You are on page 1of 16

CAPITOL UNIVERSITY

GRADUATE SCHOOL

REPLEKSYON SA
PAGDULOG SA
PAGSUSURI NG
PANITIKAN
Pebrero 01, 2020

Ipinasa ni:

Ruth P. Madrazo
MAFIL 1

Ipinasa kay:

Dr. Sally Aguilar


Propesor
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL

REPLEKSYON SA
PONOLOHIYA
Pebrero 01, 2020

Ipinasa ni:

Ruth P. Madrazo
MAFIL 1

Ipinasa kay:

Dr. Sally Aguilar


Propesor
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PAGDULOG SA PAGSUSURI NG PANITIKAN

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

ANG SIKLO NG PAGTUTURO

Taglay ng isang mabuting guro ang may malawak na kaalaman sa paksang


itinuturo, may kakayahan sa mga pagtuturo at mga kasanayang propesyunal, may
kasanayan sa mga pakikipagtalastasan, may wastong saloobin hinggil sa
propesyon, at may kaaya-ayang katauhan.
Inilalahad dito na ang isang guro ay may malaking pananagutan ang
nakaatang sa kanyang balikat. Maselang tungkulin ang kanyang ginagampanan
sa paghubog hindi lamang sa kaisipan at katangiang pisikal ng mag-aaral kundi ng
buo nitong katauhan. Dahil sa malaking pananagutang ito, ang guro ay nararapat
magtaglay ng isang libo’t isang mabubuting katangian at mag-angkin ng
maraming kakayahan.
Nagsisilbing huwaran ang mga guro upang malinang ang mga kakayahan ng
isang mag-aaral at ito’y mapaunlad na magiging daan upang sila’y magtagumpay sa
buhay, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi pati na rin sa kanilang mga
pamilyang sumusuporta sa kanilang pag-aaral.
Ang paksang ito ay tumatalakay sa mga sumusunod na pitong hakbang sa
Siklo ng Pagtuturo:
1. Pagtuturo sa mga kakayahan, kawilihan, pangangailangan ng mag-aaral.
Pagbuo ng mga layuninng makatutugon sa tinutukoy na mga pngangailangan.
2. Pagpili ng mga nararapat na kagamitang angkop sa kakayahan at kawilihan ng
mga mag-aaral.
3. Paghahanda ng pagkatutong sitwasyunal at pagpili ng nararapat na istratehiya sa
pagtuturo
4. Paghahanda ng mga yunit instruksyunal at banghay-aralin.
5. Pagganyak sa mga mag-aaral sa aktibong pakikilahok sa mga gawain.
6. Ebalwasyon sa mga naging performance ng mga mag-aaral (pasalita o pasulat na
pagsusulit).
7. Halaw sa “Timed-Tested Methods and Techniques” ni Arceli M. Villamin sa The
Teacher
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PAGDULOG SA PAGSUSURI NG PANITIKAN

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

DULOG, ESTRATEHIYA AT PAMAMARAAN NG PAGTUTURO

Isang katotohanan na walang kagamitang pampagtuturong makapapalit sa


isang mabuting guro ngunit katotohanan ding ang mabuting guro ay gumagamit ng
mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pag-aaral ng mga mag-aaral.
Kung kaya't ang munting kaalaman na bunga ng karanasan, pananaliksik,
makabagong siyensiya at teknolohiya ay pipiliting maglandas sa lipon ng mga
kagamitan ng mga ganap nang guro at maging guro pa.

Natalakay dito ang iba’t ibang uri ng pagdulog, mga estratehiya at


pamamaraan ng pagtuturo na may malaking maitutulong sa isang guro. Kung saan
nalaman ko ang mga ito:

• Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa


bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto,
larawan, o larong pangwika.

• Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman


sa mga kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang
maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.

• Dulog – isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at


pagtuturo.
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PAGDULOG SA PAGSUSURI NG PANITIKAN

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

MARUNGKO AT FULLER APPROACH

FULLER APPROACH

There are many approaches and strategies on teaching word attack skills,
one of the strategies for word recognition in English is the use of the Fuller
Technique.

The Fuller techinique is one of the components of the Four-Pronged Approach


to teaching beginning reading. This technique is a fusion of the alphabet, phonics
and whole word methods of word recognition.

The topic Fuller Approach is a combination of the alphabet, phonics and


whole methods of teaching word recognition. The technique requires that the
beginning reader should have first the ff: Mastery of the names and shapes of the
letters of the alphabet. Adequate vocabulary so that the words used in the Fuller
lessons will have meaning for the reader. The examples given should start with a
single consonant.

