You are on page 1of 10

SURIGAO DEL SUR STATE

UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

PAMAGAT: “LEARNING ACTIVITY SHEETS SA PILING PAKSA NG NOBELANG EL


FILIBUSTERISMO SA PANAHON NG PANDEMYA”

nina Mary Iries T. Hoyumpa,


Ma. Isabel Divina

I. PANIMULA

Ang buong mundo ay nababalot ng isang sakuna dulot ng malawakang


pandemya na naging sanhi sa pagbabago ng lahat ng kalakaran sa buong daigdaig.
Malaki man o maliit na bansa ay walang pinalampas, maging ang Pilipinas ay hindi
nakaligtas at isa sa mga bansa na lubos na naapektuhan sa problemang naidulot
nito.
Ang mga paaralan ay ipanasasara ng gobyerno upang matiyak ang
kaligtasan ng mga guro at mga mag-aaral. Ang Kagawarang Edukasyon ay
nagkaroon ng mahusay na pagpapasya na pinangunahan ni kalihim Leonor M.
Briones na ayon sa kanya, “Ayaw nating maiwanan sila (mag-aaral) sa panahon”.
Kung gayon, tutugunan ang nais ng Republic Act No. 10533 na tinatawag na “No
Child Left Behind”.
Upang matugunan ang pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
gitna ng hamon na kinakaharap dahil sa malawakang pandemya, nabuo ang
Learning Activity Sheet (LAS) bilang kagamitang pampagtuturo na naglalayong
matulungan at mapanatili ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay lubos na nakakatulong sa pagtuturo ng mga guro na


nagtuturo ng asignaturang Filipino sa ikasampung baitang. Ang paksang ito ay
iniugnay sa kasalukuyang pangyayari sa pandemya na kung saan kinailangang
magkaroon ng alternatibong pamamaraan at makabuo ng modyul ang mga guro sa
pagtuturo, magkaroon ng balidasyon at matugunan ang pangangailangang
pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang at sa asignaturang Filipino.

1 | Page
SURIGAO DEL SUR STATE
UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

Ang El Filibusterismo ay mayroong tatlumpu’t siyam na kabanata.


Naglalaman ang mga kabanata sa kuwentong pangtauhan, kasama na rito ang mga
sumusunod: Simoun, Basilyo, Juli, Kabesang Tales, atbp. Kapansin-pansin na ang
nobelang El Filibusterismo para sa pagtuturo para sa mga mag-aaral ay ubod ng
haba na hindi sapat ang itinakdang oras ng mga mag-aaral sa pagbabasa at pag-
unawa sa ibinigay na kagamitang pampagtuturo. Hindi ito madali sa mga mag-aaral
na matuto na walang gabay na personal na interaksyon mula sa mga guro dahil hindi
naman araw-araw nagkikita-kita. Ang Blended Learning ay isa sa
pinakakomplikadong gawain. Ito ay nangangailangan ng buong atensyon, malalim
na pang-unawa at masusing pag-iisip. (Gurdiel 2015).

Ang mga suliraning nangyayari sa pagtuturo ng El Filibusterismo: Gahol sa


oras sa paghahanda ang mga guro, dahil dito nagkaroon ng walang balanse sa oras
ang mga guro na kadalasan ang gawain ay iniuwi sa tahanan; kakulangan sa
kagamitang pampagtuturo, ito ay karaniwan na lalo na’t nagkakaroon ng kakulangan
sa papel ang paaralan na maibigay ang saktong bilang ng mga modyul at Learning
Activity Sheet (LAS) sa mga mag-aaral; wala talagang sariling kagamitang
pampagtuturo ang El Filibusterismo dahil hindi ito kasali sa mga aklat na ibinahagi
ng Kagawarang Edukasyon kahit wala pang pandemyang nangyayari, mayroon sa
ibang publikasyon na mga aklat pero itinuturo lamang ito sa pribadong paaralan at
hindi naman nakaangkla sa mga libro ng Filipino ng DepEd.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Soliman (2007) na pinamagatang


