You are on page 1of 34

Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula Ang guro ay isa sa pinaka importanteng tao sa ating buhay na dapat nating pahalagahan. Sila ang tumatayong pangalawang magulang at ang pumapalit sa obligasyon ng ating amat ina kapag tayo ay nasa paaralan. Madalas man tayong pagalitan at parusahan ng ating mga guro pero di-ibig sabihin ay di tayo pinapahalagahan ng ating mga guro. Ginagawa nila ito upang tayo ay matoto ng tamang asal at rumespeto sa kapwa nating mamamayan. Sila ang ginagawa nating inspirasyon upang tayoy magpursiging mag-aral ng mabuti dahil nagawa nilang tiisin ang mga di kaayang-ayang ugali natin, parati nilang inuuna kung ano ang makabubuti sa atin binibigyan nila tayo ng lakas ng loob upang magpatuloy tayo sa pagtupad ng ating mga pangarap ngunit sa pananaliksik na ito ay salungat sa mga mabubuting maidulot ng mga guro sa lahat ng mag-aaral. Hindi tayo lahat perpekto may kanya-kanyang dahilan kung bakit nagawa o nangyari ang mga bagay-bagay sa ating paligid. Iwasang manghusga

sa kapwa kung hindi pa tayo nakakahanap ng katibayan sa ating pinagsasabi. Ang madalas na hindi pagpasok ng isang guro ay inaabuso ng mga mag-aaral, hindi napansin ng karamihan na sila pala ang mas naapektohan at mas magdurosa sa mga ito. Malaki ang posibilidad na mabigo silang abutin ang kanilang mga pangarap kapag nagpatuloy pa ang mga ito. Kailangan isa pusot isip ng mga mag-aaral na ang mga guro ay malaking bahagi ng kanilang mga buhay. Kung kayat kailangan namin ang inyong aktibong partisipasyon.

Layunin ng pag-aaral Ang mga sumusunod na katanungan ay ang mga layunin ng mga mananaliksik na gusto nilang mabigyan ng linaw at malaman ang totoong dahilan sa mga nasabing paksa. 1. Ano kaya ang saloobin ng isang mag-aaral hinggil sa palaging hindi pagpasok ng isang guro? 2. Ano ang iyong magagawa bilang isang mag-aaral upang maibsan ang pagliban ng isang guro sa klase? 3. Ano ang magiging epekto ng palaging hindi pagpasok ng isang guro?

4. Kung ikaw ay may guro na minsan lamang pumapasok sa klase magagalang mo pa kaya siya bilang isang guro? 5. Dapat bang taasan ng DepEd ang parusa sa mga iresponsableng guro? 6. Ano ang posibleng maisasagawa ng Unibersidad ng Mindanaw sa mga gurong parating lumiliban sa klase? 7. Sa iyong palagay, anong bagay kaya ang matututunan ng mga mag-aaral kung hindi pumasok ang mga guro? 8. Ano ang maaring gawin ng ating pangulo upang maiwasan ang pagiging iresponsable guro?

Kahalagahan ng pag-aaral Ang pag-aaral sa mga rason kung bakit ang isang guro ay lumiliban sa klase. Naglalayun itong mabigyang liwanag ang mga tanong ng mga mag-aaral at kahit ang iilang taong nakapalibot sa atin. Ito ay dapat mapag-aralan upang malaman natin ang tunay na dahilan o rason ng isang guro at upang hindi kaagad tayo manghusga sa kanila habang wala pa tayong konkretong katibayan sa lahat ng ating sinasabing mga paratang.

Saklaw at Limitasyon 3

Sa pag-aaral na ito, saklaw nito ang ibat ibang saloobin, epekto at reaksyon ng mga mag-aaral ukol sa palaging pagliban sa klase ng isang guro ng Unibersidad ng Mindanaw. Ang nasabing pag-aaral ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanaw. Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa unang termino ng ikalawang semestre sa taong 2013-2014. Ang pagsasaliksik na ito ay limitado lamang sa mga mag-aaral na napapabilang sa paaralan ng Unibersidad ng Mindanaw. Bagkus, ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa dami ng mga mag-aaral na naapektohan ng mga iresponsableng guro na halos ay di na pumapasok sa klase.

