You are on page 1of 10

1

Aralin Nagagamit ang Angkop na mga Salitang


Naghahambing
6

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang buod ng kabanata 20 ng El Filibusterismo at


malalaman mo din ang iba’t ibang uri ng paghahambing at ang mga gamit ng angkop na
salita sa paghahambing.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan :

1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol.


(F10PT-IV-g-h-85))
2. Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad
na akdang binasa. (F10PU-IVg-h-88)
3. Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing. (F10WG-IVg-h-81)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang
unang gawain.

Paunang Pagsubok

Hanapin ang kasing-kahulugan ng salitang Espanyol o Kastila na may


salungguhit sa loob ng pangungusap. Gamitin ang contextual clue o pag-unawa
sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

1. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ay kilalang tanyag na


ilustrado. Siya ay nakaaangat sa lipunan.

2. Mahusay magsulat si Don Custodio, binansagan siyang “Buena Tinta” dahil sa


kaniyang galing at kasipagan.

3. Ang mga Pilipino’y Indio, ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang
pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.

4. Tumunog na ang batingaw, bisperas na ng kapaskuhan, oras na rin para magsama


ang mag-anak sa Noche Buena.

5. “Adsum” ang mabilis na tugon ni Basilio nang tawagin ng guro ang kaniyang
pangalan, ito ang tanging salita na kaniyang nababanggit sa paaralan sa loob ng isang
taon na nangangahulugang “narito ako”.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
2

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Piliin mula sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap
na naghuhudyat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin.

nagkakamali aminado sigurado karanasan pakiwari

________ 1. Ako ay ______ na matutuwa ka sa iyong mapapanood.

________ 2. Kung hindi ako ______, si Ana na ang bagong halal na pangulo ng
ating samahan.

________ 3. Ako ay _________na hindi ako magaling, ngunit ginagawa ko nang


maayos ang aking trabaho.

________ 4. Base sa aking ________, mas mainam bumiyahe sa madaling araw


upang makaiwas sa trapiko.

________ 5. Hindi nagustuhan aking mga magulang ang bagong


panuntunan ng paaralan sa __________ ko.

Pagpapakilala ng Aralin

Malaki ang naging impluwensiya ng mga mananakop na Kastila sa


ating bansa — hindi lamang sa kultura kundi maging sa ating wika.

Ngayon, iyong basahin at unawain ang buod ng kabanata 20


ng El Filibusterismo. Sa kabanatang ito ay gumamit ng ilang mga
salitang Espanyol na di kalaunan ay naging salitang-hiram na sa
Filipino.

Si Don Custodio
Buod ng Kabanata XX ng El Filibusterismo

Ang usapin ukol sa akademiya ng salitang kastila ay nasa kamay ni Don


Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.

Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ay kilalang tanyag na


ilustrado at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayamang
Mestiza at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyo siya kahit kulang sa

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
3

kaaalaman sa mga tungkuling kaniyang hinahawakan. Siya ay pinupuri dahil siya ay


masipag.

Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kaniya dahil ang totoo’y
kulang siya sa pinag-aralan, kaya wala pang isang taon ay nagbalik na siya sa
Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kaniyang kunwaring magandang
karanasan sa Madrid.

Lumagay siya sa parang amo’t tagapagtanggol, nguni’t siya’y naniniwalang may


ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. At para sa kaniya, ang
mga Pilipino’y Indio, ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang
pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.

Sa loob ng labinlimang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasya ukol sa


kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.

Bago ka magsagot ng mga gawain, ating tatalakayin ang mga wikang


Espanyol na ginamit sa akda at ang paghahambing at iba’t ibang uri nito.
Inaasahan na magagamit mo ang mga angkop na salita sa paghahambing sa
pagsasagawa ng panghuling gawain.

Ang Pilipinas ay napasailalim sa kamay ng mga Kastila sa loob ng higit sa 300


taon. Hindi kaginsa-ginsa na makikita, madarama, maamoy at maririnig natin ang
impluwensiya ng mga kastila sa ating mga Pilipino at sa ating Kultura. Maraming
salita sa wikang Filipino ang nagmula sa wikang Kastila o Espanyol. Bagamat mula sa
kanila ang orihinal na salita, ginamit ito ng mga Pilipino ayon sa sariling kayarian ng
ating wika.

Gaya nang nabasa natin sa akda, ginamit ang mga salitang Buena tinta na
nangangahulugang mahusay sa pagsusulat. Indio, na ang ibig sabihin ay utusan o
alipin at ilustrado na nakaaangat sa lipunan. Ito ay mga wikang Kastila o Espanyol na
di kalaunan ay hiniram na natin at ginamit sa wikang Filipino.

