You are on page 1of 64

WEEK 2

• Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga


tauhan sa akda sa pamamagitan ng pagtunton
sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga
tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan at
pagtukoy sa wakas (f10pb-ivb-c-87);
• Naiuugnay ang kaisipang namayani sa
pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga
kaisipang namayani sa binasang akda (f10pd-
ivd-e-83)
Panuto:
Balikan
Balikan muna natin ang iyong natutuhan
sa nakaraang aralin tungkol sa pagbuo ng
timeline o talatakdaan.

Sa pamamagitan ng
timeline/talatakdaan ibubuod ng bawat
pangkat ang kaligirang pangkasaysayan
ng El Fili batay sa kanilang napanood na
video.
Subukin
1. Pinatay ng mga guardia civil si Crispin at
pinahirapan ang aking ina, mananahimik na
lamang ako sapagkat hindi rin naman sila
mabubuhay kung igaganti ko sila. Ang tauhan
ay __________.

a. malalim mag-isip c. mapaghiganti sa kaaway


b. bahag ang buntot d. mapagpatawad sa kapwa
2. Madilim, madawag at maraming
ugat na nag-usli sa iyong lalakaran.
Ang tinutukoy na lugar sa
pangungusap ay isang __________.

a. kagubatan c. kapatagan
b. kalawakan d. karagatan
3. “Ako po’y naging masamang anak at kapatid, G.
Simoun. Nilimot kong pinatay ang aking kapatid at
pinahirapan ang aking ina. Wala nang nalalabi sa akin
kundi gantihan ng sama ang sama, pagpatay ang
pagpatay, pamamaslang ang pamamaslang,” saad ni
Basilio. Ang paksang pangungusap na angkop sa pahayag
ay __________.

a. papaslang ako kung kinakailangan


b. nais kong gumanti sa mga kalaban
c. ako ay naging masamang anak at kapatid
d. nilimot kong pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang aking
ina
4. Ang buod ng pahayag sa ikatlong bilang ay __________.
a. si Basilio ay handa nang makipagtulungan kay Simoun
b. galit na galit si Basilio sapagkat pinatay ang kaniyang
kapatid at pinahirapan ang kaniyang ina
c. napagtanto ni Basilio na nalimot niya ang ginawa ng mga
guardia civil sa kaniyang kapatid at ina, ngayon ay handa na
siyang lumaban at makipagtulungan kay Simoun
d. nilimot kong pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang
aking ina. Wala nang nalalabi sa akin kundi gantihan ng
sama ang sama, pagpatay ang pagpatay, pamamaslang ang
pamamaslan
5. Angtamang pagbabantas, pagbaybay
at paggamit ng malaking titik ay mga
__________ sa pagsulat.

a. layunin c. pamantayan
b. mekaniks d. salik
Tauhan sa El Fili:
Simoun -mapanulsol at
makasarili/mapanira. Sariling
kapakanan at
kapakinabangan.

Basilio – biktima ng
pagkakataon
Padre Florentino –
tagapagsalita ng kaisipang
kontra rebolusyon

G. Pasta – makasariling tao at


nagwawalang bahala sa
panawagan ng nakararami
sapagkat natatakot na
maapektuhan.
Kabesang Tales – larawan ng
usapin sa lupa.

Don Custodio – isang


kakatwang katauhan /maling
pagkilala sa tao.

Isagani – tagapamansag ng
mabubuting kuro.
Simbolismo sa Nobela

Si Kapitan Tiyago – unti-unting pagkaupos


ng lipunang Pilipino

Bapor Tabo – lipunang walang direksyon

Perya sa Quiapo – tau-tauhang lipunan


Tunggalian sa Nobela

Mga Kadayaan – Tao laban sa Sarili

Kabesang Tales – Tao laban sa


Lipunan

Klase sa Pisika – Tao laban sa Tao


Tuklasin: Name It and Win It!
Ano ang mabubuo mong salita sa mga larawang
ito?

+ +

___ta ____ya ____


+ + Ta +

____ayo wa___
kal ____

Anong salita ang nabuo mo sa mga larawan?