Pre-requisites Before Teaching The Fuller Technique

Before using the Fuller Technique, the child must show the following skills:

1) The child has mastery of the name and form of each alphabet. The child can
identify which letters are vowels and which letters are consonants.

2) The child has mastery of the regular sounds of the consonants.

The following sequence is recommended in teaching the consonant sounds.

The sequence is based on the frequency of the use of consonants in the English
language.

Tinalakay dito sa Marungko Approach na ito’y gumagamit ng 28 titik ng


makabagong alpabetong Filipino.

Unang Antas ng Pagbasa

1. Pagpapakilala ng mga larawan ng mga bagay na nagsisimula sa tunog na pinag-


aaralan.
2. Pagpapakilala ng tunog ng titik na pinag-aaralan.
3. Pagpapakita ng hugis ng tunog ng titik na pinag-aaralan.
4. Pagpapakilala ng titik na pinag-aaralan.
5. Pagpapasulat ng hugis sa hangin,sa sahig, sa palad at iba pa ng titik na pinag-
aaralan.
6. Pagpapasulat ng hugis ng titik na pinag-aaralan sa papel.
7. Pagpapasulat ng simulang tunog ng titik na pinag-aaralan.

Ikalawang Antas ng Pagbasa

Pagsasama-sama ng mga tunog upang makalikha ng isang makabuluhang salita.

Ikatlong Antas ng Pagbasa

Pagpapakilala ng mga pantulong na kataga.

ang mga si ay ng kay

Ikaapat na Antas ng Pagbasa

Pagbuo ng mga parirala at pangungusap


A. Pagsagot sa tanong na may; sino? ano? saan? nasaan? at kanino?
B. Pagbasa ng maikling kuwento.
C. Pagsagot ng mga tanong tungkol sa kuwento.
- salita
- parirala
- pangungusap
- pangungusap at tanong
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PAGDULOG SA PAGSUSURI NG PANITIKAN

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

4A’S MODEL BANGHAY-ARALIN

Nakapaloob naman sa 4A's Model Banghay-Aralin ang Mga Gawain (Activity),


Pagsusuri (Analysis), Paghahalaw (Abstraction), Paglalapat (Application). Nakabasi
sa pagganap (Performance Based Method) at (Outcome Based Method) na may
resultang maipapakita pagkatapos ng Isang sesyon. Ang 4A's Model ay nakasentro
sa mga mag-aaral (Student-Centered), nagtutulungan ang guro na siyang
tagapamahala ng klase at mga mag-aaral na tagagawa.
Kung walang banghay-aralin, hindi magiging maayos at epektibo ang
pagtuturo. Ito ang dahilan kung bakit ito tinaguriang bibliya ng mga guro. Ang
pagtuturo ay isang napakagandang propesyon, dahil naibabahagi mo ang iyong
kaalaman sa mga batang nangangailangan nito.
Ang paggawa ng banghay-aralin ay isang napakahalagang bagay para sa
isang guro dahil dito nakasalalay ang itatakbo ng kanyang pagtuturo sa mga mag-
aaral. Ito ang kanyang maituturing na armas. Bilang paghahanda sa pagiging guro,
kailangan malaman ng mga estudyanteng kumukuha ng edukasyon ang mga
mahahalagang bahagi nito.
Ang banghay-aralin ay may tatlong uri: ang detalyadong banghay-aralin na
mayroong mga gawain ng guro at mag-aaral, ang semi-detalyadong banghay-aralin
na gawain ng guro lamang ang nakalagay at ang banghay-aralin na brief kung saan
pabuod lamang ang pagkakalahad.Ang unang bahagi ng isang banghay-aralin ay
ang mga layunin. Ito ay nahahati sa tatlo: una ay ang kognitibong layunin kung saan
nasusukat ang utak ng isang mag-aaral,pangalawa ay ang apektibong layunin na
sinusukat ang ating pagpapahalaga at ang pangatlo ay ang saykomotor na nauukol
sa pagsasagawa ng mga natutunan.Ang layunin ay dapat na maging kongruwent sa
gagawing evalwasyon. Pangalawang bahagi ay ang paksang-aralin, dito nakapaloob
ang mga referens na ginamit ng guro, ang gagawing motiveysyon upang makuha
ang interes ng mga mag-aaral, paglalahad ng aralin at malayang talakayan. Pang-
apat ay ang evalwasyon kung saan may mga nakahandang pagsasanay ang guro
para sa mga mag-aaral upang masukat ang kanilang nalalaman tungkol sa aralin
pagkatapos ng talakayan. Ang panghuli ay ang kasunduan. Dito binibigyan ng guro
ng mga tanong ang mga mag-aaral upang sila ay makapaghanda para sa susunod
na aralin.
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PONOLOHIYA

