You are on page 1of 19

9

10

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
PAGSUSURI SA PILING KABANATA NG
EL FILIBUSTERISMO
Sub-Aralin: Pagbubuod Gamit ang Tamang Mekaniks sa Pagsulat
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: PAGSUSURI SA PILING KABANATA NG EL
FILIBUSTERISMO
Sub-aralin: Pagbubuod Gamit ang Tamang Mekaniks sa Pagsulat

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Evelyn C. Tingson
Editor: Gelyn I. Inoy, Rico C. Tañesa
Tagasuri: Christopher D. Montecino, Dustin Kieth P. Jagunos, Corazon N. Ras,
Freddie E. Ebañez, Rico C. Tañesa, Gelyn I. Inoy
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsusuri sa Piling Kabanata ng El Filibusterismo.
Sub-aralin: Pagbubuod Gamit ang Tamang Mekaniks sa Pagsulat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pagsusuri sa Piling Kabanata ng El Filibusterismo. Sub-aralin:
Pagbubuod Gamit ang Tamang Mekaniks sa Pagsulat!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Alam kong sabik ka na sa bagong paksang iyong pag-aaralan


ngayon. Naranasan mo na bang magsuri ng isang akda? Paano mo ito
ginawa? Nakagawa ka na ba ng buod mula sa iyong mga nabasa na mga
kuwento? Ano-anong paghahanda ang iyong ginawa?

Sa modyul na ito ay masusi mong pag-aaralan ang isang akda ni Dr.


Jose P. Rizal, kaugnay sa pagsusuri sa piling kabanata ng kanyang nobela.
Inaasahang dito ay mahahasa ang iyong kakayahang magsuri ng piling
kabanata ng akda at ikaw ay makagagawa ng isang mahusay na buod
gamit ang tamang mekaniks sa pagsulat. Sa katapusan ng modyul na ito
ikaw ay inaasahang:

 Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng


binasang akda batay sa: katangian ng mga tauhan,
pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, tunggalian sa bawat
kabanata (F10PU-IV-b-c-86)

 Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata (F10PU-IV-b-c-86)

 Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat


(baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay
ng mgapangungusap/talata (F10PN-IVd-e-85)

 Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay


ng mga kaisipang namayani sa akda.

1
MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakasusuri sa buod ng binasang kabanata sa akda: katangian ng


mga tauhan, pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, tunggalian
sa bawat kabanata;
2. Nakasusulat ng buod ng piling kabanata gamit ang tamang
mekaniks sa pagsulat; at
3. Napahahalagahan ang kaisipang namayani sa akda kaugnay sa
sariling paniniwala.

SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat sa kuwaderno ang titik ng
iyong napiling sagot.

1. Ito ay isang pag-aaral, pagtatalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng isang


panitikan.
A. sosyolohiya C. literatura
B. sikolohiya D. pagsusuring pampanitikan

2. Ito ay uri ng tunggalian na ang tauhan ay nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan


o labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida.
A. tao laban sa tao C. tao laban sa kalikasan
B. tao laban sa sarili D. tao laban sa panahon

3. Ito ay tala ng isang indibidwal sa sarili niyang pananalita ukol sa kanyang


narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
A. buod B. kasaysayan C.maikling kwento D. nobela

2
4. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian nang mahusay na buod?
A. Nagsasama ng mga halimbawa, detalye o impormatibong wala sa orihinal na
teksto.
B. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na
mensahe.
C. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
D. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisisma.

5. Anak ni Tandang Selo na naging Kabesa de Barangay dahil sa tiyaga at hindi


nagbibigay ng sariling ideya at kritisisma.
A. Basilio B. Juli C. Tales D. Tano

6. Alin sa sumusunod na salita ang dapat isulat sa malaking titik?


A. naghihirap B.Simoun C. sakahan D. takot

7. Siya ang mag-aalahas na nakituloy sa bahay ni Kabesang Tales.


A. Selo B. Basilio C. Padre Camorra D. Simoun

8. “Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking
asawa’t anak na dalaga sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang
ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng
kanyang asawa’t mga anak”.” Ito ay pahayag ni ______________.
A. Tales B. Basilio C. Padre Camorra D. Simoun

9. Alin sa sumusunod na pahayag ang may wastong pagbabantas?


A. Malapit na ang ating, pagtatapos sabi ni Nikko.
B. Malapit, na ang ating pagtatapos sabi ni Nikko.
C. Malapit na ang ating pagtatapos, sabi ni Nikko.
D. Malapit na ang ating pagtatapos sabi ni, Nikko.