Depinisyon ng mga Terminolohiya May mga mangilan-ngilan salita at terminolohiya ang nagamit na hindi masyadong nabigyang linaw at nagdudulot ng kalituhan sa inyong isipan. Kung kayat ang hangarin namin ay ibigay ang tamang kahulugan para mas lalo niyong maintindihan at mas lalo niyong maunawaan ang mga salitang nagamit. Ang salitang mag-aaral ay indibidwal na handang matuto o pumasok sa ibat ibang klaseng eskwelahan o establishment kung saan siya ay mayroong matututunan.

Ang salitang guro ay ang taong nakatuon lamang ang oras sa pagtuturo sa mga mag-aaral o sa mga taong gagawin ang lahat upang matoto. Ang salitang saloobin ay siyang nilalaman ng iyong pusot diwa o ng iyong nararamdaman sa kung ano ang epekto sayo ng nasabing mga salita. Ang salitang epekto ay ang bunga ng lahat ng iyong ginagawa mabuti man o masama. Ang salitang reaksyon ay ang bunga/epekto ng kahit ano mang bagay/salita/pahayag na tinatanggap. Sa madaling salita ito ay bunga ng iyong saloobin.

Kabanata II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa mga nakalipas na taon ang mga mananaliksik ay nakapansin ng mga bagay na kahina-hinala at ito ay nag-uugnay sa dapat katangian ng isang guro. Ang mahalaga, higit pa sa bilang ng mga mag-aaral o ng mga aklat, ang paraan ng pagtuturo o ang teknolohiya o kahit na ang kurikulum. Ang pinaka mahalaga ay ang kalidad ng mga guro. Ang mga bagay na nagbibigay kalidad sa mga guro ay ang malawak at magandang katangian tulad ng kanilang kilos, pananalita at kaalaman. Ang mga natututunan ng mga mag-aaral sa mga guro masama man o mabuti ay hindi na mabubura pa kailan man. Ito ay nakatatak na sa isipan ng mga mag-aaral lahat ng bagay na iyong pinaggagawa habang sila ay nakikinig o nakatanaw sa isang guro. (The key to Saving American Education, Evan Thomas and Pat Wingert- 2010, March 15) Ang dahilan kung bakit ginagawa ang pananaliksik na ito ay sinisayat ang mga estudyante sa kolehiyo ang kanilang persepsyon

pagkakanya-kanya at kung papaano nila mapapanindigan ang isang sitwasyon ito man ay positibo o negatibo. Ang mabuting komunikasyon ay importanteng sangay sa pagtuturo ayon kay McCroskey at Richmond (1983) Ang importansya sa epektibong komunikasyon sa loob ng paaralan ay hindi lamang sa pananalita at pati nari sa gawa. Ang komunikasyon ay isang sentro sa proseso ng pagtuturo sapagkat hindi lahat ng guro ay may eksaktong kaalaman sa pagkokomunika. (Prufrock Press May/June 1999) Ayon kay Williams Roach ang pag-oorganisa sa loob ng isang silid paaralan ay dapat epektibong komunikasyon, ugali at may disiplina sa sarili. Ang dahilan sa pananaliksik na ito ay iniimbistiga ang mga estudyante batay sa kanilang persepsyon. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang siyasatin ang asal sa pagtuturo ng matagumpay na mga guro sa kolehiyo ng agrikultura at siyensya. Limang matagumpay na mga guro ang kinilala mula sa direktor ng Teaching Resources Center o ang pagpanalo ng teaching award kagaya ng Unibersidad ng Florida Kolehiyo ng Agrikultural at Siyensya sa pagsangguni sa bawat guro hindi bababa sa dalawang klaseng pagpupulong kung saan ikinilala para sa video recording. (Publication Abstract- ProQuest) Ayon kay Vicky A Williams bilang pinagkukunan ng mga kolehiyong propesor ay nagtuturo sa mga matataas na edukasyon at 7