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

Pagbabagong Morpoponemiko
Dito natalakay ang mga sumusunod:
1. ASIMILASYON- pagbabagong naganap sa /n/ sa posisyong pinal dahil sa
impluwensiya ng ponemang kasunod nito.
2. METATESIS – kapag ang salitang ugat ay nagsisilula sa /l/ o / y/ ay
ginitlapian ng (-in) ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi
aynagkakapalit ng posisyon.
3. PAGKAKALTAS NG PONEMA –. Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang
huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
4. PAGLILIPAT- DIIN- may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian.
5. MAY ANGKOP – kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y
nababawasan ng papungo o pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o
ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.
6. PAGPAPALIT NG PONEMA- kung ang isa o dalawang titik ng salita ay
napapalitan ng iba bukod sa kung nagkakaltas o nagsusudlong.Ang
ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang
napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
7. 7. MAYSUDLONG o PAGDARAGDAG NG PONEMA – kung bukod sa may
hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o dinaragdagan pa
ng isa pang hulapi. /-an/, -/han/,/-in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PONOLOHIYA

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

Gabay sa Kaibahan & Wastong Paggamit ng Ng at Nang sa Pangungusap


NG AT NANG – Narito ang kaibahan ng mga katagang “ng” at “nang” at ang
wastong paggamit sa kanila.
Hindi maikakaila na karamihan sa mga Pinoy ay mas bihasa sa paggamit ng
mga kataga sa Ingles kaysa sa mga katagang Filipino o Tagalog. Marami sa atin ay
nahihirapan sa wastong paggamit ng mga salita.Para mapabilis ang pagtukoy kung
ano nga ba ang dapat gamitin, isa sa mabisang paraan ay pag-aralang mabuti ang
mga bahagi ng pananalita. Mayroong walong bahagi ng pananalita at bawat isa ay
may layunin.
Kung alam na natin ang mga bahagi ng pananalita, mas mapapadali ang
ating pag-intindi sa mga wastong paggamit ng ibang mga salita. Katulad na lamang
ng “ng at nang”.
Isa ka rin ba sa mga madalas nagdadalawang-isip kung saan sa kanila ang
dapat gamitin sa pangungusap?
Narito ang mga kaibahan at wastong paggamit ng “ng at nang” sa pangungusap.
NG
1. Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga pang-uring pamilang.

Mga Halimbawa:
Bumili si Rex ng apat na tinapay para sa anak niya.
Naglabas ang nanay ng walong baso ng tubig para sa mga bata.

2. Ginagamit ang “ng” sa mga pangngalan.

Mga Halimbawa:
Pumunta ng paaralan ang guro.
Kinuha ng bombero ang balde sa kusina.

3. Ginagamit ang “ng” upang magsaad ng pagmamay-ari.

Mga Halimbawa:
Ang tiwala ng tao ay mahirap makuha kaya ingatan mo ito.
Ang silid-aralan ng mga bata ay ibinaha.
4. Ginagamit ang “ng” kapag ang sinusundan na salita ay pang-uri.

Mga Halimbawa:
Bumili ng magandang damit ang tatay para ibigay kay nanay.
Kinuha ng masunuring bata ang basura at iniligay sa nararapat nitong kalagyan.

5. Ginagamit ang “ng” upang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap

NANG

1. Ginagamit ang “nang” sa gitna ng mga pandiwang inuulit

Mga halimbawa:
Takbo nang takbo ang bata sa parke sa sobrang kaligayang naramdaman niya.
Madalas nauubusan ng pera si Demetrio sapagkat siya ay yung tipong bigay nang
bigay sa ibang tao.

2. Ginagamit ang “nang” pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” sa
pangungusap.

Mga Halimbawa:
Umaga nang dumating si Jose sa bahay nila. (Umaga na ng dumating si Jose sa
bahay nila.
Sobra nang pagkamasungit ni Alysa. (Sobra na ang pagkamasungit ni Alysa.)
Hayaan mo na na kunin niya yung mga gamit niya. (Hayaan mo nang kunin niya
yung mga gamit niya.”