“Debelopment at Balidasyon ng Modyul sa Filipino 1 para sa mga Dayuhang Mag-
aaral sa Antas Tersyarya”, Ang paggamit ng modyul at Learning Activity Sheet (LAS)
ay nakakatulong sa mga guro upang malinang ang sariling pagkatuto ng mga mag-
aaral. Kaya’t ito ang nag-udyok sa mga mananaliksik na bumuo ng isang Learning
Activity Sheet (LAS) at magkaroon ng balidasyon nang sa gayon ay magamit ito ng
mga mag-aaral at matamo ang layunin ng mga mananaliksik para sa mga guro.

2 | Page
SURIGAO DEL SUR STATE
UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

II. BATAYANG TEORITIKAL

Sa pag-aaral na ito, gagamitin ng mga mananaliksik ang modelong ADDIE bilang


batayan na pagbuo ng Learning Activity Sheet (LAS) kung saan kinapapalooban ng
mga bahagi bilang paghahanda.

FIGYUR 1: ADDIE ni Watson, 1981

Makikita sa Figyur 1 ang mga bahagi ng modelong ADDIE na magiging gabay ng


mga mananaliksik sa pagbuo ng panibagong desinyong modelo na naaayon sa mga
hakbang sa pagbuo Learning Activity Sheet (LAS). Ito ang magsisilbing modelo
upang maisakatuparan ng mga mananaliksik ang kanilang gawain.

3 | Page
SURIGAO DEL SUR STATE
UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

ANALIZE/ANALISIS DESIGN/ DEVELOP/PAGBUO IMPLEMENTATION/ EVALUATION/


DISENYO IMPLEMENTASYON EBALWASYON
Pagpili at Pamimili ng mga Sasangguni ang Pagkolekta at Pagkatapos ng
pagpapasya sa pamantayan, mga mananaliksik pagsusuri sa fidbak masuri ng mga
tauhang kasanayang sa tagapayo, mga ng mga tagapayo at
gagamitin/isasali pangnilalaman at gurong eksperto eksperto,para sa gurong
bilang paksa ng kasanayang upang humingi ng gagawing eksperto
Learning Activity pampagkatuto na mungkahi sa pagwawasto/rebisyon gagawin na
Sheets (LAS), aangkop/akma sa binuong modyul sa sa panimula at ang rebisyon
pagtitiyak sa mga mga mag-aaral ng pamamagitan ng panapos na batay sa
layunin at bahagi baitang 10 pagpapasuri sa mga pagsusulit. mungkahi at
ng modyul na gayundin ang bahagi ng modyul suggestion na
bubuuin. paghahanda ng upang ganap na ibinibigay ng
panimula at magiging balido ang mga tagasuring
panapos na nabuong Learning eksperto.
pagtataya. Activity Sheets
(LAS)

FIGYUR 2

Ipinakikita sa Figyur 2 ang mga bahagi ng modelong ADDIE na magiging gabay ng


mananaliksik sa pagbuo at pagbabalideyt ng Learning Activity Sheet ng piling paksa sa
nobelang El Filibusterismo sa panahon ng pandemya. Ang modelong ADDIE ay
kinapapalooban ng limang mga hakbang.

 Una rito ang planning phase na kinapapalooban pagpili at pagpapasya ng


paksa/tauhang gagamitin bilang paksa ng ng babalangkasing LAS(Learning
Activity Sheet)at pagtiyak sa mga bahaging bubuuin.
 Ikalawa, ang pagdesinyo at pagbuo kung saan mamimili ng mga kasanayang
pangnilalaman at kasanayang pampagkatuto na akma o angkop sa mga ,mag-
aaral ng baiting sampu at pagbuo ng panimula at panapos na pagtataya.