disiplina sa sarili. Nakabasi ito sa malawak, praktikal at klaro. Ayon sa manunulat ay nagbibigay ng mabuting trabaho na nararanasan sa loob ng paaralan. Ang isa sa kahinaan ng aklat na ito, ay ang priority ay isang pangkaraniwang kahinaan ng panlipunan ay ang uri ng pagtuturo, na marami sa mga diskarte ay mas praktikal at maaaring gawin para sa maliit na mga laki ng isang klase. Ang mga priority kadalasan ay nangangahulugan ng pinakamaliit, pribadong liberal arts o paaralan. Kapag ang laki ng isang klase ay aabot nang 50 o higit pang mga mag-aaral sa isang seksyon, at ang pages-set up ng pagpupulong para makilala ang mga mag-aaral ay pisikal na imposible. Higit pa rito, ang ilang guro ay nagtuturo sa mga gusali kung saan mayroong hindi lamang walang mga mesa sa silid-aralan para sa pangkatang Gawain, ngunit ang mga upuan ay literal na nakadikit sa sahig. Hindi lahat ng hamon ay nagmumula sa mga mag-aaral. Nanggagaling din sila sa mga institusyon na pinanggalingan mo. (Copyright American Sociological Association- April 2008)

Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik. Nakapaloob dito kung sino ang mga kalahok sa nagiging instrumento ng pananaliksik sa paglikom ng datos.

Disenyo ng pananaliksik Para sa pag-aaral na ito, ang disenyong ginagamit ay deskribanalitik na pananaliksik na kung saan ang mga respondente ang taga sagot ng mga tanong. Ang mga tanong ay ibinabatay sa mga impormasyong nakuha hinggil sa buhay ng mga estudyante na nagaaral sa Unibersidad ng Mindanaw ukol sa kanilang reaksyon at saloobin sa parating pagliban ng isang guro sa klase.

Respondente Ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Mindanaw ang siyang napiling respondent ng mga mananaliksik na ito. Mayroong limampung (50) kalahok. Sila ang napiling mga respondente ng mga mananaliksik 9

sa kadahilanang sila mismo ang makapagsasabi ng kung ano ang kanilang na oobserbahan sa isang guro.

Instrumento ng pananaliksik Ang ginamit na instrumento ng pananaliksik na ito ay ang talatanungan hinggil sa mga estudyanteng nag-aaral na may na oobserbahan sa kanilang guro na parating lumiliban sa klase ito ay binubuo ng sampung (10) tanong. Sa pamamagitan nito, masusukat ng mananaliksik kung anu-ano ang kanilang mga reaksyon at saloobin sa nasabing mga katanungan.

Tritment ng mga datos Nagkaroon ng sarbey ang mga mananaliksik hinggil sa epekto at reaksyon ng mga mag-aaral hinggil sa pagliban ng isang guro sa klase. Ang kanilang mga kasagutan at itinatali, kinukuha ang bahagdan o porsyento upang malaman ang resulta ng nasabing sarbey.

10

Kabanata IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga impormasyon at resulta ng pananaliksik. Ang bawat katanungan ay may presentasyon sa pamamagitan ng grap upang malaman ang bahagdan ng distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang sagot.

Grap 1 Bilang ng mga respondente ayon sa kasarian

70% 60% 50% 40% 30% 20% 10% 0%

68% 32%
Babae
11

Lalaki

Ipinamalas sa grap na ito ang bilang ng mga responde ayon sa kasarian. Mayroon labing anim (16) o tatlomput dalawa (32%) na bahagdan ang sa babae at mayroon ding tatlomput apat (34) o animnaput walo (68%) na bahagdan naman sa lalaki. Ito ay nagpapahiwatig na mas marami ang lalaki na napili ng mga mananaliksik bilang respondente kaysa sa babae.

