You are on page 1of 22

10

Filipino
Ikaapat na Markahan
Una-Ikaapat na Linggo
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Una-Ikaapat na Linggo
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jherdine B. Navales, Disiplina Village NHS, Channon Gay A. Perez,


Malinta NHS, Elaine A.Palo, Viente Reales NHs, Rodalyn De Vera,
Bagbaguin NHS, Cedrez R. Diolan, Vicente P. Trinidad NHS,Robby
Dela Vega,Malinta NHS
Editor: Cherry Lou D. Tolentino, Head Teacher V, Polo NHS, Dimpol R. Zuleta,
Head Teacher III , Vicente Trinidad NHS
Tagasuri: Rosarie R. Carlos., Education Program Supervisor
Tagaguhit: LR Illustrator
Tagalapat: LR Illustrator
Tagapamahala:
Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent, OIC-OSDS
Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – National Capital Region
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
Unang Linggo
Aralin
Kaligirang Pangkasaysayan ng
1
El Filibusterismo
Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, inaaasahang:
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito
F10PT-IVa-b-82
 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi
ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda F10PB-IVa-b-86
 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo F10PS-IVa-b-85
 Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay
sa ginawang timeline F10PU-IVa-b-85
 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo F10PN-IVa-b-83
 Nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik
F10EP-IIf-33
 Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang
sanggunian
 Napahahalagahan ang napanood , pagpapaliwanag sa kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline F10PD-IVa-b-81
Subukin
A. Bilugan ang mga salita sa loob ng kahon na may kaugnayan sa kasaysayan
ng nobelang El Filibusterismo.
manuskrito erehe kasintahan kagalakan
simbahan paaralan sedula nobela
prayle panulat balakid pangungulila
pahayagan pilibustero paglilimbag pananalapi
B.Suriin ang mga salitang may kaugnayan sa nobelang El Filibusterismo. Bigyang
kahulugan ang mga ito batay sa pagkakagamit sa pangungusap.
1. Maituturing na pantas si Jose Rizal dahil sa kanyang katalinuhan.
2. Maraming mga kastila ang kumitil ng buhay dahil sa paghihimagsik ng
mga Pilipino.
3. Napiit si Jose Rizal dahil sa ginawa niyang mga nobela tumutuligsa sa
pamahalaan.
4. Inalipusta ng mga kastila ang mga Pilipino.
5. Tinuring tayong mga indiyo ng mga prayle dahil naniniwala sila na hindi
natin sila kapantay.

Balikan
Gumawa ng maikling buod ng unang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal, ang
Noli Me Tangere gamit ang graphic organizer.

1
Simula Gitna Wakas

NOLI ME
TANGERE

Tuklasin
Suriin ang mga pangyayari. Patunayan ang pag-iral ng sumusunod na mga
kondisyon sa pamamagitan ng pagbanggit ng tiyak na bahagi ng akda.Ang unang
bilang ay ginawa para sa iyo.
Kondisyong umiiral nang isulat Patunay na ito ay naganap batay
ni Rizal ang nobela sa nilalaman ng buod nito
Ipinagbawal ang mga babasahing Si Basilio ay nakulong dahil sa kung ano-
naglalaman ng mga katuruang laban anong mga baabsahing laban sa mga
sa mga Espanyol Kastila ang nasamsam sa kanyang tirahan.

Hindi lahat ng mga Pilipinong


nakapag-aral gaya ng mga Illustrado
ay sumusuporta sa adhikain ni Rizal
sa pagbabago
May mga taong tumulong kay Rizal
upang maipagpatuloy niya ang
kanyang mga adhikain

Suriin
Basahin at unawain :

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO


Isa ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal sa mga natatanging akda
na naisulat at tumatak sa kasaysayan ng rebolusyon at pagkilos ng lahing Pilipino.
Kasunod ito ng naunang nobelang Noli Me Tangere na nailimbag noong Pebrero 1887
sa Berlin, Germany. Nang taong din iyon, nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas
makalipas ang limang taon ng paglalakbay at pag-aaral sa Europa upang muling
makapiling ang kaniyang pamilya at makapaglingkod sa kaniyang bayan bilang isang
manggagamot. Ngunit dahil sa kontrobersiyang dala ng kaniyang unang nobela na
naipakalat na rin sa Pilipinas, napilitan siyang lisanin ang bansa at muling maglakbay
sa Europa dahil sa mga banta sa kaniyang buhay at kaligtasan ng kaniyang pamilya.
Dulot ng kaniyang mga namalas na pagbabago’t mga suliranin sa kaniyang
bayan dahil sa mapang-aping pamamalakad ng mga ganid na prayle, muling sumikdo
ang pagnanais ni Rizal na lumaban sa pamamagitan ng kaniyang panulat.
Pinaniniwalaang sinimulan niyang isulat ang ilang bahagi ng kaniyang ikalawang
nobelang El Filibusterismo na may saling “Ang Paghihimagsik” noong Oktubre 1887
habang siya ay nagpapraktis ng kaniyang panggamot sa Calamba, Laguna. Nang
dumating siya sa London, gumawa siya ng maraming pagbabago sa banghay ng
kuwento nito.
Kasabay ng kaniyang pagsusulat para sa nobelang ito ay ang balita ng mga
paghihirap na dinaranas ng kaniyang mga kamag-anak sa Pilipinas dahil pa rin sa
kontrobersiyang dala ng diumano’y subersibo o rebolusyonaryong Noli Me Tangere.
Ginawa niya ang malaking bahagi ng nobela sa kaniyang paglalakbay sa Paris,
Madrid, at Brussel. Dulot ng paghihirap ng kalooban at iba pang suliranin gaya ng

