You are on page 1of 7

4

Activity Sheet sa
Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 2 – MELC 8
Nakapagpapakita ng Paggalang sa Iba sa mga
Sumusunod na Sitwasyon: 8.6 Pagpapanatili ng
Tahimik, Malinis at Kaaya- ayang Kapaligiran
Bilang Paraan ng Pakikipagkapwa-tao

REGION VI – WESTERN VISAYAS

1
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6
– Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Edukasyon sa


Pagpapakatao
Manunulat: Psychie Mia Magallanes Valenzuela
Editor: Russel R. Icay
Tagasuri: Ma. Corazon R. Panaligan
Marilou M. Rizan
Yvonne C. Faeldog
Lourdenie R. Morales
Division of Aklan Management Team:
Miguel Mac D. Aposin
Jose Niro R. Nillasca
Ma. Corazon R. Panaligan
Mahnnie Q. Tolentino
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Miriam T. LIma
2
PAMBUNGAD NG MENSAHE

MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito
ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Aklan
sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kanikanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang
ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa
kanikanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad. Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pagunlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Learning Activity Sheet (na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

3
EsP4LASQtr2Wk8

Pangalan: Grado at Seksiyon:


Petsa :

GAWAING PAMPAGKATUTO SA Edukasyon sa


Pagpapakatao 4

Aralin 9 Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapwa


(Pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran
bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao)

I. Kasanayang Pampagkatuto
8. Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na
sitwasyon:
8.6 pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran
bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao EsP4P-IIf-i-21

II. Panimula
Mahalaga ang pagpapanatili ng isang tahimik, malinis, at
kaaya-ayang kapaligiran. Bawat isa sa atin ay hinahangad ito.
Ang ideyal na paligid ay makakamtan kung ang lahat ay
magtutulungan. Tulong-tulong na mapanatili ang kaayusan at
kagandahan ng kapaligiran.

Kaya mo bang maging bahagi sa pagkakamit nito? Sa


araling ito ay malalaman mo kung paano ang pagpapanatili ng
tahimik, malinis at kaaya- ayang kapaligiran bilang paraan ng
pakikipagkapwa-tao.

III. Mga Sanggunian:


A. Edukasyon sa Pagpapakatao 4 – Kagamitan ng Mag-aaral Inilathala
ng Kagawaran ng Edukasyo

4
IV. Mga Gawain

1. Mga Panuto:

Unang Araw
a. Basahin ang tula “Displina ang Kailangan” sa pahina 157 ng
Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag-aaral
b. Sagutin sa kuwaderno ang Isagawa Natin, Gawain 1, pahina
158-159.

Ikalawang Araw
c. Sagutin sa kuwaderno ang Isapuso Natin, pahina 160-161.
d. Basahin ang Tandaan Natin sa pahina 162.

Ikatlong Araw

2. Pagsasanay/Aktibidad
Pagsasanay 1

Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng isang malinis,


tahimik, at kaaya-ayang kapaligiran. Gawin ito sa coupon bond.

5
Pagsasanay 2
Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung sang-ayon at ekis (x) kung hindi.

1. Nagtatakda ang pamalaan ng iba’t ibang alituntunin


tungkol sa pagpapanatili ng kaayusan at kagandahan ng
kapaligiran.
2. Ang pagre-recycle ay nakakatulong upang mapanatili ang
kalinisan ng paligid.
3. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga plastik.
4. Sumusunod sa mga ordinansa ng lokal na pamahalaan
tungkol sa pangongolekta ng basura.
5. Hindi pagsunod sa batas trapiko.

Ikaapat na Araw
3. Mga Batayang Tanong

Balikan ang ginuhit na larawan sa Pagsasanay 1. Ito ba ay


nagpapakita ng kaaya-ayang kapaligiran? Bakit? Sa tingin mo mahalaga
ba na panatilihin ang kaayusan at kagandahan sa iyong lugar? Bakit
kaya ito mahalaga? At paano ito makakaapekto sa buhay ng bawat tao?

4. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik


Rubrik sa Pagsasanay 1

Pamantayan 3 2 1
Ang mga Lahat ng Ilan lamang na Ang mga
iginuhit sa iginuhit sa iginuhit sa iginuhit sa
larawan ay larawan ay larawan ay larawan ay hindi
nagpapakita ng nagpapakita ng nagpapakita ng nagpapakita ng
isang malinis, isang malinis, isang malinis, isang malinis,
tahimik, at tahimik, at tahimik, at tahimik, at
kaaya-ayang kaaya-ayang kaaya-ayang kaaya-ayang
kapaligiran kapaligiran kapaligiran kapaligiran

6
V. Repliksiyon
Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong sa pagpapanatili
ng isang tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran? Sagutin ang
tanong sa pamamagitan ng talatang binubuo ng limang (5)
pangungusap.

VI. Susi sa Pagwawasto

Mga Sagot sa

Pagsasanay 2: 1. /
2. /
3
.

4
.

/
5. x

You might also like