You are on page 1of 4

FILIPINO 10: EL FILIBUSTERISMO

GAWAING PAGKATUTO
IKAAPAT NA MARKAHAN-IKATLONG LINGGO
Pangalan: Baitang at Seksyon: _________Puntos:___________
Paaralan:________________________________Guro:________________________________________________

I. PAKSA/PAMAGAT:
PANITIKAN: El Filibusterismo (Nobela)
Obra Maestra ni Dr. Jose P. Rizal
Iba pang Katangian ni Kabesang Tales
(Kabanata 7, 8 at 30)

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:


Natatalakay ang mga kaisipang patungkol sa bayan, pamilya, kapwa-tao, kalupitan at pagsasamantala
sa kapwa at paninindigan sa sariling prinsipyo at iba pa. F10PB-IVd-e-89

Layunin sa Pagkatuto:
a. Nakabubuo ng mga salitang angkop sa kahulugan ng mga salitang hinango sa akda.
b. Nakapaglalahad ng mga kaparaanan kung paano matutulungan ang sarili na tanggapin ang mga
dagok sa buhay.
c. Naiisa-isa ang mga mahahalagang detalye na naranasan ng pangunahing tauhan.

III. PANIMULA (SUSING KONSEPTO):


Ang araling ito ay naglalaman ng mahahalagang kabanatang kinasasangkutan ni Kabesang Tales at iba
pang tauhang may kaugnayan sa kaniya. Tatalakayin sa araling ito ang mga Kabanata 7, 8 at 30. Bahagi din
ng pagtalakay sa mga piling kabanata ng El Filibusterismo ang mahahalagang tanong tungkol sa akda na
susukat sa kanilang dunong na umunawa at magpahalaga sa kulturang umiiral sa isang tiyak na panahon.

IV. MGA GAWAIN/PAGSASANAY:


Pangkalahatang Panuto: Kilalanin natin ang isa sa mga pangunahing tauhan ng nobelang El Filibusterismo.
Narito ang ilang kabanata ng nobelang tumatalakay sa buhay ni Kabesang Tales, basahin at unawaing mabuti.

Iba pang Katangian ni Kabesang Tales


(Kabanata 7, 8 at 30)

Nabanggit sa Kabanata 7 ang dakilang layunin ni Simoun na maghiganti laban sa mga nagpasakit sa
kanyang mahal sa buhay gaya ng kanyang ama at ni Maria Clara. Kaya humahanap siya ng mga taong magiging
kasangkot niya sa balak na ito. Dito una itong inialok ni Simoun kay Basilio subalit mas pinanigan ni Basilio ang
ninanais nilang mga kabataan ng pagpapatayo ng Akademya sa Wikang Kastila. Subalit nakitaan niyang si
Kabesang Tales ay maaari niyang maging kapanalig.

Sino ba si Kabesang Tales bilang anak?


Sa Kabanata 4, naging tagapayo ni Kabesang Tales si Tandang Selo mga gagawing desisyon nito. Palagi
siyang nakikinig sa payo ng kanyang ama. At hindi nagdedesisyon para lamang sa kanyang sarili. Simula nang
maliit pa lamang ang kinikita nito sa lupang kanyang pinaghirapan hanggang sa ito ay umami at lumago nang
mabuti. Isa si Tandang Selo ang kanyang naging sandigan at tanungan.
Sa Kabanata 8 ang unang araw ng pagtupad ni Huli sa kasunduan nila ng kanyang tiyahing si Hermana
Penchang na mamamasukan bilang katulong, upang maipantubos sa kanyang amang binihag ng mga tulisan. Ang
araw na iyon ay Kapaskuhan at wala man lamang maibigay na regalo sa mga kamag-anak at mga batang
nagmamano sa kanya. At dahil sa labis na kalungkutang naranasan ng matanda, nabalitaan ng mga naroroon na
hindi na ito makapagsalita.
Nang mahuli ang mga tulisang dumukot kay Kabesang Tales at nang palayain siya ay wala na siyang lupa
kaya tulad ng kanyang ama, siya ay halos di na rin makapagsalita.