Grap 2 Bilang ng mga respondente ayon sa kanilang Edad

50% 45% 40% 35% 30% 25% 20% 15% 10% 5% 0%

50% 34% 10%

6%

15-17

18-19

20-21

22-pataas

12

Ipinamalas sa grap na ito ang naging respondente sa pananaliksik batay sa kanilang edad. Mayroon dalawamput lima (25) o limampung (50%) bahagdan ang may edad na 15-17, labing pito (17) o tatlomput apat (34%) na bahagdan ang may edad na 18-19, lima (5) o sampu (10%) na bahagdan ang may edad 20-21 at tatlo (3) o anim (6%) na bahagdan ang may edad na 22-pataas. Ito ay nagpapahiwatig na mas marami ang respondente na sumagot sa may edad na 15-17.

Grap 3 Saloobin ng mag-aaral hinggil sa palaging hindi pagpasok ng guro

50% 40% 30% 20% 10% 0%

34%

46% 20%
B C

13

Ipinamalas sa grap na ito ang mga respondente sa pananaliksik. Mayroon labing pitong (17) o tatlompu't apat (34%) na bahagdan ang pumili sa masaya sila sa kadahilanan na walang klase ang magaganap. Mayroon ding dalawampu't tatlo (23) o apatnapu't anim (46%) na bahagdanang pumili sa mamomoblema sila sa kadahilanan di nila alam ang tamang paksa para sa araw na iyon. habang mayroon ding sampo (10) o dalawampung (20%) bahagdan na pumili sa galit sila kasi nasasayang ang pera na ibinabayad sa paaralan at ang oras na dapat ay may natutunan na sila. Ito'y nagpapahiwatig na mas marami ang pumili sa namomoblema sila kadahilanan di nila alam ang tamang paksa sa araw na iyon.

Grap 4

Amg iyong magagawa bilang mag-aaral upang maibsan ang pagliban ng guro sa klase

14

36% 35% 34% 33% 32% 31% 30%

36%

32%

32%

Ipinamalas sa grap na ito ang mga respondente sa pananaliksik. Mayroon labing walo (18) o tatlompu't anim (36%) na bahagdan ang pumili sa dapat isumbong ang mga guro sa nakakataas upang maparusahan ito. Mayroon ding labing anim (16) o tatlumpu't dalawang (32%) bahagdan ang pumili sa pabayaan lang ang mga guro sa ginagawa. Habang mayroong labing anim (16) o tatlumpu't dalawang (32%) bahagdan ang pumili sa maging aktibo at palaging magpartisipa sa kaniyang klase upang mabuhay ang dugo ng guro at masabik sa pagtuturo. Ito'y nagpapahwatig na mas marami ang pumili sa isusumbong na lang ang guro sa isang punong-guro o ang nakakataas nito para mabgyan ng nararapat na parusa sa mga nagawang pagkakamali.

15

Grap 5 Mga epekto ng palaging hindi pag-pasok ng isang guro

60% 50% 40% 30% 20% 10% 0%

54% 30% 16%


A B C

Ipinamalas sa grap na ito ang mga respondente sa pananaliksik. Mayroong dalawampu't pitong (27) o limampu't apat (54%) na bahagdan ang pumili sa mahihirapan ang mga mag-aaral na intindihin ang mga paksa na dapat ang guro ay tumuturo. mayroon ding labing lima (15) o tatlumpung (30%) pumili sa mawawalan ng gana ang mga mag-aaral na pumasok. Habang mayroon ding walo (8) o labing anim (16%) na bahagdan ang pumili sa mapapalihis ng landas ang mga mag-aaral dahil walang taong gumagabay sa kanila.

16

Ito'y nagpapahiwatig na mas maraming respondente ang pumili sa sila ay mahihirapan ang mga mag-aaral kapag parating lumiliban ang isang guro .

