You are on page 1of 9

Filipino 10

Ikaapat na Markahan: El Filibusterismo

SANAYANG PAPEL
Asignatura at Baitang: Filipino10
Activity Sheet Bilang. ___8__
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas RepubliKa 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na maghanda ng Gawain kung
itoý pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

This Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 8 – Sangay ng
Samar

Bumuo sa Pagsulat ng Filipino Activity Sheet

Manunulat: Ma. Lourdes T. Belanigue, SST-1 (ONHS)

Tagaguhit: _________________________

Tagalapat: _______________________

Tagasuri: Rustum D. Geonzon, PhD.

Editor: _______________________________

Carmela R. Tamayo EdD., CESO V – Schools Division Superintendent

Moises D. Labian Jr. PhD., CESO VI – Asst. Schools Division


Superintendent

Antonio F. Caveiro PhD. - Chief Education Supervisor, CID

Cecilia D. Ason DM. - EPS – Filipino

Josefina F. Dacallos EdD. – PSDS/LRMS Manager Designate


SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 10 BLG. 8
Pangalan: ______________________________ Baitang:_____ Seksyon:_____________
Paaraalan : ______________________________ Petsa: _____________________

Pagtukoy sa Papel na Ginampanan ng Tauahan


Pamagat

I. Panimula
Maraming humahanga sa mga taong matatalino. Ngunit hindi lamang talino ang dapat
taglayin ng isang tao, kapag dinagdagan pa ng sipag at tiyaga ay lalong kahanga-hanga. Ang
taong nagtataglay nito sa kabila ng pagiging mahirap ay madalas na nagtatagumpay sa
kanyang buhay.
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda upang maipakita ang mga
pangyayari, matukoy ang tunggalian, makita ang pinangyarihan at makapaghinuha ng wakas ayon sa
ikinilos nila sa akda
Sa araling ito, sasagutan mo ang sumunod na pagsasanay upang ganap na mapaunlad ang
iyong kakayahan sa aralin.

II. MELC with code (Kasanayang Pagkatuto at koda):


 Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauahan sa akda sa pamamagitan ng:
- Pagtunton sa mga pangyayari
- Pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- Pagtiyak sa tagpuan
- Pagtukoy sa wakas
(F10PB-IVb-c-87)

III. Pamamaraan:
A. Simulan
Gawain 1: Sino si Basilio

Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang sa tingin mo ay mga katangian na taglay ni Basilio,
kanyang mga paniniwala at ang kanyang pangarap sa buhay. Pagkatapos ay ipaliwanag ang
iyong mga kasagutan.

B.Alam Mo Ba:
Basahin mo ngayon ang kabanatang nagpapakilala kay Basilio, isa sa mga tauhan ng El
Filibusterismo. Maaari ring panoorin ang kabanatang ito sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=VpsLtohjsiU