10. Ito ang bantas na ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o


pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
A. padamdam B. pananong C. tuldok D. kuwit

11. Alin ang tamang pagsulat sa pangungusap na ito, si Juli ang nag-iisang iniibig
ni basilio.
A. Si juli ang nag-iisang iniibig ni Basilio.
B. Si juli ang nag-iisang iniibig ni Basilio.
C. Si Juli ang nag-iisang iniibig ni Basilio.
D. Si juli ang nag-iisang iniibig ni Basilio.

12. Alin sa sumusunod ang dapat isulat na magsimula sa maliit na titik.


A. Tiyani B. Lupa C. San Diego D. Juliana

3
13. Sino ang isang makata na nagtapos sa Ateneo at isa rin sa nagnanais
magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila?
A. Isagani B. Sandoval C. Tadeo D. Quiroga

14. Isa sa pinakatanyag na abogado sa Maynila.


A. Ben Zayb B. Simoun C. Makaraig D. Ginoong Pasta

15. Sino ang isang mangangalakal na Intsik na nais maging konsul sa hinahangad
niyang konsulado ng Tsina sa Pilipinas?
A. Don Custodio B. Quiroga C. Padre Fernandez D. Sandoval

TUKLASIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang buod. Kunin ang mga salitang initiman
at isulat ang tamang pagkakasulat nito tulad ng nasa halimbawa.

KABANATA 8
MALIGAYANG PASKO
(1) Kinaumagahan ay agad na tumungo si juli sa kinalalagyan ng Mahal na
Birhen upang alamin kung may dalawandaan at limampung piso na sa ilalim
nito. (2) sa kasamaang palad ay hindi ito naghimala kaya inaliw na lamang
niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana
Penchang.
(3) Hindi Naghimala ang birhen. (4) Di nagbigay ng karagdagang
salaping Kailangan ni Juli. (5) Natuloy si Juli sa pagpapaupa kay Hermana
Penchang. (6) Araw iyon ng Pasko. Sa sama ng loob ay napipi ang kanyang
ingkong na si Tandang Selo. Halimbawa: juli – Juli (Pangungusap 1)
1. ___________ (Pangungusap 2)
2. ___________ (Pangungusap 3)
3. ___________ (Pangungusap 4)
4. ___________ (Pangungusap 5)
5. ___________ (Pangungusap 6)

Maestro Valle Rey.February 4, 2020, https://philnews.ph/2020/02/04/el-filibusterismo-mga-buod-ng-bawat-


kabanata-ng-nobela-ni-jose-rizal/

4
SURIIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kabanata 4 at 10 ng El Filibusterismo.

KABANATA 4
KABESANG TALES

Matigas na ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang
titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad na kapalit ang anak. Sabi
niya:
“Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking
asawa’t anak na dalaga (si Lucia) sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang
lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna
ng kanyang asawa’t mga anak”

Anya rin ukol sa pagiging kawal ni Tano: “Ako’y bumabayad sa abogado.


Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y
mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak.”

Tinanuran niya ang kanyang bukid kaya lagi niyang dinala ang kanyang baril.
Hindi makapasok ang sinuman dahil binalita siyang bumabaril. Nagdala siya ng
gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol.
Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos.

Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas maliban sa isang agnos na binigay ni
Basilio. Hindi pa rin nakasapat ang panubos. Pinasya niyang mangutang kay
Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay
bisperas ng Pasko. Kinabukasan, Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang
alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.

KABANATA 10
KAYAMANAN AT KARALITAAN

Sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan ng San Diego at Tiyani


nakituloy si Simoun. Nagdarahop si Kabesang Tales pero dala ni Simoun ang lahat
ng pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.

Ipinagmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales.


Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas: Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang
at asawa nito, andoon din si Hermana Penchang na bibili ng isang singsing na
brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng
alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.

5
Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisip niyang
parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun. Nilalait ang
kanyang kapahamakan. Bisperas pa naman ng araw nang kanyang pag-alis sa
bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang
pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama.
Walang namimili, ni isa man sa mga nagsitawad sa mga luma sa makasaysayang
alahas ni Simoun.

Inilabas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa.
Aniya kay Simoun, siya raw ay mamilili rin ng alahas. Tinanong si Kabesang Tales
kung may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun
ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang nagmongha. “Limandaang
piso o ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya.”

Nag-isip si Kabesang Tales. Sabi ni Hermana Penchang, di raw dapat ipagbili


iyon dahil minabuti pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isangguni raw muna ni
Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun.

Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang mga
prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si
Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama
ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang
kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si Kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na
di niya nakausap ang anak.