2
usaping pinansiyal, hindi agad nailimbag ang aklat, bagaman natapos niya ang inisyal
na manuskripto nito noong Marso 29, 1891 sa Biarritz, France.
Sa tulong ng isang kaibigan mula sa Paris, na si Valentin Ventura, naisakatuparan
ang pagpapalimbag ng aklat na ito. Ngunit dahil limitado lamang ang tulong na
kaniyang maaasahan mula sa mga kaibigan, napilitan si Rizal na ibaba ang bilang ng
kabanata ng El Filibusterismo sa tatlumpu’t walong kabanata. Malayo ito sa
animnapu’t siyam na kabanata ng Noli Me Tangere. Naipalimbag niya ito sa
pinakamurang palimbagan na kaniyang natagpuan sa Ghent, Belgium noong
Setyembre 22, 1891. Dahil sa malaking utang na loob at kasiyahan, ibinigay ni Rizal
ang orihinal na manuskripto ng nobela sa kaibigang si Valentin Ventura. Ibinigay niya
ito kalakip ang isang nilimbag na kopya na may sariling lagda.
Pinadalhan din ni Rizal ng mga kopya ng kaniyang nobela ang matatapat na
mga kaibigang sina Dr. Ferdinand Blumentritt, Marcelo Del Pilar, Graciano Lopez
Jaena, at Juan Luna. Pagkatapos ay ipinadala niya ang ibang kopya sa Hong Kong at
ang iba naman ay sa Pilipinas.
‘Di naglaon, isang masamang balita ang nakarating kay Rizal. Nasamsam ang
mga sipi ng kaniyang nobela sa Hong Kong at sinira naman ng mga Espanyol ang mga
kopyang nakarating sa Pilipinas. Ang ilang kopyang naipuslit ang siyang
nakapagbigay-sigla sa mga Katipunero upang labanan ang pamahalaang Espanyol at
maibalik ang kalayaan ng Pilipinas.
Maaari n’yo ring panoorin ang mga sumusunod :
https://www.facebook.com/f1l1p1n0y/posts/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el-
filibusterismo-ang-ikalawang-nobela-ni-dr-jose-r/1915040508538489/
https://www.youtube.com/watch?v=IRMOA3VmST0
https://www.youtube.com/watch?v=oCCVo8QgJ0c&ab_channel=RenatoMolina
ANG PAGSULAT NG EL FILIBUSTERISMO - YouTube
Ang sanggunian (reference) ay isang ugnayan sa pagitan ng mga bagay kung
saan ang isang bagay ay nagtatakda, o gumaganap bilang isang paraan upang
umugnay o kumawing sa isa pang bagay.
Ang katagang sanggunian ay ginagamit sa maraming mga kalipunan, sakop,
o saklaw ng kaalaman ng tao, na umaako ng mga antas ng kahulugan na
partikular sa mga diwa o mga konteksto na pinaggagamitan nito.
May dalawang uri ng sanggunian ang kinikilala upang makapaglikom ng mga
impormasyon. Ito ang Primaryang Sanggunian at Sekundaryang Sanggunian. Ang
dalawang uri na ito ay naglalaman ng iba't ibang klase ng mga reperensya na kung
saan maaaring makakuha ng mga impormasyon.
Pagyamanin
A. Tukuyin kung alin sa mga ito ang naging layunin ni Rizal sa pagsulat niya
ng El Filibusterismo. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang.
____ 1. Nakatulong nang malaki ang El Fili na maiwaksi ang mga balakid sa
pagsasagawa ng paghihimagsik noong 1896.
____ 2. Nalimbag ang El Filibusterimo ni Rizal upang itampok sa buong mundo ang
magagandang naidulot ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
____ 3. Nais ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino
laban sa pang-aapi ng pamahalaang Espanyol.
____ 4. Pinangarap ni Rizal na mailimbag ang nobelang ito upang mahimok ang mga
Pilipinong makamit ang inaasam-asam na pagbabago sa pamamagitan ng
mapayapang paraan.
____ 5. Bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na GOMBURZA ay inialay ni Rizal
ang El Filibusterismo.

3
B. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari batay sa kasaysayan ng pagkakasulat ng
El Filibusterismo. Isulat ang titik A- J.
___1.Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobelang El Filibisterismo
subalit may ilang nakalusot at nagbigay inspirasyon sa mga naghihimagsik.
___2. Ipinadala ni Rizal sa Hongkong ang karamihan sa kanyang mga aklat na El Fili
at ang iba ay sa Pilipinas.
___3.Sa tulong ni Valentin Ventura, naisakatuparan ang paglilimbag ng nobelang El
Filibusterismo.
___4.Kinapos si Jose Rizal sa usaping pinansiyal.
___5.Nagpunta si Rizal sa Ghent at nakasama si Jose Alejandrino.
___6.Natapos ni Rizal ang manuskrito ng nobelang El Filibusterismo sa Biarritz,
France.
___7.Bumalik si Rizal sa London at doon ay marami siyang ginawang pagbabago sa
banghay ng El Filibusterismo.
___8.Umalis si Rizal sa Pilipinas at nagtungo sa iba’t ibang bansa para makaiwas
siya at ang kanyang pamilya sa kalupitan ng mga kastila.
___9. Ipinagbawal sa Pilipinas ng pamahalaan ang pag-aangkat ng Noli Me tangere.
___10. Nang bumalik sa Pilipinas , ay ginamot niya ang kanyang ina.
C. Isulat ang T sa patlang kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon
sa panahong isinulat ang El Filibusterismo at M kung hindi.
____ 1. Pinayuhan si Rizal na umalis para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
____ 2. Higit na naging madali kay Rizal ang pagsulat ng El Fili kaysa sa Noli.
____ 3. Nagtungo si Rizal sa iba’t ibang bansa at napakarami niyang natutuhan
sa paglalakbay.
____ 4. Ang panggagamot ang isa sa pinagkukuhanan ni Rizal upang matugunan
ang kanyang pangangailangan.
____ 5. Kinapos sa usaping pinansiyal si Rizal kaya naghigpit siya ng sinturon.

Isaisip
Panoorin ang video na nasa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=pq50Rzc0q8c at ipaliwanag ang mga
sumusunod:
1.Batay sa napanood, sino-sino ang mga naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal sa
pagsulat ng akdang El Filibusterismo?
2.Ilahad ang naging dahilan kung bakit naisulat ang El Filibusterismo.
3.Bakit nasabing ito ay NOBELANG POLITIKAL? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Isagawa
Bilang isang mag-aaral. Ipaliwanag kung paano mo maiiwasan ang Fake News
lalo na sa panahon ng laganap na maling paggamit ng social media. Iugnay sa
tinalakay na paksa sa paggamit ng sanggunian.

