You are on page 1of 17

5

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Unang Markahan – Modyul 1
Kahalagahan ng Abonong Organiko
Week 1

https://tinyurl.com/9t37bb4 https://www.slideshare.net/jaz23/w
bg-tagalog
1
Unang Markahan – Modyul 1: Kahalagahan ng Abonong Organiko
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cathy E. Lesondato
Editor: Anecita Ponce at Gilbert Tito
Tagasuri: Marlene G. Padigos
Tagaguhit at Tagalapat: Cathy E. Lesondato
Tagapamahala:
Rhea Mar A. Angtud, Schools Division Superintendent
Danilo G. Gudelosao, Asst. Schools Division Superintendent
Grecia F. Bataluna, CID Chief
Marlene G. Padigos, EPS-EPP/TLE/TVL
Vanessa L. Harayo, EPS-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, ROVII


Office Address: Imus Avenue, Cebu City
Telefax: (032) 255-1516 / (032) 253-9095
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph

i
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Modyul
ukol sa Agrikultura :Kahalagahan ng Abonong Organiko

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

ii
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at denisenyo para sa mag-aaral na magkaroon sila ng


sapat na kasanayan at kaalaman sa pagpapataba ng lupa para sa paghahalaman
gamit ang mga lokal na materyal na makikita sa kapaligiran. Ang saklaw ng modyul
ay nagbibigay permiso, na ang kanilang natutunan na kaalaman ay pweding
magamit sa kani-kanilang karanasan sa totoong buhay. Ang mga katagang
ginagamit ay nagpapahiwatig sa kaibahan ng pag-uunawa ng bawat mag-aaral sa
mga talasalitaan. Ang mga aralin ay inayos ayon sa pagkakasunod sa pamantayan
ng kurso.

Ito ay naglalaman ng aralin ukol sa Kahalagahan ng Abonong Organiko.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko;

2. Natatalakay ang mga pamaraan sa paggawa ng abonong organiko

3. Nabibigyang halaga ang pagpoproseso ng mga nabubulok na basura


bilang kasangkapan sa paggawa ng abonong organiko

Napapaloob sa modyul ang mga Layunin ng Aralin,Subukin na Gawain, Talakayan


o Paglalalim ng Kaalaman, Paglalahat, karagdagang gawain at pagtataya.

1
Subukin

Pangalan: _____________________________________ Seksyon: __________________


Asignatura: ___________________________ Petsa: ____________________
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan.
A. Abonong Organiko C. Composting
B. Basket composting D. Compost pit
2. Ito ay isang uri ng pataba (organic fertilizer) na nagmumula sa nabubulok na
mga halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng organikong materyal
A. Compost C. nabubulok na basura
B. Di-nabubulok na basura D. Synthetic fertilizer
3. Isang pamamaraan kung saan maaring gumawa ng hukay at doon itatapon
ang mga nabubulok na basura katulad ng dumi ng hayop, dahon, balat ng
prutas, damo at iba. Ito ay maaaring gawin sa bakanteng lote.
A. Abonong Organiko C. Composting
B. Basket composting D. Compost pit
4. Anong uri ng lupa ang mainam taniman ng halaman?
A. Banlik B. Buhangin C. Luwad D. Maputik
5. Alin sa mga sumusunod ang basurang nabubulok?
A. Balat ng manga C. supot ng kendi
B. Pakete ng shampoo D. nabasag na pinggan
6. Ano ang mangyayari sa ani kung ang lupang tinatamnan ay hindi mataba?
A. Dadami ang ani ng lupa C. Kokonti ang ani sa pag sasaka
B. Gagamitan ng kemikal na pataba D.Mataas ang kalidad ng ani
7. Alin sa sumusunod ang basurang di-nabubulok?
A. Balat ng manga C. supot ng kendi
B. Dumi ng hayop D. tuyong dahoon
8. Suriin at piliin ang pahayag na nagpapakita ng kahalagahan sa paggawa at
paggamit ng abonong organiko.
A. Pinapatay ni Leo ang mga bulate sa lupang taniman.
B. Ginagamitan ng compost ang mga halaman ni Aling Rosa.
C. Bumibili ng kemikal na pang abono ng halaman si Mang Ondoy para sa
kanyang palay.
D. Ginagamitan ng mamahaling abonong kemikal ang lupaing taniman ni Mang
Jose upang ito ay tumaba.
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik sa nagpapataba ng lupa?
A. Amag B. bakteria C. bulate D. Kemikal na Abono
2
10. Ang sumusunod na mga pangungusap ay nagpapahayag ng magandang dulot
ng paggamit ng compost Maliban sa isa.
A. Hindi mabilis matuyo ang lupa
B. Hindi tataba ang mga halaman kung gagamitan ng compost.
C. Pinatataba muli ng compost ang lupa kaya dadami rin ang ani.
D. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig

