You are on page 1of 13

4

1
HEALTH
Quarter 1 – Module 2
“Suriin ang Pagkain, Bago Kainin!”
Health – 4
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Suriin ang Pagkain, Bago Kainin!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rosephine S. Acosta
Editor: Virgilio A. Modesto Jr.
Tagasuri: Mark Joseph Salinog, Aurelio D. Odiong, PhD
Tagaguhit: Conrad Ladislee B. Tua III
Tagalapat: Zylyll Bee Q. Occeña
Tagapamahala:Felisa B. Beriong, CESO VI
Corazon C. Tingson, CESE
Gaudencio C. Riego, PhD
Schubert Anthony C. Sialongo
Rodrigo N. Sarapanan Jr.
Phoenix Ailanah Zandria Q. Salcedo-Tordesillas
Marian Rose B. Sarmiento

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon VI - Sangay ng Antique


Office Address: Binirayan, San Jose de Buenavista, Antique
Telefax: (036) 540-9837
E-mail Address: antique@deped.gov.ph
4

Health
Quarter 1 – Modyul 2:
“Suriin ang Pagkain, Bago Kainin!”
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalayong makapagbigay gabay upang lalong


maunawaan ang kahalagahan ng pagbabasa ng food labels sa pagpili at pagbili ng
mas masustansiya at ligtas na pagkain. Ang kahalagahan ng pagsusuri o pagsisiyasat
sa food label ay kailangan sa wastong nutrisyon para sa maayos na pagkain upang
maiwasan ang mga posibleng sakit at mapanatiling malusog ang katawan.

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


a. nakatutukoy ng mga impormasyong nakikita sa food label;

b. nabibigyang halaga ang date markings at advisory statements sa food labels; at

c. nakapagpapakita ng kakayahang bigyang pakahulugan ang mga impormasyong


nakikita sa food label.

Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong papel.

1. Ito ay tumutukoy sa petsa kung kailan hindi mo na maaaring kainin o inumin ang
produkto.
A. Directions for Weighing C. Expiration Date
B. Best Before Date D. Directions for Packaging

2. Ito ay tumutukoy sa huling araw na ang pagkain o inumin ay nasa pinakasariwa at


pinakamagandang kalidad nito.
A. Directions for Weighing C. Expiry Date
B. Best Before Date D. Directions for Packaging

3. Ito ay nagsasaad ng mga babala tulad ng pagkakaroon ng mga sangkap na


maaaring magdulot ng allergens, o kung mapaparami ng kain ay maaaring
magdulot ng masamang epekto sa katawan.
A. Date Markings C. Ways of Preparing
B. Nutrition Facts D. Warning Statement

1
4. Bakit mahalagang basahin ang food label sa pagpili ng pagkain?
A. Upang malaman ang kulay ng pagkain.
B. Upang malaman kung masarap ang pagkain.
C. Upang malaman kung paano ito itago sa kahon.
D. Upang maintindihan ang nutrisiyong nilalaman ng pagkain?

5. Sa pagbili ng produktong pagkain, bakit mahalagang basahin ang


impormasyong sa Food Label?
A. Upang malaman ang lasa.
B. Upang malaman natin kung kailan ito ginawa.
C. Upang malaman ang tamang oras kung kailan kakainin.
D. Upang malaman kung kailan masisira, ginawa at mga nutrisiyong makukuha
dito.

2
Modyul
Suriin ang Pagkain, Bago
2 Kainin!

Balikan

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang Tama kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng totoo at Mali kung hindi. Isulat lamang ito sa activity
notebook.
1. Mainam na basahin muna ang food label ng isang pagkain bago ito bilhin.
2. Ang pagkain ay dapat magkaroon ng isang babala na pahayag upang maiwasan
ang malubhang panganib sa kalusugan.
3. Nakabubuti sa katawan ang pagkain ng maraming cholesterol.
4. Ang sodium ay isang uri ng mineral na makukuha sa karne ng hayop, itlog, gatas,
asin, at vetsin.
5. Ang expiration date ay isa sa mga impormasyong makikita sa food label.
6. Ang trans-fat ay isang uri ng fats na makukuha sa mga gulay at nagdudulot ng
mabuti sa ating katawan.
7. Ang mga nakalimbag sa pakete ng pagkain ay nagbibigay ng ibat ibang
impormasyon tungkol sa nilalaman nito.
8. Ang Serving Size ay tumutukoy sa mungkahing dami ng isang serving na dapat
kainin.
9. Malalaman ang timbang ng pagkain o inumin sa pakete.
10. Isinasaad sa Nutitional Facts ang kumpletong listahan ng mga sustansiyang
makukuha sa produkto.

Tuklasin

Basahin Natin
“Kriiingg!” Narinig na ni Abdul ang tunog ng school
bell. Hudyat na ito ng uwian ng mga mag-aaral.
Dahil siya ay may natirang pera mula sa kaniyang
baon, si Abdul ay nagpunta sa tindahang malapit sa

3
kanilang bahay. Bumili siya ng isang maliit na karton ng gatas.
Nang makauwi na sa kanilang bahay, agad ininom ni Abdul ang kaniyang
biniling gatas. Pagkatapos ng ilang sandali, agad sumakit ang kaniyang tiyan at huli
na ng maalala niyang hindi pala niya inalam kung kailan ito masisira.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang pangalan ng bata sa kuwento?
2. Ano ang kaniyang binili pagkatapos ng klase?
3. Bakit kaya sumakit ang kaniyang tiyan?
4. Ano ang dapat na ginawa ni Abdul bago ininom ang gatas?