4 | Page
SURIGAO DEL SUR STATE
UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

 Ikatlo, ang balidasyon kung saan sasangguni ang mananaliksik sa tagapayo,


mga gurong eksperto upang humingi ng mungkahi sa binuong modyul.
 Ikaapat ay ang pagsusri sa fidbak ng sinagawang balidasyon ng mga eksperto.
Sa bahaging ito rin isasagawa ang panimula at panapos na pagtataya sa
nabuong modyul.
 Ikalima at huling bahagi ang ebalwasyon, sa bahaging ito gagawin ang rebisyon
batay sa ibinigay na suhestyon na ibinigay ng mga tagasuring eksperto.

● LAYUNIN NG PAG-AARAL
1. Layunin ng pag-aaral na ito ang makabuo at makapagtaya ng Learning Activity
Sheet sa piling aralin ng nobelang El Filibusterismo na nakabatay sa gabay ng
LM (Learning Module)at MELCs (Most-Essential Learning Competencies).
2. Masuri at mataya ang pagiging balido at pagtanggap ng tagapagsagot ng
nabuong Learning Activity Sheet.
3. Makabuo ng kaukulang rebisyon sa mga Learning Activity Sheet batay sa resulta
ng isinasagawang balidasyon.

III. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Ayon kay Alwright(1990), ang mga kagamitan ay komokontrol
sa pagtuturo at pagkatuto. Ang mga ito’y dapat na katulong sa pagkatuto ng mga
mag-aaral, ito ay magsisilbing pagmumulan ng mga ideya at mga gawain para
sa pagtuturo at pagkatuto (resource of ideas and activities for instruction and
learning), at magsisilbing batayan o gabay ng guro sa mgagawain. Ang
kaugnayan nito sa pag-aaral ay upang gawing kontrolin ng isang guro ang
kanyang pagtuturo gamit ang napiling kagamitang pampagtuturo, ito ay sangkap
lamang ngunit ang pangunahing nagmamaneho sa proseso ng pagkatuto ay ang
guro mismo.

Ayon kay Silva (2008), kailangang makita o masalamin sa isang


kagamitang pampagtuturo ang isang mahusay na kurikulum at pagtuturo. Ang
kaugnayan nito sa pag-aaral ay kinakailangang maging batayan ang mga
sanggunian katulad na lamang ng LM (Learning Module) at MELCs (Most-

5 | Page
SURIGAO DEL SUR STATE
UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

Essential Learning Competencies) na may malaking tulong sa pagbuo ng LAS


(Learing Activity Sheets).

Isa sa mga instrumentong kinatigang maisakatuparan ay ang mga


kagamitang panturo na ginagamit sa loob ng klase. Sinasabi nina Abad at
Ruedas (1996) na hindi lamang nagtatapos sa paghahanda ng kagamitan,
kailangang alam din ng guro kung marami bang inihahain na kabutihan ang
paggamit niya ng kagamitan para sa kanyang mag-aaral. Ang kaugnayan nito sa
pag-aaral na kinailangang ang guro ay alam kung paano gamitin ang nagawang
kagamitang pampagtuturo, kinailangang magkaroon ng pagsangguni at
mungkahing baliditi upang mas balido at mapagtibay na akma ang nagawang
LAS (Learning Activity Sheets) para sa mga mag-aaral.

Bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang
magkaroon ng makahulugan at mabisang pagtuturo at pag-aaral. Ang guro ay
gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo (Abad,2001). Ang kaugnayan nito
sa pag-aaral sa panahon ng pandemya ang mga mag-aaral ay nakadepende
lamang sa inihahain ng guro para sa kanila. Sa Blended Learning kinailangang
ang guro ay may mga nakahandang kagamitang pampagtuturo bago pa mag-
umpisa ang klase. Kinailangang maging handa ang guro sa lahat.

Sinabi pa ni Aguilar (2001) ang paglinang ng mga guro ng mgakagamitan
g pampagtuturo ay makatutulong nang malaki sa pagtuturo ng hindi gaanong
napakahirap na gawain. Subalit ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga, pagtitiis,
lakas ng loob at pagiging maparaan ng isang guro. Kailangang pinag-iisipang
mabutiat hindi lamang sariling kapakanan ang iniisip sa paggamit ng mga
kagamitang pampagtuturo. Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng isang guro ay
ang masiguro na may matututuhan ang mga mag-aaral sa itinuturo gamit ang
mga kagamitan.

