga kaalamang natutuhan


sa napanood sa telebisyon na programang nagbabalita.

Mga Inaasahang Layunin:


a. Naisusulat at naisasagawa ang isang makatotohanang radio broadcasting
na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahong naisulat ang
Florante at Laura.
b. Nasusunod ang mga pamantayang inilahad sa pagbuo ng radio
broadcasting.
c. Nakapipili ng programang nagbabalita sa telebisyon na maaaring iugnay
sa natutuhan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Itiman ang bilog kung ang pahayag ay nagsasaad ng hakbang


sa pagsasagagawa ng radio broadcasting.

 Ang boses ay malumanay, malinaw at nakaaakit sa mga tagapakinig.

 Gumagamit ng mga salitang kalye o salitang balbal.

 Gumawa ng pananaliksik sa paksang tatalakayin.

 Naghahanda ng mga awiting patutugtugin sa ere.

 Nagbibigay ng mga komentaryo tungkol sa mga balitang binabanggit.


BALIK-ARAL

Panuto: Isulat sa patlang ang masayang mukha kung ang pahayag ay

nagsasaad ng pagsang-ayon at malungkot na mukha kung pagsalungat


ang pahayag.

_____1. Tinanggap ni Flerida ang alok na kasal ni Sultan Ali-Adab upang

maligtas sa kamatayan si Aladin subalit tumakas din siya at

hinanap ang kasintahang si Aladin bago pa man ang kasalan.

_____2. Bumalik lamang sa Persya sina Aladin at Flerida nang mabalitaan

nilang patay na ang amang si Sultan Ali-Adab.

_____3. Niyakap ng magkasintahang Aladin at Flerida ang paniniwalang

Kristiyano kaya pumayag silang magpabinyag.

_____4. Naging mabuting magkaibigan at nagsama nang matagal sa

kagubatan ang isang Moro at isang Kristiyano na kabilang sa

magkalabang lahi.

_____5. Isang pana ang pinakawalan ni Menandro na naging sanhi ng

pagkamatay ng buhong na si Adolfo nang makita niyang

pinagtatangkaan nito nang masama si Laura.


ARALIN

Pangwakas na Gawain:
Pagbuo ng Radio Broadcasting

Ang radyo ay isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong


magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito.
Mauunawaan ang gampanin ng radyo bilang gabay sa kamalayang
panlipunan.

Bilang inyong pangwakas na gawain kayo ay inaatasang bumuo ng


isang radio broadcasting na naglalayong ipakita ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga pangyayari sa Florante at Laura sa mga pangyayari sa
kasalukuyan.

Bago tayo tuluyang magtungo sa ating isasagawang gawain pahapyaw


muna nating balikan ang kahulugan ng radio broadcasting at hakbang sa
pagsasagawa nito.

Ang Radio Broadcast - ay isang pamamaraan ng pagsasahimpapawid


ng mga impomasyon o balita sa pamamagitan ng paggamit ng mga waves sa
pamamagitan ng paggamit ng radyo. Ang layunin nito ay ang pagpapalaganap
ng impormasyon sa mas nakakaraming makikinig.

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Isang Radio Broadcasting

1. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon - ang ilan sa pangalan ng


mga estasyon ng radyo particular sa Metro Manila ay ang 97.1 Barangay LS,
90.7 Love Radio, 97.9 Home Radio, 101.1 YES FM, at iba pa. Pag-isipan mo
kung ano naman ang itatawag mo sa iyong estasyon.

2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJs sa radio - sila ba’y
malinaw magsalita? Angkop ba ang kanilang pagbigkas? Nakaaakit ba sa
tagapakinig ang kanilang boses? Kung Ingles ang ginagamit na salita ng mga
paborito mo DJ ay maghandang mag-broadcast sa Filipino dahil ito ang
wikang gagamitin sa iyong estasyon ng radyo. Pag-isipan din ang magiging
estilo mo sa pagbo-broadcast.

3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast -


dahil iba-iba ang iyong mga tagapakinig. Hindi lang ang ganda ng boses ang
puhunanng isang broadcaster kundi ang kahusayan din sa pagpili ng salita
at ang malawak na kaalaman sa mga paksang tatalakayin.
4. Maghanda ng mga paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor. -
Ang mga paksa ay dapat kaugnay ng mga mensaheng taglay ng Florante at
Laura. Makikita ang ilang halimbawa sa ibaba. Dagdagan mo na lang ito.

➢ Ano-anong kabayanihan ang maaari mong gawin para sa iyong bayan?


➢ Tunay nga bang ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa
kabutihan?

5. Ang mga paksang ito ay maaari ring salihan ng iyong mga tagapakinig.
-Maaari silang magpadala ng kanilang reaksiyon o opinyon sa pamamagitan
ng text message o kaya’y phone patch.

6. Humanda ka ring bumasa ng ilang liham mula sa mga tauhan ng awit


na nagsasaad ng kanilang suliranin - hayaang ang iyong mga tagapakinig
ang magbigay ng posibleng solusyon o payo sa mga suliraning ito.

7. Magbigay ng ilang balita tungkol sa mga tauhan o pangyayari sa


Florante at Laura - Ang ilan sa malalaking balita halimbawa ay ang
pagpapatapon kay Florante sa isang madilim at mapanglaw na gubat, ang
pagpatay kay Haring Linceo at Duke Briseo, ang pagkakapatay kay Adolfo, at
iba pa.

8. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa iyong pagbo-broadcast-


Ang mga awitin ay dapat nakapagbibigay inspirasyon sa iba.