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Tayahin
Suriin ang mga pangyayari sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ) ang patlang na
nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng El Filibusterismo.
____ 1. Ang pagbitay sa tatlong paring martir

4
____ 2. Pagtalikod kay Rizal ng kanyang mga kaibigan
____ 3. Pagtulong ni Valentin Ventura
____ 4. Sobrang kagipitan sa pinansiyal ni Rizal.
____ 5. Pagpapahirap ng mga prayle sa mga Pilipino
____ 6. Paglalakbay ni Rizal sa iba’t ibang lugar
____ 7. Pagkakasulat ng Noli Me tangere
____ 8. Ang hindi pagkakaisa ng kanyang mga kasamahan sa Propaganda
____ 9. Ang pagsasakripisyo at pagtitipid ni Rizal sa araw-araw
____10. Ang pag-ibig ni Rizal kay Suzanne Jacoby
____11. Natakot ang mga Pilipino na basahin ang nobela ni Rizal
____12. Pagkagalit ni Rizal sa mga taong tumalikod sa kanya
____13. Pag-aalala ni Rizal sa kalagayan ng pamilya.
____14. Pagsuko ni Rizal sa mga suliraning kinaharap niya
____15. Paghahandog ni Rizal sa GOMBURZA ng kanyang nobela

Karagdagang Gawain
A. Ilahad ang mga mahahalagang pangyayari bago, habang at matapos isulat
ang nobelang El Filibusterismo.
Habang:
______________________
______________________
______________________
_______________
Bago: Pagtapos:
______________________ ______________________
______________________ ______________________
______________________ ______________________
_______________ _______________

B. Punan ang timeline ng buod ng pangyayari sa kasaysayan ng El


Filibusterismo. Gawing gabay ang mga petsa na nakasulat sa kahon.

1885- Marso 1891 1891-


_____________ _____________ _____________
_____________ _____________ _____________
__ __ __

1890- Setyembre 1891-


_____________ _____________
_____________ _____________
__ __

5
Ikalawang Linggo
* Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang
Aralin pahayag
2 * Pagtukoy sa papel na ginampanan ng mga
tauhan
* Pagsulat ng buod ng binasang Kabanata

Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, inaaasahang:
 Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa
F10PT-IVb-c-83
 Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan
ng: pagtunton sa mga pangyayari,pagtukoy sa mga tunggaliang naganap,
pagtiyak sa tagpuan at pagtukoy sa wakas F10PB-IVb-c-87
 Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-IVb-c-86

Subukin
Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang kinakatawan o
ginagampanan ng tauhan.
____ 1. “Kinakatawan ko si Rizal at mga _________ nais ipaglaban ang karapatang
niyurakan ng mga mapaniil na naghaharing-uri.”
A. Pilipino B. Espanyol C. Amerikano D. Mulato
____ 2. “Kinakatawan ko ang __________ na maagang nawalan ng magulang at
nakaranas maging kasambahay upang makapag-aral. Pinatunayang
makapag-aaral ang may pagsisikap sa buhay.”
A. Mga pari B. Mga magulang C. Mga anak D. Matatanda
____ 3. ‘Kinakatawan ko ang mga __________ tapat magmahal at may prinsipyo sa
buhay.
A. Kalalakihan B. Kabataan C. Mag-aaral D. Matatanda
____ 4. “Kinakatawan ko ang mga Pilipinong inangkin ng mga ___________ ang lupaing
sinasaka kaya’t nagrebelde.”
A. Makapangyarihan B. Mahihirap C. Mayayaman D. Prayle
____ 5. “Kinakatawan ko ang _____________ mapagmahal sa kasintahan o kabiyak ng
puso na gagawin ang lahat mailigtas lamang ang minamahal.”
A. Kalalakihan B. Matatanda C. Biyuda D. Kababaihan

Balikan
Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay tumutukoy sa kasaysayan ng El
Filibusterismo at ekis (X) kung hindi.
____ 1. El Filibusterismo ang pangalawang nobelang isinulat ng ating pampansang
bayaning si Jose Rizal bilang karugtong ng Noli Me Tangere.
____ 2. El Filibusterismo ay orihinal na nakasulat sa wikang Ingles.
____ 3. Sa pagtatapos ng ika-19 na siglo , ang salitang filibustero ay naging n
kilala sa Filipinas na nangangahulugang “subersibo”.
____ 4. Sinimulan ni Rizal ang pagsulat sa El Filibusterismo noong Oktubre

6
1887 habang sia ay nasa Calamba.
____ 5. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Valentine Ventura, nailathala ito
noong Setyembre 22, 1892 sa Ghent, Belgium.

Tuklasin
Isulat ang kahulugan ng matatalinghagang payahag ng ilan sa mga tauhan
ng El Filibusterismo.

_______________________________
“At sabihin ninyo na ang tubig ay
matamis at naiinom ngunit lumuluhod sa _______________________________
alak at serbesa at pumapatay ng apoy, _______________________________
na kapag pinainit ay sumusula; nagiging _______________________________
malawak ang dagat at gugunaw ng _______________________________
santinakpan.”- Isagani _______________________________
_______________________________

“Kapag kakailanganin ka ng mga tao sa _______________________________


isang banal at dakilang layunin ay _______________________________
pahintulutan ng Diyos na hanguin ka sa _______________________________
sinapupunan ng mga alon... samantala _______________________________
diya’y di ka makagagawa ng kasamaan _______________________________
at makapag-uudyok ng kasamaan.” – _______________________________
Padre Florentino _______________________________

_______________________________
_______________________________
“Ang pagpapaumanhin ay di laging
_______________________________
kabaitan, ito’y kasalanan kung
_______________________________
magbibigay-daan sa pang-aapi. Walang
_______________________________
mang-aalipin kung walang paaalipin.”-
Simoun _______________________________
_______________________________

Suriin
Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag. Sinasalamin
ang paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Matatalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi
tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng
paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.
Basahin ang Buod ng El Filibusterismo : El filibusterismo - Wikipedia, ang
malayang ensiklopedya at maaari ring panoorin : Mga Tauhan sa El Filibusterismo -
YouTube at EL FILIBUSTERISMO | FULL MOVIE - YouTube upang mas lubos mong
maunawaan ang nobela.
Mga Tauhan at Papel na Ginagampanan sa Nobela
Mga Kinakatawan sa Tunay Papel an Ginampanan sa
Tauhan na Buhay Nobela
Simoun Si Rizal at mga Pilipinong nais Mayamang nag-aalahas.
ipaglaban ang karapatang Pinagkakamalang Indiyo, Ingles,