Kabanata 6 – Si Basilio
Sa pagpatak ng hatinggabi, tumugtog ang mga kampana ng simbahan
tinatawagan ang taong-bayan na dumalo sa Misa de Gallo. Samantalang abala ang
mga taga-San Diego sa paghahanda para sa misa, si Basilio ay tahimik na lumabas sa
tahanan ni Kapitan Tiyago. Makailang beses din siyang nagpaliko-liko sa madidilim na
lansangan, palingon-lingon upang tiyaking walang sumusunod o nagmamatyag sa
kanya. Sa wakas ay narating din niya ang kalsada tungo sa kakahuyang dati’y pag-aari
ng mga Ibarra, isang mayamang angkan sa San Diego,na nang kumpiskahin ng
gobyerno ay binili na ni Kapitan Tiyago.
Nakatungong tinunton ni Basilio ang daan at unti-unti siyang nilamon ng karimlan
at katahimikan ng kagubatan. Paminsan- minsan ay tinitingala niya ang mga bituing
kanyang natatanaw sa mga puwang sa pagitan ng malalabay na dahon ng mga
punongkahoy. Makalipas ang kalahating oras, sumapit siya sa isang sapa. Tinawid niya
ito at inakyat ang isang maliit na burol sa kabilang pampang.
Sa tuktok ng burol na ito ay may isang malaking puno ng balete.Dahan-dahang
nilapitan ni Basilio ang puno at lumuhod sa harap ng isang tumpok ng mga bato,
nakayuko at tila nagdarasal. Ang mga batong ito ang tanging palatandaan sa huling
hantungan ng kanyang ina, na binawian ng buhay labintatlong Pasko na ang nakalipas.
Mula noon ay taon-taon na niyang dinadalaw ang puntod ng pinakamamahal na ina.
Tulad ng mga lumipas na taon, muling nagbalik sa alaala ni Basilio ang kanyang buhay
sa piling ng ina at nakababatang kapatid. Masaya sa una, ngunit unti-unting nabahiran
ng lungkot at pighati, hanggang humantong ang kanyang mga mahal sa buhay sa
mapait na katapusan.
Nagbalik din sa alaala ni Basilio kung paano nagbago ang kanyang buhay nang
gabing mamatay ang ina. Noo’y nasa kanyang kandungan pa ang walangbuhay na
katawan nito, nang biglang may sumulpot na isang lalaking sugatan at hapong-hapo.
Inutusan siya nitong manguha ng mga kahoy na panggatong.
Dala ng labis na kalungkutan at pagkabigla, sinunod ni Basilio ang lalaki nang
hindi tinatanong kung sino siya at para saan ang mga kahoy. Para siyang makinang
naghanap ng mga tuyong sanga sa kagubatan, manhid ang isip at damdamin dala ng
labis na kalungkutan.
Sa kanyang pagbabalik sa lugar kung saan iniwan ang ina at ang lalaki, naratnan
ni Basilio ang isa pang lalaki na nakaluhod sa tabi ng bangkay ng una. Nang makita ng
bagong dating na si Basilio, nagpatulong siyang sunugin ang bangkay ng lalaki.
Tinulungan din niya si Basilio na ilibing ang ina. Pagkatapos ay binigyan ng lalaki si
Basilio ng kaunting halaga at sinabihan na lisanin na ang San Diego.
Iyon ang una at huling pagkakataong nakita ni Basilio ang lalaking iyon. Isang
matangkad at matipunong binata, maputla ang mga labi at matangos ang ilong,
namumula ang mga mata sa pag-iyak.
Agad- agad nilisan ni Basilio ang San Diego at nagtungo sa Maynila. Sa lungsod
ay sinubok niyang mamasukan bilang utusan, ngunit walang gustong tumanggap sa
kanya. Ilang linggo ding naging palaboy si Basilio sa mga lansangan ng Maynila,
hinang-hina ang katawan dala ng sakit at hindi pagkain. Hindi minsang naisip ni Basilio
na wakasan na ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagkitil sa sariling buhay.
Sa kabutihang-palad, minsan niyang nakita si Kapitan Tiyago na sakay ng isang
karwahe. Sinundan ni Basilio ang matandang lalaki, na kilala niya mula sa San Diego,
at nagprisintang maging katulong nito kapalit ng pagtustos sa kanyang pag-aaral.
Pumayag naman ang matanda, na nahabag sa kalunos-lunos na anyo ni Basilio, at
agad siyang ipinatala sa Colegio de San Juan de Letran.
Sa simula ng kanyang pag-aaral sa Letran, minaliit si Basilio ng kanyang mga
guro at kamag-aral dahil sa kanyang kahirapan. Nahirapan din siya sa pagaaral ng
Latin, lalo pa’t wala siyang maintindihan dito at tila walang interes ang kanyang
propesor na siya’y turuan. Subalit sa pagtitiyaga at kasipagan sa pagaaral, nakapasa
pa rin si Basilio sa pagsusulit na ginanap sa pagwawakas ng taong-aralan.
Sa kanyang ikatlong taon ng pag-aaral, isa sa kanyang mga propesor ang nag-
akalang si Basilio ay mangmang. Sinubukang ipahiya ng guro si Basilio, ngunit hindi
siya nagtagumpay dahil nasagot nang tama ng binatilyo ang kanyang mga tanong.
Nainis sa kanya ang propesor kung kaya’t hindi na siya pinansin sa klase. Dahil dito’y
nawalan ng gana sa pag-aaral si Basilio. Ano pa ang silbi ng kanyang pagpupursigi
kung hindi naman kinikilala at pinahahalagahan ang kanyang pagsisikap?
Nang sumunod na taon, naging paborito si Basilio ng isa sa kanyang mga
propesor. Dahil dito at dahil na rin sa panunumbalik ng kanyang interes sa pagaaral,
natanggap ni Basilio ang pinakamataas na grado at karangalan noong taong iyon. Ang
kahusayan ng binatilyo ang nag-udyok kay Kapitan Tiyago na ilipat si Basilio sa Ateneo
Municipal, na noo’y kinikilala bilang pangunahing lunsaran ng edukasyon at karunungan
sa Pilipinas.
Ang mga taong ginugol ni Basilio sa Ateneo ay naging masaya at produktibo.
Labis siyang nalugod sa pagtuturo ng kanyang mga propesor, kung kaya naman lubos
siyang nagsumikap sa kanyang pag-aaral. Sa kanyang pagtatapos, nakatanggap si
Basilio ng matataas na marka at papuri mula sa kanyang mga guro.
Matapos matanggap ang kanyang batsilyer mula sa Ateneo, ipinasiya ni Basilio
na mag-aral ng medisina. Ganoon na lamang ang husay ni Basilio kung kaya’t hindi pa
man nakapagtatapos ay nakapanggagamot na siya. Mula sa kanyang panggagamot,
kumikita siya nang sapat upang makapag-ipon para sa kanyang kinabukasan. Ang
kanyang naipong salapi ay binalak ni Basilio na ipangtaguyod sa pamilyang kanilang
bubuuin ng kasintahang si Juli.