Grap 6 Magagalang mo ba ang guro kapag ito ay hindi pumapasok

45% 40% 35% 30% 25% 20% 15% 10% 5% 0%

42%
28% 30%

Ipinamalas sa grap na ito ang mga respondente sa pananaliksik. Mayroong dalawampu't isa (21) o apatnapu't dalawang (42%) bahagdan ang pumili sa Oo, sa kadahilanang guro pa din ang tingin ng mga mag-aaral sa kanila at estudyante pa rin tayo. Mayroon ding labing apat (14) o dalawampu't walong (28%) bahagdan ang pumili sa Hindi, sa kadahilanan hindi naman niya tayo binibigyan ng 17

importansya bilang isang mag-aaral. Habang may labing lima (15) o tatlumpu (30%) na bahagdan ang pumili sa di-tiyak sa kadahilanan hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabibigyan natin ang isang guro ng respeto. Ito'y nagpapahiwatig na mas marami ang pumili sa Oo, sa kadahilanang guro pa rin ang tingin ng mga mag-aaral sa kanya at estudyante pa rin tayo.

Grap 7 Parusang pwedeng ipataw ng DepEd sa mga iresponsableng guro

54% 52% 50% 48% 46% 44% 42%

54% 46%
A
18

Ipinamalas sa grap na ito ang mga respondente sa pananaliksik. Mayroon ding dalawampu't tatlo (23) o apatnapu't anim (46%) na bahagdan ang pumili sa kadahilanang sobra na ang pag-abuso nila sa kanilang propesyon at mayroon ding dalawampu't pito (27) o limampu't apat (54%) na bahagdan ang pumili sa kadahilanang hindi dapat natin sila husgahan ng maaga kung bakit nila nagagawa ang sang bagay na pwedeng mag-alis ng kanilang titulong pagiging isang guro. Ito'y nagpapahiwatig na mas maraming respondente ang pumili sa kadahilanang hindi dapat natin sila husgahan ng maaga kung bakit nila nagagawa ang isang bagay na pwedeng mag-alis ng kanilang titulong pagiging isang guro.

Grap 8 Mga posibleng maisasagawa ng Unibersidad ng Mindanaw sa mga gurong parating lumiliban sa klase

19

60% 50% 40% 30% 20% 10% 0%

54% 30% 16%


A B C

Ipinamalas sa grap na ito ang mga respondente sa pananaliksik. Mayroong labing Lima (15) o tatlumpung (30%) bahagdan ang pumili na dapat suspendihin ang guro. Mayroon ding dalawampu't pito (27) o limampu't apat (54%) bahagdan ang pumili na kausapin muna at bigyan ng babala ang guro. Habang mayroon walo (8) o labing anim (16%) na bahagdan ang pumili sa dapat ipatanggal ang isang guro sa unibersidad. Ito'y nagpapahiwatig na mas maraming respondente ang pumili sa dapat kausapin muna at bigyan ng babala ang sang guro.

Grap 9 Mga bagay na pwedeng matututunan ng mag-aaral sa parating hindi pag pasok ng isang guro 20

54% 52% 50% 48% 46% 44% 42%

54% 46%
A B

Ipinamalas sa grap na ito ang mga respondente sa pananaliksik. Mayroong dalawampu't pito (27) o limampu't apat (54%) na bahagdan ang pumili sa wala siyang matutunan sa kadahilanang walang nagtuturo sa kanila. Habang mayroon ding dalawampu't tatlo (23) o apatnapu't anim (46%) na bahagdan ang pumili sa meron silang natutunan, ito ay ang tumayo sila sa sarili nilang mga paa at hindi na dumedepende sa guro. Ito'y nagpapahiwatig na mas maraming respondente ang pumili sa wala silang matutunan sa kadahilanang walang nagtuturo sa kanila.

