You are on page 1of 7

EDUKASYON

“Dekalidad na Edukasyon”,ito ang sigaw ng bawat isa sa atin. Nagnanais oktayo na ito’y
matugunan ng institusyon kung saan tayo nag-aaral. Ang dekalidadna edukasyon ay
makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyangmakatutulong upang paunlarin
ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawainna ito ay ang responsibilad ng guro. Dapat niyang
malaman kung anu-ano ito saganoon ay makapagplano siya ng mga estratihiya na
makapagbibigay daantungo sa mas maunlad at produktibo na resulta sa performans ng mga
mag-aaral.

Ang edukasyon ay upang malaman ang mga bagay-bagay mula sa simulahangang sa katapusan
ng ating buhay. sa pagpapalawak ng kapangyarihan atkaalaman na ibinigay sa ating pag silang
dahil ang edukasyon lamang angtanging kayamanan na maaari nating ipagmalaki at hindi
mananakaw.

"Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao.Nakakatulong ito sa


pagpapa-unlad ng sarili at maging ang kinabukasan.Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para
makipagsapalaran sa buhay." sabi ni Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok
at matutonglumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang naang
edukasyon lamang ang tangi nilang maipapamana sa mga anak kayapinapayuhan silang mag-
aral mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyondaw ang pamanang kailanman ay hindi
mawawala sa tao at hindi mananakawninuman.

Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na programasa pag-aaral na inilatag ng


DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isangasignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay na
may kaugnayan sa atingWikang Pambansa.Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang
asignaturang itodahilan din na dito nakasalalay kung tunay nga bang isa ka o ako na Pilipino
PAANO MASUSUKAT ANG KAALAMAN SA PAMAMAGITAN NG

Sa K -12 Kurikulum ng Edukasyon, inaasahan na mababago ang pananaw sa larangan ng


Pagtataya. Binibigyang diin sa K-12 na ang pagtataya ay ginagamit bilang kagamitang panturo
tungo sa pagkatuto sa halip na isang paraan para sa layunin ng pagmamarka.  
Ang mga mag-aaral ay aktibong kalahok sa pagtataya at magagamit nila ang resulta ng
pagtataya para sa sariling pag-unlad. Kaya dapat na ang mga pagtataya ay tumutulong sa mga
mag-aaral na magtagumpay bilang malikhaing tagaganap na may kaalaman sa halip na taga-ulit
at taga-memorya ng ideya ng ibang tao.  

Ang pagsukat at pagkuha o ang pagbibigay ng ebalwasyon sa bawat marka o resulta ng isang
pagsusulit na isinagawa ng isang mag-aaral ay isang mahalagang kasangkapan sa pagkakaroon
ng isang mabisa at epektibong pagtuturo maging sa pagkakaroon ng isang magaling na mag-
aaral. Sapagkat, sa ebalwasyon masusukat ang mga kahinaan at kakayahan ng isang mag-aaral
kung paano ito binibigyang pansin gayun din sa kung paano bibigyan o ano ang ibibigay na
remedyo sa bawat kahinaang tinataglay ng isang mag-aaral. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi
lamang ang kahuluganng isang ebalwasyon ang matutuunan ng pansin kundi pati ang mga
kraytirya o ang mga katangian nito na dapat din ay isaalang-alang sa isang pagsusulit wika.
Kailangan din na alam ng isang guro ang mga katangiang ito dahil ito lang magiging batayan niya
sa kanyang gagawin na ebalwasyun sa pagsusulit.

Magiging gabay sa pag-aaral, ang teoryang pangkurikulum ni John Dewey na naniniwalang ang 2kurikulum
ay dapat na tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral upang makasabay sa hamon ng
modernisasyon. Pinagtuunan ng pansin ni Dewey ang pag-aaral sa kilos at gawi ng mga mag-aaral sa mga
aspektong social, constructive, expressive, at artistic. Naniniwala siyang dapat na natutulungan ng
kurikulum ang mga mag-aaral upang magkaroon ng diwa ng totoong mundong kanilang ginagalawan.
Naging batayan din ng pananaliksik na ito ang Facilitation theory na pinasimulan ni Carl Rogers. Sa teoryang
ito ang guro ay magiging tagagabay lamang sa pagtuklas ng mga mag-aaral ng bagong kaalaman.
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang tao ay may natural na kakayahan at kawilihan na matuto at sila ang
magiging responsable sa sariling pagkatuto. Ang mga teoryang ito ay ginamit sa pag-aaral sapagkat angkop
ang mga katangian nito sa kasalukuyang pananaliksik.2