1|Page
Sino si Kabesang Tales bilang ama?
Sa bahay ni Kabesang Tales pinili ni Simoun na magbenta ng kanyang mga alahas. Naipakita rin ni Simoun
kay Tales na siya ay magaling humawak at gumamit ng baril. Nang dumating ang mga mamimili ng alahas at sa
bawat pagbubukas ng mga kahon ng mga alahas ay labis na humahanga ang mga naroroong nais na bumili. At
naisip ni Tales na kahit isa lamang sa mga batong iyon ay sapat nang pantubos kay Huli.
Sa bandang huli, iniwan ni Tales ang locket na ibinigay ni Maria Clara sa ketongin na ngayon ay pag-aari ni
Huli at ang kinuha ni Tales na kapalit noon ay ang baril ni Simoun at nag-iwan ng isang sulat na nagsasabing
sumama na si Tales sa mga tulisan at pinayuhang mag-ingat na hindi sila magkita sa daan. Natuwa naman si
Simoun nang malaman niya ang ginawa ni Tales.
Kinabukasan, nabalitaan ng mga naroon na may tatlong napatay sa dating lupa ni Tales, ang pareng
bagong tagapangalaga ng lupa ni Tales, ang katiwala at ang asawa nito.
Naisipang sumapi ni Tales sa mga tulisan upang makaipon ng perang magagamit bilang pantubos sa
kanyang anak na si Huli na napilitang mamasukan bilang katulong kay Hermana Penchang.

Sino si Kabesang Tales bilang kakampi ni Simoun?


Nang namalas ni Simoun ang katangian ni Kabesang Tales, mula sa pagiging maamo nito hanggang sa
napalabas ng masakit na sitwasyon ang kabangisan ng pag-uugali nito. Naisip ni Simoun na madali na lamang
makumbinsi si Tales na maging kakampi sa balak nitong paghihiganti.
Tinaguriang Matanglawin ng mga tulisan si Kabesang Tales. Umaapaw ang pagnanais nito na maghiganti sa
mga taong umapi sa kanya, sa kanyang pamilya at sa lupa nito kagaya ng pagnanais na paghihiganti ni Simoun.
Si Kabesang Tales kasama ang ibang tulisan ay naging katulong ni Simoun sa pagsakop ng lungsod kapalit
ang mga salapi at alahas. Sa balak ni Simoun, kapag may narinig silang pagsabog, iyon ang magiging hudyat nila
upang lumusob. Sa madaling salita, naging tau-tauhan ni Simoun si Kabesang Tales at ang mga tulisan kapalit ng
yaman nito.

GAWAIN 1: PUNAN MO!


Panuto: Punan ng nawawalang letra ang bawat salita upang matukoy ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na
salita sa loob ng pangungusap.

1. Pauwi na si Simoun nang may narining siyang mga yabag ng paa.

i_g__

2. Nasindak ang kamag-anak ni Tandang Selo nang malamang siya ay hindi na nakapagsasalita.

n _ t _ k_ t
3. Ang hiling ni Padre Camorra kay Huli ay isang pagpapakasakit.
_ a g _ a s _ k _ i p _ sy _

4. Tinuligsa ni Simoun ang kahilingan ng mga mag-aaral.

p _ n u _a
5. Ito ang kinagisnang ugali ng mga batang Pilipino tuwing Pasko.

k i _ a l _ k i h _n

GAWAIN 2: ILAHAD MO!


Panuto: Isulat ang hinihinging kasagutan sa ibaba patungkol sa kung paano matutulungan ang sarili na tanggapin
ang mga dagok sa buhay.

Tanong: Sa iyong murang gulang ay hindi ka ligtas sa mga pagsubok. Anong dagok sa iyong buhay ang naranasan
mo na? Nakaya mo ba itong tanggapin at lutasin? Anong mga paraan ang iyong ginawa?

2|Page
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

GAWAIN 3: SURIIN MO!


Pagsasanay blg. 3.1
Panuto: Suriin at unawaian ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay may kaugnayan sa kabanata at MALI
kung wala. Isulat ang sagot sa patlang.

_____ 1. Alam ni Simoun na magtatagpo sila ni Basilio sa gubat ng San Diego kaya nakahanda siya sa mangyayari.
_____ 2. Hindi na nakapagsalita si Tandang Selo sa kanyang naging karanasan.
_____ 3. Katapusan ng Pasko magsisimulang magtrabaho si Huli sa kanyang amo.
_____ 4. Ang Kapitan Heneral ang naging tagapayo ni Kabesang Tales sa kanyang naging desisyon.
_____ 5. Sa naging pag-uusap nina Simoun at Basilio, pumayag si Basilio sa balak ni Simoun.