3. Ginagamit ang “nang” para magsaad ng dahilan o kilos ng galaw.

Mga Halimbawa:
Nag-aral nang tahimik ang magkapatid.
Umalis ka nang maaga upang iyong maabutan ang tatay mo sa bahay
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PONOLOHIYA

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

Grapema
Grapema: pinakamababàng yunit sa sistema ng pagsusulát
Sa mga ortograpiya na ang eskripto ay alpabeto, tulad ng Filipino, ang lalim
ng ortograpiya ay sinusukat ayon sa katapatan ng tambalan ng grapema at tunog.
Kung ang tambalan ay sumusunod sa tuntuning ‘Isang tunog isang marka, at
isang marka isang tunog‛ (tatawagin natin ang tuntuning ito na isa-sa-isa‛), ang
ortograpiya ay mababaw ‚shallow orthography‛ (tinatawag din na ortograpiyang
malinaw ‘transparent ortography’).
Ang kabilang-dako ay ortograpiyang malalim ‘deep orthography’ (tinatawag
din na ortograpiyang malabo ‚opaque orthography‛), at dito, hindi regular ang
tumbasan ng grapema at tunog, kayat hindi makakasiguro sa tamang bigkas kung
ang titingnan lang ay ang mga letra at lalapatan ng simpleng tuntuning letra-sa-
tunog. Tinatanggap na ang mababaw na ortograpiya ay nakapagpapadali sa
pagbasa at pagsulat.
Isa sa pinakamalalim na ortograpiya ang Ingles. Maraming tunog sa Ingles
ang may mahigit sa isang baybay, halimbawa, ang tunog na [k] ay may 12ng
baybay. Walang ‚rhyme or reason‛, wika nga, ang tumbasan. Kailangang maisaulo
ang bawat tunog sa bawat salita. Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok
o pinakaprominenteng bahagi ng pantig.Ang mga patinig ng Pilipino ay maiaayos din
sa tsart ayon naman sa aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang
patinig-unahan,sentral,likod at kung anong posisyon ng nasabing bahagi ng
pagbigkas-mataas,nasa gitna o mababa.
Pasulat na Pagbaybay
Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salita mula sa ibang katutubong wika
sa Pilipinas.
Sa pagbaybay ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika,
panatilihin ang orihinal nitong anyo.
Sa pagbaybay ng mga salita mula sa Español, baybayin ito ayon sa
ABAKADA.
Sa paguulit ng mga salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na e, hindi ito
palitan ng letrang i. Kinakabitan ng pang-ugay (-ng) at gamitin ng gitling sa pagitan
ng salitang ugat.
Sa pag-uulit ng salitang ugat na nagtatapos sa patinig o hindi ito palitan ng
letrang u. Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
Nagkakaron ng bagong kahulugan ang mga salitang pag-uulit kapag hindi ito
ginagamitan ng gitling.
Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa e, ito
ay nagiging i at ang o ay u.
Gayon man, may mga salitang nanatili ang e kapag hinuhulapian.
Makabuluhan ang mga tunog na e at o kapag inihambing ang mga hiram na
salita sa mga katutubo o hiram na salita.
Hindi pwedeng palitan ng i ang e at o ang u. Dapat parin gamitin ang baybay
na matagal na o lagi ng ginagamit.

Ang Panghihiram
Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram o
banyaga.
Gamitin ang mga salita mula sa mga katutubong wika sa sa Pilipinas at
panatilihin ang orihinal na baybay.
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PONOLOHIYA

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

Pantig at Palapantigan
Ang pantig o silaba ay isang salik ng dila o walang patlangna bugso ng tinig
sa pagbigkas ng salita.Binubuo ang mga pantig ng mga titik na patinig at katinig.At
bawat patinig (a,e,i,o,u)ay isang pantig samantala kailangan ng bawat katinig ang
isang patinig upang maging pantig.Kayarian ng Pantig. Ang pagtukoy sa pantig,
gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa
katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.
P - u-po a-so i-sa a-a-sa
KP - ma-li ba-ro ku-mot ba-ba-lik
PK - is-da ak-lat a-liw-iw am-paw
KPK - han-da bi-gas ka-hon pak-pak
KPKK - ri-serts kard nars a-part-ment
KKP - pri-to pro-se-so dru-ga kla-se
PKK - eks-perto eks-tra ins-truk-tor ins-tru-men-to
KKPK - plan-tsa trum-po trak tran-sak-syon
KKPKK - mag-drayb tsart klerk trans-por-ta-syon KKPKKK - shorts
Pagpapantig. Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa
mga pantig.
1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa pusisyong
inisyal, midyal at final na salita ito ay hiwalay na mga patinig.
2. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang
salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan,
at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
3. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa
loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang
huli ay sa patinig na kasunod.
4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang
kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ts, ang unang katinig (m o n) ay sa
sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang
unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa
ay sa patinig na kasunod.
Pag-uulit ng Pantig. Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig.
1. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang
patinig lamang ang
2. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-
patinig), ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
3. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na
kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin. Batay ito sa kinagawian ng
nagsasalita o varyant ng paggamit ng wika sa komunidad.
Ang Pagbaybay na Pasalita ay patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino
na ang ibig sabihin ay isa isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod sunod ang
mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyalis, simbolong
pangagham atbp.
CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PONOLOHIYA