Kinabukasan, wala si Tales pati na ang rebolber ng mag-aalahas-wala sa


kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng
paumanhin si Tales sa pagkakakuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya
sa mga tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat
pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani
Simoun:

“Sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit


mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangako.”
Dinakip ng mga Guwardiya Sibil si Tandang Selo. Tatlo ang pinatay ni Kabesang
Tales ng gabing iyon: ang prayle; ang lalaking gumagawa sa lupa; at ang asawa
nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang
bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na
isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

Maestro Valle Rey.February 4, 2020,https://philnews.ph/2020/02/04/el-filibusterismo-mga-buod-ng-bawat-


kabanata-ng-nobela-ni-jose-rizal/

A. KAHULUGAN AT KATANGIAN NG BUOD


Ang buod ay tala ng isang indibidwal sa sarili niyang pananalita ukol sa
kanyang narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at
iba pa.

6
Nagtala sina Swales at Feat (1994) ang tatlong pangangailangang ito ay siya
ring repleksyon ng mga narapat na taglayin ng isang sulating buod.
1. Kailangang ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
2. Kailangang nailahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang
kinikilingan.
3. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa
sariling pananalita ng gumawa.

B. KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD


1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisisma.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o impormatibong wala sa
orihinal na teksto.
4. Gumagamit ng mga susing salita.
5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na
mensahe.

C. MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD

Narito ang ilang simpleng hakbanging magagamit sa pagsulat ng buod ng isang


akda.
1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto o
detalye.
2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang
panunahing paliwanag sa bawat ideya.
3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal
na paraan.
4. Kung gumamit ng unang panauhan (hal. Ako) ang awtor, palitan ito ng
kanyang apelyido ng manunulat o siya.
5. Isulat ang buod.

“Buod.docx-Pangalawang Topiko Kahulugan at Katangian ng


Buod”https://www.coursehero.com/file/28758208/Buoddocx/

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang itinuturing mong pinakamahalagang yaman na mayroon ka sa
buhay? Bakit?
2. Para sa iyo, alin ang higit na mahalaga, ang lupang iyong pinaghirapang
linangin, o ang paghahanap ng katarungan o ang isang buo at tahimik na
pamilya? Pangatuwiran.
3. Bakit mahalaga ang paggawa ng buod?

7
PAGYAMANIN

A. Panuto: Batay sa ibinigay na graphic organizer, tukuyin ang mga pangyayari


at tunggaliang naganap sa mga tagpuan ng buod sa bawat kabanata.
Tukuyin din ang mga tauhang sangkot sa bawat tunggalian at ang kanilang
papel na ginagampanan sa akda.

TAUHANG PAPEL NA TAGPUAN TUNGGALIAN NA


KASANGKOT GINAGAMPANAN NAGANAP/NANGYARI

1.

2.
3.
4.
5.

B. Panuto: Subukin mong sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong


kuwaderno.

1. Ano ang naging reaksiyon ni Simoun sa ginawang pagnakaw sa kanyang


rebolber ni Kabesang Tales? Nakaapekto ba ito sa kanyang pamilya (Juli,
Tandang Selo, Tano) Pangatwiranan.
2. Anong kalagayan ng mga Filipino noon ang nais ipahiwatig ni Rizal sa buhay
ni Kabesang Tales?
3. Naging makatotohanan ba ang mga pangyayaring inilahad sa mga
kabanata? Pangatuwiranan
4. Kung ikaw si Kabesang Tales, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?
Bakit? Ipaliwanag.
5. Paano umunlad ang buhay ni Kabesang Tales? Maglahad ng patunay.

8
ISAISIP

Mahalagang pag-aralan ang pagsusuri ng


isang panitikan at pagbubuod dahil napapadali nito
ang pag-unawa ng mambabasa sa isang akda.
Laging tandaan, kapag maayos mong nagawan ng
buod ang isang akda ibig sabihin ay naunawaan mo
ito. Huwag ding kalimutan na sa pagbubuod,
kailangan ang paggamit ng tamang mekaniks sa
pagsulat.

ISAGAWA

Panuto: Isagawa ang pagsusuri ng piling kabanata gamit ang grapikong


representasyon.
PAGSUSURI
Mga Kabanata Tauhan at Katangian Tunggalian
(Ilarawan ang mga (Tao vs. sarili, tao vs.
tauhan) tao o tao vs. lipunan)

Kabanata 4 KABESANG TALES-


(Si Kabesang Tales) PRAYLE-
JULI -

Kabanata 10 SIMOUN-
(Kayamanan at KABESANG TALES-
Karalitaan) HERMANA PENCHANG-

Pamantayan sa Pagmamarka
Ang kaisipan sa akda ay lutang na lutang sa isinagawang buod. 20

Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 20

Maraming mali ang mga bantas, baybay, at mga salitang 10


ginamit.
Kabuuang puntos 50

9
TAYAHIN

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa


kuwaderno ang tamang sagot.
1. Isang mapagmahal, maawain at mabuting anak ni Kabesang Tales.
A. Simoun B. Basilio C. Juli D.Padre Camorra

2. Anong tunggalian mayroon sa kabanata 4?


A. Tao laban sa Tao C. Tao laban sa Lipunan
B. Tao laban sa Sarili D. Tao laban sa Kalikasan

Para sa bilang 3-5.