Balikan

Ang lupa ang pangunahing sangkap sa pagahahalaman. Ito ang nagsilbing tahanan
ng maliliit na hayop gaya ng bulateng lupa at iba pang mikroorganismo.

Ano ang tatlong uri ng lupa? Tukuyin kung anong uri ng lupa ang pinapakita sa
bawat larawan. Ayusin ang mga titik na nakapaloob sa bawat kahon ng larawan at
isulat ang wastong sagot sa patlang.

a.
INNGABUH

https://tinyurl.com/ynvpvx25

b. LIKBAN
NN

https://tinyurl.com/ynvpvx25

c. DUWAL

https://tinyurl.com/ynvpvx25

Ang pagbibigay ng sapat na pataba sa lupa ay mahalaga sa halaman. Ito ay


nagpapayaman sa lupa upang makuha ng ugat ng mga pananim ang mga
sustansiyang kailangan upang lumaki itong malusog. Sa araling ito, pinapaliwanag
3
ang kahulugan at kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko bilang isang
matipid na pamamaraan sa pagpapataba ng lupa.
Ang pagbibigay ng sapat na pataba sa lupa ay mahalaga sa halaman. Ito ay
nagpapayaman sa lupa upang makuha ng ugat ng mga pananim ang mga
sustansiyang kailangan upang lumaki itong malusog. Sa araling ito, pinapaliwanag
ang kahulugan at kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko bilang isang
matipid na pamamaraan sa pagpapataba ng lupa at kung paano ginagamit ang mga
basurang nabubulok bilang kasangkapan sa paggawa nito.

Tuklasin

Basahin at unawain ang artikulo tungkol sa kahalagahan ng lupa sa


paghahalaman.

Ang Kahalagahan ng Malusog na Lupa


Isa sa mga problemang kinakaharap ng mga Pilipinong mag sasaka ay ang konting
kinikita sa pag sasaka. Isa na rito ay ang sobrang taas ng mga kemikal na pataba,
at pestisedyo . Kapag hindi naman daw sila gumamit ng mga ganoong kemikal ay
wala naman silang aanihin. Kaya ang resulta, ka karampot na kita pagdating ng
anihan.
Isa sa mga naging problema namin dito sa Batangas ng magsimula kaming
magtanim ng mga legumbreng pakain sa kambing ay ang mababang kalidad ng
lupa. Sobrang asim na ng lupa ng itoy aming ipasuri ( 5.5 ang PH value). Ito na
marahil ay dahil sa halos sampung dekada ng puro tubo na lang ang kanilang
tinatanim. Unti-unti nilang pinapatay ang lupa.
Ang lupa ay mahalaga, dito naka-salalay ang buhay ng bawat magsasaka. Dapat
natin itong pagyamanin, hindi pinapatay.

Mga Salik na Nagpapataba ng Lupa


A. Malusog na Lupa
Putik, buhangin, tubig, at hangin ang bumubuo ng lupa. Ang isang malusog na
lupa ay kailangang binubuo ng ibat-ibang aktibong organismo, at ito sa dakong
huli ang mag bibigay ng pataba sa mga halaman.