7
niyurakan ng mga mapaniil na Portuges, Amerikano, Mulato at
naghaharing-uri. kung minsan tinatawag na Cardinal
Moreno. Kaibigan ng mga
makapangyarihan at mga pari.
Misteryosong nakasalaming may
kulay tuwing araw at gabi.
Basilio Mga anak na maagang nawalan Anak ni Sisa, nanilbihan kay
ng magulang at nakaranas Kapitan Tiyago kapalit ng pag-aaral
maging kasambahay upang ng medisina. Batid niya ang lihim ni
makapag-aral. Smoun.
Isagani Kabataang tapat magmahal at Mag-aaral sa Ateneo Minicipal,
may prinsipyo sa buhay. makata at pamangkin ni Padre
Florentino. Kasintahan ni Paulita
Gomez.
Kabesang Pilipinong inangkin ng mga Kabesa de Barangay na naghimagsik
Tales makapangyarihan ang lupaing laban sa korporasyon ng mga paring
sinasaka kaya’t nagrebelde. inangkin ang hinawang lupain kaya’t
sumapi sa rebelde.
Padre Mga alagad ng diyos na mabait Isang Pilipinong pari na amain ni
Florentino may prinsipyo at di sumusunod Isagani. Nasaksihan ang kamatayan
sa agos ng pagkakamali. ni Simoun, siya ang nagtapon ng
kayamanan ni Simoun sa pusod ng
dagat.
Juli Ang kababaihang mapagmahal sa
kasintahan o kabiyak ng puso Bunsong anak ni kabesang Tales,
gagawin ang lahat mailigtas kasintahan ni Basilio.
lamang ang minamahal.
Placido Kabataang may angking talent at Kilalang pinakamatalinong mag-
Penitente galling sa pag-aaral ngunit aaral mula sa Tanauan Batangas.
nawalan na ng gana sap ag-aaral Nag-aaral ng abogasya dahil
bunga ng ilang pangyayari sa mahusay sa debate at sa Latin.
paaralan. Nagdesisyong di na ipagpatuloy ang
pag-aaral dahil sa kabiguan sa
Sistema ng edukasyong inaasam sa
Maynila.
Pari Irene Taong may dalawang mukha o Paring namahala sa paghingi ng
ang tinatawag na balimbing kapahintulutang makapagtayo ng
Akademya ng Wikang Espanyol.
Kaibigang matalik at tagapayo ni
Kapitan Tiyago.
Tandang Lolong matiisin na nakaranas ng Lolo nina Juli at Tano na dinibdib ang
Selo maraming suliranin sa pamilya mga kasawian ng pamilya, napipi at
nabaril ito ng apong si Tano
Padre Paring kumakatawan sa mga Ang kura sa San Diegong pumalit kay
Salvi alagad ng Diyos na tahimik P. Damaso. Tinaguriang
moscamuerta o patay na langaw.
Padre Mapagkunwari at di Kura paroko na mukhang artilyero ng
Camorra mapagkakatiwalaan kumbento ng Tiani na nagtangkang
pagsamantalahan si Juli.
Padre Alagad ng Diyos na may sariling Dominikong paring may kakaibang
Fernandez paninindigan at di ugali dahil sa paninindigan sa ibang

8
nagpapaapekto sa nais ng kaparian, paboritong mag-aaaral si
nakararami. Isagani dahil sa katalinuhan nito.
Paulita Babaeng sumusunod sa batas ni Katipan ni Isagani maganda at
Gomez Darwin na ang babae ay mayamang pamangkin ni Donya
nagpapaangkin lamang sa Victorina.
lalaking higit na sanay
makibagay sa kinalakhang
kalagayan
Ginoong Matalinong tao na kahit batid ang Pinakatanyag na abogado sa Maynila
Pasta katotohanan, di pumapanig dahil at sanggunian ng mga prayle kung
naglilingkod sa pamahalaan may suliranin. Pinagsanggunian din
ng mga mag-aaral tungkol sa
pagpapatayo ng Akademya ng wikang
Espanyol.
Don Custodio Makapangyarihang mahilig sa Espanyol na opisyal ng pamahalaang
publisidad. tingin sa sarili na siya lamang ang
nag-iisip sa Maynila, hindi kikilos
kung walang papuri ng pahayagan,
mahilig humawak ng maraming
tungkulin ngunit hindi alam kung
paano palalakarin. Binansagang
“Buena tinta”
Tano Anak na naging dahilan ng Anak na lalaki ni kabesang Tales na
kamatayan ng kadugo pumasok na guwardiya sibil.
Macaraig Mag-aaral na gagawin ang lahat Mayamang mag-aaral na masigasig
makamit lang ang gusto sa pagkakaroon ng Akademya ng
Wikang Espanyol.
Juanito Pelez Mag-aaral na malapit sa mga Kubang anak ng isang mayamang
guro at umaasa sa talion ng iba. mangangalakal naikasal kay Paulita
Gomez, mahusay makisama sa mga
propesor, mahilig manukso at
palaasa sa katalinuhan ng iba.
Sandoval Mga banyagang nasa Pilipinas at Espanyol na kawaning nagpatuly ng
binalot na ang katauhan ng pag-aaral sa Pilipinas, lihis ang mga
kulturang Pilipino. Gawain sa kaniyang mga kababayan
at nakiisa sa mga Pilipinong mag-
aaral sa pagkakaroon ng Akademya
ng wikang Espanyol.
Tadeo Mag-aaral na walang Mag-aaral na kaya lang pumapasok
pagpapahalaga sap ag-aaral. sa paaralan upang alamin kung may
pasok.
Quiroga Mga Tsino sa Binondo at iba pang Mangangalakal na Tsino na nais
panig ng bans ana yumaman sa magkaroon ng konsulado ng Tsino sa
pangangalakal at pagpapautang. Pilipinas at kaibigan ng mga prayle.
Donya Pilipinang nag-aasal Tiyahin ni Paulita Gomez na nag-
Victorina banyaga/dayuhan. ayos, kumilos at nag-asal na isang
Espanyol. Itinuturing din siyang
mapait na dalandan.
Hermana Nagpapanggap na relihiyoso at Mayamang Donya/manang na
Penchang may kakayahang ipagkanulo ang nagpahiram ng pantubos kay Juli
pagtitiwala ng kapuwa. bilang kapalit ng pagiging katulong
dito.