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

Ponolohiya
Sa asignaturang ito ay natutunan ko na ang ponolohiya ay isang salitang
griyego "tunog o boses, makaagham na pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto
(juncture), pagtaas at pagbaba ng tinig (pitch), diin (stress), at pagpapahabang tunog
(prolonging/lengthening).
Ang ponema ay hango sa wikang Ingles na phoneme na nahahati sa
dalawang salitang phone "tunog"at eme "makabuluhan.Ang tawag sa tunog na may
kahulugan ay tumutukoy sa mga makabuluhang tunog sa isang wika.Ang Filipino ay
may 21 ponema,16 katinig at 5 patinig.Halimbawa: bansa=banta,Pa:soh=pa:so?At
may apat na bahagi sa pagbigkas ng tunog: dila at panga (sa ibaba) ngipin at labi
(sa unahan) matigas na ngalangala (sa itaas) malambot na ngalangala (sa likod).
Makabuluhan lamang ang tunog ng isang salita kung ang iniiwang salita ay nag-
iiwan ng panibagong salitang may kahulugan.
Ang pagsasalita ay ang pagbibigay,pagbabahagi ng kaisipan,mensahe sa
pamamagitan ng verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong
tunog,tamang gramatika upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at
kaisipan.Ang kailangan ng epektibong pagsasalita ay kaalaman,tiwala sa sarili at
kasanayan. At mga kasangkapan sa mahusay na Tagapagsalita una ay ang bigkas
na napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita.Kailangan
maging matatas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita.
Ang tindig naman ay repleksyon nang kung gaano kahanda at komportable
ang mambibigkas.Ang kumpas ng kamay ay mahalaga rin sa pagsasalita.
Ang kumpas ng kamay ay kailangan para maging angkop sa diwa ng salita o
mga salitang sinasambit.
Ang kilos ay mahalaga rin sa pagsasalit dahil hindi sapat ang salita lamang
upang maunawaan ang sinasabi kundi lalo higit ng kilos at ekspresyon ng mukha.
Maraming uri ng kumpas:kumpas na pasuntok o kuyom ang palad,kumpas na
pahawai o pasaklaw,kumpas na pakutya,kumpas na halos pantay ang balikat,palad
na bukas at marahang ibinababa.

CAPITOL UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
PONOLOHIYA

Madrazo, Ruth P. Pebrero 01, 2020


MAFIL-1 Dr. Sally Aguilar

Kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino/Binagong Wikang Pambansa


Ang ortograpiya ay representasyon ng mga tunog ng wika na nakalimbag na
mga simbolo tulad alpabeto.
Ang baybayin ay sariling alpabeto ng mga Pilipino bago dumating ang mga
Kastila.Ito ay binubuo ng 14 na katinig o consonant at 3 patinig o vowel.
Ang Doctrina Christiana(1593) ang unang aklat na nailimbag sa
Filipinas.Aklat na binubuo sa tekstong Espanyol at may salin sa Tagalog.
Ang unang ortograpiya ng wikang pambansa sa taong (1940-1971)
Wikang pambansa batay sa tagalog.
Ikalawang Ortograpiya ng wikang Pambansa
(1971-1987) Pilipino.
Ikatlo Ortograpiya ng wikang Pambansa (1987-2001) Filipino.
Ikaapat na ortograpiya ng wikang pambansa(2001-2006)Filipino ay pinaluwag
ang paggamit ng mga letrang c,f,j,ñ,q,v,x,z.Noong Oktubre 9,2006 ay pansamantala
ipinatigil ito at ang ikatlong ortograpiya.Sa Agosto 2007 inilabas ng KWF ang draft ng
Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo sa mga serya ng konsultasyon sa mga
furo,dalubhasa sa wika at superbisor sa Filipino.
Sa 2013 ay pinagtibay sa din ang pagpapalabas ng isang alpabetong
ponetiko upang makapatnubay pa sa paggamit ng wika.

You might also like