B. Mga Maliliit na Organismo sa Lupa tulad ng:


1.Bakteria - Ito ang nag do-dumina sa pag po-proseso ng nitroheno, at
asupre (sulphur)

2. Fungi o Amag - Ito ang nag papa bulok sa mga tuyong dahon patay na
kahoy atbp.
4
3.Bulating Lupa - Sila ang mabilis na nag papa bulok ng organic na bagay.
Sila rin ang nag bubungkal ng lupa at mahusay na mag halo nito. Napaka laking
benepisyo ang dulot nila sa lupa.

Ang mga bacteria, amag, at bulate ay mahalaga, sila ang nag papataba ng lupa.
Kapag patuloy ang pag gamit ng mga kemikal na pataba at pestisidyo, sila ay
namamatay, kasunod nito ay ang pagka-matay ng lupa. Kung ang lahat na
magsasaka ay ma-uunawan ang kahalagahan ng hindi pag gamit ng mga kemikal,
ma-iiwasan sana ang malaking gastos, at ang unti-unting pag kitil sa buhay ng
lupang kanilang sinasaka.
Gawin Natin
Pangalan:_____________________________________ Seksyon:___________________
Asignatura:___________________________ Petsa:_____________________
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang mangyayari sa ani kung ang lupang tinatamnan ay hindi
mataba?_______________________________________________________________
2. Bakit konti ang kinikita ng mga magsasaka?____________________________
________________________________________________________________________
3. Ano ang mga salik sa pagpapataba ng lupa?____________________________
________________________________________________________________________
4. Anong uri ng mga organismo ang tumutulong sa pagpapabulok ng mga
organic na bagay tulad ng tuyong dahon, balat ng prutas at gulay?______
________________________________________________________________________
5. Bakit dapat iwasan ng mga magsasaka ang paggamit ng mga kemikal na
pag-aabono?___________________________________________________________
________________________________________________________________________
6. Paano maiiwasan ang pagkitil ng buhay ng lupang tinatamnan?_________
________________________________________________________________________
7. Ayusin ang mga titik upang makabuo ng wastong salita.

TSOCOPM IPT - _______________________

Suriin
Kahalagahan ng Abonong Organiko

5
Ang paggawa ng organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman sapagkat ito ay
nakatutulong upang lumago at tumaba ang halaman. Kung ang mga pananim natin
ay maganda at malusog magbibigay ito sa atin ng masaganang bunga na lubos na
mapapakinabangan ng ating pamilya at maaari pa natin itong pagkakakitaan.

Compost
➢ isang uri ng pataba (organic fertilizer) na
nagmumula sa nabubulok na mga halaman,
basura, dumi ng hayop at anumang uri ng
organikong materyal

https://tinyurl.com/yv93b3wk

Bakit tayo gumagamit ng Compost?

❖ Kailangan maparami ang ani ngunit hindi naabuso ang


lupa

❖ Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung


makokompost muna bago ihalo sa lupa

❖ Pinatataba muli ng compost ang lupa kaya dadami rin


ang ani
https://tinyurl.com/atcmjdxc

Bakit maganda ang Compost?

• Pinapalambot ang lupa. Pinapaganda ang pagsalat (texture) at bungkal


ng lupa (tilt)
• Hindi mabilis matuyo ang lupa
• Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig
(water holding capacity),pinapaluwag ang paghinga ng lupa
• Ibinibigay ang mga sustansiyang wala sa abonong kemikal.
• Matipid; maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono.

Pamamaraan ng Composting o Paggawa ng Abonong Organiko na


karaniwang ginagamit:

1. Compost Pit – ito ay isang pamamaraan kung


saan maaring gumawa ng hukay at doon
itatapon ang mga nabubulok na basura
katulad ng dumi ng hayop, dahon, balat ng

6
https://tinyurl.com/ctdw5xps
prutas, damo at iba. Ito ay maaaring gawin sa
bakanteng lote.