Panuto: Kilalanin kung sino ang tinutukoy sa mga sumusunod na katangian.
3. Mestiso, misteryoso, at naghahanap ng totoong kakampi sapagkat may balak
na maghihiganti laban sa mga mang-aapi.
A. Selo B. Basilio C.Tales D. Simoun

4. Masipag, matapang, may paninindigan at kayang magbuwis ng buhay alang-


alang sa kanyang ipinaglalabang karapatan.
A. Selo B. Tales C. Basilio D. Simoun

5. Siya ang binatang matiyaga sa pag-aaral at nagnanais na magkaroon ng


tahimik na pamumuhay.
A. Selo B. Tales C. Basilio D. Simoun

Para sa bilang 6-10.


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.Piliin sa loob ng kahon
ang tamang sagot

A. walang kinikilingan B. sariling katha C. mapanuri


D. mapagtanggol E. pagkagalak

6. Pamamaraan sa paglalahad ng isang sulatin.


7. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa
sariling pananalita ng gumawa.
8. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at puna.
9. Si Hermana Penchang ang tumulong kay Juli upang matubos ang ama
mula sa mga tulisan.
10. Natuwa si Simoun sa ginawang pagpaslang ni Tales sa prayle at mag-
asawa.

10
Para sa bilang 11-15

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Pillin lamang ang titik
ng tamang sagot.

11. Alin ang tamang pagsulat sa pangungusap na ito, si juli ang nag-iisang
iniibig ni basilio.
A. Si juli ang nag-iisang iniibig ni Basilio.
B. Si juli ang nag-iisang iniibig ni Basilio.
C. Si Juli ang nag-iisang iniibig ni Basilio.
D. Si juli ang nag-iisang iniibig ni Basilio.

12. Alin sa sumusunod ang dapat isulat na magsimula sa maliit na titik.


A. Tiyani B. Barko C. San Diego D. Juliana

13. Sino ang isang makata na nagtapos sa Ateneo at isa rin sa nagnanais
magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila?
A. Isagani B. Sandoval C. Tadeo D. Quiroga

14. Isa sa pinakatanyag na abogado sa Maynila.


A. Ben Zayb B. Simoun C. Makaraig D. Ginoong Pasta

15. Sino ang isang mangangalakal na Intsik na nais maging konsul sa


hinahangad niyang konsulado ng Tsina sa Pilipinas?
A. Don Custodio B. Quiroga C. Padre Fernandez D. Sandoval

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Isulat ang buod ng kabanata 4 (KabesangTales) ng El Filibusterismo gamit


ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, paggamit ng malaki at maliit na
titik sa pagsulat) at salungguhitan ang salita/kataga/bantas na iyong binago.

Pamantayan sa Pagmamarka
Ang kaisipan sa akda ay lutang na lutang sa isinagawang buod. 10

Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 5

Maraming mali ang mga bantas, baybay, at mga salitang ginamit. 5

Kabuuang puntos 20

11
12
Subukin
1. D 9. C
2. A 10. A
3. A 11. C
4. A 12. B
5. C 13. A
6. B 14. D
7. D 15. B
8. A
Tayahin
1. B 9. mapagtanggol
2. A 10. Pagkagalak
3. D 11. C
4. B 12. B
5. C 13. A
6. Walang kinikilingan 14. D
7. Sariling katha 15. B
8. mapanuri
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Maestro, Valle Rey. “El Filibusterismo-Mga Buod Ng Bawat Kabanata ng Nobela Ni


Jose Rizal.” philnews.ph February4, 2020. https://philnews.ph/2020/02/04/el-
filibusterismo-mga-buod-ng-bawat-kabanata-ng-nobela-ni-jose-rizal/

“REMEDYASYON. PARA SA MEKANIKS NG PAGSULAT.”Mekaniksngpagsulat


(blog) January12, 2016.
http://mekaniksngpagsulat.blogspot.com/

“Buod.docx-Pangalawang Topiko Kahulugan at Katangian ng Buod”


https://www.coursehero.com/file/28758208/Buoddocx/

“REMEDYASYON PARA SA MEKANIKS NG PAGSULAT-Mga Bantas”


mekaniksngpagsulat (blog) January 12, 2016.
http://mekaniksngpagsulat.blogspot.com/p/mga.html

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

14

You might also like