9
Ben Zayb Banyaga/ Pilipinong Mamamahayag na Espanyol na di
mamamahayag na di tapat sa patas sa pagsulat ng balita at mataas
pagsulat ng balita at mataas ang ang tingin sa sarili na siya lamang
pagtingin sa sariling kakayahan. ang nag-iisip sa Maynila.

Pagyamanin
A. Isalaysay ang mahahalagang pangyayaring naganap sa buod ng El
Filibusterismo. Tukuyin ang mga tauhang kasangkot sa tulong ng kasunod na graphic
organizer.

Sa Sa wakas
Una Sumunod Pagkatapos Di-naglaon Kalagitnaan

B. Isulat ang tunggaliang hinihingi sa buod ng nobela batay sa uri nito.


Tunggalian

Tao sa Tao Tao sa Sarili Tao sa Lipunan

C. Tukuyin at isulat ang hinihinging mga kasagutan sa kasunod na graphic


organizer.

Mensahe

Wakas ng El
Emosyon
Filibusterismo

Repleksyon

Isaisip
Ilahad ang iyong natuklasan sa mga tauhan sa kanilang papel na
ginampanan sa nobela.

Natutunan ko na Naging Kawili-wili sa Nais ko pang malaman


akin ang ang tungkol sa

10
Isagawa
Basahin at sagutin ang mga sumusunod:
A. Kung ikaw si Padre Florentino, itatapon mo ba sa dagat ang kayamanan ni
Simoun? Pangatwiranan ____________________________________________________
B. Uminom si Simoun ng lason upang magpatiwakal nang sa gayon ay takasan
ang gagawing pag-uusig sa kanya.
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Simoun, gagawin mo rin ba ang kanyang
ginawa? Bakit? __________________________________________________________
2. Paano mo haharapin ang ganoong problema? _______________________
Tayahin
Isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat patlang.
A. Pagtunton sa mga pangyayari C. pagtiyak sa tagpuan
B. Pagtukoy sa mga tunggaliang naganap D. pagtukoy sa wakas
____ 1. Inaglahi si Basilio ng mga taong kanyang nakasalamuha dahil sa aba
niyang kalagayan at kakaiba niyang bihis at anyo.
____ 2. Lumuwas ng Maynila si Basilio at halos magpatiwakal sa hirap na
naranasan.
____ 3. Napipi at napatay ni Tano ang kanyang lolong si Tandang Selo.
____ 4. Gumuho ang mundo ni Simoun sa pagkamatay ni Maria Clara.
____ 5. Nagbanta si Simoun sa harap ng matataas na kawani ng pamahalaan at
mga Diyos ng simbahang nais niyang lipulin ang lahat ng masama.
____ 6. Inisa-isang kinausap ni Simoun ang mga kabataan upang mahikayat
silang lumaban sapamahalaan.
____ 7. Nagtalo ang mga kilalang taong manlalakbay sa itaas ng kubyerta.
____ 8. Nabalam si Basilio sap ag-uwi sa tahanan ni Kapitan Tiago sa San Diego.
____ 9. Malungkot na nagmuni-muni si Basilio nang may marinig siyang
kaluskos at langitngit.
____ 10. Nakilala agad ni Basilio si Simoun nang makita niya ito sa kagubatan.

Karagdagang Gawain
Pumili ng isa sa mga maituturing na pangunahing tauhan sa nobelang El
Filibusterismo. Tukuyin ang papel na kanyang ginampanan sa pamamagitan ng
pagtunton sa mga pangyayari at tunggaliang nangyari sa kanilang buhay sa isang
tiyak na tagpuan sa akda at saka tukuyin ang maaaring wakas ng mga pangyayaring
ito.

Napiling Tauhan Tiyak na Tagpuan ng Pangyayaring


Tinatalunton

11
Mahahalagang Pangyayari sa buhay ng tauhan
Mahahalagang
Pangyayari at
Tunggaliang Natunton
Tunggaliang Naganap sa buhay ng tauhan
sa Buhay ng Tauhan

Posibleng wakas o Kinahinatnan ng Tauhan


Posibleng wakas o
kinahinatnan ng Tauhan

Ikatlong Linggo
* Pag-uugnay sa kasalukuyang mga pangyayari
Aralin sa video clip
3 * Pagbabahagi ng ginawang pagsusuri
* Paggamit sa pagbubuod ng tamang mekaniks
* Pagpapaliwanag sa kaisipan

Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, inaaasahang:
 Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang
pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda F10PD-IVb-c-82
 Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda
batay sa: katangian ng mga tauhan,pagkamakatotohanan ng mga pangyayari
at tunggalian sa bawat kabanata ng mga tauhan F10PS-IVb-c-86
 Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas,
at iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/ talata
F10PU-IVb-c-86
 Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng
:karanasang pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung pambansa at
pangyayaring pandaigdig F10PN-IVf-90
Subukin
Suriin ang pagkakaayos ng mga nabasang buod ng mga kabanata ng nobela.
Lagyan ito ng bilang 1 hanggang 10 upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari.
Nabalam si Basilio sa kanyang pag-uwi sa tahanan ni Kapitan Tiyago dahil
nahuli ang kutserong si Sinong sa iba’t ibang paglabag nito sa batas. Nadakip,
dinala at sinaktan ang kutsero sa kuwartel kaya naglakad na lamang si Basilio.
Naghugas kamay ang mga taong may kasalan sa masasakit at mapapait na
nangyari sa buhay ni Kabesang Tales.

Binalikan ni Basilio angpuntod ng ina at muli niyang nagunita ang masaklap


na nangyari sa kanilang buhay.
Pasko ng umalis si Juli upang manilbihan at nang mapunan ang kulang na
salaping pantubos sa mga tulisang bumihag sa amang si Tales.

