You are on page 1of 16

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 16: Pagsulat ng Iskrip para sa Radio
Broadcasting at Teleradyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Loie L. Deypalubos
Editor: Dr. Victor M. Javeňa
Tagasuri: Miriam V. Cencil
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Rona C. Almazan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Filipino
Ikaapat na Markahan
Ikaanim na Linggo Unang Araw

Modyul para sa Sariling Pagkatuto


Pagsulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino V ng Modyul para sa
araling “Pagsulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo”!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino V ng Modyul ukol sa “Pagsulat ng Iskrip


para sa Radio Broadcasting at Teleradyo”!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. nababatid ang kahalagahan ng iskrip para sa radio broadcasting


at teleradyo; at
B. nakasusulat ng sariling iskrip para sa radio broadcasting at
teleradyo.

PAUNANG PAGSUBOK

Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang nakasulat na materyal na nagpapakita ng mga


dayalogong binabasa ng tagapagbalita.
A. iskrip
B. dyaryo
C. komiks
D. liham
2. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pakikinig ng radyo
maliban sa,
A. Nakakapaghatid ng mga napapanahong balita.
B. Nakakapagbigay aliw ang mga dramang napapakinggan.
C. Maaaring mag-order ng mga paborito mong pagkain.
D. Mapapakinggan ang mga paborito mong kanta.
3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng oras ng pagpapalabas ng
programa?
A. John, Noli, at Ted
B. Agosto 23, 2020
C. 11:00 am-12:00 nn
D. Balitang programa
4. Sa pagsulat ng iskrip para sa programang panradyo, ang ibig sabihin
ng SFX ay,
A. Musika
B. Epektong pantunog
C. Reaksiyon
D. Emosyon
5. Ang ibig sabihin naman ng MSC ay,
A. Musika
B. Epektong pantunog
C. Reaksiyon
D. Emosyon

BALIK-ARAL

Basahin ang mga sumusunod na tanong at piliin ang tamang sagot sa


loob ng kahon.

Internasyonal opinyon kalakalan


Entertainment palakasan

1. Ang __________________ na seksiyon ng isang pahayagan ay


nagbibigay ng mga artikulo ukol sa mga laro at mga atleta.
2. Ang __________________ na seksiyon ay naglalaman ng mga balitang
pinansiyal at nauukol sa mga negosyo o kalakalan.
3. ____________________ na balita ang nagsasabi sa atin ng mga
pangyayari sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
4. Isinusulat ng mga manunulat ng pahaygan ang kanilang mga
saloobin at paniniwala sa ___________________ na kolum.
5. Ang __________________ ay seksiyon tungkol sa pelikula.
ARALIN

Pagsulat ng Iskrip Para sa Radio Broadcasting at Teleradyo


Ang iskrip sa radyo ay isang nakasulat na materyal na nagpapakita
ng mga dayalogong binabasa ng tagapagbalita o ng taong naririnig natin na
nagsasalita sa radyo.

Pormat sa Pagsulat ng Iskrip


Pamagat ng Programa:
Uri ng Programa:
Petsa ng Pagpapalabas:
Oras ng Pagpapalabas:
Mga Tagapagbalita:

Alituntunin sa Pagsulat ng Iskrip


1. Gumamit ng maliit na titik sa pagsulat ng dayalogo.

2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at


emosyonal na reaksiyon ng mga tauhan.

3. Guhitan ang SFX(Sound Effects) o epektong pantunog at MSC(Music) o


musika.
4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong
pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ito.

5. Kailangang may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng


bawat linya.

6. Lagyan ng numero ang bawat linya.

7. Ang mga emosyonal na reaksiyon ay kailangang isulat sa malaking


titik. Lagyan din ito ng panaklong o parenthesis.

8. Gumamit ng termino na madaling maintindihan sa pagbibigay ng


indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang
maririnig.
9. Maglagay ng tutuldok pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang
magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o epektong pantunog at
MSC o musika.

10. Sa panibagong pahina ng iskrip umpisahan ang paglalagay ng


numero sa bawat bilang.

Mahalaga ang paggamit ng iskrip sa pagbabalita o tagapagsalita sa radio


upang maging maayos, malinaw, at organisadong maiparating sa mga
tagapakinig ang balita dahil ito ang nagsisilbing gabay ng mga tagaganap,
director, tagaayos ng musika, editor at mga technician.
Kapag maayos ang daloy ng programa sa radyo at teleradyo,
magugustuhan ito ng mga tagapakinig mula sa mga napapakinggan nilang
napapanahong balita, bagong kanta, at nakakaaliw na drama.
Pagsasanay 1
Basahing Mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang T kung tama
ang pahayag at M naman kung mali.
_____ 1. Ang iskrip sa radyo ay isang nakasulat na materyal na
nagpapakita ng mga dayalogong binabasa ng tagapagbalita o ng taong
naririnig natin na nagsasalita sa radyo.
_____ 2. Gumamit ng maliit na titik para isulat ang mga musika at
epektong pantunog sa iskrip.
_____ 3. Hindi kailangang isulat sa iskrip ang oras ng pagpapalabas ng
programang panradyo.
_____ 4. Kailangang lagyan ng numero ang bawat linya sa pagsulat ng
iskrip.
_____ 5. Maglagay ng tutuldok pagkatapos isulat ang pangalan ng
tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o epektong pantunog
at MSC o musika.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 2
Punan ng angkop at tamang detalye ang mga sumusunod. Piliin ang inyong
sag
ot
sa Radyo Balita Ngayon John Delos Reyes at Freddie Santos
loo Hunyo 8, 2020 3:00 PM – 4:00 PM
b
ng Balitang Programa
kah
on.