Dapat Tandaan sa Paggawa ng Iskrip sa Radyo

1. Gumamit ng maikli, payak na salita sa pakikipagtalastasan o pakikipag-


usap.
2. Iwasan ang mga salitang sumasagitsit na tunog.
3. Gumamit ng paglalarawang salita kung kinakailangan at may pag-
iingat.
4. Gawing maikli ang mga pangungusap at ang mga ideya ay hindi
maliligoy.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Ikaw ay bagong DJ sa isang estasyon ng radyo. Magsasagawa ka
ng isang radio broadcast tungkol sa mga pangyayari sa Florante at Laura
at sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Kailangang paghandaan mo itong
mabuti dahil tiyak na maraming makikinig sa gagawin mong radio
broadcasting.

MGA PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Ang binuong iskrip ay komprehensibo at nagtataglay ng
lahat ng kakailanganin sa pagbo-broadcast.
Ang radio broadcast ay naisagawa nang makatotohanan at
nakasusunod sa mga wastong hakbang o paraan ng pagbo-
broadcast.
Ang boses ay malumanay, malinaw at nakaaakit sa mga
tagapakinig.
Ang mga salitang ginamit ay pilimpili, simple subalit
malaman at mauunawaan ng lahat ng uri ng tagapakinig.
Kabuoang Puntos
LEYENDA:
5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Dimahusay
3 – Katamtamang
Pagsasanay 2
Panuto: Lagyan ng tsek  ang kolum kung nakasunod sa pamantayang
inilahad sa pagbuo ng radio broadcasting.

PAMANTAYAN Naisagawa
1. Ang binuong iskrip ay komprehensibo at nagtataglay ng lahat
ng kakailanganin sa pagbo-broadcast.
2. Ang radio broadcast ay naisagawa nang makatotohanan at
nakasusunod sa mga wastong hakbang o paraan ng pagbo-
broadcast.
3. Malinaw at madaling maintindihan ang mga impormasyong
inilalahad.
4. Ang mga salitang ginamit ay pilimpili, simple subalit malaman
at mauunawaan ng lahat ng uri ng tagapakinig.
5. Nakahihikayat na basahin o pakinggan ang nabuong radio
broadcast.

Pagsasanay 3
Panuto: Punan ang patlang ng mga kaalamang natutunan sa Florante at
Laura na maiuugnay sa napanood na programang nagbabalita sa
telebisyon.

Napanood sa Telebisyong
Programang Nagbabalita
(maaaring pumili sa mga sumusunod)
• 24 oras
• TV Patrol
• Saksi
• Unang Hirit
• TV5 Balita

Napiling Programa: _______________________________________________________

Napiling balita: ___________________________________________________________

Anong kaugnayan ng pantelebisyong programang nagbabalita na napili, sa

natutuhan sa Florante at Laura?


PAGLALAHAT

Panuto: Tukuyin at lagyan ng thumbs up ang patlang kung ang


nakasaad ay angkop gawin o gamitin sa isang radio broadcasting.

_____1. Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na naka-phone


patch habang nagbo-broadcast ay makabubuting sigawan mo siya
upang malaman niyang galit ka.
_____2. Gumamit ka ng mga salitang simple subalit mauunawaan ng lahat ng
iyong mga tagapakinig bata man o matanda.
_____3. Ngumiti habang nagsasalita upang kapag narinig ka ng iba’y tila
nakangiti rin ang boses na naririnig nila.
_____4. Gumamit ng mga salitang kalye o salitang balbal tulad ng mga salitang
erpat, ermat, bebot, at iba pa.
_____5. Magsalita nang malumanay at malinaw para higit kang maunawaan.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Dugtungan ang pahayag na ito upang makabuo ng kaisipan.

Ang pagbuo ng isang radio broadcast ay lubhang mahalaga


dahil _________________________________________________________.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng puso ang patlang kung nagsasaad ng impormasyon


tungkol sa pagsasagawa ng radio broadcasting at bilog kung hindi.

_____1. Gumamit ng malalalim na salita sa pakikipagtalastasan o pakikipag-

usap.

_____2. Gawing maikli ang mga pangungusap at ang mga ideya ay hindi

maliligoy.

_____3. Ang boses ay kailangan matinis at malakas upang kaakit-akit sa mga

tagapakinig.

_____4. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.

_____5. Maghanda ng mga paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor.

Natapos mo na ang Modyul 18. Umaasa ako na naunawaan mo


ang mahahalagang konsepto sa bawat aralin dahil buong bisa mo itong
nailipat sa tunay na sitwasyon na magagamit mo sa pang-araw-araw
na pamumuhay.

Binabati kita sapagkat natapos mo ang lahat ng modyul sa


Ikawalong Baitang.

SUSI SA PAGWAWASTO
5.
5. 1. 2. 3. 4.
4.
Panapos na Pagsusulit
5. 3.
4. 2.
3. 1.
2. Balik-aral
1.
Paglalahat 5.
iba. 4.
-Ang kasagutan ay maaaring magkaiba-
3.
Pagsasanay 3
iba. 2.
-Ang kasagutan ay maaaring magkaiba- 1.
Pagsasanay 2 Paunang Pagsubok

Sanggunian
Ailene Baisa-Julian., Mary Grace G. del Rosario., Nestor S. Lontoc.,
Pinagyamang Pluma 8, Phoenix Publishing House Inc., 2015

Guerrero, Perla, Ruth Hernandez, and Nina S. Magolong. “Pagsasagawa ng


Isang Makabuluhang Radio Broadcast.” Essay. In Kayumanggi Batay Sa
Kurikulum Na K-12 (Baitang 8- Ikatlong Markahan), edited by Magdalena O.
Jocson, 38-41. Imus, Cavite, Philippines: Leo- Ross Publication, n.d.

“Radio Broadcast 2.” SlideShare, October 28, 2016.


https://www.slideshare.net/allanortiz/radio-broadcast-2.

You might also like