12
Nagdatingan at naglabas ng natatagong salapi ang mga taga-Tiani at taga-San
Diego upang bumili ng mga mamahaling alahas kay Simoun gayong ang iba ay
halos walang naani na sakahan.
Sa dating lupain ng mga Ibarra nap ag-aari na ni Kapitan Tiyago ay natuklasan
ni Basilio ang lihim ni Simoun. Gayong ito ay iginagalang at kinikilalang
malapit sa kapitan heneral ay nalaman niiyang nangungumbinsi pala ito ng
mga taong mapabibilang sa inoorganisa niyang himagsikan.
Masipag at mapayapang mamamayan si Kabesang Tales subalit nagging
marahas at napilitan pang kumitil ng buhay nagawa pang pumatay nang
mawala nang lahat sa kanya dahil sa kawalang katarungang natamo niya at
ng kanyang pamilya.
Masayang naghuhuntahan ang matataas at kilalang tao ng lipunan sa itaas ng
Bapor Tabo.
Makasaysayan ang ilog Pasig dahil sa iba’t ibang kuwento ang narinig ditto ng
mga pasahero mula sa kapitan ng barko, Padre Salvi at Padre Florentino.
Hindi alintana ng mga pasahero ang init, siksikan, ingay at iba pang kaguluhan
sa ibaba ng barko kaya nakapag-usap pa nang masinsinan ang magkaibigang
Basilio at Isagani.

Balikan
Piliin at isulat ang titik ng tamang kahulugan ng matatalinghagang salita
o pahayag sa linya bago ang bilang.

____ 1. Hubad na sa mga pananim ang parang.


____ 2. Ang duwag ay magbubunga lamang ng
alipin. A. Karahasan
____ 3. Gumuho ang daigdig at ang mga bituin. B. Di laging kailangan ang
____ 4. Walang lihim na hindi nabubunyag. dahas para umunlad
____ 5. Ang matatapang na kawal sa mga C. Nagbingi-bingihan
nakataling bihag ay nabahag ang buntot nang D. Manganganak ng
paulanan sila ng bala mula sa liblib na masamang binhi
kabundukan. E. Malapit nang mamatay
____ 6. Wala nang nalalabi kundi ang hangad F. Pagbagsak at pagkabigo
na gantihan ng sama ang sama, ng krimen ang G. Mabuting tao
krimen, ng karahasan ang karahasan. H. Paglabas ng
____ 7. Isang mala-angel na kamay ang katotohanan
kumalinga sa sugatang si Simoun I. Wala nang
____ 8. Nagtaingan-kawali noon si Simoun mapakikinabangan
nang humingi ng tulong si Padre Florentino. J. naduwag
____ 9. Malapit nang magsara ang tabing sa
buhay ni Simoun nang mangumpisal sa pari.
____ 10. Ang espada ay di na gaanong
kasangkapan ng mga bagong kabuhayan.

Tuklasin
Isulat ang kasalukuyang mga pangyayari na maiuugnay sa mga
pangyayari sa buhay ni Rizal mula sa pelikulang Jose Rizal. (maaari itong
tunghayan sa youtube)

13
1. Pagpapalit ni Rizal ng kanyang apelyido.
Kasalukuyang pangyayari: ___________________________________________
2. Napagbintangan pasimuno ng rebolusyon.
Kasalukuyang pangyayari: ___________________________________________
3. Pagkamkam ng mga lupain.
Kasalukuyang pangyayari: ___________________________________________
4. Pagpapahirap sa mga Pilipino ng mga Dayuhan.
Kasalukuyang pangyayari: ___________________________________________
5. Pinahirapan ang pamilya ni Rizal.
Kasalukuyang Pangyayari: ___________________________________________

Suriin
Balikan ang binasang/pinanood na buod ng El Filibusterismo sa naunang
aralin.Sumulat ng pagsusuri sa napakinggang buod ng El Filibusterismo. Sundin ang
kasunod na pormat. Bigyang pansin ang pamantayang dapat isaalang alang sa
pagsulat.
Pamagat :
May-akda:
I. Mga tauhan
A. Mahahalagang Tauhan
B. Mga katangian/ Bahaging ginampanan
II. Mga Pangyayari
A. Pagkakasunod-sunod
B. Pagkamakatotohanan ( Mga halimbawa/mga patunay )
III. Uri ng Tunggalian
A. Tao sa Tao
B. Tao sa Sarili
C. Tao sa Lipunan

Pamantayan sa Pagsulat ng Sariling Buod Bahagdan


A. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 20%
B. Tamang Detalye/ impormasyon 20%
C. Wastong mekaniks sa pagsulat ( baybay, bantas,wastong pag- 25%
uugnay ng mga pangungusap/talata)
D. May sariling Estilo ng pagsulat 20%
E. Madaling maunawaan 15%
Kabuuan 100

Pagyamanin
Iugnay ang pangyayari sa akda na pumukaw sa iyong kaisipan sa isang hawig
o kaugnay na palabas sa video o sa youtube. Isulat ang hawig o kaugnay na pangyayari
mula sa nabasa at napanood.

Pangyayari sa Akda Napanood sa YouTube

14
Video: Lupa at Hustisya: Hacienda Luisita
Pagkamkam ng mga taong Link: https://www.youtube.com/watch?v=
mayayaman o makapangyarihan 2jyAB7So5Yc
sa lupang pag-aari o Pangyayari:
pinaghirapang linangin ng iba.
Video: The Henry Sy Story-the Father of
Pag-unlad at pagbabago ng Philippine Retail.
buhay dahil sa kasipagan. Link: https://www.youtube.com/watch?v=
4xBsScHEtBw
Pangyayari:

Video:
Pagmamalabis ng mga pinunong Pangyayari:
nakaupo sa kanilang
katungkulan.