Ilarawan ang mga nabuong salita batay sa
pagkakakilanlan sa nakaraang nobelang tinalakay.
.
Matutunghayan mo sa araling ito
kung paano sinubok ng panahon at
pinatibay ng mga karanasan si
Basilio, isang batang ulila na pilit
sumagwan sa maalong buhay
upang makamit ang mga pangarap
Basilio: Buhay,
Pangarap, Paniniwala,
at Saloobin

Si Kabesang Tales

Panoorin at unawain ang video clip tungkol sa kabanata 4.


https://youtu.be/C8RLgnv5AFo
Kabanata 6: Si Basilio

Maingat na nagtungo si Basilio sa kagubatan ng


mga Ibarra na ngayo’y pag-aari na ni Kapitan Tiyago
upang dalawin ang libingan ng kaniyang ina. Tinungo
niya ang isang malaking puno ng baliti, huminto sa
harap ng isang bunton ng mga bato, at wari’y
nanalangin. Doon nalibing ang kaniyang ina at palagi
niyang dinadalaw sa tuwing siya ay umuuwi.
Nang gabing mamatay ang kaniyang ina ay may
lalaking tumulong sa kaniyang humukay ng
libingan nito at sunugin ang bangkay ng isa pang
lalaking hindi niya nakikilala. Binigyan siya ng
kaunting pera ng lalaki at pinaalis sa lugar na
iyon. Umalis siyang magulo ang isipan.
Matapos ang pangyayaring iyon ay nagtungo si Basilio
sa Maynila upang magpaalila at makapag-aral. Sa
kabutihang palad ay nakita niya sina Kapitan Tiyago at
Tiya Isabel. Natanggap siya sa tahanan ng mga ito
bilang utusang walang bayad ngunit pinayagang
makapag-aral sa San Juan de Letran kung kailan niya
maibigan. Si Basilio ay pumasok sa paaralan nang
walang kaayusan. Naging tampulan siya ng tawanan at
madalas nilalait. Maging ang mga guro niya ay hindi
siya tinatawag.
Gayunpaman, matiyaga pa rin siyang nag-aaral ng
mga leksiyon. Sa isang pagsusulit, sa kaniyang
unang taon ay si Basilio lamang ang maluwalhating
nakapasa sa sampung tinawag. Unti-unting bumuti
ang lagay ni Basilio sa paaralan at dumating ang
pagkakataong nakilala siya nang sumapit siya sa
ikaapat na taon. Nanalo siya sa labanang sable at
baston at nabigyan ng mataas na marka. Natamo
niya ang sobresaliente nang siya ay nagtapos.
Lumipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Dahil sa
sariling hilig, medisina ang napili niyang kurso. Higit
ang sipag at tiyaga niya sa pag-aaral kaya’t noong
nasa ikatlong taon pa lamang sa kurso ay
nanggagamot na siya. Nagkaroon siya ng sapat na
pera, nakabili ng maayos na damit at nakaipon nang
kaunti. Dalawang buwan na lamang at ganap na
siyang doktor. Makauuwi na siya sa kaniyang bayan,
pakakasal kay Huli, at mamumuhay nang maligaya.
1. Ano ang naging buhay niya
matapos ang mga pangyayari sa
kanyang pamilya?
Ilang Mahahalagang
Tala sa Buhay ni Basilio
Lumuwas ng Manila upang magpaalila at makapag-
aral (Kapt. Tiago sa tulong ni Tiya Isabel)
San Juan De Letran – nagdulot ng kapaitan sa
buhay ni Basilio. (nilalayuan ng mga kamag-aral
maging ng mga guro dahil sa walang ayos at
nakabakya lamang.)
Walang marinig na pag-uusap mula sa guro.
Adsum – “naririto po” ang natutunan. Libingan ng
kanyang ina ang pinaghihingahan ng sama ng loob
Maluwalhating nasagot ang mga
pagsusulit at nagtamo ng markang
aprobado.
Nang sumunod na taon binalatuhan siya
ni Kapt. Tiago (sapatos,piyeltrong
sombrero at ang mga damit ay naging
maayos na)
Simula ng makatawag pansin ng isang
propesor at estudyante.
Tinangkang gipitin ng propesor si Basilio –
binansagang loro-walang nagtawa at
napahiya ang prayle.
Labanan ng sable at tungkod ang
nagpatanyag pa kay Basilio
Nagtamo ng markang sobresaliente at
mga medalya.
Inilipat sa Ateneo de Municipal dahil
sa pagkamuhi sa mga prayle ni Kapt.
Tiago- bagong daigdig para kay
Basilio(paraan ng pagtuturo at
pagmamalasakit ng mga guro)
Medisina at abogasya- kursong nais
ipakuha ni Kapt. Tiago kay Basilio
Abogado – hindi na babayaran, Medisina –
makahahanap ng isang lason na mailalagay sa tari ng
kanyang manok na manggagaling sa dugo ng isang
Intsik na namatay sa sipilis.
Ikatlong taon-nagsimula nang gumanda ang kanyang
kinabukasan at kumikita na ng unti-unti.
Dalawang buwan – mangagamot,babalik sa
bayan,pakakasalan si Juli at sila ay magiging
maligaya.
Bibigkas ng pasasalamat sa araw ng pagtatapos-gitna
ng awditoryum ng universidad sa harap ng lahat ng
propesor na hinahangaan at tinitingnan ng lahat.
Siya’y pakikinggan sa kanyang
sasabihing magagandang bagay na
hindi pa nila naririnig. Lilimutin ang
kanyang sarili upang bigyang pansin
ang mga dukhang mag-aaral sa
haharapin, at siyang landas na
daraanan niya sa pag-akyat sa mataas
na lipunan.
Sa inyong palagay, bakit sinasabing
si Basilio ay biktima ng pagkakataon
sa nobelang El Fili?
Basilio – biktima ng pagkakataon.
Binuhay ni Rizal ang isang katangian ng tao na
nasisiyahang sumunod na lamang sa agos ng
buhay upang higit na mapabuti.
Lumutang din ang isang transpormasyong pagkatao
dala ng mga kabiguang hindi niya inaasahan.
Lumutang din ang isang transpormasyong pagkatao
dala ng mga kabiguang hindi niya inaasahan.
Sa simula, naging napakaganda ng pagtanaw ni
Basilio sa tagpo ng mga pangyayari subalit sa
bandang huli naghari din sa kanya ang kawalan ng
buhay dala ng mga karanasang siya niyang
iniwasan subalit kusang naranasan.
“Ang tanging hangad ko ay mapagaling ang mga
maysakit.”
Pahiwatig sa Kabanata:

Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay


nagpapakita ng pagpapahalaga ni Rizal sa
karunungan. Maging ano mang uri ng gawain basta’t
marangal ay kailangang pasukan upang makatapos
ng pag-aaral. Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at
pagsusumigasig upang matuto.
Pahiwatig sa Kabanata:

Sa kabanatang ito’y napabulaanan ang


kasabihang kung ano ang puno’y siyang
bunga. Si Basilio ay may mga
mabubuting katangiang kabaligtaran ng
sa ama.
Si Kabesang Tales

Panoorin at unawain ang video


clip tungkol sa Kabanata 4.
https://youtu.be/1DTL2PshbXE
Sa araling ito, tatalakayin kung
paanong ang isang indiyo ay
nakipaglaban sa mga prayle
para sa lupang kaniyang
sinasaka at kung ano ang
kayang isakripisyo ng isang
anak para sa kaniyang ama,
gayon din para sa kaniyang
sinisinta.
Kabanata 4: Si Kabesang Tales

Buhay pa si Tandang Selo, ang matandang


kumupkop sa may sakit na batang si Basilio.
Mabuti-buti na ang kaniyang buhay. Hindi na siya
nangangaso at nangangahoy at gumagawa na
lamang siya ng walis. Ang kaniyang anak na si
Telesforo o Tales, ay nakikisama sa lupa ng isang
mamumuhunan. Nang malaunan ay bumukod na
siya na katulong ang ama, asawa at tatlong anak.
Nagkaingin sila sa dulo ng bayan sa paniniwalang
walang nagmamay-ari niyon sapagkat iyon ay
ginugubat.
Sa paghahawan ng gubat na iyon, isa-isang
nagkasakit ang mag-anak. Unang namatay ang asawa
ni Tales at sumunod ang panganay niyang anak na si
Lucia. Nang malapit na nilang anihin ang unang tanim,
ang bukiring kanilang hinawan, nilinang at tinamnam,
ay inangkin ng isang korporasyon ng mga prayle na
may pag-aari sa malapit sa bayan. Naglagay ng mga
pananda ang mga ito at pinagbabayad sila ng
dalawampu o tatlumpung piso taon-taon. Palibhasa’y
mabait, tahimik at masunurin sa mga prayle, pumayag
si Tales. Unang-una, hindi siya marunong magsalita ng
Kastila. Wala rin siyang ibabayad sa manananggol.
“Magtiis ka na,” ang payo ni Tandang
Selo. “Ipagpalagay mo na lamang na
natalo ka ng tatlumpung piso sa
sugal o kaya’y kinain ng buwaya.”
Naging masagana ang ani ni Tales at
marami siyang napagbilhan.
Nagbalak siyang magpatayo ng
bahay na tabla sa nayon ng Sagpang
sa Bayan ng Tiyani na katabi ng San
Diego.
Masagana rin ang ani niya nang sumunod na
taon. Ang upa sa lupa ay naging limampung
piso. “Magtiis ka”, ang muling payo ni Tandang
Selo. “Ipagpalagay mo na lamang na lumaki
ang buwaya.” Natupad ang balak ni Tales.
Nanirahan sila sa bahay na tabla. Binalak ng
mag-ama na pag-aralin sa Maynila si Tano at
ang kapatid nitong si Huli.
Nang makita ng bayan na malakas kumita ng salapi
si Tales, pinakamasipag sa kanilang nayon at
maunlad ang kabuhayan, ginawa siyang kabesa.
Bilang kabesa, humanda siyang gumugol nang
malaki. Iniwasan niya ang pakikipagkagalit sa kura
at sa pamahalaan. Binabayaran na rin niya ang
buwis ng mga nakatalang pangalan ng mga
namatay na o lumipat na ng tirahan. “Magtiis ka.
Ipagpalagay mong dumating ang mga kamag-anak
