You are on page 1of 11

4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
Kwarter 1- Modyul 2: Linggo 2
Pakinabang sa Pagtatanim ng
Halamang Ornamental
(Agrikultura)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan-Grade 4
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 – Modyul 2: Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental
First Edition, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Inilimbag ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Antique.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Fe M.Francisco
Editors/Tagasuri: Edward E. Baña
Tagasuri ng Lenguahe: Rhodbe Peñaflorida- Pandoy
Tagaguhit: Conrad Ladislee B. Tua iii
Tagapamahala: Felisa B. Beriong
Corazon C. Tingson
Gaudencio C. Riego
Schubert Anthony C. Sialongo
Phoenix Allanah Zandria Q. Salcedo-Tordesillas
Marian Rose B. Sarmiento

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – Region VI – Schools Division of Antique

Office Address: Binirayan, San Jose de Buenavista, Antique


Telefax: (036) 540-9837
E-mail Address: antique@deped.gov.ph / lrms.antique@gmail.com
4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
Kwarter 1 - Modyul 2: Linggo 2
Pakinabang sa Pagtatanim
ng Halamang Ornamental
(Agrikultura)
Icons sa Modyul na ito
Sa bahaging ito ay malalaman mo ang
Alamin mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung anon a ang kaalaman mo sa aralin
Subukin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-ral
upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin tulad ng isang kuwentong, awitin, tula,
pambukas na suliranin. Gawain o
isang sitwastion.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtatalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
Pagyamanin mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap
Isaisip
o talata upang maproseso kung anong
natutunan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
Isagawa ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa mga bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang iyong panibagong Gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa
lahat ng mga Gawain sa modyul.
Pagwawasto
Alamin

Ang halaman ay malaking bahagi na ng ating kapaligiran.


Maraming pakinabang pagtatanim ng mga halaman sa ating paligid, isa
na rito ay nagpapaganda, nagpapalinis ng maruming hangin, nagbibigay
kasiyahan sa pamilya at kapaligiran, iyan ay ilan lamang sa pakinabang.

Layunin ng modyul na matulungan ka sa iyong pag-aaral at


madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Makapagtatalakay ng pakinabang sa pagtatanim ng halamang


ornamental para sa pamilya at sa pamayanan.
MELC 1.2 EPP4AG-Oa-2 pp.400.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Isulat sa patlang ang


TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung ang pahayag ay hindi
wasto.

___________ 1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay


nagsisilbing bonding ng buong pamilya.
___________ 2. Ang palumpong (shrub) ay isang halamang matigas ang
mga tangkay at hindi gaanong tumataas.

___________3. Ang mga halamang ornamental ay nagsisilbing palamuti


o pampaganda sa tahanan at bakuran.
___________ 4. Ang puno ng santol ay isa sa mga halimbawa
ng halamang ornamental.
___________ 5. Ang halamang ornamental ay nangangailangan ng sapat
na atensyon at pag-aalaga.
___________ 6. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong sa
pagpigil sa pagguho ng lupa at pagbaha.
___________ 7. Ang mga halamang ornamental ay nakasisira ng ating
kalikasan.
___________ 8. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong sa
mga pangangailangan ng tao.
___________ 9. Nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya ang pagtatanim
ng mga halamang ornamental.

___________ 10. Ang mga halamang ornamental ay nagbibigay lilim at


sariwang hangin.

1
2
Aralin
Pakinabang sa Pagtatanim
1 ng Halamang Ornamental

Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay may maraming


pakinabang na naidudulot sa mga mag-anak at pamayanan. Binibigyan
nito ng kulay ang mga bakuran ng ating mga tahanan at paligid ng ating
pamayanan. Katulad ng mga puno, ang mga halamang ito ay nagiging
dahilan din ng pagkakaroon ng masagana at preskong hangin. Nililinis
nito ang maruming hangin sanhi ng polusyon. Nakakawili, nakalilibang
at nakakawala din ito ng pagod lalong lalo na sa mga taong subsob sa
kanilang mga trabaho sa araw-araw. Makakatustos din ito ng pang araw-
araw na gastusin ng pamilya kung ito ay magiging gawaing
pangkabuhayan.

Balikan

Panuto: Isulat sa patlang kung (Aerial , shrub, herbal, vine, Aquatic) ang
mga sumusunod na halamang ornamental.
______________1. Water lily
______________2. lagundi
______________3. sampaguita
______________4. rosas
______________5. orkedyas

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

3
Tuklasin

Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga salita at makilala
ang pangalan ng bulaklak.