Pagtataya. Bawat guro ay may iba-ibang paraan ng pagtataya na angkop sa sitwasyon,


kakayahan ng mag-aaral, uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo. Ang
pagtataya ay mahalagang bahagi ng pagtuturo dahil ito ang magiging batayan sa pagkakamit
ng itinakdang layunin ng pag-aaral. Kailangan ito upang masukat ang antas ng kaalaman at
kasanayang natutuhan ng mga mag-aaral sa isang aralin o gawain. Nakatutulong ito upang
kilatisin ng bawat mag-aaral ang sariling kalakasan at kahinaan na magiging pundasyon nila
upang higit pang mapaghusay dating kaalaman at palakasin ang karunungan at gawaing
kinakitaan ng kahinaan. Kapwa mahalaga ito sa guro at mag-aaral dahil ito ay isa mga
pamantayan na titiyak sa pagiging epektibo ng proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Ang mahusay
na pagtataya ay humihikyat sa aktibong pagkatuto – malikhain at mapanuring pag-iisip,
pagkilala sa sarili at pagkakaroon ng mulat na kamalayan sa nangyayari sa kanyang lipunan. 2
May tatlong anyo ng pagtataya- ang diagnostic, formative, at summative. Ang pagtatayang
diagnostic ang tumutulong sa mag-aaral upang sukatin ang kaalaman at kasanayang
nakatanim na isip, linawin mga maling konsepto at tukuyin ang kalakasan at kahinaan sa isang
partikular na kaisipan at kasanayan. Maibibilang sa ganitong mga pagtataya ang paunang
pagsusulit(pre-test), pagsusuri sa sarili (self assessment), at pakikipanayam (interview). Ang
pagtatayang formative naman ay nagaganap habang isinasagawa ang proseso ng pagtuturo at
pagkatuto. Sinusukat nito ang pagbabago ng pagkatuto ng mag-aaral sa klase. Halimbawa,
kapag may ginagamit na teknik ang guro sa gawain sa klasrum, ang pagtatayang formative ang
magbibigay hudyat sa guro kung gagamitin pang muli ang napiling teknik sa sunod na gawain
at sa ibang pangkat ng mag-aaral. Nakatutulong ito upang mabatid ng guro ang kanyang
husay sa pagtuturo. Isinasagawa ang summative na pagtataya pagkatapos ng pagtalakay sa
mahahalagang konseptong dapat pag-aralan. Ito ang nagbibigay ng feedback sa guro upang
matiyak niya kung talagang natutuhan ng mga mag-aaral ang kaalaman at kasanayang dapat
niyang matutuhan. Kadalasang gumagamit ng rubrik o pamantayan na ibinibigay ng guro bago
simulan ang anumang pagtataya. Ito ay upang masukat nang husay ng guro ang mga
3natutuhan ng kanyang mag-aaral. Kadalasang ito nasa anyo ng pagsusulit, pagbuo ng
proyekto at pagtatanghal ng gawain.3

Pagtuturo. Ang pagtuturo ay hindi madaling gawain. Hindi sapat na maituro ng isang guro
kung ano ang mga araling/paksang nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung paano niya ito
maituturo at matutunan ng kanyang mga estudyante. Ang kahusayan ng pagtuturo ay
nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi sa dami ng mga natutuhan ng kanyang mga
estudyante. Taglay niya ang kaalaman sa aralin habang bukas sa iba pang bagong kaalaman sa
kanyang erya. Nagbabahagi siya ng kaalaman at kagamitan at karanasan. Angkin niya ang
katangiang intelektuwal, emosyonal, sosyal, ekonomiko, at pisikal. At dahil ang kurikulum ay
interaktibo, inaasahan siyang maglunsad ng mga gawaing magbibigay sa mga estudyante ng
pagkakataong magtagisan ng talino o magpalitan ng mga ideya.

Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto sapagkat hindi lamang pagpapahayag ng


sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensaheng ipinahahayag ng iba pang
kasangkot sa interaksyon. Sa tradisyonal na talakayan sa klasrum, ang guro ang laging sentro
ng talakayan, siya ang may malaking bahagdan ng gawain lalo na sa pagsasalita samantalang
ang mga mag-aaral ay tagapakinig o tagasunod lamang. Ang epektibong pagkatuto ay may
aktibong interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante ,at estudyante sa kanyang kapwa
estudyante. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubay/pasiliteytor lamang sa iba’t ibang gawain
sa klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong nakikilahok sa iba’t ibang gawain. Sa
interaksyon ng mga estudyante sa kapwa estudyante, kailangang bigyan sila ng4

PAGTATAYA O PAGSUSULIT

Ang pagsusulit o eksaminasyonng pagtataya na naglalayong sukatin ang kaalaman, kasanayan,


kakayahan, kalakasan ng katawan, pagkamarapat sa iba pang paksa (halimbawa ay ang
pinaniniwalaan) ng nagsusulit. Ang pagsusulit ay maaaring pangasiwaan na pasalita, sa papel, sa
kompyuter, o sa isang limitadong lugar na ngangailangan ng pisikal na pagganap ng mga
kasanayan ng nagsusulit. Ang mga pagsusulit ay nagkakaiba rin sa estilo, hirap at mga
pangangailangan.