2. Basket Composting – ay isa ring paraan ng


pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan
na tulad ng compost pit kung walang
bakanteng lote.

https://tinyurl.com/f6pfwama

Pagyamanin Natin
Pangalan:_____________________________________ Seksyon:____________________
Asignatura:___________________________ Petsa:_____________________
A. Tukuyin ang bawat larawan kung anong paraan ng composting ang
ipinapakita. (compost pit o basket composting)

1.
3.
https://tinyurl.com/3c
https://tinyurl.com/5ks wyp98d
m2jyv

2. 4.

https://tinyurl.com/ctdw5xps

https://tinyurl.com/ej6s3t72

B. Tukuyin ang uri ng basura at isulat kung ito ay nabubulok o di nabubulok

_________________________1. Balat ng mangga

_________________________ 2. Dumi ng manok

7
_________________________ 3. Kahon ng sapatos

_________________________ 4. Lumang dyaryo

_________________________ 5. Nabasag na pinggan

_________________________ 6. Pakete ng shampoo

_________________________ 7. Sirang bolpen

_________________________ 8. Supot ng kendi

_________________________ 9. Tirang pagkain

_________________________ 10. Tuyong dahoon

C. Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon na inilalahad sa bawat bilang. Isulat


sa sagutang papel ang ☺
kung ang ipinapahayag ay nagpapakita ng
kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko , at kung hindi naman isulat
ang .
______1. Pinapatay ni Leo ang mga bulate sa lupang taniman.
______2. Ginagamitan ng compost ang mga halaman ni Aling Rosa.
______3. Mas makatipid at nakakaiwas sa polusyon ang paggawa ng compost.
______4. Para kay mang Berting mas mainam ang gumamit ng kemikal na pag
aabono ng lupain.
______5. Bumibili ng kemikal na pang aabono ng halaman si Mang Ondoy para sa
kanyang palay.
______6. Nagiging banlik ang lupa na pinaghaluan ng nabubulok na basura at dumi
ng hayop.
______7. Iniipon ni Jenny ang mga patapong basura na nabubulok sa isang hukay
para sa gagawing compost.
______8. Ginagamitan ng mamahaling abonong kemikal ang lupaing taniman ni
Mang Jose upang ito ay tumaba.
______9. Inihalo ni Maria ang dumi ng hayop sa mga naiimbak na balat ng prutas at
iba pang nabubulok na basura sa ginawang hukay.
______10. Hindi tinatapon ni Lucy ang mga nabubulok na basura tulad ng balat ng
prutas, sa halip iniipon nya ito sa bakanteng lote na may hukay.

D. Sa ating mga tahanan ay may mga basurang nabubulok at di nabubulok.


Magbigay ng limang basurang nabubulok na kadalasan nating makikita sa
ating mga tahanan.


8
Isaisip

A. Ano ang maaari nating gawin sa mga basurang nabubulok upang lubos itong
mapakinabangan?

B. Bakit mahalaga ang ang paggawa at paggamit ng abonong organiko?


Magbigay ng tatlong kaisipan o pangungusap na nagpapahayag ng kahalagahan
ng paggawa at paggamit ng organikong abono


1.

2.

3.

Isasagawa

Kopyahin ang Venn Diagram sa ibaba at punan ang mga sumusunod na datos
nito.

Epekto ng
Organikong Organikong Epekto ng
pataba sa mga Pataba Organikong pataba
halaman sa kapaligiran

9
Tayahin
Pangalan:_____________________________________ Seksyon:____________________
Asignatura:___________________________ Petsa:_____________________

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ay uri ng basura na ginagamit bilang pataba sa lupa.