Isaisip
Isulat ang kaisipang pumukaw sa iyo tungkol sa mga pangyayari noon at sa
kasalukuyan na may kaugnayan sa mga pangyayari sa akda.
Kaisipan: ____________________________________________________________________

Isagawa
Pumili ng isa (maling pamamalakad at pamumuno, mababang
pagpapahalaga sa edukasyon, kawalan ng pakialam sa dapat ipaglaban,
panunuhol at panggigipit) at ilahad ang epekto nito sa iyong sarili, sa komunidad,
sa bansa, at sa daigdig. Maaaring magbigay ng mga sitwasyon o pangyayari na
nakikita, napapanood o nababalitaan.
Ang napili kong kaisipan ay:
Ang epekto nito sa:
Aking sarili Komunidad Bansa Daigdig

Tayahin
Isulat sa tamang hanay ang mga salita o pariralang sasagot sa hinihingi ng
bawat kahon at pagkatapos bumuo ng sariling kaisipan tungkol sa pangyayaring ito.
kawalang mayaman mga kabataan mahihirap mga sinikil na
katarungan poot
nasa bundok Indio Intsik mga pang-aapi kulang sa
pamamahala
Rebolusyon ni Simoun
Mga Sumapi Ayaw Sumapi Ang Kikitlan ng
Buhay Pag Di-Sumapi
1. _______________ Matatalino 5. _______________
mga ipinatapon 3. ______________ 6. _______________
2. _______________ 4. ______________ Espanyol

Laman ng Lampara Dahilan ng Pagkabigo ng Unang rebolusyon


7._______________ walang ugnayan

15
8. _______________ 10. __________________
Luhang naipon
9.________________
Ang Rebolusyong ito ay __________________________________________________ .

Karagdagang Gawain
Umisip at isulat ang mga pangyayari na iyong naranasan, nabalitaan, nabasa,
napakinggan at kung ano ang iyong damdamin ukol dito.
Sistema ng Paggamit ng Pangyayaring iyong Ano ang iyong naging
Padrino sa: naranasan, nabalitaan, damdamin ukol dito?
narinig, nabasa o
napanood
Karanasang Pansarili
Isang Panyayri sa
Paaralan
Gawaing
Pangkomunidad
Isyung Pambansa
Ikaapat na Linggo
* Pagtalakay sa Kaisipang mula sa El
Aralin Filibusterismo
4 * Pagsusuri sa mga kaisipan
* Pagsulat ng paliwanag sa sariling paniniwala
at pagpapahalaga sa kaisipan
Alamin
Sa pagtatapos ng araling ito, inaaasahang:
 Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukasyon, pamamalakad
sa pamahalaan, pagmamahal sa: Diyos,Bayan,Pamilya,kapwa-
tao,kabayanihan, karuwagan, paggamit ng kapangyarihan, kapangyarihan ng
salapi, kalupitan at pagsasaman-tala sa kapwa, kahirapan ,karapatang
pantao,paglilibang ,kawanggawa,
paninindigan sa sariling prinsipyo at iba pa F10PB-IVd-e-89
 Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao,
magulang) F10PB-IVd-e-88
 Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga
kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda F10PU-IVd-e-87
Subukin
Piliin kung anong kaisipan ang tinatalakay sa bawat bilang.Isulat ang titik ng
tamang sagot.
a. kabuluhan ng edukasyon g. kabayanihan m. Kahirapan
b. pamamalakad sa pamahalaan h. karuwagan n. karapatang pantao
c. pagmamahal sa Diyos i. paggamit ng kapangyarihan o. Paglilibang
d. Pagmamahal sa bayan j. kapangyarihan ng salapi p. Kawanggawa
e. Pagmamahal sa pamilya k. kalupitan q. paninindigan
f. pagmamahal sa kapwa-tao l. pagsasaman-tala sa kapwa

16
1. Ang edukasyon ay matibay na sandigan upang matamasa natin ang
inaasam nating pagbabago.
2. Ito ay karahasang bunga ng baluktot na pag-iisip.
3. Ang lalim ng paniniwala ng tao sa tama o mali ay isang sensitibong usapin.
4. Isang modelong gawain ang pag-aalay ng buhay para sa kapakanan ng
iba.
5. Maituturing na mapait na katotohanan na natutumbasan ng pera ang
hustisya.
6. Maraming Pilipino ang kumakalam ang sikmura dulot ng pandemya.
7. Isang makataong gawain ang tumulog ng walang hinihinging kapalit.
8. Ang karahasang ito ay dulot ng baluktot nap ag-iisip.
9. Ang isang tunay na pinuno ay tapat na nagmamalasakit sa kanyang
nasasakupan.
10. Hindi sapat ang pagsunod lamang sa sampung utos ng Diyos kundi dapat
itong kalakipan ng gawa.
11. Ang pagdamay sa iba sa oras ng pangangailangan.
12. Ang posisyon ay ginagamit upang masunod ang pansariling kagustuhan.
13. Ito ay hadlang upang maisakatuparan ang pangarap na hinahangad.
14. Ito ay isang uri ng pag-aaliw sa sarili.
15. Ang pang-aabuso sa mga walang kakayahan na ipaglaban ang sarili.

Balikan
Maglahad ng mga kaganapan mula sa nobela ng El Filibusterismo na
tumatalakay sa sumusunod na pangyayari.

҉ Pagbabalik ni Simoun ҉ Mga ginawa ni Simoun

҉ Mga pagsubok na naranasan ҉ Ang kinahinatnan ng El


Filibusterismo
ng pangunahing tauhan

Tuklasin
Isulat sa loob ng bahagi ng puzzle kung sino-sino ang mga isinasaalang-
alang ni Rizal sa nobela.

Suriin
Basahin ang mga saloobin at kaisipan ni Rizal.
Mababasa sa akdang El Filibusterismo ang ideya ni Rizal sa
pagrerebolusyon. Dito ay inihayag niya ang pagnanais na magkaroon ng kalayaan at
hustisya para sa bayan. At dahil dito, sa ginawang akda niya ay mas lalong lumakas
ang paniniwala at nais ng mga rebolusyunaryo na labanan ang mga mapang-abusong
kastila.
Ang dakilang layunin ng ating makatang bayani ay ang pag-isahin ang mga
Pilipino upang makamit ang kalayaang ninanais niya at nang lahat. Ang layuning
makamit ang kalayaan ang isa sa kaniyang mga minimithi noon pa man. Ang layuning
magkaroon ng isang bansang Malaya na ngayon ay nakamit na natin mula sa kamay

