Professional Documents
Culture Documents
Ikaapat Na Markahang Pagsusulit Sa ARALING PANLIPUNAN 4
Ikaapat Na Markahang Pagsusulit Sa ARALING PANLIPUNAN 4
Department of Education
DepEd Region VII, Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL
SAGBAYAN DISTRICT
SAGBAYAN SUR ELEMENTARY SCHOOL
Name:__________________________________________ Date:___________________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1.Ang _________ ay kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino.
A. Naturalisasyon C. Dual Citizenship
B. Saligang Batas 1987 D. Jus Sanguinis
_____2.Ano ang tawag sa prosesong pinagdadaanan ng isang dayuhan upang makamit ang
pagkamamamayang Pilipino?
A. Pagkamamamayan C.Naturalisasyon
B. Saligang Batas D. Dual Citizenship
_____3. Ang ________ ay naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pag-
kamamamayan ng magulang.
A. Jus soli C. Dual Citizenship
B. Jus sanguinis D. Naturalisasyon
Piliin sa loob ng kahon ang pagkamamamayan ng mga taong isinasaad sa mga
pangungusap. 4-6
A. Mamamayang Pilipino B. dayuhan
_____4. Si Julius ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.
_____5. Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw si Nyro na isang Australyano.
_____6. Si Kapitan Ben ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao. Nang
sumiklab ang labanan ng Abu-Sayaf at military, siya ay tumakas kasama ang
kanyang pamilya.
Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy na karapatan ng bawat pangungusap.7-10
A. Likas na Karapatan C.Karapatang Politikal
B. Karapatan ng nasasakdal D. Karapatang Sibil
_____7. Binigyan si G. Juan ng pampublikong abogado para ipagtanggol siya sa kanyang
kaso.
_____8. Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni Shiela na bumoto sa kanilang lalawigan.
_____9. Ibinigay ng pamilya Mendoza kay Amy ang pagmamahal na kailangan niya.
_____10. Hindi pinigil ng kanyang ama si Iska na sumapi sa relihiyon ng kanyang
napangasawa.
_____11. Nakita mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo ay may pagsusulit. Ano
ang iyong gagawin?
A. Magsasawalang kibo na lang ako
B. Makikikopya na rin ako para mataas ang makuha kong marka
C. Sasabihan ko s’ya na di tamang magkaroon ng kodigo.
D. Magagalit ako sa kanya kapag hindi niya ako pinakopya.
E.
_____14. Masayang nagkukwentuhan sina Ana at Luis. Sa kabilang silid ay natutulog ang
may sakit nilang kapatid. Ano ang pinakamabuti nilang gawin?
A. Itigil na nila ang kanilang kwentuhan
B. Ituloy ang kasayahan dahil karapatan nilang maging masaya
C. Hinaan ang kanilang mga boses upang di makaabala sa may sakit
D. Ituloy ang kwentuhan dahil karapatan nilang ipahayag ang kanilang damdamin
_____15. Madalas na walang pambili ng pagkain si G. Santos para sa kanyang pamilya dahil
wala siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magpalimos sa daan C. Mangutang sa tindahan
B. Manghingi sa magulang D. Maghanap ng pagkakakitaan
_____16. Ibinili si Daniel ng kanyang tatay ng bagong gadyet. Dahil sa kasabikan ay araw-
araw niya itong nilalaro. Tama ba ang ginagawa ni Daniel?
A. Oo, dahil karapatan niyang maglaro.
B. Hindi, dahil baka masira kaagad ang laruan.
C. Oo, dahil ngaun lang siya nagkaroon ng gadyet.
D. Hindi, dahil kailangan din niyang mag-aral at tumulong sa gawaing bahay.
_____17. May mga dumalo na nagkukwentuhan sa loob ng isang bulwagan. Magsisimula
na ang pambansang awit bilang panimulang programa. Ano ang iyong gagawin?
A. Huwag kumibo. C. Sawayin ang nagkukwentuhan.
B. Sumali sa nagkukwentuhan . D. Sabihan ang nagkukwentuhan na tumahimik.
_____18. Nakita mong tumatawid ang isang matanda sa kalye. Ano ang iyong gagawin?
A. Alalayan ang matanda C. Sabihan siya na mag-ingat
B. Pabayaan siya at wag pansinin D. Maghanap ng pulis na siyang tutulong
_____19. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong
pamayanan upang mag-linis. Ano ang gagawin mo?
A. Manood sa mga taong naglilinis C. Sumali sa pag-lilinis
B. Manatili sa kuwarto D. Huwag ng pansinin ang naglilinis
Piliin ang titik ng gawaing pansibiko na inilalarawan sa bawat pangungusap (20-25)
A. KALIKASAN B. KALUSUGAN C. PAMPALAKASAN D. EDUKASYON
_____20. Pagsasagawa ng free-dental chek-up sa mga liblib na lugar.
_____21. Pagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga may biyak sa labi.
_____22. Pagbubuo ng liga para sa palaro sa inyong barangay.
_____23. Pagpunta sa komunidad ng mga Mangyan upang magturo ng pagbabasa.
_____32. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-
unlad ng bansa?
A. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
B. Kumain ng masustansyang pagkain.
C. Mag-ehersisyo kung kailan nais gawin ito.
D. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi.
_____33. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may tamang saloobin sa
paggawa?
A. Palagiang nagrereklamo sa gawain.
B. Madalas magpahinga kahit oras ng trabaho.
C. Ipinagpapaliban ang paggawa ng gawaing bahay.
D. Matipid sa paggamit ng materyales sa opisina o pabrika.
_____34. Inutusan ka ng iyong magulang na bumili ng pagkain sa kabilang kanto na
malapit naman sa inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Iutos ito sa nakababatang kapatid.
B. Sundin ang utos ng magulang.
C. Sundin ang utos at humingi ng kapalit.
D. Padabog na sumunod sa iniuutos ng magulang
_____35. Si ___________ ang naglilok ng “ Oblation “ sa Unibersidad ng Pilipinas.
A. Guillermo Tolentino C. Lamberto Abellana
B. Francisco Balagtas D. Francisca Reyes
_____36. Ang tinampok na Miss World 2013 ay si ___________.
A. Lea Salonga C. Gloria Diaz
B. Megan Young D. Margie Moran
_____37. Ang lumikha ng sikat na Spolarium ay si _____________.
A. Victorio Edades C. Juan Luna
B. Fernando Amorsolo D. Severino Reyes
_____38. Mahilig kang gumawa ng komiks at pangarap mong maging animator balang araw.
Anong programa ng pamahalaan ang makakatulong sa iyo?
A. Abot Alam Program C. K-12 Basic Educ. Program
B. National Greening Program D. Tech. Educ. And Skills Dev. Authority
1. B 21. B
2. C 22. C
3. A 23. D
4. A 24. A
5. B 25. A
6. B 26. C
7. B 27. A
8. C 28. D
9. A 29. B
10. D 30. C
11. C 31. D
12. B 32. B
13. D 33. D
14. C 34. B
15. D 35. A
16. D 36. B
17. D 37. C
18. A 38. D
19. C 39. A
20. B 40. D