ng buwaya,” ani Tandang Selo.
Hindi na nakapag-aral sa Maynila si Huli dahil
naragdagan pa ang buwis sa lupa. Nang ang
buwis sa lupa ay umabot na sa dalawandaang
piso, tumutol na si Kabesang Tales. Kapag
hindi makababayad ng buwis ay ipalilinang ang
lupa sa isang utusan ng prayle.
Namutla ang kabesa at umugong ang kaniyang tainga.
Sa mapulang ulap na tumakip sa kaniyang mga mata ay
parang nakikita niya ang kaniyang asawa at anak na
babae na payat na payat, namumutla at naghihingalo.
Nakikita niya ang masukal na gubat na naging
masaganang bukirin; ang kaniyang sariling nag-aararo
sa gitna ng nakapapasong araw samantala ang
tagapangasiwang prayle ay namamasyal lulan ng
kaniyang karuwahe at ang utusang pagbibigyan ng lupa
ay susunod-sunod sa panginoon. Ipinasiya ni Kabesang
Tales na huwag magbayad ng buwis at huwag ibigay ang
lupa.
Nang makita ni Tandang Selo ang mukha
ni Kabesang Tales, hindi na siya
bumanggit ng tungkol sa buwaya.
Pinaalalahanan niya ito na nahuhubaran
ng damit ang nakikipag-usapin
“Tayong lahat, Ama, ay uuwi sa alabok at
isinilang tayong walang damit,” ang sagot
ni Kabesang Tales sa ama.
Hiningan ni Kabesang Tales ang mga
prayle ng ano mang kasulatan ng
pagmamay-ari sa lupain. Walang
maipakita ang mga prayle kaya
nagkaroon ng usapin. Naniniwala si
Kabesang Tales na may mga taong
maibigin sa katarungan at gumagalang
sa kautusan
Ang usapin ni Kabesang Tales ay noon lamang nasaksihan sa
Pilipinas. Sa isang panig ay maralitang Indiyo, mangmang
ngunit nagtitiwalang magtatagumpay ang katarungan. Sa
kabilang panig ay ang malakas na korporasyon ng mga prayle,
makapangyarihan at niyuyukuan. Tila langgam lamang si Tales
na kumakagat din kahit alam niyang siya’y matitiris, tulad din ng
isang langaw na tumatanaw sa kalawakan sa kabila ng
salamin, tulad ng palayok na nakikipagbanggaan sa kaldero at
madudurog sa sanlibong bahagi. May itinuturo din ang mga ito;
ang mataas na karangalan ng kawalang pag-asa. Habang hindi
pa nahahatulan ang usapin, si Kabesang Tales ay naglilibot sa
kaniyang bukirin. May dalang isang baril bilang pananggalang
sa mga tulisan.
Ang mga hukom-pamayapa sa bayan at sa
ulong-bayan ay hindi naglakas ng loob na
bigyan ng katuwiran si Kabesang Tales sa
takot na mawalan sila ng katungkulan.
Pinayuhan ng mga hukom na magbayad na
ng hinihinging buwis. Subalit nanindigan si
Tales lalo pa nga’t may nababanaagang
katuwiran
Pinagsadya ang kabesa ng gobernador
subalit nanatili sa kaniyang pagmamatigas.
Ipagkakaloob lamang niya ang lupaing iyon
sa taong makagagawa nang higit sa
kaniyang dinanas. Ang anak niyang si Tano
ay napiling sundalo ngunit pinabayaan niya
itong lumakad nang walang kapalit.
Pagkaraan ng anim na buwan, nabalitang
dinala ito sa Carolinas.
Pinag-ibayo ng kabesa ang pagbabantay sa
kaniyang lupa na dala-dala ang baril. ‘Di
nagtagal, nanaog ang utos ng Kapitan Heneral
na nagbabawal sa paggamit ng baril kaya
ipinasamsam na lahat ang mga baril. Patuloy
pa rin ang kabesa sa pagbabantay na daladala