IV. METODOLOHIYA

6 | Page
SURIGAO DEL SUR STATE
UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pag-aaral na kinapapalooban


ng apat na yugto sa pagbuo ng LAS (Learning Activity Sheets): Pagpaplano,
Pagbuo ng LAS (Learning Activity Sheets), pagbalideyt at pagrebisa.

Isinagawa sa pananaliksik ang sumusunod na hakbang sa pagbuo ng


LAS (Learning Activity Sheets):
1. Pagpaplano

Ang mananaliksik ay nag-aanalisa ng mga pangangailangang paksa at


kasanayan sa El Filibusterismo sa asignaturang Filipino na itinuturo sa mga mag-
aaral sa ikasampung baitang at maglikom ng mga awtentikong kagamitan na
tutugon sa kanilang pangangailangan.

2. Pagbuo ng LAS (Learning Activity Sheets)

Ang mananaliksik ay nagdidenyo ng isang LAS (Learning Activity Sheets)


batay sa natiyak na paksa at sa kasanayang pampagkatuto na tutugon sa El
Filibusterismo sa asignaturang Filipino na itinuturo ikasampung baitang

3. Balidasyon

Ipinabalideyt ang mga nabuong LAS (Learning Activity Sheets) sa mga


eksperto.

4. Rebisyon

Inirebisa ang mga LAS (Learning Activity Sheets) batay sa balidasyon ng


mga eksperto. Sa pamamagitan ng malawakang pagbasa ng mga teorya na
natukoy sa pag-aaral ng pagbuo na tutugon sa El Filibusterismo sa asignaturang
Filipino na itinuturo sa mga mag-aaral sa ikasampung baitang. Ang mananaliksik
ay kailangang nakahanda ng MELCs (Most-Essential Learning Competencies)
sa Filipino 10 at talatanungan upang maging batayan sa mga guro sa
pagbalideyt sa pamamagitan ng talatanungan at pasulat na pidbak.

Sa naging resulta ang balidasyon ng mga guro na nagtuturo ng Filipino


ay lubos na sumasang -ayon na angkop at malinaw ang mga LAS (Learning
Activity Sheets). Naipakita sa mga LAS (Learning Activity Sheets) ang kalinawan,

7 | Page
SURIGAO DEL SUR STATE
UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

kawastuhan, kaangkupan at kawilihan sa nilalaman at kasanayang dapat


matutunan ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang sa pag-aaral ng El
Filibusterismo sa Filipino 10.

V. KONKLUSYON
Sa bahaging ito mababasa ang nabuong konklusyon batay sa isinagawang
balidasyon ng mga eksperto.
1. Ang nabuong LAS (Learning Activity Sheet) ay binubuo ng limang aralin mula sa
mga kabanata 4, 8, 10,30, 36, at 38 ng Nobelang El Filibusterismo para sa mga
mag-aaral ng ikasampung taon. Ang bawat Gawain ay naayon sa MELcs (Most
Essential Learning Activities) na ibinigay ng kagawaran bilang gabay sa mga guro at
mag-aaral para sa pagtalakay sa pakasa.
2. Ayon sa pagsusuri ng mga gurong eksperto, lumabas na lubos silang sumasang-
ayon at katanggap-tangap ang layunin at nilalaman ng binalangkas na LAS
(Learning Activity Sheet)para sa mga mag-aaral ng ikasampung taon.
VI. REKOMENDASYON
Batay sa kinalanbasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang
sumusunod:
1. Sa pagbuo ng LAS(Learning Activity Sheet)kinakailangang naayon ito sa MELcs
(Most Essential Learning Activities)ng sa ganoon magiging angkop ang pagpapalano
ng mga gawain para sa target na mga mag-aaral.
2.Iminumungkahing ipagamit sa mga mag-aaral ang nabuong LAS dahil sa
magandang resulta ng balidasyon
3.Hinihikayat ang mga guro sa ibat ibang asignatura na bumuo ng LAS(Learning
Activity Sheet)para magamit sa kanilang asignatura.
VII. RESULTA
Batay sa resulta ng isinagawang balidasyon gamit ang ipinamahaging talatanungan
sa mga gurong eksperto makikita na lubos silang sumasang-ayon at katangap-
tangap ang layunin at nilalaman ng nabuong LAS(Learning Activity Sheet).
Nangangahulugang ang LAS(Learning Activity Sheet)ay balido at maari ng ipamahigi
at ipagamit sa mga mag-aaral ng ikasampung baiting.
VIII. REPERENSYA