Hanggang sa ngayon, sa ating araw-araw na pamumuhay marami pa rin tayong


mga ginagamit na salitang hiniram lang mula sa wikang Kastila o Espanyol.

Narito ang ilan pa sa mga salitang hiram lang natin sa mga kastila:

WIKANG KASTILA WIKANG FILIPINO

Abono Abono

Alcancia Alkansiya

Vaso Baso

Baenyo Banyo

Ventilador Bentilador

Cadena Kadena

Calle Kalye

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
4

Ang husay ‘di ba? Nakatutuwang isipin na ang mga salitang nabanggit ay
hiniram pa pala natin mula sa Kastila. Ito ay nagpapatunay lamang na lubhang
Malaki ang impluwensya at ugnayan ng Pilipinas sa mga Kastila.

Ano ang Paghahambing?

Ang paghahambing o komparatibo ay ginagamit kung naghahambing ng


dalawang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.

Ang paghahambing ay may dalawang uri:

1. Paghahambing na magkatulad – ginagamit ito kung ang dalawang


pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamit ang mga panlaping
gaya ng ka, magka, ga, sing, kasing, magkasing, magsing at mga salitang
paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig, mistula,
mukha/kamukha.

Halimabawa:
Magkamukha lamang ng kultura ang Malaysia at Singapore.
Magkasingganda ang Pilipinas at Singapore.
Gamundo ang pagpapahalaga nila sa Kalayaan sa relihiyon at wika upang
magkaroon ng pagkakaisa.

2. Di- magkatulad – nagbibigay ito ng diwang pagkakait, pagtatanggi o


pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.

Dalawang uri ng di-magkatulad na paghahambing.


a. Hambingang Pasahol – may mahigit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na inihahambing. Ginagamit ang mga
panlaping lalo, di-gaano, di-totoo

Halimbawa:
Ang koponan namin ay di-gaanong handa na gaya ng koponan ni Coach
Alex.

b. Hambingang Palamang – may mahigit na katangian ang inihahambing


sa bagay na pinaghahambingan. Ginagamit ang mga salitang lalo,
higit/mas, labis, di hamak,

Halimbawa:
Lalong maunlad ang Amerika kaysa sa Pilipinas.
Higit na malinis ang bahay nila Juan kumpara sa bahay nila Pedro.
Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa mga Hindu.

Malinaw ba sa iyo ang ating aralin? Ngayon ay isagawa mo na ang mga


gawaing inihanda ko para sa iyo.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
5

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Magbigay ng dalawang salita na maiuugnay sa salitang nasa loob ng
diagram (word association)

AKADEMIYA ILUSTRADO

Gawain 1.2 Mga Tanong

1. Paanong nagkaroon ng pagkakataon si Don Custodio na makahawak nang


napakaraming tungkulin?

2. Masasabi mo bang may malasakit si Don Custodio sa mga Pilipino? Ipaliwanag.

3. Sa iyong palagay, nabigyan kaya ng magandang hatol o pasya ni Don Custodio ang
usapin at suliranin patungkol sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila?
Ipaliwanag.

4. Sumasang-ayon ka ba sa pahayag ni Don Custodio na ang mga Pilipino ay mga


Indio at ipinanganak na utusan? Bakit?

5. Sa palagay mo, ano ang mga pangunahing katangian na dapat taglayin ng isang
tagapaglingkod ng bayan? Ipaliwanag. Gamitin ang graphic organizer.

MGA KATANGIAN PALIWANAG

1.

2.

3.

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng talata:
5 –tatlong pamantayan
 Naibibigay ang hinihinging kasagutan ang naisagawa
 Malinaw ang pagkakabuo ng mga 3– dalawang pamantayan lamang ang
kasagutan nasundan
 Malinaw na naibibigay ang sariling 1- isang pamantayan lamang ang
kaisipan batay sa akda nasundan

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
6

Gawain 1.3 Pagsasanay Panggramatika


Isulat ang M kung ang paghahambing ay magkatulad at DM naman kung di-
magkatulad.

1. Labis na kahanga-hanga ang tradisyon ng mga Pilipino kumpara sa mga


Kastila.

2. Magkakasing-tayog ang karunungang-bayang taglay ng mga magkakalapit na


bansang Asyano.

3. Higit na mabuting alamin ang pagkakakilanlan ng isang tunay na Pilipino


kaysa ipagsawalang bahala ito.

4. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.

5. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang palawakin


ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang paghahambing, narito ang mga dapat mong
isaisip.

1. Malaki ang naging impluwensiya ng mga mananakop na Kastila sa ating


bansa — hindi lamang sa kultura kundi maging sa ating wika.

2. Ang paghahambing o komparatibo ay ginagamit kung naghahambing ng


dalawang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba
pa.