(Tudla binagong Edisyon Baitang 10, pahina 383-385)

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga hirap na pinagdaanan ni Basilio sa kanyang buhay?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________
______________________________________________________________________
______

2. Paano nakapag-aral si Basilio? Bakit ganoon na lang ang pagpapahalaga niya


sa edukasyon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________
______________________________________________________________________
______
3. Sa kasalukuyan, marami pa rin bang maihahalintulad kay Basilio? Patunayan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________
______________________________________________________________________
______

C. Bumahagi

Gawain 2: Ang Papel ni Basilio

PANUTO: Gamit ang Ladder Organizer, ilahad ang mga pangyayari, tunggalian, at lugar
na pinangyarihan upang mailarawan ang buhayni Basilio.

D. Gawin Mo:
Gawain 3: Isa-isang Suriin

Panuto: Batay sa ibinigay na graphic organizer, tukuyin ang mga pangyayari at tunggaliang
naganap sa mga tagpuan sa kabanatang binasa. Tukuyin din ang mga tauhang sangkot sa
bawat tunggalian at ang kanilang papel na ginagampanan sa akda.

IV. Gabay na tanong


1. Bakit nilikha ni Rizal si Basilio bilang isa sa mga tauhan ng El filibusterismo?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Paano pinalutang ni Rizal ang katauhan ni Basilio sa mga kabanatang pinag-aralan?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

V. Rubrik sa Pagpupuntos
VI. Mga Sanggunian:
- Santos, Ana Mae F. at Shirley H. Amorada. Filipino 10, Ikaapat na Markahan, Modyul
5: El Filibusterismo: Si Basilio, Dibisyon ng Lungsod ng Pasig: 2020
- Banghay-aralin sa Filipino 10, p. 37-38
- Suple, Chenee M, Filipino 10 Ikaapat na Markahan Modyul 3, ADM, Department of
Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental, Pilipinas: 2020

VII. Susi sa Pagwawasto:


- Iba-iba ang sagot ng mag-aaral sa bawat gawain.

You might also like