A. Basurang nabubulok C. Di-nabubulok na basura
B. Compost D. Hukay
2. Isang paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad ng compost
pit kung walang bakanteng lote.
A. Basket Composting C. Compost pit
B. Basurang nabubulok D. Pataba
3. Pamamaraan ng paggawa ng abonong organiko kung saan maaring gumawa ng
hukay at doon itatapon ang mga nabubulok na basura katulad ng dumi ng hayop,
dahon, balat ng prutas, damo at iba. Ito ay maaaring gawin sa bakanteng lote.
A. Basket Composting C. Compost pit
B. Basurang nabubulok D. Pataba
4. Ito ay kinakailangan ng mga halaman upang ito ay lumaking malusog at mataba.
A. Basurang nabubulok C. Kemikal na abono
B. Di-nabubulok na basura D. Pataba
5. Isang uri ng pataba (organic fertilizer) na nagmumula sa nabubulok na mga
halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng organikong materyal.
A. Basurang nabubulok C. Di-nabubulok na basura
B. Compost D. Pataba

6. Alin sa sumusunod ang basurang di-nabubulok?

B. Balat ng manga C. supot ng kendi


B. Dumi ng hayop D. tuyong dahon

7. Anong uri ng lupa ang mainam taniman ng halaman?

A. Banlik B. Buhangin C. Luwad D. Maputik

10
8. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan sa paggawa at paggamit
ng abonong organiko.

A. Pinapatay ni Leo ang mga bulate sa lupang taniman.

B. Ginagamitan ng compost ang mga halaman ni Aling Rosa.

C. Bumibili ng kemikal na pang abono ng halaman si Mang Ondoy para sa


kanyang palay.

D. Ginagamitan ng mamahaling abonong kemikal ang lupaing taniman ni Mang


Jose upang ito ay tumaba.
9. Ang sumusunod na mga pangungusap ay nagpapahayag ng magandang dulot
ng paggamit ng compost Maliban sa isa.
A. Hindi mabilis matuyo ang lupa
B. Hindi tataba ang mga halaman kung gagamitan ng compost
C. Pinatataba muli ng compost ang lupa kaya dadami rin ang ani.
D. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig

10. Alin sa mga sumusunod ang basurang nabubulok?

A. Dumi ng hayop C. supot ng kendi


B. Pakete ng shampoo D. nabasag na pinggan

Karagdagang Gawain

Pangalan:_____________________________________ Seksyon:____________________
Asignatura:___________________________ Petsa:_____________________
Isulat ang ☺ kung ang mga sumusunod ay kahalagahan ngpaggawa ng abonong
organiko at  kung hindi.
________1. Pinapalambot ang lupa
________2. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani.

________3. Maaring mabawasan ang paggamit ng kemikal na abono.

________4. Madaling matuyo ang lupa sa paggamit ng abonong organiko.

________5. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na


humawak ng tubig.

11
12
Balikan: Pagyamanin Natin: Karagdagang
Gawain:
1. Buhangin A. 1. Basket
2. Banlik composting 1. ☺
3. luwad 2. compost pit 2. 
3.basket 3. ☺
composting 4. ☺
4.compost pit 5. ☺
B.
1. nabubulok
2. nabubulok
3. nabubulok
4. nabubulok
5. di-nabubulok
6. di-nabubulok
7. di-nabubulok
8. di-nabubulok
9. nabubulok
10. nabubulok
C.
1. ☺
2. 
3. ☺
4. 
5. 
6. ☺
7. ☺
8. 
9. ☺
10.☺
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Aklat:
Peralta, Gloria A. et.al. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5. VICARISH
Publication and Trading, Inc. 1946-A.F. Torres St., cor. Diamante Ext. Sta.
Ana, Manila.

Online Sources:
https://www.slideshare.net/jaz23/wbg-tagalog
https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/kahalagan-ng-paggawa-ng-
organikong-pataba
https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/paggawa-ng-plot

Images:
https://tinyurl.com/9t37bb4
https://www.slideshare.net/jaz23/wbg-tagalog
https://tinyurl.com/ctdw5xps
https://tinyurl.com/y53bbhwx
https://tinyurl.com/3cwyp98d
https://tinyurl.com/ej6s3t72
https://tinyurl.com/ynvpvx25
https://tinyurl.com/yv93b3wk
https://tinyurl.com/atcmjdxc
https://tinyurl.com/f6pfwama
https://tinyurl.com/5ksm2jyv

13

You might also like