Halimbawa, sa isang pagsusulit kung saan nakasarado ang aklat, ang nagsusulit kadalasan ay
kailangang umasa sa kanyang memorya upang makasagot sa partikular na aytem samantalang
sa pagsusulit na nakabukas ang aklat, ang nagsusulit ay maaaring gumamit ng is o marami pang
karagdagang kasangkapan katulad ng sangguniang aklat o kalkulador sa pagsagot sa isang
aytem. Ito rin ay maaaring pormal o di-pormal na pangasiwaan. Halimbawa ng di-pormal na
pagsusulit ay ang pagbabasa ng bata na pinangasiwaan ng kanyang magulang.

Halimbawa naman ng pormal na pagsusulit ay ang huling eksaminasyon na pinangasiwaan ng


guro sa klase o kaya ang pagsusulit ng I.Q. na pinangasiwaan ng sikologo sa klinika. Ang
kadalasang resulta ng pormal na pagsusulit ay naka-grado o test score. Ang grado ay maaaring
ipakahulugan na may pagsasalang-alang sa pamantayan o uliran o silang dalawa minsan. Ang
pamantayan ay maaaring buuin ng malaya, o sa pamamagitan ng estatdistikang pagsusuri sa
malaking bilang ng mga kalahok.

Ang naka-pamantayang pagsusulit ay anumang pagsusulit na pinangangasiwaan at binibigyang


grado sa di-nagbabagong paraan upang matiyak ang kakayahang magpagtanggol sa legal na
paraan. Ang mga naka-pamantayang pagsusulit ay madalas ginagamit sa edukasyon,
sertipikasyong propesyunal, sikolohiya (halimbawa ay MMPI), militar, at iba pang larangan.

Ang di naka-pamantayang pagsusulit ay karaniwang sunud-sunuran sa saklaw at ayos,


nagbabago sa kahirapan at kahalagahan. Ang ayos at hirap ng pagsusulit na ito ay hindi gaanong
hinahalaw o ginagamit ng ibang tagapagturo o institusyon sapagkat ang mga pagsusulit na ito ay
karaniwang binuo ng mga indibiduwal na tagapagturo. Ito rin ay maaaring gamitin sa pag-alam
ng antas ng kasanayan ng mga mag-aaral, para udyukin ang mga mag-aaral na mag-aral, at para
mabigyan ng tugon ang mga mag-aaral. Sa ilang pagkakataon, maaaring bumuo ang mga guro
ng di naka-pamantayang pagsusulit na katulad sa saklaw, ayos, at kahirapan ng naka-
pamantayang pagsusulit sa layuning ihanda ang mga mag-aaral sa darating na naka-
pamantayang pagsusulit. Sa kahulihan, ang kadalasan at tagpuan kung saan pinangangasiwaan
ang mga di naka-pamantayang pagsusulit ay lubhang magkakaiba at karaniwang pinamamahala
ng haba ng panahon ng klase. Ang tapagaturo sa klase halimbawa ay nangasiwa lingguhang
batayang pagsusulit o kaya nama'y dalawang beses sa semestro. Ang haba ng bawat pagsusulit
ay maaaring tumagal lamang ng limang minuto ng buong klase depende sa patakaran ng
tagapagturo o institusyon
NECESSARY

sa mag-aaral na may talento sa pagsulat% po+erpointpresentation% pagsasadula at marami


pang iba na may relasyonsa itinuturo. 8indi dapat na pilitin ang mga mag-aaral naga+in ang
mga bagay na hindi nila gusto para lamang maymaipakitang a+tput pagkatapos ng aralin.
Magiging hindimakabuluhan ang pagtuturo kung hindi naman natuto ang mag-aaral sa
paraang gusto at kaya ng kanyang lebel ngpagkakatuto.

Sa naging obserbasyon ng mananaliksik% mapapansin naang resulta ng ,ational Ahieement


#est (,A#) ay mababa./ilan lamang ang mga paaralan na umabot sa 34 bahagdan.
Saasignaturang 7ilipino% 4.!3 < ang nakuha sa buong =robinsyang Sorsogon sa nakaraang
taon.Kung kayanangangailangan ang mga guro ng paraan upang tumaas angresulta ng

Marami rin ngayon ang bilang ng drop out rate ba+attaon. /sa marahil sa dahilan ay hindi
nahihikayat nangmaayos ang mga mag-aaral na maging masigasig sa kanilangpag-aaral.
Marahil hindi sila naging interesado at nagkulangsa motibasyon upang sila ay magtapos o
makapasa.

Kung kaya% napapanahon na gumamit ng estratehiya angisang guro upang makatugon sa


pagbabagong hinihingi sasistema ng edukasyon. Sa pagbabagong ito nangangailangan na ang
mga taong may kinalaman dito kung ano ang mga nararapatna paraan upang matugunan ang
pangangailangan ng mga mag-aaral. Sapagkat sa ngayon% mapapansin na ang mga mag-
aaralay may kanya-kanyang pangangailangan pang- akademiko at mayiba’t ibang interes sa
pag-aaral.

You might also like