Grap 10

21

Mga maaaring gawin ng pangulo upang maiwasan ang pagiging iresponsable ng guro

60% 50% 40% 30% 20% 10% 0%

56% 20%
A B

24%

Ipinamalas sa grap na ito ang mga respondente sa pananaliksik. Mayroong sampu (10) o dalawampung (20%) bahagdan ang pumili sa magbigay ng parusa sa mga gurong naging iresponsable. Mayroon ding dalawampu't walo (28) o limampu't anim (56%) na bahagdan ang pumili sa magtalaga ang batas upang hindi na gawin ng mga guro ang nasabing problema. Habang may labing dalawa (12) o dalawampu't apat (24%) na bahagdan ang pumili sa tanggalan ng lisensya ang nasabing guro.

22

Ito'y nagpapahiwatig na mas maraming respondente ang pumili sa dapat magtalaga ng batas upang hindi na gawin ng mga guro ang nasabng problema.

23

Kabanata V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa layuning madertimina ang saloobin, epekto at reaksyon ng mga mag-aaral hinggil sa parating hindi pagpasok ng isang guro. Ang ginamit na pamamaraan ng pananaliksik sa ito ay deskriptibo at normatibo sarbey naman sa teknik na ginamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Gumawa ang mga mananaliksik ng isang kwestyuners na ginamit na instrumento sa pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taong akademiko 2013-2014. Sa limampung (50) respondente na mag-aaral ng Unibersidad ng Mindanaw na naging aktibo sa pag-sagot ng mga tanong kung ano ang saloobin, epekto at reaksyon ng mga mag-aaral hinggil sa palaging hindi pagpasok ng isang guro. Napag-alaman na may tatlomput apat (34) o animnaput walong bahagdan (68%) sa kanila ay lalaki at labing anim (16) o tatlomput dalawa (32%) naman ay mga babae. dalawamput lima (25) o limampung (50%) bahagdan ang may edad na 15-17, labing pito (17) o tatlomput apat (34%) na 24

bahagdan ang may edad na 18-19, lima (5) o sampu (10%) na bahagdan ang may edad 20-21 at tatlo (3) o anim (6%) na bahagdan ang may edad na 22-pataas. Labing pitong (17) o tatlompu't apat (34%) na bahagdan ang pumili sa masaya sila sa kadahilanan na walang klase ang magaganap. Mayroon ding dalawampu't tatlo (23) o apatnapu't anim (46%) na bahagdanang pumili sa mamomoblema sila sa kadahilanan di nila alam ang tamang paksa para sa araw na iyon. habang mayroon ding sampo (10) o dalawampung (20%) bahagdan na pumili sa galit sila kasi nasasayang ang pera na ibinabayad sa paaralan at ang oras na dapat ay may natutunan na sila. Labing walo (18) o tatlompu't anim (36%) na bahagdan ang pumili sa dapat isumbong ang mga guro sa nakakataas upang maparusahan ito. Mayroon ding labing anim (16) o tatlumpu't dalawang (32%) bahagdan ang pumili sa pabayaan lang ang mga guro sa ginagawa. Habang mayroong labing anim (16) o tatlumpu't dalawang (32%) bahagdan ang pumili sa maging aktibo at palaging magpartisipa sa kaniyang klase upang mabuhay ang dugo ng guro at masabik sa pagtuturo. Dalawampu't pitong (27) o limampu't apat (54%) na bahagdan ang pumili sa mahihirapan ang mga mag-aaral na intindihin ang mga paksa na dapat ang guro ay tumuturo. mayroon ding labing lima (15) o tatlumpung (30%) pumili sa mawawalan ng gana ang mga mag-aaral na pumasok. Habang mayroon ding walo (8) o labing anim 25