1. Pamagat ng Programa: ____________________________


2. Uri ng Programa: __________________________________
3. Petsa ng Pagpapalabas: ___________________________
4. Oras ng Pagpapalabas: ____________________________
5. Mga Tagapagbalita: ________________________________

Pagsasanay 3
Suriin ang mga sumusunod na bahagi ng iskrip kung ito ay tama ang
pagkakasulat at sinusunod ang mga alituntunin. Lagyan ng tsek (/) ang
patlang bago ang bilang kung ito ay tama at ekis (X) naman kung mali.

_____1.

_____ 2.

_____ 3.

_____ 4.

_____ 5.
PAGLALAHAT

Punan ng angkop na salita ang bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon.

dayalogo espasyo pahina

numero tutuldok

1. Sa pagsulat ng iskrip dapat gumamit ng maliit na titik sa pagsulat ng


______________.
2. Lagyan ng _____________ ang bawat linya.
3. Kailangang may dalawang _______________ pagkatapos ng bawat linya.
4. Maglagay ng ________________ pagkatapos isulat ang pangalan ng
tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o epektong
pantunog at MSC o musika.
5. Sa panibagong ________________ ng iskrip umpisahan ang paglalagay
ng numero sa bawat bilang.

PAGPAPAHALAGA

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang Tama kung
tama ang pahayag at Mali naman kung hindi.
___________1. Mahalaga ang paggamit ng iskrip sa pagbabalita o
tagapagsalita sa radio.
___________ 2. Ang iskrip ay nakakatulong sa tagapagbalita o tagapagsalita
sa radio upang maging maayos, malinaw, at organisadong maiparating sa
mga tagapakinig ang balita.
___________ 3. Ang iskrip ay nagsisilbing gabay ng mga tagaganap, director,
tagaayos ng musika, editor at mga technician.
___________ 4. Ang radio nakakapaghatid ito ng mga napapanahong balita.
___________ 5. Nakakapagbigay aliw din ang radyo sa atin dahil sa mga
dramang ating napapakinggan.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang nakasulat na materyal na nagpapakita ng mga


dayalogong binabasa ng tagapagbalita.
A. iskrip
B. dyaryo
C. komiks
D. liham

2. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pakikinig ng radyo


maliban sa,
A. Nakakapaghatid ng mga napapanahong balita.
B. Nakakapagbigay aliw ang mga dramang napapakinggan.
C. Maaaring mag-order ng mga paborito mong pagkain.
D. Mapapakinggan ang mga paborito mong kanta.

3. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagsulat ng epektong pantunog


sa iskrip ng programang panradyo?
A. SFX TING
B. Sfx Ting
C. (SFX TING)
D. (Sfx Ting)

4. Sa pagsulat ng iskrip para sa programang panradyo, ang ibig sabihin


ng SFX ay,
A. Musika
B. Epektong pantunog
C. Reaksiyon
D. Emosyon

5. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pagkakaroon ng iskrip sa


pagbabalita maliban sa isa,
A. Magiging maayos ang daloy ng pagbabalita
B. Magiging magulo ang pagbabalita
C. Magiging malinaw ang pagbabalita
D. Magiging organisado ang pagbabalita

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Balik-Aral Pagsasanay 1


1. A 1. Palakasan 1. T
2. C 2. Kalakalan 2. M
3. C 3. Internasyonal 3. M
4. B 4. Opinyon 4. T
5. A 5. Entertainment 5. T

Paglalahat Pagpapahalaga Pagsasanay 2


1. dayalogo 1. Tama 1. Radyo Balita Ngayon
2. numero 2. Tama
2. Balitang Programa
3. espasyo 3. Tama
4. tutuldok 4. Tama 3. Hunyo 8,2020
5. pahina 5. Tama
4. 3:00 PM - 4:00 PM
5. John Delos Reyes at
Freddie Santos

Pagsasanay 3
1. X
2. /
3. /
Panapos na 4. /
Pagsusulit 5. X
1. A
2. C Sanggunian
3. C
4. B
5. B https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/0
2/pag-alam-sa-balita.pdf

https://www.youtube.com/watch?v=a58aY_aBUTY&t=525s
https://www.academia.edu/15716681/Filipino_Radio_Broadcasting_Script

You might also like