Suriin

Mahalagang malaman ang Date Markings na nakasaad sa pakete ng pagkain o


inumin. Maliban sa tatak, uri, at Nutrition Facts, may iba pang impormasyong makikita
sa pakete ng pagkain o inumin. Narito ang ilan:

Ang Expiration / Expiry Date ay tumutukoy sa petsa kung kailan hindi mo na


maaaring kainin o inumin ang produkto. Maaaring ito ay sira o panis na pagkain. Ang
pagkain ng sira o panis na ay mapanganib sa ating kalusugan.

Ang Best Before Date ay tumutukoy sa huling araw na ang pagkain o inumin ay nasa
pinakasariwa at pinakamagandang kalidad nito. Maaaring magsimula nang masira o
mapanis ang pagkain o inumin sa mga araw na lilipas matapos ang Best Before Date.

4
Ang mga Advisory at Warning Statements ay nagsasaad ng mga babala tulad ng
pagkakaroon ng mga sangkap na maaaring magdulot ng allergens, o kung
mapararami ng kain ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan.

Pagyamanin

Pag-aralan ang pakete ng inumin. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

Expiry Date:
August 15, 2015

Gawain:
1. Kailan magsisimulang masira o mapanis ang inumin?
2. Bakit mahalagang malaman ang Expiry Date?
3. Bakit mahalagang basahin ang mga babala sa pakete ng pagkain o inumin?

5
Isaisip

Panuto: Isulat sa activity notebook. Kompletuhin ang panata sa kahon.

Panatang Pangkalusugan
Ang aking panata bago kumain o uminom ng nakapaketeng pagkain ay...

1. _______________________________________________________________

2. _______________________________________________________________

3. _______________________________________________________________

4. _______________________________________________________________

5. _______________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Kumuha ng 3 pakete ng produktong pagkain o inumin. Isulat sa talaan ang


mga makikitang impormasyon dito. Ipaliwanag kung bakit mahalagang basahin ang
mga nakatala sa talaan.
Expiry Date/ Best Advisory/
Pagkain/ Inumin
Before Date Warning Statement

Bakit mahalagang basahin ang mga nakatala sa talaan?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________.

6
Tayahin

Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Sabihin kung Tama o Mali ang mga
pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____1. Mainam na basahin ang Food Label ng isang pagkain bago ito bilhin.

____2. Ang Date Markings ay isa sa impormasyong makikita sa Food Label.

____3. Maaaring magsimula nang masira o mapanis ang pagkain o inumin sa mga
araw na lilipas matapos ang Best Before Date.

____4. Ang Expiration Date ay tumutukoy sa petsa kung kailan hindi mo na


maaaring kainin o inumin ang produkto.
____5. Ang pagkain ng sira o panis na ay walang panganib sa ating kalusugan.

7
8
Tayahin Isagawa Isaisip Pagyamanin
1. Tama Maaring iba-iba ang Maaring iba-iba 1. August 15, 2015
sagot ang sagot
2. Tama 2. upang matukoy ang
petsa kung kailan hindi mo na
3. Tama maaaring kainin o inumin ang
produkto.
4. Tama
3. upang malaman kung
5. Mali
kalian masisira, ginawa at
kung anong nutrisyong
makukuha rito.
Tuklasin Balikan Subukin
1. Abdul 1. Tama 1. C
2. isang maliit na karton ng gatas 2. Tama 2. B
3. Dahil sira/panis na ang gatas o si Abdul ay lactose 3. Mali 3. D
intolerant, isang kondisyon sa katawan kung saan
nahihirapan ang katawang i-proseso ang lactose na 4. Tama 4. D
karaniwang nasa mga produktong gatas (nagreresulta 5. Tama 5. D
rin ito ng pagsakit ng tiyan at madalasang pagdudumi)
6. Mali
4. Dapat binasa muna ang pakete ng biniling gatas
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Tama
Finding the Score
References

DepEd, IMCS, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan, 2015, Vicarish


Publication and Trading, Inc., Pasig City, July 5, 2020 LM. P. 234- 240.

Vector 2018, Vector illustration of grocery store, retrieved July 5, 2020,httpstock


vector/ colourbox.com

Goggle.com, retrieved on July 5, 2020,google.com,


https://www.sdc.gov/nutrition/strategies-guidelines/nutrition-facts-label-html

Goggle.com, retrieved on July 5, 2020, goggle.com


https%3A%2Fwww.snackandbakery.com%Farticles%F91604-fda-extends-
rebamping-of-nutrition-facts-labels-deadline-by-18-months

Goggle.com, retrieved on July 5, 2020, goggle.com


https%3A2F%paladinid.com%2Fwp-
content%2Fuploads%2F2018%2F11%2Fbistocks-nutrition-label-
6725975.jpg&imgrefurl

Goggle.com, retrieved on July 5, 2020, cdc.gov


https%3A%2Fwww.gettyimages.com%2Fillustration%2Fnutrition-label

Goggle.com, retrieved on july 5, 2020, cdc.gov,


https%3A%2F%2Fwww.bigstockphoto.com%2Fimage-141289991%Fstock-photo-
expired-sign-expiration-over-date-for-expire-product-or-food-3d-illustration

You might also like