(16%) na bahagdan ang pumili sa mapapalihis ng landas ang mga mag-aaral dahil walang taong gumagabay sa kanila. dalawampu't isa (21) o apatnapu't dalawang (42%) bahagdan ang pumili sa Oo, sa kadahilanang guro pa din ang tingin ng mga mag-aaral sa kanila at estudyante pa rin tayo. Mayroon ding labing apat (14) o dalawampu't walong (28%) bahagdan ang pumili sa Hindi, sa kadahilanan hindi naman niya tayo binibigyan ng importansya bilang isang mag-aaral. Habang may labing lima (15) o tatlumpu (30%) na bahagdan ang pumili sa di-tiyak sa kadahilanan hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabibigyan natin ang isang guro ng respeto. Dalawampu't tatlo (23) o apatnapu't anim (46%) na bahagdan ang pumili sa kadahilanang sobra na ang pag-abuso nila sa kanilang propesyon at mayroon ding dalawampu't pito (27) o limampu't apat (54%) na bahagdan ang pumili sa kadahilanang hindi dapat natin sila husgahan ng maaga kung bakit nila nagagawa ang sang bagay na pwedeng mag-alis ng kanilang titulong pagiging isang guro. Labing Lima (15) o tatlumpung (30%) bahagdan ang pumili na dapat suspendihin ang guro. Mayroon ding dalawampu't pito (27) o limampu't apat (54%) bahagdan ang pumili na kausapin muna at bigyan ng babala ang guro. Habang mayroon walo (8) o labing anim (16%) na bahagdan ang pumili sa dapat ipatanggal ang isang guro sa unibersidad. Dalawampu't pito (27) o limampu't apat (54%) na bahagdan ang pumili sa wala siyang 26

matutunan sa kadahilanang walang nagtuturo sa kanila. Habang mayroon ding dalawampu't tatlo (23) o apatnapu't anim (46%) na bahagdan ang pumili sa meron silang natutunan, ito ay ang tumayo sila sa sarili nilang mga paa at hindi na dumedepende sa guro. Mayroong sampu (10) o dalawampung (20%) bahagdan ang pumili sa magbigay ng parusa sa mga gurong naging iresponsable. Mayroon ding dalawampu't walo (28) o limampu't anim (56%) na bahagdan ang pumili sa magtalaga ang batas upang hindi na gawin ng mga guro ang nasabing problema. Habang may labing dalawa (12) o dalawampu't apat (24%) na bahagdan ang pumili sa tanggalan ng lisensya ang nasabing guro.

Kongklusyon Batay sa nakalap na datos at mga impormasyon, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon. a. Kapag hindi pumasok ang isang guro mamomoblema ang mga mag-aaral sa kanilang mga paksa. b. Ang magagawa ng mga mag-aaral sa mga iresponsableng guro ay ang isumbong ito sa punong guro para mabigyan ito ng parusa.

27

c. Ang epekto ng palaging hindi pagpasok ng guro ay mahihirapan ang mga mag-aaral na maintindihan ang mga paksa na kailangan nilang matututunan. d. Kailangan parin natin igalang ang ating mga guro kahit na sila ay minsan ng naging iresponsable e. Alamin muna natin ang mga rason kung bakit naging iresponsable ang isang guro f. Kailangang kausapin ng Unibersidad ang mga gurong nagpabaya sa kanilang mga tungkulin g. Kapag ang guro ay hindi pumasok walang matututunan ang mga mag-aaral h. Dapat magtalaga ang Pangulo ng batas para sa palaging pagliban ng guro upang iwasan na nilang gawin ang bagay naiyon.

Rekomendasyon Ang pananaliksik na ito ay buong pakumbabang iminimungkahi sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon: Para sa mga guro na minsan ng nagpabaya sa kanilang mga tungkulin, sa minsan o parating pagliban nila sa klase ng hindi 28

man lang nila sinasabi ang kanilang mga estudyante na minsan na nahusgahan ng mga tao dahil sa mga maling kilos na kanilang ginagawa. Kung maaari ay maging magandang ihimplo sa mga mag-aaral at sana ay gabayan ang mga estudyante upang kayo ang maging daan kayo upang makamit nila ang kanilang mga pangarap. Para sa mga mag-aaral huwag muna kayong manghusga sa mga guro kung sila man ay naging pabaya sa kanilang mga tungkulin dapat alamin muna natin ang kanilang mga rason kung bakit nagawa nila ang mga bagay naiyon. Kung minsan man nagkamali ang mga guro natin dapat ay bigyan natin sila ng pangalawang pagkakataon para matama nila ang mga maling bagay na nagawa nila.