Pagsasanay blg. 3.2


Panuto: Salungguhitan ang damdaming namamayani sa mga sumusunod na pahayag.

1. “Sinabi ko na nga sa kanya, sinabi ko na nga ba” pahayag ng Hukom-Pamayapa nang mabalita ang
nangyari kay Basilio.
(pagkatuwa, paninisi, pagwawalang-bahala)

2. “Sadyang iyan ang mahihintay sa mga taong pati agua bendita ay pinandidirihan” ani ni Hermana
Penchang.
(pagkagalit, pagkatuwa, panghihinayang)

3. “Wala kang dapat ikatakot, ako’y kasama mo naman sa pagpunta sa kumbento”, ang sabi ni Hermana
Bali.
(nagpapalakas ng loob, nang-uudyok, naiinis)

4. “Oh Siya, bumalik na tayo kung ayaw mong tumuloy sa loob, hayaan mo nang mapatapon si Basilio at
barilin pagkatapos, wala akong utang na loob sa kanya kaya’y walang maisusumbat sa akin”
(pagkayamot, pananakot, pagwawalang-bahala)

5. Oh! Diyos, sa harap mo po’y walang mayaman, walang mahirap, walang maputi, walang maitim; Ikaw
lamang ang maglalawit sa amin ng katarungan”
(pagtitiwala, pagkabigo, pagdurusa)

Pagsasanay blg. 3.2


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung sino o ano ang tinutukoy sa bawat pahayag.
Isulat ang tamang letra sa patlang.

_____ 1. Iminulat ni (a) Tandang Selo (b) Huli (c) Hermana Penchang ang kanyang namumugtong mata at
inihanda ang sarili upang magdasal.
_____ 2. Sa pag-iisip ni Huli, nailapit niya sa kanyang labi ang (a) locket (b) singsing (c)hikaw na ibinigay
sa kanya ni Basilio.
3|Page
_____ 3. Nakita ni Huli ang kanyang (a) amain (b) lolo (c) tiyuhin sa isang sulok ng kanilang bahay kaya
lumapit siya rito at nagmano.
_____ 4. Nang matanaw ni (a) Kabesang Tales (b) Huli (c) Tandang Selo ang mga nagsisipamasko ay
lungkot na lungkot siya dahil sa wala man lamang siyang maibigay na regalo.
_____ 5. Ang araw ng Pasko sa Pilipinas ay itinuturing na (a araw ng mga kamag-anak (b) araw ng mga
nagmamahalan (c) araw ng mga bata

V. PANGWAKAS NA GAWAIN:
Panuto: Tukuyin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng paggamit ng estratehiyang THE FIRST WORD.
Tingnan kung ano ang alam ninyo sa gawaing ito. Magkaroon ng malalim na pang-unawa sa salitang bibigyang-
kahulugan. Narito ang salitang “PASKO” Bigyan ng kahulugan ang bawat titik nito. Tiyakin na magkakaugnay ang
kahulugan ng bawat titik at nagbibigay ng bagong kaalaman o impormasyon.

P - __________________________________________________________________________________

A - __________________________________________________________________________________

S - __________________________________________________________________________________

K - __________________________________________________________________________________

O - __________________________________________________________________________________

Pamantayan Napakahusay (3) Mahusay (2) Mahusay-husay (1)


Nilalaman Nasagutan nang Nasagutan nang Hindi kumpleto at ‘di
kumpleto at malalim na kumpleto ngunit ‘di malalim na pag-unawa
pag-unawa sa kahulugan malalim na pag-unawa sa kahulugan
sa kahulugan
Pagbibigay ng Nabigyang kahulugan sa Nabigyan ng kahulugan Walang kahulugang
Kahulugan sa ng bawat titik ngunit ‘di wasto naibigay
ng bawat titik

Kabuuan

VI. MGA SANGGUNIAN:

Aklat:

 Bucu, Amelia V at Carreon, Marga B. (2018). Obra Maestra, Batayang Akdang Pampanitikan, El
FIlibusterimo. Manila: Rex Book Store Inc.
 Pinga, Erlinda at Hernandez, Milagros T. (n.d). Sanayang Aklat sa El Filibusterismo. Souvenir
Publication Inc.

4|Page

You might also like