17
ng mga mananakop. Isa rin sa mga dakilang layunin ni Rizal ay ang edukaasyon para
sa lahat, hindi lamang para sa mga kalalakihan kundi sa lahat.
Ang tungkulin ng anak sa magulang para kay Rizal ay ang mahalin ito at
igalang. Gaya ng kaniyang ipinakita sa kaniyang mga magulang minahal niya nang
lubos ang mga ito at iginalang. Ginawa pa niyang maglakbay sa ibang bansa upang
mag-aral ng medisina upang magamot ang kaniyang maysakit na ina. Dito pa lamang
ay mamamalas na ang kaniyang tapat na pag-ibig para sa kaniyang ina. Siya’y
nagsakripisyo at nagtiis na mamuhay nang mag-isa sa ibang bansa upang magamot
ang kaniyang minamahal na ina.
Hindi man sabihin ay makikita sa mga gawa ni Rizal ang kaniyang marubdob
na pagmamahal sa kaniyang bayan. Makikita ito sa kaniyang mga isinulat at
pagpapahalaga. Inalay niya ang kaniyang buhay upang makamit ang kalayaan ng
bansa mula sa mga mananakop. Dahil dito ay nakamit natin ang kalayaan dahil sa
ginawang sakripisyo ni Rizal.
Mula sa, Pamana: Edukasyon sa Wika at Kultura

Basahin ang mga kaisipan ng kabanata ng El Filibusterismo sa link na,


http://angelfilibusterismo.blogspot.com/p/mga-pahiwatig-ng-ibat-ibang-
kabanata.html

Pagpapalalim sa mga kaisipan ng kabanata ng El Filibusterismo sa link na,


http://angelfilibusterismo.blogspot.com/p/mga-pahiwatig-ng-ibat-ibang-
kabanata.html

Pagyamanin
A. Suriin kung ano ang nais ipahiwatig ng mga kaisipang lutang sa akda (Diyos,
bayan, kapwa-tao, at magulang)
1. Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila
ng mga paraan upang maisakatuparan ang kanilang mga adhika.
Pahiwatig:
2. Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay
nagpapakita ng kapangyarihan ng mga magulang sa anak noong unang
panahon.
Pahiwatig:
3. May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapwa Pilipino.
Pahiwatig:
4. Ang paghahanap ni Huli ng Salaping inaasahang ibibgay ng Birhen.
Pahiwatig:
5. Sa pamamagitan ng relihiyon, ng pananampalataya, ay nangyayaring
mapasunod at masakop tayo ng lubusan.
Pahiwatig:
B.Pagnilayan ang mga pangyayari mula sa mga binasang kabanata. Piliin sa loob ng
kahon ang kaisipang angkop sa unang hanay at talakayin ang mga kaisipan na
masasalamin hinggil dito.
kabuluhan ng edukasyon karuwagan kapangyarihan ng salapi
paninindigan sa sariling prinsipyo kalupitan
pagsasamantala sa kapwa pagmamahal sa pamilya

Pangyayari sa nobela Kaisipan Paliwanag

18
1.Sa ibaba ng kubyerta , naroon ang
mukhang kayumanggi,Indyo, Intsik at
mestizo kasama ang mga baul at
kalakal.
2. Humihithit ng mahahabang tabako
habang nakamasid sa tanawin ang
nakasuot ng -Europeo, mga prayle at
mga opisyal na nasa taas ng bapor.
3. Matimping pumapayag si Kabesang
Tales na buwisan sa sariling lupa ng
mga ganid na prayle.
4. Tuwing naririnig ni Kabesang Tales
ang sinasabi ng anak tungkol sap ag-
aaral ni Basilio sa Maynila ay lagging
sinasabi sa anak , “ Sa susunod na
taon ipadadala kita sa Maynila, bihis
na bihis tulad ng kadalagahan sa
bayan”.
5. “Ngayon naman ang hinihingi ko sa
kanya ay katarungan at kailangang
bigay niya ito sa akin”, wika ni Tales.

Isaisip
Pag- isipan at sagutin:
Bilang isang kabataan, bakit kailangan mong maunawaan ang mga kaisipang
bumubuo sa nobelang El Filibusterismo? Ano ba ang layunin nito sa mga Pilipinong
mambabasa?

Isagawa
Sa bawat kaisipan ay magbigay ng mga mahahalagang isyu o sitwasyong
tinalakay sa akda.
1. kabuluhan sa edukasyon
2. pamamalakad sa pamahalaan
3. paggamit ng kapangyarihan
4. kapangyarihan ng salapi
5. pagsasamantala sa kapwa

Tayahin
Suriin ang kaisipang lumulutang sa piling pangyayari sa kabanata. Isulat ang
titk ng tamang sagot.
A . Diyos B. bayan C .kapwa-tao D. magulang
1. “Akala ko, ang pamahalaan ay naghahanap ng matatag na saligan.”
2. “At ano ang iyong ginagawa para sa iyong namatay na ina?”
3. Ang hatol ng hukuman ang paghihiganti ay hindi makapagbabalik kahit
isang buhok ng aking ina o ngiti sa labi ng aking kapatid.”
4. “Isang tao na ipinalalagay ng lahat, maliban sa akin, na patay na at ang
tinamong kasawian ay labis kong pinagdaramdam.”
5. “Dahil sa matinding katiwalian ng mga nagsisipagpamahala kaya ako
nagbalik sa kapuluan.”
6. “Oo, ginawa niya ito upang maisakatuparan ang kanyang balak at mapatay
ang lahat ng kastila.”

19
7. Sa mga sandalling ito, ang di pagkampi kanino man ay paglalagay ng sarili
sa panganib ng dalawang magkalabang lakas.”
8. “Higit na matagal ang ipinanatili ng politika.”
9. “ At kung magkagayon ay gigibain ko ang pader ng iyong kulungan,kukunin
kita sag apo ng kapanatikuhan.”
10. “ Maasahan mo ako. Aanyayahan natin ang mga ginoo,”dagdag ni Makaraig
kay Basilio.
Karagdagang Gawain
Isulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga
kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda .
1. ”Kung ako’y matanda na at lumingon sa aking kabataan, na walang nagawa
para sa bayan, ang puting buhok ko ay magsisilbing tinik sa akin.”
2. ”Sa pagpupunyagi nakukuha ay pagwawagi.”
3. ”Sinoma’y hindi maaaring matalo.”
4. ”Hindi masasayang ang iyong paghihirap, sa halip ay makatutuklas tayo
nang hindi pa natutulasan ninuman.”
5. ”Ang kadakilaan ng tao ay wala sa pagpapauna ng kanyang panahon kundi
nasa pagtugon ng kaniyang hangarin at pangangailangan.

20

You might also like