29

Listahan ng Sanggunian

The key to Saving American Education, Evan Thomas and Pat Wingert- 2010, March 15

McCroskey at Richmond (1983) Prufrock Press May/June 1999 Williams Roach Publication Abstract- ProQuest Vicky A Williams Copyright American Sociological Association- April 2008

30

Appendesis

Mahal naming respondente, Magandang Araw! Ang mga katanungang nakasaad sa papel na ito ay isang pananaliksik at sarbey tungkol sa Saloobin, epekto at reaksyon ng mga mag-aaral hinggil sa palaging hindi pagpasok ng isang guro. Kaugnay po nito, kinakailangan namin ang inyong buong kooperasyon sa pagsagot sa mga katanungan nakatala sa ibaba. Tinitiyak po naming magiging konfidensyal ang mga impormasyong inyong ipinagkaloob.

Panuto: Bilogan ang napiling sagot na satingin mo ay tama. 1. Pangalan (OPSYONAL): ______________________________________ Kasarian: ____ Lalaki ____ Babae Kurso: _______________________ 2. Edad: _____ 15-17 _____ 18-19 _____ 20-21

31

_____ 22-pataas 3. Ano kaya ang saloobin ng isang mag-aaral hinggil sa palaging hindi pagpasok ng isang guro?
a. b.

Masaya, Dahil walang klaseng magaganap Namomoblema, dahil di nila alam ang tamang paksa para sa araw na iyon

c.

Galit, kasi nasasayang ang pera na ibinabayad sa paaralan at ang oras na dapat ay may natutunan na kami

4. Ano ang iyong magagawa bilang isang mag-aaral upang maibsan ang pagliban ng isang guro sa klase? a. Isusumbong ito sa punong guro para maparusahan ito b. Pabayaan lang ang guro sa mga ginagawa c. Maging aktibo at parating mag partisipa sa kaniyang klase upang mabuhay ng dugo ang guro at masabik sa pagtuturo 5. Ano ang magiging epekto ng palaging hindi pagpasok ng isang guro? a. Mahihirapan ang mga mag-aaral maintindihan ang mga paksa na dapat ang guro ang tumuturo b. Mawawalan ng gana ang mag-aaral na pumasok c. Mapapalihis ng landas ang mga mag-aaral dahil walang taong gumagabay sa kanila

32

6. Kung ikaw ay may guro na minsan lamang pumapasok sa klase magagalang mo pa kaya siya bilang isang guro? a. Oo, dahil guro parin natin siya at estudyante lang tayo b. Hindi, dahil hindi naman niya tayo binibigyan ng importansya bilang isang mag-aaral c. Siguro, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabibigyan natin sya ng respeto 7. Dapat bang taasan ng DepEd ang parusa sa mga iresponsableng guro? a. Oo, dahil sobra na ang pagabuso nila sa kanilang Propesyon b. Hindi, kasi hindi dapat natin sila husgahan ng maaga kung bakit nila nagagawa ang isang bagay na pwedeng mag alis ng kanilang titulo ng pagiging isang guro 8. Ano ang posibleng maisasagawa ng Unibersidad ng Mindanaw sa mga gurong parating lumiliban sa klase? a. Suspendihin ang guro b. Kausapin at bigyan ng babala ang guro c. Ipapatanggal sa Unibersidad 9. Sa iyong palagay, anong bagay kaya ang matututunan ng mga mag-aaral kung hindi pumasok ang mga guro? a. Wala, kasi wala namang nagtuturo sa kanila

33

b. Meron, natutunan nilang tumayo sa sariling paa at hindi na dumedepende sa guro 10. Ano ang maaring gawin ng ating presidente upang

maiwasan ang pagiging iresponsable guro? a. Magbigay ng parusa sa mga gurong nagiging iresponsable b. Magtala ng batas upang hindi na gawin ng mga guro ang nasabing problema c. Tanggalan ng lisensya ng nasabing guro

34

You might also like