8 | Page
SURIGAO DEL SUR STATE
UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

⮚ Online:
Peralta, Precious Mae. (2015). Thesis Final. Retrieved from
https://www.academia.edu/28402119/THESIS_FINAL_1

Macleod, Saul. (2017). Simply Psychology. Retrieved from

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.simplypsychology.org
%2Flearningkolb.html%3Ffbclid
%3DIwAR14LxqaOQx4OCIljx0xxFgxPMLcwKX5qJO12YYswuLqtZ27S0hKftvqH
w&h=AT0V1OGXaLQaKNG9rDAsso0JEwJKnxh8edufH5bb9PW7xCmP3t_isbL3
J3iJP_Fil7U7DU6OcyFtJL9YYrTv7NYqaOU8DqNHvhrn5ee4Je1NS5diKmc8sd7
ZsFi6g4QhuW9_g

Duque, Sharlyn. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral. Retrieved from


https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.academia.edu
%2F31575690%2FKABANATA_II_MGA_KAUGNAY_NA_LITERATURA_AT_PA
G_AARAL%3Ffbclid
%3DIwAR0GPvHaD_mwlYWpU03JjXFYBh4ZsGRVak6OqhBQpGukMPhlQ9m7
QG0mxY&h=AT0V1OGXaLQaKNG9rDAsso0JEwJKnxh8edufH5bb9PW7xCmP3
t_isbL3J3iJP_Fil7U7DU6OcyFtJL9YYrTv7NYqaOU8DqNHvhrn5ee4Je1NS5diK
mc8sd7ZsFi6g4QhuW9_g

fcleong69. (2017). Scribd. David Kolb-Experiential learning. Retrieved from


https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.scribd.com
%2Fdocument%2F364248846%2FDavid-Kolb-Experiential-Learning
%3Ffbclid%3DIwAR1f85lyfiLzi5Dqa4ruivziACTdeq3e6YPcdxi5S-yFNvA-
P97HmoiiQ4o&h=AT0V1OGXaLQaKNG9rDAsso0JEwJKnxh8edufH5-
bb9PW7xCmP3t_isbL3J3iJP_Fil7U7DU6OcyFtJL9YYrTv7NYqaOU8DqN
Hvhrn5ee4Je1NS5diKmc8sd7ZsFi6g4QhuW9_g

9 | Page
SURIGAO DEL SUR STATE
UNIVERSITY
Rosario, Tandag City, 8300 Surigao del Sur

⮚ Artikulo:
Lazaro-Zamora, Niña Christina. (2016). Pagtataya sa
Modularisasyon ng K-12 sa Asignaturang Filipino: Tungo sa Pagbuo ng
Modelo ng Ebalwasyon para Kagamitang Panturo na Tutugon sa Ika-21
Siglong Kasanayan.

Cordenete, Joyce B. at Macalta, Ma. Theresa E.(2020).Pagbuo


at Balidasyon ng Interaktibong Modyul sa Pagtuturo ng Florante at Laura.

Felonia, Melchor. (2021). Mga Pamamaraan at Kagamitan sa


Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya.

Soliman, Arlene M. (2007). Debelopment at Balidasyon ng


Modyul sa Filipino I para sa mga Dayuhang Mag-aaral sa Antas
Tersyarya.

10 | Page

You might also like