3. May dalawang uri ng paghahambing, ang magkatulad at di-magkatulad.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Gamit ang Venn Diagram, paghambingin si Don Custodio at ang ating kasalukuyang
pangulo bilang pinagkakatiwalaang tao na lumutas ng mga suliranin ng bansa.
Gamitin ang mga angkop na salita sa paghahambing.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
7

DON CUSTODIO PANGULONG DUTERTE


.

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng talata: 10 – nasunod ang lahat ng
pamantayan
 Nagagamit ang mga angkop na salita 8 – dalawang pamantayan
o pahayag sa paghahambing ang naisagawa
 Maayos ang pagkakabuo ng mga 5 – isang pamantayan lamang ang
pangungusap. naisagawa
 Mapanghikayat ang mga
pananalitang ginamit

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang bahagi ng isang sanaysay at sagutin ang kasunod na mga tanong.
Piliin ang letra ng tamang sagot.

Kaligtasan ng Bayan
ni Carmen S. Herrera Acosta

Noong araw ay kakaunti lamang ang bilang ng mga tao o mamamayan dito sa
ating bansa. Sa mga lalawigan at sa mga kapital o punong bayan ng bawat lalawigan
ay nabibilang ng aing sampung daliri ng kamay ang mga tao’t angkang mayayaman at
tinitingala at kinikilalang sadyang mayayaman.

At ang pinakadukha naman ay gayun din. Mabibilang din natin ang mga
pamilyang dukhang-dukha talaga.

Ang nakararami ay ang mga angkang nasa pagitan nilang dalawa. Marami ang
nakaririwasa lamang. Maluwag ang kabuhayan- ang wika nga. Maliligaya at tahimik
sila. Hindi man naaabot ng karamihang ito ang antas ng dami ng salaping kinakamal
ng mayayaman, sila naman ay di lubhang maralita na katulad baga ngayon na may
mga mag-anak na madalas sumala sa oras – gaya ng karaniwang sabihin natin.

Noong araw kakaunti ang magagandang gusali; kakaunti ang mga pook ng
aliwan; kakaunti rin ang bilang ng mga simbahan o sambahan. At lalong kakaunti ang
mga kolehiyo at unibersidad.

____ 1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang iyong binasa?


A. Maikling kuwento C. Nobela
B. Sanaysay D. Tula
____ 2. Ano ang binigyang paghahambing sa akda?
A. Ang kabuhayan noon at ngayon
B. Ang kalagayan ng bansa noon at ngayon

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
8

C. Ang estilo ng pamumuhay noon at ngayon


D. Ang pag-aaral noon at ngayon.

_____ 3. “At lalong kakaunti ang mga kolehiyo at unibersidad.” Ang salitang may
salungguhit ay nagpapahayag ng anong uri ng paghahambing?
a. Magkatulad c. Pasahol
b. Di-magkatulad d. wala sa nabanggit

_____ 4. “…sila naman ay di lubhang maralita na katulad baga ngayon na may mga
mag-anak na madalas sumala sa oras…” Ang salitang may salungguhit ay
naghuhudyat nang anong uri ng paghahambing?
a. magkatulad c. pasahol
b. di-magkatulad d. wala sa nabanggit

_____ 5. Ano ang naging layunin ng akdang iyong nabasa?


A. nambatikos C. pumuri
B. pumuna D. naglarawan

Pagninilay

Kung ikaw ay magiging isang alkalde o pangulo, ano ang iyong magiging
plataporma upang masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa?
Gumamit ng mga pahayag na naghahambing.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng talata: 10 – nasunod ang lahat ng
pamantayan
 Mapanghikayat ang mga ibinigay na 8 – dalawang pamantayan
plataporma ang naisagawa
 Maayos at tugma ang mga salitang 5 – isang pamantayan lamang ang
ginamit naisagawa
 Nagamit ang mga angkop na salita o
pahayag sa paghahambing

Binabati kita! Natapos mo nang buong husay ang lahat ng gawaing


ibinigay ko sa iyo. Ipagpatuloy mo ito sa susunod na aralin.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
9

SAGUTANG PAPEL
FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN- IKAANIM NA LINGGO
Pangalan :___________________________ Guro:_______________
Baitang at Seksyon: ________________ Iskor:_______________

PAUNANG PAGSUBOK BALIK-TANAW


1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

GAWAIN 1.1

AKADEMIYA
ILUSTRADO

GAWAIN 1. 2
1.____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3.____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4.____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5.
MGA KATANGIAN PALIWANAG

1.

2.

3.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo
10

GAWAIN 1.3
1. ______
2. ______
3. ______
4. ______
5. ______

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

DON CUSTODIO PANGULONG DUTERTE

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. _______
2. _______
3. _______
4. _______
5. _______

PAGNINILAY
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikaanim na Linggo

You might also like