1. S A S R O
2. C U T A C S
3. M E G U M A L A
4. K E D O R Y A S
5. T A N S A N
Ang Halamang Ornamental ay mga tanim o halaman na
ginagamit pandekorasyon sa ating tahanan, paaralan, hotel at sa iba
pang gusali at lansangan.

Mga Pakinabang sa Pagtatanim ng mga halamang ornamental:


1. Napagkakikitaan
2. Nagbibigay ng sariwang hangin
3. Nagpapaganda ng kapaligiran
4. Nakapagpipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha
5. Naiiwasan ang polusyon.

Sur iin

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Kumpletuhin ang


pangungusap. Kunin and sagot sa loob ng panaklong at isulat sa isang
malinis na papel ang iyong sagot.
1. Ang mga halamang _______________ (ornamental, hangin) ay
nagbibigay kulay sa tahanan para mapaganda ito.
2. Ang mga halamang ornamental ay nakapipigil sa pagguho ng
_______________. (lupa, tubig)
3. Nagbibigay ng sariwang _______________ ang pagtatanim ng mga
halamang ornamental. (gulay, hangin)
4. Naiiwasan ang _______________ (polusyon, kalat) dahil sa
pagtatanim ng mga halamang gulay.
5. Ang paghahalaman ay maaaring _______________ (napagkakikitaan,
di-napagkakitaan).

4
Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (/)


ang patlang kung may pakinabang ang halamang ornamental at ekis
(x) kung hindi. Isulat sa isang malinis na papel ang iyong sagot.
__________ 1. Nagbibigay ng magandang kulay sa paligid ng tahanan,
gusali at sa lansangan.
__________ 2. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha.
__________ 3. Nagdudulot sa atin ng malamig at sariwang hangin.
__________ 4. Walang pakinabang ang pagtatanim ng mga halaman.
__________ 5. Nililinis ang hangin mula sa umuusok na sasakyan.

Isaisip

Ano-ano ang mabuting maidudulot ng mga halamang ornamental


sa ating sarili, sa bayan at sa pamayanan?

________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Magbigay ng limang pakinabang sa pagtatanim ng halamang


ornamental.

1. ___________________________

2. ___________________________

3. ___________________________

4. ___________________________

5. ___________________________

5
Tayahin

Panuto: Isulat ang T kung wasto ang pangungusap at M kung mali.


Isulat sa isang malinis na papel ang iyong sagot.

1. Ang mga halamang ornamental ay nagbibigay ng magandang


kulay sa tahanan, plasa, at sa lansangan.
2. Ang mga halamang ornamental ay nakapagpigil sa pagguho ng
lupa at pagbaha.
3. Maaaring ipagbili ang mga halamang ornamental.
4. Nagdudulot ng malamig at sariwang hangin ang halamang
ornamental.
5. Nagsisilbing bonding ng buong pamilya ang pagtatanim ng mga
halamang ornamental.
6. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong
sa mga pangangailangan ng mag-anak.
7. Hindi na kailangang magtanim ng mga halamang ornamental.
8. Walang kasiyahan sa pamilya ang pagtatanim ng mga halamang
ornamental.
9. Nangangailangan ng tamang pag-aalaga ang mga halamang
ornamental.
10. Kailangang bungkalin at linisin ang paligid ng mga halaman.

Karagdagang Gawain

Panuto: Ilista ang mga halamang ornamental na makikita sa inyong


bakuran o pamayanan at ibigay ang mga pakinabang na ibinibigay nito.

6
Susi sa Pagwawasto

T 10.
T 9.
M 8.
M 7.
T 6.
napagkakikitaan 5. T 5.
Polusyon 4. T 4.
Hangin 3. T 3.
Lupa 2. T 2.
Ornamental 1. T 1.
Suriin Tayahin

Tama 10.
Tama 9.
Tama 8.
Mali 7.
Tama 6.
Aerial 5. 5. / Tama 5.
Shrub 4. 4. X Tama 4.
Shrub 3. 3. / Tama 3.
Herbal 2. 2. / Tama 2.
Aquatic 1. 1. / Tama 1.
Balikan Pagyamanin Subukin

Sanggunian

Department of Education. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


4 Gabay sa Pagtuturo pp. 128-130.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies


(MELCs)1.2 EPP4AG-Oa-2 pp.400.
Kagawaran ng Edukasyon, 2015. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Pp. 320-323.
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 4
Kagamitan ng Mag-aaral pp. 114-11

You might also like