naman niya’y isang gulok.
Inalisan siya ng gulok dahil napakahaba
nito. Ang ipinalit niya ay isang matandang
palakol ng kaniyang ama. Subalit anong
laban ng palakol sa mga baril ng mga
tulisan? Binihag ng mga tulisan si Kabesang
Tales. Humihingi ng limandaang piso ang
mga ito bilang pantubos sa kabesa sa loob
ng dalawang araw. Maaaring pugutan ng ulo
ang kabesa kapag ‘di nakapagbigay ng
kanilang hinihingi.
Halos mabaliw ang maglolong Selo at Huli sa
nangyari. Si Huli ay may dalawandaang piso lamang
kaya nagpasiyang ipagbili sa pinakamayamang
kapitbahay ang kaniyang mga alahas maliban sa
relikaryong may esmeralda at mga brilyante. Handog
ito sa kaniya ni Basilio. Ang hiyas na iyon ay ibinigay
ni Maria Clarang anak ni Kapitan Tiyago sa isang
ketongin. Ibinigay ng ketongin ang agnos kay Basilio
sapagkat ginamot siya nito. Ang hawak na salapi ni
Huli ay naragdagan lamang ng limampung piso
Binalak ni Huli na isanla ang kanilang bahay
sa halagang dalawandaan at limampung piso.
Sinamahan siya ni Hermana Bali sa
mayayaman sa Tiyani, subalit walang
nangyari. Ayon sa kanila, ang tumulong daw
sa kaaway ng mga prayle ay parang
naghihintay sa paghihiganti ng mga ito.
Hanggang makatagpo nila si Hermana
Penchang, na nagpahiram ng salaping
kailangan sa kasunduang maninilbihan si Huli
sa kaniya bilang utusan hanggang
mabayaran ang utang.
Nang malaman ito ni Tandang Selo, nanaghoy itong parang
bata. Sinabi ng matanda na kung aalis si Huli, siya’y
tutungo sa gubat at ‘di na babalik sa bayan. Naging
malungkot ang gabi sa maglolo. Kinabukasan, araw ng
Pasko, maninilbihan na siya kay Hermana Penchang. Sa
araw ding iyon karaniwang dumarating si Basilio buhat sa
Maynila at dumadalaw sa kaniya na may dalang
pasalubong. Kailangang limutin na niya ang binata
sapagkat magiging manggagamot na ang binata at siya’y
hindi na karapat-dapat maging asawa nito. Iba’t ibang
kababalaghan ang sumasaisip ni Huli hanggang siya ay
nakatulog.
1. Ano ang sinapit ni Kabesang
Tales at ng kanyang pamilya
sa paghahawan ng lupang
kanyang sinasaka?

2. Anong tunggalian ang


namayani sa loob ng
kabanata?
 Pagpapakita ng mga Pangkatang Gawain na may kaugnayan
sa aralin.
 Paglalahad ng nilalaman ng mga ginawang gawain. (Indicator
2)
Pangkat 1 – Pagbubuod ng kabanatang tinalakay gamit ang
Pagbabalita.
Pangkat 2 – Pagpapakita ng ipinahihiwatig ng kabanata
gamit ang Poster.
Pangkat 3 – Pagbuo ng kawikaan hango sa kabanatang
tinalakay gamit ang Islogan.
Pagyamanin:

Anong bisang pangkaisipan at pandamdamin ang


nangingibabaw sa aralin?
• Ano ang kaugnayan ng mga
pangyayari sa kabanatang tinalakay
sa lipunang ating ginagalawan?

• Anong teoryang pampanitikan ang


masasalamin sa katatapos nating
aralin?
Humanda sa maikling
pagsusulit.
Takdang Aralin :

• Kilalanin sina Huli at Isagani.

• Ano ang sinapit ng kani-kanilang


buhay.
Maraming Salamat sa inyong
pagdalo sa ating klase.
Patuloy na manalangin at mag-
ingat ang bawat isa.

You might also like