Professional Documents
Culture Documents
10
Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 8
PAGSUSURI SA PILING KABANATA NG EL
FILIBUSTERISMO NA KAKIKITAAN NG KLASIKONG
KATANGIAN NG AKDA
Sub-Aralin: Mga Pang-uring Umaakit sa Imahinasyon at mga Pandama
Filipino – Ikasampong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: PAGSUSURI SA PILING KABANATA NG EL
FILIBUSTERISMO NA KAKIKITAAN NG
KLASIKONG KATANGIAN NG AKDA
Sub-Aralin: Mga Pang-uring Umaakit sa Imahinasyon at mga Pandama
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
ii
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
iv
ALAMIN
1
MGA TIYAK NA LAYUNIN
SUBUKIN
______1. Hindi maliit si Simoun, hindi rin naman ganoon katangkad kaya
masasabing siya ay may ____________________ taas.
______2. Malamig ang pakikitungo sa kapwa, waring laging may lihim na ikinubli.
Paghihiganti ang laging nasa isip kaya lubhang ___________________
ang kaniyang anyo.
______3. Mabibilis ang kanyang mga hakbang, nagmamadali, waring may
hinahabol. Doon sa ___________________ na sulok ng mga bahay-
bahay nakatago ang mga baril na gagamitin sa paghihimagsik.
______4. Madugo, maraming mamamatay, ang hindi kapanalig ay ituturing na
kaaway. _____________________, karima-rimarim ang mangyayaring
pag-aalsa!
2
______5. Nalimot niya ang sama ng loob nang mga nakaraang araw, tinanggap
niya sa kaniyang tahanan ang ngayo’y maysakit na mag-aalahas.
Nangingibabaw ang kabutihang- loob, ang pagiging______________.
10. Anong naisip o nadama ni Isagani nang mabilis lumayo si Basilio matapos
payuhang iwan ang lugar na malapit sa piging?
A. Nagtaka siya sa ikinilos ni Basilio
B. Natuwa siya sa sinabi ni Basilio sa kanya
C. Natakot siya nang lubos at umuwi sa bahay
D. Natauhan siyang hindi totoo ang sinasabi ni Basilio sa kanya
3
Para sa bilang 12-14
“Kagabi, habang kumakain kami, nagkaroon ng kaguluhuhan. Namatay ang ilaw sa
silid-kainang kinaroroonan ng heneral. Ang sabi nila’y di kilalang lalaki ang
nagnakaw sa handog ni Simoun sa mga ikinasal.”
Para sa bilang 15
“Nagkamali ako. Ngunit dahil ba riyan, kung kaya ng Diyos ninyong ito’y ipagkakait
ang kalayaan sa isang bayan at ililigtas ang iba na lalong imbi kaysa sa akin? Ano
ang pagkakasala ko kung ihahambing sa mga kasamaan ng mga namamahala?
Bakit pinahahalagahan pa ng Diyos na iyan ang aking kabuktutan kaysa daing ng
maraming walang sala?”
- Simoun
15. Alin sa mga sumusunusod ang hindi kabilang sa nais ipahiwatig ni Simoun
sa kanyang pahayag?
A. Ang pagparusa sa kanya ng Diyos
B. Ang hindi pagparusa ng Diyos sa kanya
C. Ang pagpapala ng Diyos sa kanya
D. Ang pagkakait ng Diyos ng kalayaan sa bayan
4
TUKLASIN
SURIIN
Kabanata 31
Ang Mataas na Kawani
Buod
Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli.
Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani.
5
Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging
di nakalaya ay si Basilio.
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos
na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng
Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang
di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng
Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat
matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam
sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang
Pilipinas.
Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan
ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.
Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa
kanyang kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay
alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa
inyo”.
Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing
siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo (bapor).
Kabanata 32
Ang Bunga ng mga Paskil
Buod
Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din a
nagpaaral ng mga anak. Buti pa ang maglimayom o kaya’y masaka.
Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa
tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.
Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay
madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.
Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng
ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika
ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang
ikakasal si Juanito kay Paulita.
Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas
sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.
Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw
ang mamamahala. Ito’y ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang
6
mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilalakay Simoun upang sila’y
anyayahan sa piging.
Kabanata 33
Ang Huling Matuwid
Buod
Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan Heneral. Nakahanda na
ang kanyang dadalhingmga alahas at lahat na. Paniwala ng marami na hindi
makapangahas magpaiwan si Smoun. Maring paghigantihan siya ng mga galit sa
kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.
Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat tanggapin kundi si Basilio.
Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan Kay laki ng ipinagbago ni Basilio.
Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit. Wala ang dating
kaamuan sa kanyang mga mata. Matalim na ang mga iyon. Para siyang bangkay
na nabuhay. Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni
Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na anak at kapatid na nilimot niya
ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay
nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang pag-iwas niya sa gulo
na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo
Sasanib na raw siya kay Simoun.
Noon lamang nagsalita si Simoun. Nasa sa panig daw pala niyang talaga ang
katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni
Basilio.
Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang matutuloy na ang
himagsikan dahil hindi na siya nag-aatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating
mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang
kanyang mga balak. Kung noon sana’y nagkatulungan na ang mga nasa sa
mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana ay
mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot. Sa mga imbi niya natagpuan ang
kanyang mga katulong. Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa
sapat nang simulan nila ang paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila.
Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila sa laboratoryo. Sa mesa roon
ay may isang kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong Granada, may
bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni Simoun ang mitsa. Bakal na
may dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may isang litrong gas.
Binuhusan ito ni Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng
likido – nitroglisirina.
Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na
dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban nila
sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si Basilio. Hindi makakibo
ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na kasangkapang
inilagay sa ilawan. Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa isang pista.
Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nito’y mangungulimlim at kapag ginalaw ang
mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan at
walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan.
7
Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga artilyero dahil sa kawalan ng
pangangasiwa. Ngayon kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa labanan.
. Kukunin nila sa tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang lahat ng
kalaban at ayaw sumama at patayin. Hindi na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag
na siya ng tatlo’t kalahating buwang pagkabilanggo. Nais niyang maghiganti.
Kabanata 34
Ang Kasal ni Paulita
Buod
Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani nguni’t
hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at
sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami ang
mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya
ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.
Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon. May
binanggit na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal
nina Paulita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal.
Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa kanya si
Isagani.Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong
pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya.
Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral, ang nangyari kay
Huli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang
sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni
Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal.
Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat – sa bahy ni
Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang
isang tanging ilawang handog naman ni Simoun.
Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang
aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang
pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-
asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang
bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang
mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea
nakalagay. Pipito ang doon ay luluklok. Naroon ang pinakamasarap at
pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng
Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don Timoteo.
Kabanata 35
Ang Piging
Buod
Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang
maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay
pinagpupugayan ni Don Timoteo.
8
Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan. Naroon
na sina Padre Salvi nguni’t wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo
sa palikuran nguni’t di siya makaalis at wala pa ang Heneral. May pumintas sa
mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang pinakamahal na
mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan.
Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May
nagsabi na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio nang harap-harapan.
Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa
siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naiisip na
bigyan ng babala ang mga iyon. Nguni’t siyang pagdating ng sasakyan nina Padre
Slavi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip.
Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y may utang
na loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na
pinatay nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa
sa akin? Mangamatay na nga sial na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio.
Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo ni Simoun
na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si Simoun.
Nguni’t nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling
nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa
paningin ni Basilio.
Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid,
si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahy. Nguni’t
hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo. Namutla si Simoun
nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas.
Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta.
Matulin!
Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni’t may nakita siyang isang lalaking tatanaw-
tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani
ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati.
May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila
niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio.
Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang
bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito.
Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang
nakasulat.
MANE THACEL PHARES
JUAN CRISOSTOMO IBARRA
Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre
Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra.
Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura nanlambot sa takot.
Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang Kapitan
Heneral. Walng nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwang hindi takot.
Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro.
Nguni’t nagsalita si Don Custodio. Ipinalagay kong ang kahulugan ng sulat ay
papatayin tayo ngayong gabi.
9
Di nakakibo ang lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo. Binitiwan ang mga
kubyertos. Lumabo ng ilawan.
Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng
ilawan. Biglang may mabilis na pimasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha
ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May humingi ng rebolber, may
magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa ilog.
Kabanata 36
Mga Kapighatian ni Ben Zayb
Buod
Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang
tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan
Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring
paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral.
Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan.
Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari.
Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob dawn g maraming tulisan ang bahay-
pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha
ang isang prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben Zayb.
Gagawin niyang bayani ang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang
silyang ginamit laban sa mga tulisan.
Nagtungo siya sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra.
Doon siya pinapagtika sa kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang maliit na sugat
sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang mga magnanakaw na may taglay ng
gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang
salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.
May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina
Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman.
Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at
ang pasabi’y kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik.
Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat daw
ay isang malakas na putok. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay
nilinlang. Nagsiurong ang ilan Ang iba’y nagsibalik sa bundok. Balak nilang
maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay
nagpasiyang manloob.
10
Kabanata 37
Ang Hiwagaan
Buod
11
Kabanata 38
Kasawiang-palad
Buod
Halimbawa:
kulay-asul hitsura-maganda
bilang-tatlo laki-mahaba
dami-isang kilo hugis-parisukat
Uri ng Pang-uri
1. Panlarawan-ito ay nagpakikilala ng pangngalan o panghalip. Ito rin ay mga
salitang naglalarawan ng katangian, kulay, lasa, anyo, hugis at laki.
Halimbawa:
15
masipag mabango
maganda palakaibigan
pula mahiyain
Halimbawa:
marami tatlo
kalahati pangalawa
ikapito isandaan
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay-naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip
Halimbawa:
matangkad malamig
mapayat matalino
maikili marunong
Halimbawa:
mas matangkad
magkasingpayat
parehong maikli
Halimbawa:
pinakamatangkad
higit na mapayat
napakaikli
16
4. Pang-amoy- kaugnay ng naaamoy
Halimbawa: mabangong bulaklak
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa kabanatang binasa?
Nakamit ba nila ang katarungang ipinaglaban?
2. Bakit kaya mahirap makamtan ang katarungan?
3. Ano kaya ang maaari mong maimumungkahi para masolusyunan ang
problemang ito?
4. Mabisa kayang gamitin ang mga salitang panlarawan sa paglalarawan ng mga
kaganapan at tauhan ng akda? Ipaliwanag
17
PAGYAMANIN
ISAISIP
18
ISAGAWA
PAGLALARAWAN
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
PAGLALARAWAN
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
19
PAGLALARAWAN
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________.
RUBRIK SA PAGLALARAWAN
TAYAHIN
21
Nagpapahayag ito na ang mataas na kawani ay:
A. Matigas ang ulo
B. Mahusay mangatwiran
C. May sariling paninindigan
D. May mataas na katungkulan
22
8. Ayon kay Simoun, ang laman ng lamparang sasabog ay:
A. likido at nitrogliserina C. bomba
B. mga asero at dinamita D. luhang natipon at poot na tinimpi
15. Ang mga sumusunod ay mga pang-uri. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng LANTAY na antas ng pang-uri?
A. Matangkad C. Magkasingtaba
B. Pinakamalaki D. Simbilis
23
KARAGDAGANG GAWAIN
24